You are on page 1of 10

Ang Alamat ng Daigdig

Ang mga alamat tungkol sa pinagmulan ng daigdig ay


marami. Maaaring ito ay nagmula sa iba’t-ibang
rehiyon ng bansa. Gayon pa man, ang lahat ng ito ay
kabilang sa unang panahon ng kasaysayan ng ating lahi.

Noong unang panahon mayroon lamang langit at


dagat. Ang bathala ng langit ay si Kaptan. Ang bathala
ng dagat ay si Magwayen. May anak si Kaptan. Ang
pangalan ay Lihangin. May anak si Magwayen. Ang
pangalan ay Lidagat. Ipinakasal nila ang kanilang mga
anak. Nagkaanak ang mag-asawa ng apat na lalaki. Ang
mga pangalan ay Likalibutan, Ladlaw, Libulan at Lisuga.

Nang lumaki ang mga bata hinangad ni Likabutan na maging hari ng sansinukob. Nahikayat niya si Ladlaw at
Libulan na salakayin ang langit. Pinilit nilang buksan ang pinto ng langit.

Galit na galit si Kaptan nang malaman ang ginawa ng tatlo. Pinaalpasan niya ang mga kulog at ihinampas ito sa
magkakapatid. Naging bilog na parang bola sina Libulan at Ladlaw. Ang katawan ni Likalibutan ay nagkadurog-
durog at kumalat sa karagatan.

Dumating si Lisuga at hinanap ang kanyang mga kapatid. Nagpunta siya sa langit. Galit pa rin si Kaptan kaya
pati si Lisuga ay hinambalos din niya ng kulog. Ang katawan ni Lisuga ay nahati at lumagapak sa ibabaw ng
mga pira-pirasong katawan ni Likalibutan.

Lumipas ang panahon pati na rin ang galit ni Kaptan. Kaya binuhay niya ulit ang mga pinarusahan. Si Ladlaw
ay ginawang Adlaw (araw) si Libulan ay naging Bulan (buwan). Si Likalibulan ay tinabuan ng mga halaman at
naging sanlibutan. Si Sibulan ang pinagmulan ng unang babae at lalaki na tinawag na si Lalak at si Babay.

Ang iba namang alamat ng daigdig ay sinasabing nagmula sa mga nandayuhang Indonesyo.

Noong unang panahon ay wala kundi langit, dagat at isang ibong lipad ng lipad sa pagitan ng langit at
dagat. Sa katagalan ay napagod ang ibon ngunit wala siyang madapuan upang makapagpahinga.

Naisipan ng ibon na pag-awayin ang langit at ibon. At natupad nga ang kanyang plano. Nagalit ang langit at
naglaglag ito ng maraming bato sa dagat. Sa mga batong ito dumapo ang ibon. Sa katagalan ang mga bato ay
tinubuan ng mga puno at halaman.

