You are on page 1of 11

Ang Alamat ng Lansones

Noong unang panahon, ang bunga ng lansones ay hindi pinapansin ng mga taga-Laguna.
Hag sila sa bunga ng lansones dahil may isang matandang pulubi na bumula ang bibig
matapos kumain nito.

Lumipas ang maraming taon. Patuloy pa ring nalalaglag ang bunga ng lansones nang
hindi pinapansin ng mga tao.

Isang araw, may nakakita sa isang magandang diwata sa ilalirn ng puno ng lansones.
Walang sihumang nakakakilala sa magandang diwata. Naibalita sa buong bayan ang
tungkol sa diwata. Sinubaybayan ng mga tao ang kilos ng mahiwagang babae.

Nakita nila nang pumitas ito ng bungang lansones at kumain nang kumain. Natakot ang
mga taong nakakita sa pangyayari. Nag-alala sila na baka mangyari rin sa diwata ang
nangyari sa matandang pulubi.

Lumipas ang maraming araw. Walang masamang nangyayari sa diwata. Inisip ng mga
tao na may ginawa ang diwata sa bunga ng lansones. Pumitas sila ng bunga at napansin
nila na may kurot ang lansones. Walang kurot ang lansones noong una. Sinubok nilang
kumain nito. Masarap at matamis ang lansones. Inisip nila na ang diwata ay isang birhen
na nag-alis ng lason sa bunga sa pamamagitan ng kurot nito. Mula noon, kinakain na ang
lansones.
Alamat ng Bayabas
Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa
lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.

Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at
lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa
ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang
pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng
kawalan ng katarungan.

Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang
yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.

Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit
laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona
ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-
yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.

Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na


pinamumugaran ng iba't ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman.
Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng
mga puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam na ang tiyan.

Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw


na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga
nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa
panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang
maningisda, at pagkatapos ay patawarik na niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni
Barabas ang pobre.

Nakarating sa aswas ng mangingisda na isang magdadaing ang balitang pagpaparusa


at pagpapakulong. Dali dali itong nagpunta. Kahit alam niyang natutulog pa ang Sultan
ay pinuntahan niya at kinatok an gang tirahan ng pinuno.

Galit na Galit na nagising ang Sultan. Itinanong ng mayabang na pinuno kung sino siya.
Sinabi ng kumakatok na magdadaing ang aswa ng mangingisda at naroon siya upang
ipakiusap na pakawalan na ang ikinulong. Nagkibit balikat lang ang gahaman. Nang
malaman ng Sultan na ekspertong magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng
paraan ang tuso. Lalo itong naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat
sa mga langgam ang kaawa awng magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan. Kahit
nakakulong ay natutuwa ang mag-asawa sapagkat sia ay muling nagkita. Upang maging
produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuhuli ng mangingisda ay
pinasusukaan agad sa magdadaing.
Bagamat maligaya ang mag-asawa na kahit mga alipin ay magkasama, sumasagi rin sa
kanila ang kalungkutan kapag naaalala nila ang tagging anak na naiwan sa kailang
tahanan.

Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may mga ada naming
nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buahay na kahiy totoy na totoy pa sa
kamusmusan ay marunong na ring manindigan.

"Saan po ba naroon ang tatay at nanay ko?"

"Nasa kaharian sila ni Sultan Barabas. Pinaparusahan sila at ipinakulong sa mga


kasalang hindi nila dapat pagdusahan."

"Tulungan po ninyo ako. Gusto ko po sila makawala sa kulungan."

Nang makita ng ada na lumuluha ang kaisa -isang anak ng mangingisda at magdadaing
ay naawa sila.Nang gabi ring iyon ay inilawan nila ang daan ng inosenteng bata papunta
sa kaharian.

Ang mahimbing na pagtulog ng Sultan ay lubhang nagambala ng malakas na katok ng


bata sa pintuan ng kaharian.

"Sino ka at ganitong oras ng gabi ay kumakatok ka sa palasyo ko?"

"Gutom na gutom na ako. Hihingi ako ng pagkain sa mesang kainan mo."

"At bakit sa akin ka hihingi ng pagkain mo?" nagaalborotong tanong ng Sultan.

