You are on page 1of 2

Abuhing Araw ni Naji

Ni Shakeer Al Ashwal
Salin ni R. Rivera

Narrator: Naglalagos ang liwanag ng araw sa itim na tela ng kurtina na nagbunga ng pagkalipos
ng liwanang ng umaga sa buong kwarto. Magkahalong boses ng mga tao at ingay na mga
sasakyan na paulit-ulit na naririnig sa labas, palakas nang palakas na nagging dahilan upang
maputol ang tulog ni naji. Namumukod ang tinig na iyon na tuwing umaga niyang naririnig sa
Taiz Radio.
Narrator: Natatangi ang umagang ito, kilala si Abdulbasit Abdulsamed na taga-Ehipto na
bumibigkas ng Quran. Kilala siya dahil sa magandang boses na ang totoo ay nagbibigay-
inspirasyon.
Narrator: Sa halip, mabagal siyang tumayo mula sa higaan, inaantok na naglalakad papunta sa
banyo upang maghilamos at maghanda para sa pagpasok.
Narrator: Sinubukan niyang buksan nang ilang beses ang ilaw subalit walang nangyari. Naisip
niya na nasira siguro ng mga bata ang switch o baka may mas higit na malubhang dahilan.
Madali lang itong maayos kung sira ang switch, subalit baka ito ay isang suliranin na ang tangi
lamang makalulutas ay ang ministro ng elektrisidad, ang parlamento, grupo ng mga ministro,
ang president o baka mismo ang Diyos na maawain.
Naji: Bilqis,Bilqis! Nasaan ang kandila, ang posporo, o ang lampara?
Narrator: Sa pagmamadali ay kumarimot si Naji palabas ng banyo at tumungo sa kuwarto.
Nalilitong nakatayo siya sa harapan ng kanyang aparador, iniisip niya kung ano ang kanyang
isusuot, ang pantribu ba o ang karaniwang damit ng mamamayan? Ano kayang sinturon ang
kanyang gagamitin? Ang mamahaling sinturon ng jambya na may dekorasyon ng sayfami o ang
sinturon namula sa china na gawa sa huwad na balat. Kanyan itong isinuot sa kanyang maluwag
na pantalong khaki na nagpapalabis sa kanyang payat na katawan.
Narrator: Hinawakan niya ang nakatiklop na pares ng abuhing pantalon. Ito pa rin ang pantalon
na kanyang isinuot ilang araw na ang nakalipas. Nagkahalo ang abuhing kulay sa alikabok na
nagbunga ng bagong kulay na sa pagitan ng abuhin at mapusyaw na kayumanggi.
Narrator: Nakapagdesisyon na siya na magkaroon ng isang abuhing araw, tulad ng mga araw na
nakalipas, wala siyang binago sa kanyang sarili o sa pananamit.
Narrator: Habang palapit siya sa pinto ng kanilang inuupahan, narinig niya mula sa likuran ang
sigaw ng asawa niya.
Asawa: Hintayin mo na yung almusal
Narrator: Binuksan niya ang pinto habang patuloy ang alingawngaw ng kanyang isipan.
Dumiretso siya sa pinto nagmamadali at nananabik na makadam ng hangin laban sa malighay at
madilim na hagdan ng lumang bahay na kung saan siya ay nakatira.

You might also like