Isang araw habang lumilipad ang ibon, napansin niya ang kapirasong kawayan na lulutang-lutang sa
tubig. Tinuka nang tinuka hanggang sa mabiyak. At sa isang bahagi ay lumitaw ang unang babae na ang
ngalan ay si Babay at sa kabila ay ang unang lalaki na ang pangalan ay si Lalak.
Magaganda at mababango ang mga bulaklak sa ating bansa. Isa na rito ang bulaklak
ng Dama de Noche. Natatangi ito sa mga bulaklak sapagkat lunti ang kulay nito at sa
gabi ito humahalimuyak sa bango. Narito ang isang kuwento na nagpapaliwanag kung
bakit sa gabi humahalimuyak sa bango ang bulaklak ng Dama de Noche.
Noong unang panahon ang mga pamayanan o mumunting kaharian sa ating kapuluan ay
pinamumunuan ng mga datu at sultan. Sila ay iginagalang at pinagsisilbihan ng mga
taong kanilang mga nasasakupan. Nasusunod nila ang bawat
maibigan. Nakapamimili sila ng babae na pakakasalan nila.
Ganito ang katayuan ni Datu Makisig. Bata pa siya at makisig kaya maraming dalaga na
anak ng matatandang datu at sultan sa karatig na mga kaharian ang nagnanais na
maging asawa niya. Ngunit walang mapili si Datu Makisig sa kanila.
Minsan sa pagbibisita ni Datu Makisig sa malayong pook na nasasakop ng kanyang
kaharian ay nakita niya si Dama. siyang dalagang mahirap ngunit ubod ng
ganda. Sinuyo si Datu Makisig ang dalaga at ang mga magulang
nito. Hindi nagtagal, sila ay pinagtaling-puso.
Naging mabuting maybahay si Dama. Gumanda ang palasyo ng munting kaharian ni
Datu Makisig. Lagi na itong malinis at maayos. Nagkaroon ito ng mga palamuti. Masasarap ang pagkaing niluluto
ni Dama para kay Datu Makisig at sa kanyang mga nagiging panauhin. Winiwisikan niya ng pabango ang kanilang silid
upang mahimbing ang tulog ng asawang datu.
Kung ilan ding taong maganda ang pagsasama ni Datu Makisig at ni Dama. Ngunit hindi sila magkaroon ng mga anak. Ito
ang naging dahilan nang pagbabago ng datu. May mga panahong hindi na siya umuuwi kung gabi at hindi na niya
kinakain ang pagkaing niluluto ni Dama. Madalang na rin niyang kausapin ang asawa.
Dinamdam ni Dama ang pagbabago ng mahal niyang asawa. Gayunman, higit niyang pinagbuti ang pagsisilbi sa asawang
datu. May mga gabing hindi siya kumakain at natutulog sa pag-aantay kay Datu Makisig. Dahil dito, humina ang
katawan ni Dama hanggang sa siya ay magkasakit.
Isang gabi, umuwi si Datu Makisig. Gaya ng dati, nalanghap niya ang pabango sa kanilang silid ngunit nakaratay sa sakit
si Dama.
Mahal na Datu, malubha ang sakit ng mahal na reyna, wika ng mga manggagamot sa nasa tabi ng maysakit na si Dama.
Naawa si Datu Makisig sa maysakit na asawa. Kinalong niya at hinagkan ang asawa at saka siya humingi ng
tawad. Nagmulat ng mata si Dama, yumakap sa datu at may ngiti sa labing sinabi: Salamat at dumating ka. Mahal
kita. Ibig kong paglingkuran ka pa. Ngunit kinukuha na ako ni Bathala. Paalam mahal kong datu.
Nagluksa ang munting kaharian ng datu sa pagkamatay ng mahal nilang reyna. Nagsisi si Datu Makisig. Ang nalulungkot
na Datu ay nakakita ng isang lunting halaman sa puntod ni Dama. Inalagaan niya ito nang mabuti at hiniling niya kay
Bathala na pamalagiing lunti ang halaman sa puntod ni Dama.
Lumipas ang maraming araw. Lumaki at lumago ang halamang inaalagaan ni Datu Makisig. At dumating ang araw na
sumulpot ang bulaklak ng halaman.
Lunti ang mga bulaklak, wika ng datu. Dininig ni Bathala ang aking pakiusap. Salamat sa bigay ninyong alaala sa akin
ni Dama.
Nang gabing iyon, may nalanghap na pabango ni Dama si Datu Makisig. Hinanap niya ang
pinagmumulan ng halimuyak ng pabango sa kanyang silid. Ngunit wala siyang nakita sa halip naamoy na muli niya ang
mabangong halimuyak na waring nanggagaling sa halaman sa puntod ni Dama. Dali-dali niyang pinuntahan ang
halaman. Natiyak ni Datu Makisig na ang mga bulaklak na lunti ang pinagmumulan ng mabangong
halimuyak ng pabango ni Dama.
Magmula na noon, tuwing gabi ay laging makikita si Datu Makisig sa tabi ng halaman na sinasamyo ang
halimuyak ng bulaklak na alaala ng yumaong asawa. Hanggang isang umaga nakita ng mga alagad ng datu na
wala ng buhay si Datu Makisig na nakayakap sa tabi ng halamang lunti.
Lumipas ang mga taon. Dumating ang mga Kastila sa dating munting kaharian ni Datu Makisig. Napansin nila ang
halamang lunti sa bawat bakuran ng tahanan. Sa pagtatanong-tanong ay nalaman nila ang magandang
kuwento ng halamang lunti at ang pag-iibigan nina Datu Makisig at Dama. Tinawag nilang Dama de Noche ang bulaklak
na lunti dahil sa gabi ito bumabango. At magmula na noon tinawag ng lahat na Dama de Noche ang lunting bulaklak na
alaala ni Dama kay Datu Makisig.
Ang Alamat ng Ibong Maya