"Pinasisid mo sa dagat ang ama kong mangingisda. Ang ina ko naman ay pinagdadaing
mo. Sila ang dahilan kaya marangyang-marangya ang iyong mesang kainan."

"Lintik na bata ka!" nanginginig sag alit na sigaw ng Sultan." Ano ang karapatan mong
himingi ng anuman sa aking mesa?"

"Hindi ikaw ang nagpagod upang mangisda atmagdaing. Mga magulang ko ang iyong
inalipin. Sa anumang kanilang itinanim, sila lang ang dapat na may anihin.?"

"Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na Sultan akong
dapat mong igalang?" nangangalog ang babang sigaw ng gahaman.

Napansin ng bata ang makinang na koronang naiwan ng Sultan sa higaan. Tinakbo niya
ito at isinuot at nag-iinsultong nagwika, " Ang korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider
na mabuti sa tao. Msama ka ipinakulong mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang
habulin mo at ipakulong mo, "nangiinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang bata.
Sa sobrang galit ng Sultan ay hinabol niya ng hinabol ang musmos.Hindi maabut abutan
ang sukab ang inosenteng bata sapagkat inililipad ito ng mga ada. Nakarating ang
habulan sa malawak na harding kinatataniman ng maraming punongkahoy. Sa sobrang
pagod ay sumakit ang dibdib ng Sultan na ikinatumaba niya. Noon din ay namatay ang
Sultang walang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng katarungan.

Sa lugar na kinatumbahan inilibing ang Sultan.

Ang kamatayan ng ganid na dapat sana'y ipinagluksa ay ikinatuwa pa ng marami.

Ang humaliling Sultan ay kakaiba sa namatay. Tinitimbang niyang mabuti ang bawat
paratang sa sinumang nagkakasala. Hindi rin siya padalos-dalos sa pagpapataw ng
parusa. Sinisikap niyang magbigay ng isang makatarungang pagpapasya sa kaso ng
sinumang nasasakupan niya mahirap man o mayaman. Para sa kanya ang lahat ay
pantay-pantay sa napipiringang katarungan.

Sapagkat totoong makatarunagan, pinalaya at tinulungan ng bagong Sultang


makapamuhay nang matiwasay ang mangingisda at magdadaing. Binigyan niya ng
krapatan ang inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin upang mamitas ng
anumang prutas na kanyang piliin. Ipinagdiwang ng lahat ang panunungkulan ng
makatarungang Sultan.

Isang araw na naglilibot ng hardin ng palasyo ang bagong Sultan ay nakatawag ng pansin
niya ang isang halamang tumubo sa pinaglibingan kay Barabas. Pinadiligan niya oito sa
mga hardinero at pinaalagaan araw-araw.

Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang
Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona at
tuktok.

"Si Barabas yan!"sigaw ng mga tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat sila.

"Pagkapait-pait! Kasimpait ng ugali ni Barabas!"

Ilang araw lang ng lumipas ay lumaki ang mga bunga ng berdeng prutas. Nang kagatin
ng bata ay napangiwi sila.

"Pagkaasi-asim! Kasing asim ng mukha ni Barabas!"

Hindi nagtagal, ang mga berdeng bunga ay dumilaw at huminog na Napangiti ang lahat
ng pitasin ang bunga at kagatin.

"Pagkatamis-tamis! Pagkasarap-sarap ng Barabas!"

Magmula noon, tinawag ng Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona.
Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga
nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang
nagsisagot na, "Barabas, Barabas, Bayabas!"

Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.


Alamat ng Matsing
Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng
ganda. Siya ai si Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na
kagandahan.

Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod


ng sungit at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.

"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing
makakakita ng pangit sa palasyo.

Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at


nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang
maging mga alipin at manggagawa.

Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng


mapapangasawa. At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming
maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming
makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng
prinsesa.

Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat


ng prrinsipe ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang
nagustuhan ng prinsesa, at ito'y si Prinsipe Algori.

Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod


tangi sa lahat ng naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig
na prinsipe, ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran
nito.

Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.

"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik
ka na sa kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng
prinsesa.

"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na
idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori.

Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng
nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang
pangit na prinsipe.

