You are on page 1of 5

ALAMAT NI MARIANG MAKILING(ALAMAT)

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay
tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig,
namimili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat
ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat
Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.
Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring
nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi
karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.
Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (silk) na may
borda (embroidered) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang
buhok, abot hanggang sakong (heel) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha
(pomelo). Marikit ang kanyang mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa
kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati.
Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang
mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala
pang salapi nuon, at ang bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa
mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla (silk).
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai,
upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng pamilihan nuon, at
lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo
upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga paninda. Nanduon din nuon si Mariang
Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa pagtawad sa isang piraso ng balat ng
hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan
silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat
hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.
Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin
sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si
Maria nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat
Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang
Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao
kapag nagigipit, ay lumalapit sa mga diwata at humihingi ng tulong, at pakay naman ng mga
diwata ang tumulong sa mga tao.
Isa pang dahilan na hindi nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na
tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan
ang dalawang magka-ibang nilalang.
Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong


kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang
kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit
pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang
magiging pamilya nila.May isang datu na tumandang binata dahil sa
paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa
pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay
pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa
upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.Napilitang
mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang
datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.
Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng
konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang
napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil
sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal
kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.Ang isa sa dalagang
pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing.
Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na
mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.
Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan
upang magmukhang bata ang asawa.Ah! Bubunutin ko ang mapuputing
buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang
siya.Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang
datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito,
madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.Mahal din ng datu si
Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang
matanda.Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na
ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.Dahil sa
ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang
datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di
kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla
nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.Kalbo!
Kalbo, ako! sigaw ng datu.Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni
Hasmin at ni Farida.
ANSWERS:
Q1.The source of the wave pulse is vibration because of a quick shake at one
end of the rope.
Q2. When we create the pulse, means we increase our heartbeat then, veins in
our hand can be visible by us more clearly, & our hand starts vibrating, as a
pressure applying on it.
Q3. The source is moving towards the detector. 2) The motion of the sender
does not have any impact on the speed at which the pulses actual travel & it is
also assumed that pulses are sent with same frequnecy as that of before.
Q4. The colored ribbon didn't transport from its initial/original position to the end
of the rope. But if it's really a coil spring:The colored ribbon, still didn't
transport from it's initial/original position to the end of the rope because it seems
impossible.
Q5. It Moves Up and Down, Away from the Source. Perpendicular. No. It moves
in perpendicular direction.
Q6. The colored ribbon didn't transport from its initial/original position to the end
of the rope. But if it's really a coil spring:The colored ribbon, still didn't
transport from it's initial/original position to the end of the rope because it seems
impossible.
Q7. The colored ribbon doesn't move ,it only moves up and down but as the
vibration continue ,the colored ribbon doesn't move further.Like the duck in a
lake, it doesn't move or go with the flow it only stays and moves up and down
Q8. Yes, the waves set the paper boat to move. Energy is required to set and
object into motion.
Q9. If you exert more energy in creating periodic waves by tapping the surface
using greater force, this would greatly affect the movement of the paper boat.
The paper boat may move sideways trying hard to balance because the boat will
totally be shaken by the waves
Q10.As shown in the figure the passage of a wave across a surface of a body of
water involves the motion of particles following a CIRCULAR pattern about their
original position.
Q11. Waves do not transport water molecules from the source of vibration. You
should remember that wave only carries energy hence, it does not carry
molecules or particles with it.Waves carry energy by making the particles move
back and forth or up and down bumping each other. In this situation, the particles
are not carried away but their movement caused the transfer of energy from one
particle to another as the bump each other.

You might also like