Si Rita ay isang batang lubhang


malikot. Ang kanyang ina ay laging
naiinis sa mga ginagawa
niyang hindi dapat gawin ng mga
batang katulad niya.
Isang araw, ang kanyang ina ay
nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa
kanyang ina. Siya'y gutom na gutom
sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang
nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang
lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan
siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang
pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa
pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa
lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyang buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na
ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay
si Rita, ang tinatawag ngayong Maya.
Ang Alamat ng Makahiya

Noong araw, may isang punong ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay napakaganda. Ang dahon
nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin. Dahil
dito, naging mapagmalaki ang punong ligaw.

Minsan, umulan nang malakas. Ang masipag na si Langgam na naghahakot ng inipong pagkain
ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam sa pinakamalapit na
halaman. Nagkataong ito pala ang punong ligaw.

Nagalit ang punong ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Langgam Inuga niya ang
kanyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-awang si Langgam. Naawa si Alitaptap
kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at inianod sa tubig. Kumapit dito si Langgam at siya ay
nasabit sa Punong Tubo. Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng pagkain.

Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng hayop at


halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Tubo at si Alitaptap. Binigyan ni
Diwata ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis ang Punong Tubo. Samantala
pinarusahan ni Diwata ang palalo at mapagmalaking damong ligaw. Nawala ang taglay nitong
bango at siniputan ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang damong ligaw kaya
itinitikom niya ang kanyang mga dahon tuwing ito'y masasaling. Mula noon, nakilala ang
punong ligaw sa tawag na Makahiya.
Ang Alamat ng Bigas
Noong araw, ang bigas ay hindi kilala rito sa ating bayan. Ang kinakain ng ating mga ninuno ay mga
bungangkahoy, gulay, isda, ibon at mga maiilap na hayop na kanilang nahuhuli sa
kagubatan. Hindi sila marunong magbungkal ng
lupa. Hindi rin sila marunong mag-alaga ng hayop.

Kapag sa isang pook na tinitigilan nila ay wala na silang makuhang


isda, gulay, bungangkahoy at mga hayop ay lumilipat sila sa ibang
pook.

Maligaya sila sa ganoong pamumuhay. Samantalang ang mga lalaki ay


nangangahoy o kaya’y namamana ng ibon. Ano man ang pagkaing
makuha ay pinaghahatian ng lahat.

Isang pulutong ng mga mangangaso ang nakarating sa kabundukan ng


Cordillera dahil sa paghabol sa isang baboy-ramo. Dahil sa matinding
pagod sila ay nagpahinga sa lilim ng isang malaking puno. Mataas na
noon ang araw. Nakaramdam na sila ng kaunting pagkagutom.

Isang lalaki at babae ang may anyong di pangkaraniwan ang


natanawan nilang papalapit sa kanila. Kinabahan ang mga mangangaso. Iyon ay ang mga Bathalang
naninirahan sa bundok na yaon at dali-dali silang nagtindig at nagbigay galang sa bagong dating. Natuwa ang
mga Bathala sa kanilang pagiging mapitagan. Kinamusta sila at tuloy inanyayahan sa piging ng mga
Bathala. Hindi tumanggi ang mga mangangaso at sumunod sila sa mga Bathala. Naghanda ng pagkain ang
mga alagad ng Bathala at sila ay nagsitulong. Isang Bathala ang lumapit sa kanila. Kumuha ito ng kaputol na
kawayan at tinuhog ang piraso ng mga katay na hayop. Inilagay ito sa ibabaw ng baga.

