You are on page 1of 2

Si Mangita at si Larina, Sa Lawa ng Bai

Maraming taon na ang nagdaan mula ng manirahan ang isang mangingisda sa pampang ng Laguna de Bai.
Mayroon siyang dalawang anak. Si Mangita at Larina. Parehas ang dalawang dalaga ay napakaganda. Si
Mangita ay isang mabait na dalaga na mahal ng lahat, siya ang katulong ng ama sa pagtatahi ng lambat
nito. Si Larina isang tamad na dalaga, na walang ginawa kundi magsuklay ng kanyang buhok, Hindi
maganda ang kanyang ginagawa sa mga paru-paro. Dahil sa kanyang masama na ugali kung kaya hindi siya
gusto ng mga tao.

Isang araw mayroong dumating na pulubi sa kanilang bakuran na humihingi ng makakain. Ngunit ito ay
tinulak at sinigawan ni Larina. Natumba ang matanda at nasugatan. Nang marinig ni Mangita ang ingay ay
agad siyang pumunta. Doon nakita niya ang matandang pulubi na sugatan, kanya itong ginamot at binigyan
ng makakain.

Sinabi ng pulubi kay Mangita na di niya makakalimutan ang tulong na binigay nito sa kanya at ito ay umalis
na.

Pagkaraan ng ilang taon ang kanilang ama ay pumanaw dahil sa sakit na lumalaganap. Si Mangita ay
naghanapbuhay upang silang magkapatid ay mayroong makain. Nakiusap siya kay Larina na tumulong sa
kanya upang lumaki ang kanilang kita ngunit wala itong ginawa. Ang paglaganap ng sakit ay nagpatuloy pa
din kung kaya isang araw si Mangita ay nagkasakit din. Lumala ng lumala ang kanyang sakit. Hindi siya
inalagaan ni Larina kung kaya patuloy na siya ay nanghina. Ngunit ng siya ay malapit ng mamatay ang
matandang pulubi ay bumalik at siya ay sinubuan nito ng buto kung kaya ay gumaling. Bago umalis ang
matanda binilinan nito si Larina na subuan si Maringa ng buto oras oras upang ito ay tuluyang gumaling.
Ngunit itinago ni Larina ang buto sa kanyang buhok. Hinayaan niyang lumala muli ang sakit ni Maringa.
Muling bumalik ang matandang pulubi, tinanong niya si Larina kung ginawa nito ang ipinagbilin niya.
Sumagot ito ng oo. Noon sumabog ang liwanag ang matandang pulubi ay naging diwata. Sinabi nito ang
ginawang mali ni Larina kung kaya ito ay kanyang paparusahan. Mula sa araw na iyon siya ay luluhod sa
ilalim ng lawa upang magsuklay ng masuyod ang mga buto na nasa kanyang buhok. Si Maringa ay isinama
ng diwata sa kanyang tahanan. Mula nga noon dahil sa walang tigil na pagsuyod ni Larina ng kanyang buhok
sa ilalim ng lawa ang mga buto ay sumibol at lumutang sa lawa.

You might also like