"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng
prinsesa na tila nandidiri.
Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad
mo. Kung ano ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali,"
ang wika nito.

Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na
lalaki, higit kay Prinsipe Algori.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan."
Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at
tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang
nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.

Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang
kasal, ganun na lamang ang gulat ng lahat.

Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni
Prinsipe Algori.

"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.

Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng
balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang
nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan,
at nagkaroon pa ng buntot.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa


kagubatan ni Prinsipe Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si
Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa
ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.

Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas
na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.
Alamat ng Pakwan
Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin
ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang
Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa,
Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre
Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa
ito, pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto.
Sapagkat matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si
Padre Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni Hesukristo.
Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang
pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa
daigdig.

Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang
sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring
sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw
ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit
ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.

Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si


HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.

Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang


maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kanyang dinaanan. Sa bundok
ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang
nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo,
isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa
dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.

Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng
misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.

Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang
ikatlong gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala
sa kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga
aral na itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa
kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig
ng dugo ng kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng
paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan,
matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang naging Katolikong datu ay lagi nang
dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng
pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.

Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na
nauwi sa pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng
Pakwan.
Alamat ng Pating
Ang kasabihang parang pating ka kung magpatubo ay batay sa alamat ng pating na
kuwento ng mga taga-Palawan.

Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palaweno na kilala sa pagiging
gahamang usurero. Siya si Kablan na lagi nang gustong pagtubuan ang lahat ng
kapitbahay na mangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang
ipinauutang, galit na galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng
kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunud-
sunuran sa napakatakaw na mangangalakal.

Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang mga
paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga
pobreng mangingisda. Hindi sila makaangal sa di makatarungang pagpapautang.

Mahusay na mahusay kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda


kung may sarili kang bangkang paghahanguan ng mga huling isda sa karagatan. Mas
malaki ang bangka, mas malaki ang huli. Mas malaki ang huli, mas marami rin ang
panindang maipapautang sa iyo ng ngingisi-ngising negosyante.

Isang magdadapit-hapon, habang nagpapasasa si Kablan sa marangyang hapunan,


isang uugud-ugod na matanda ang kumatok sa kanyang bahay.

"O ano, tanda, may problema ba?"

"Na...nagugutom ako. Maaari po bang makahingi ng sobra sa hapunan ninyo?"

"Aba oo, yun lang pala," nakakunot-noong sagot ni Kablan. "Pero sa isang kondisyon,
kailangang bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat
ay areglado. Kung wala kang pera umalis ka na dyan at baka hindi ako makapagpigil sa
iyo."

"Maawa kayo, ginoo. Hindi ninyo madadala sa hukay ang yaman ninyo."

"Aba makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na
may isda kang mahuhuli! Sige, layas! Layas!" pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang
matanda na napasubsob sa tarangkahan ng malaking bahay.

Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit
ang nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay.
Nagbabala ito na may darating na lindol sa kapatagan at magbibitak-bitak daw ang lupa
sa kapaligiran. Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang baston. Namangha ang
lahat nang magdilim ang langit at gumuhit ang matalim na kidlat.
Sa pagpanhik ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang
lupa. Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang
matanda.

Hindi natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang


humalakhak. Nakikini-kinita niya ang paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili
sila ng mga paninda niya. Naglalaro sa isip niya na ngayong napakalakas ng ulan lalo
siyang magtataas ng presyo. Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bultu-
bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang pinalaking bodega.

Sa panghihiyang ginawa ni Kablan, gumanti ang pobreng matanda sa pagsasabing,


"Tulad ng takot na itinanim mo usurero sa lahat ng nangangailangan sa oras ng kagipitan,
magiging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan."

Sa muling pagtataas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at


tumalim ang mga kidlat. Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas
ng burol, tanaw na tanaw ng lahat na nagdudumaling lumabas si Kablan sa tindahan.
Nanginginig ito sa sobrang takot. Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot
siya ng rumaragasang tubig-ulan na lalong nagpalalim sa dagat-dagatan.

Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang isda na may matulis na nguso
at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.

Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala
itong parang bula.

Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng


Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging
usurero sa Palawan, ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.

You might also like