May mga bigas sa kawa sa apoy ng utusan ng mga Bathala. Ang laman ng kawa ay mapuputing butil at
pinagtumpok-tumpok sa mga dahon ng saging sa hapag kainan. Sa bawat tumpok ay naglagay ng inihaw
na laman ng hayop, mga gulay at bungangkahoy. Naglagay rin sila ng giyas ng kawayang may lamang malinaw
na tubig. Iyon ay alak ng Bathala.

Nag-atubili ang mga mangangaso at sinabing hindi sila kumakain ng uod. Natawa ang mga Bathala.

Iyang mapuputing butil na inyong nakikita ay hindi uod kundi kanin o nilutong bigas. Bunga iyon ng halamang-
damong inalagaan dito.

Tinikman nila ang kanin at sila ay nasiyahan at ang nanghihina nilang katawan ay biglang lumakas. Pagkatapos
ng piging sila ay nagpasalamat at nagpaalam na. Nang sila ay papaalis na ay binigyan sila ng tig-iisang sakong
palay.

Itinuro ng Bathala ang paraan na dapat gawin para ito ay maging bigas at tuloy maisaing. Itinuro din ang
pagtatanim. Sumunod ang mga tao.

Kaya mula noon, ang bigas ay nakilala na ng ating mga ninuno; natuto silang magbungkal ng lupa, mag-alaga
ng hayop at magtayo ng mga tahanang palagian.
Ang Alamat ni Mariang Makiling
Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan,
ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-
kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga,
nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa at iba
pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang
ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol
sa dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon,
sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa
nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-


asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga
magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (silk) na may borda
(embroidered) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong (heel) ang
haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha (pomelo). Marikit ang kanyang mga mata kaya pati mga babae ay
naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang mga Aeta, bitbit
ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang bilihan
sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla
(silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang mamili at
mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng pamilihan nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa.
Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga
paninda. Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa pagtawad sa
isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at
nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat
hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa malayo.
Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila.
Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan
man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong sa mga tao. Nuon
kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit, ay lumalapit sa mga diwata at humihingi ng tulong, at pakay naman ng
mga diwata ang tumulong sa mga tao.

Isa pang dahilan na hindi nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si
Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang nilalang
Saan Nagmula ang Lawa ng Sampalok?

Ang Lunsod ng San Pablo ay kilala sa


pagkakaroon ng maraming lawa o katawan ng
tubig sa mga burol at bundok. Dahil dito
tinawag itong Lunsod ng Pitong Lawa. Isa sa
pinakamaganda at pinakamalawak na lawa sa
Lunsod ng San Pablo ay ang Lawa ng Sampalok.

Ayon sa matatanda, dati raw maganda't


malawak na halamanan ang Lawa ng Sampalok na nasa lunsod ng San Pablo. Sa gitna ng halamanang ito ay
may isang magarang bahay at sa tabi nito ay may malaking puno ng sampalok. Balita saan mang dako na ubod
ng tamis ang bunga ng puno ng sampalok. Ngunit napakadamot nila kaya nilalayuan sila ng mga ito.

Minsan, may isang matandang pulubi na nagsadya sa magandang bahay upang makiusap ng sampalok na
makagagamot sa kanyang ubo. Kumatok siya sa pintuan ng magarang tahanan. Nabuksan ang pintuan ng
magarang tahanan ngunit nang makita ng mag-asawa ang pawis-pawisang pulubi ay hindi nila pinatuloy ang
kaawa-awang matanda.

Kinabukasan, nagbalik ang matandang pulubi sa magarang tahanan. Nang mabuksang muli ang pintuan ng
magarang tahanan ay naroroon na naman ang matandang pulubi. Paulit-ulit na nakiusap ang matanda ng
bunga ng sampalok sa mag-asawa na makakagamot sa kanyang sakit. Nagalit ang mag-asawa. Sinigawan at
pinalayas nila ang matanda.

