You are on page 1of 5

Ang Alamat ng Sampung Datu

Sampung datu ang naglakbay patungo sa bagong lupain. Umalis sila sa Borneo upang
makaiwas sa kanilang pinuno na masyadong malupit.
Pinamunuan ni Datu Puti ang pag-alis sa kaharian ni Sultan Makatunaw. Isang gabi, sampung
datu ang sakay ng balangay at naglakbay ng araw at gabi. Matagal na silang naglalakbay
ngunit panay dagat lamang ang kanilang natatanaw. Unti-unti na silang nawawalan ng pag-
asa.
Narating nila ang pulo ng Panay. Nagpakilala sila at
naghandog ng pakikipagkaibigan. Tinanggap naman sila ni Marikudo ang pinuno ng mga
Atis. Nakiusap naman sila na payagang makipanirahan sa pulo nina Marikudo. Nagpasiya ang
mga Atis na ipagbili ang isang bahagi ng lupain sa mga datu. Binayaran ang mga Atis
sapagkat tinulungan pa silang makapagsimula ng kabuhayan.
Natuwa si Maniwantiwan, asawa ni Marikudo, sa suot na kuwintas ni Pinangpangan, asawa ni
Datu Puti. Buong puso namang inihandog ni Pinangpangan ang kuwintas sa bagong
kaibigan. Simula noon ay namuhay na nang magkasama ang mga datu kasama ang
kanilang pamilya at ang mga katutubong Atis. Ang kuwentong ito ang
nagsasabi ng alamat ng ating mga ninuno.
Ang Alamat ng Unang Lalaki at Babae
Maraming kuwento tungkol sa pinagmulan ng unang babae at lalaki. Bawat rehiyon sa bansa
ay may sariling kuwento.
Malakas at Maganda
Isang ibong kulay abuhin ang naghahanap ng makakain. Nahila niya ang isang uod na
nakasiksik sa isang puno ng kawayan. Tinuka niya nang tinuka ang bahaging ito upang makuha
at makain ang uod. Hindi niya tinigilan ang pagtuka hanggang sa mabiyak ito.
Nakatakas ang uod ngunit lumakas ang dalawang nilikha na tinawag na Malakas at
Maganda. Si Malakas ay matipuno at guwapong lalaki. Si Maganda ay mahinhin, balingkinitan
ang katawan at masipag. Sila ang kauna-unahang babae at lalaki sa lahi ng mga Tagalog.
Mag-asawang Mandayan
Noong unang panahon, nangitlog ng dalawa ang ibong Limokon. Ang isa ay inilagak sa may
bukana ng ilog. Ang ikalawa ay inilagak sa may duluhan. Nang mapisa ang mga itlog, lumabas
ang unang lalaki at unang lalaki. Dumaan ang panahon ngunit hindi nila nalalaman na
nabubuhay ang bawat isa.
Isang araw ay muntik nang malunod ang lalaki dahil napuluputan ng mahabang buhok ang
kanyang paa. Hinanap niya kung saan nanggaling ang mahabang buhok at nakita niyang
naliligo sa may duluhan ang isang napakagandang babae. Nagpakilala ang lalaki at sila ay
nagkaibigan. Sila ang ninuno ng mga Mandayas.
Uvigan at Bugan
Matapos gawin ang daigdig ginawa ni Mak-no-ngao, ang pinakadakilang diyos ng Ifugao ang
unang lalaki. Tinawag niya itong Uvigan. Gusto niyang maging maligaya si Uvigan kaya
ibinigay niya dito ang buong daigdig. Ngunit malungkot pa rin si Uvigan. Inisip ni Mak-no-ngao
na kailangan ni Uvigan ng kasama kung kaya’t ginawa niya si Bugan ang unang
babae. Natuwa si Uvigan.
Simula noon ay namuhay nang tahimik at masaya sina Uvigan at Bugan.
Sicalac at Sicavay
Noong unang panahon si Kaptan ay diyos na may kakayahang lumikha. Nagtanim siya ng isang
damo. Nang lumaki ang dahon nito ay biglang lumitaw ang isang babae at lalaki. Ang lalaki
ay si Sicavay.
Isang araw, hinimok si Sicalac na mapangasawa si Sicavay ngunit tumanggi si Sicavay sapagkat
sila ay magkapatid. Tinanong ng dalawa ang hangin, ang mga hayop, ang dagat at
humingi ng payo tungkol sa kanilang kagustuhan. Pumayag ang lahat at sinabing maaari silang
maging mag-asawa upang dumami ang tao sa mundo.
Ang Alamat ni Mariang Makiling
Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay
tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig,
namimili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang
alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon,
sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.
Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring
nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi
karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.
Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (silk) na may
borda (embroidered) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot
hanggang sakong (heel) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha (pomelo). Marikit
ang kanyang mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya,
yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati.
Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang
mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala
pang salapi nuon, at ang bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay -
sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (silk).
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai,
upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng pamilihan nuon, at
lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo
upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga paninda. Nanduon din nuon si Mariang Makiling
at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa pagtawad sa isang
piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga
balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni
Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.
Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin
sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya
si Maria nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat
Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang
Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao
kapag nagigipit, ay lumalapit sa mga diwata at humihingi ng tulong, at pakay naman ng mga
diwata ang tumulong sa mga tao.
Isa pang dahilan na hindi nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na
tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan
ang dalawang magka-ibang nilalang.
Ang Alamat ni Bernardo Carpio
Nang ang Pilipinas ay sakop pa ng mga Kastila ay may mag-asawang naninirahan sa
paanan ng bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay
mabait, masipag, matulungin, at maka-Diyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama
ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin
sa kapwa lalo na sa tulad nilang naghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang
pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silang umaasa na balang
araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.
Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni
Bathala at dininig ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay
biniyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala
ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig at kagandahang loob
na ipinamalas ng kanyang mga magulang.
Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo pa lang
mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya
minsan ay muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi
naagapan ng isang Kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang
magturo ng Kristiyanismo.
Sa suhestiyon ng Kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay
pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang pangalan
kay Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa
bansang Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay ni Bernardo
Carpio sa Pilipinas.
Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo. Mahigit
isang taon pa lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang
paglalaro. At kapag isinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na
binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanan sa masukal na
kagubatan ng San Mateo.
Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang
loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa
bangin at napilay. Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan ang
kabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo sa bangin at dinala sa
kanilang bahay upang gamutin at alagaan.
Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa kanyang
mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan upang mabilis itong gumaling at
nagsimulang nagpamalas din ng pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis
ang kabayo ay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging
magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.
Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at
kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipino ay dumating
din ang panahon na hindi na nila matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga
kalalakihan ay nagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sa hangaring
ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa kanyang taglay na
pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong
himagsikan laban sa mga Kastila.

You might also like