Biglang nawala ang matanda! At sa isang iglap nagdilim ang langit. Lumindol at bumuka ang lupa. Lumubog
ang halaman na kasama ang magarang bahay at ang mag-asawa. At bumukal dito ang tubig. Patuloy ang
pagbukal ng tubig hanggang sa mapuno ang buong halamanan. At magmula na noon nanatili ang malawak na
katawan ng tubig sa dating halamanan ng masungit na mag-asawa. Kumalat ang balita sa buong pamayanan
ng dahilan ng pagkakaroon ng lawa sa dating halamanan ng mag-asawa. Tinawag ito ng mga tagaroon na
Lawa ng Sampalok.
Saan Nanggaling ang Araw, Buwan at mga Bituin?

Kayganda ng buwan! Kay init ng


araw! Kay ganda ng mga bituin! Saan-
saan sila galing? Ayon kay Impong
Tasyo ganito raw ang kuwento:

Noong unang panahon, malapit ang


langit sa lupa. Iisang lalaki at iisang
babae ang nakatira noon sa mundo.
Ang pagtatanim ng palay ang kanilang
ikinabubuhay. Noon, binabayo pa
nila ang palay bago sila magsaing.
Kung ano ang hirap ng pagtatanim ay ganoon din ang hirap ng pagbabayo ng palay.

Minsan, maagang umalis ng bahay ang lalaki upang magtanim ng palay. Naiwang nag-iisa ang babae sa bahay.
Upang hindi tanghaliin ng pagsasaing, naghanda naman ang babae ng pagbabayo ng palay. Inalis din niya ang
kanyang suklay. Isinabit niya ang mga ito sa kalapit na punongkahoy. Nakita rin ng babae na wala ng gatong
ang apoy sa tabi ng punongkahoy. Upang hindi mamatay, nanguha siya ng kahoy at kanya itong ginatungan.
Saka pa lamang siya nakapagsimulang magbayo ng palay.

Nagbabayo pa ang babae nang dumating ang lalaki. Upang maging madali ang pagbabayo, tinulungan ng lalaki
ang babae. Napansin ng lalaki na maliit ang halong ginagamit niya kaya mahina itong ibayo. Pinalitan niya ito
nang higit na malaking halo.

Sa tuwing itataas ng lalaki ang halo, tumatama ito sa langit. Tumawag at nanalangin ang lalaki kay Bathala,
Tumaas sana ang langit!

Sa isang iglap, umugong nang malakas. Tumaas ang langit. Nadala sa pagtaas ng langit ang suklay at kuwintas
ng babae. Nadala rin ang palayok at ang apoy na nasa tabi ng puno. Ang suklay ay naging biyak na buwan.
Ang mga butil ng kuwintas ay naging bituin. Ang palayok ay naging bilog na buwan at naging araw naman ang
nagliliyab na apoy.

Ngayon ang mga ito ay makikita natin sa langit. Kapag madilim ang gabi, kumikislap ang mga bituin at
maaalala natin ang butil ng kuwintas ng babae. Sa pagbilog at pagliit ng buwan maaalala naman natin ang
suklay at palayok ng babae. Sa pagsikat ng araw tuwing umaga ay maaalala naman natin ang nagliliyab ng
apoy na nakasama sa pagtaas ng langit.
Ang Alamat ng Duryan

Noong unang panahon, si Sultan Makan-ali ay nagpakasal sa isang katulong. Nagkaroon sila ng anak na babae
at tinawag nila itong Duri. Hindi namana ni Duri ang magandang mukha ng kanyang ina kaya walang manligaw
sa kanya. Ngunit sa kabila ng pangit na mukha ni Duri ay mayroon naman siyang malinis at magandang
kalooban.

Naging malungkot ang buhay ni Duri. Bagamat masagana ang kanyang buhay ay malungkot pa rin siya
sapagkat wala siyang kaibigan. Lahat ng kasing-edad niya ay nangagsipag-asawa na. At lalo pang nalungkot
sapagkat masaya ang mga ito sa piling ng kanilang pamilya.

Sa labis na kalungkutan ay nagkasakit si Duri. Lahat ng gamot ay sinukuban na ngunit hindi pa rin siya
gumagaling.

Isang gabi ay nakarinig siya ng isang napakagandang awit. Napakalambing nito at labis siyang naakit. Pinilit
niyang bumangon kahit nanghihina ang kanyang katawan at hinanap ang pinagmulan ng awit. Kinabukasan ay
natagpuan na lamang ng kanyang magulang si Duri na wala nang buhay malapit sa tabing dagat. Ipinalibing
siya ng kanyang magulang sa gilid ng kabundukan.

Maraming taon ang lumipas at nakalimutan ng mga tao si Duri. Isang araw ay napansin nila ang isang puno sa
lugar na pinaglibingan kay Duri. Ang bunga nito ay tulad ng langka ngunit napakasama ng amoy.

Iniwasan ng mga tao ang lugar na iyon sapagkat ang bunga na nababalot ng tinik ay napakasama ng amoy.
Itinulad nila ang bunga kay Duri ang dalagang inilibing sa lugar na iyon.
Ang Alamat ng Pinya

Mahal na mahal ni Aling Rosa ang


kanyang anak na si Pina. Inaalagaan
niya itong mabuti at hindi niya
pinagagawa sa bahay upang hindi
mapagod. Masaya na siyang
nagsisilbi sa anak at gumawa ng
lahat ng trabaho sa bahay. Si Pina
ay lumaki sa layaw dahil sa
kagagawan ni Aling Rosa. Gustuhin
man niyang turuan itong gumawa sa
bahay at magbago ng ugali ay hindi
na niya magawa. Ayaw nang baguhin ni Pina ang kanyang nakasanayang masarap na buhay. Kung kaya’t
napilitan si Aling Rosa na kahit na matanda na ay siya pa rin ang nagtatrabaho at gumawa ng lahat ng gawain
sa bahay.

Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Mahinang-mahina siya at hindi na makabangon sa higaan.
Nagmakaawa siya sa anak na magluto ng pagkain upang hindi sila magutom na mag-ina.

Masama man ang loob ay pumayag si Pina na magluto at gumawa ng iba pa. Ngunit pamali-mali dahil hindi
siya sanay magtrabaho.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa at nagsawa si Pina sa paggawa at pagsunod sa utos ng ina. Madalas na silang
magkagalit. Laging masama ang loob ni Pina habang gumagawa ng trabaho sa bahay.

Isang araw ay magluluto na naman si Pina. Hindi siya makapagsimula dahil hindi niya makita ang sandok.
Hinanap niya itong mabuti sa loob ng bahay ngunit di pa rin niya makita. Nagreklamo na siya sa kanyang ina.
Inutusan siya ng ina na bumaba ng bahay at doon hanapin dahil baka nahulog sa lupa.

Nagkakagalit na ang mag-ina dahil sa paghahanap ng nawawalang sandok, hanggang sa nasambit ni Aling Rosa
ang: Sana’y tubuan ka ng maraming mata nang makita mo ang iyong hinahanap!

Ilang oras na ang nagdaan ay hindi pa umaakyat si Pina sa bahay. Lumipas na ang gutom ni Aling Rosa ay wala
pa rin si Pina. Gabi na wala pa rin si Pina. Nag-alala na si Aling rosa sa hindi pagbalik ni Pina. Nagtanong siya
sa kanilang mga kapitbahay ngunit walang nakakita kay Pina. Hinanap niya itong muli sa buong kabahayan at
sa buong bakuran. Hindi na niya nakita si Pina.

Isang araw, sa isang sulok ng kanilang bakuran ay nakita niya ang isang halaman na ang bunga ay tulad ng
isang ulo na maraming mata. Naalaala ni Aling Rosa ang sinabi sa kanyang anak: Sana’y tubuan ka ng
maraming mata nang makita mo ang iyong hinahanap! Napaiyak si Aling Rosa at iniisip na ang halamang
tumubo sa kanyang bakuran ay ang kanyang anak na si Pina.

Inalagaan niya ang halaman at simula noon ay tinawag niya itong Pinya.

You might also like