You are on page 1of 3

Guieb, Luichito F.

September 10, 2019


Ramos, Rowell Psychology 201

Pamagat
Ang mga Ticket sa Lotterya

Talambuhay ng may akda


Si Mochtar Lubis ay isang Indonesian journalist at novelist. Pinanganak noong ika pito ng marso
1992 sa Padang, Indonesia. Namatay noong ika dalawa ng hulyo 2004 sa Jakarta Indonesia. Siya
ay co-founder ng Indonesia RAYA literary magazine.

Panimula
Isang araw nagtungo si ahmad sa bahay ni Haji zakaria upang sundin ang utos ng kanyang ina.
Nag usap at nagkwentuhan si ahmad at haji at ipinakita ni haji ang kanyang mga lottery ticket.

Tauhan
Ahmad- bata na bumisita kay zakaria
Haji Zakaria- pangunahing tauhan
Maryan- anak ni haji zakaria

Tagpuan
Kerenchi, korea

Paksa
Ang kuwento ng isang bata na pumunta sa bahay ng kanyang tiyuhin upang sundin ang utos ng
kanyang ina. Pumunta siya sa bahay ni haji zakaria na mahilig tumaya sa lotterya.

Suliranin
Si Haji Zakaria ay naadik sa pagtaya sa lottery umabot na sa isang milyon ang natataya niya ngunit
hindi pa siya nananalo.
Simbolo
Ticket ng lotterya na sumisimbolo sa sugal. Ang buhay ay parang sugal minsan suwerte ka minsan
malas ka pero palagi nating tandaan na tayo ang gumagawa ng ating suwerte.

Pahiwatig
Ipinapakita ng may akda na ang suwerte ay hindi dapat inaasa sa sugal kundi sa pagsisikap at
pagtitiyaga.

Persona
First person- ahmad
2nd person- Maryan
3rd person- Haji Zakariia

Buod
May isang bata na nagngangalang ahmad ang naglakbay upang makapunta sa bahay nina Haji
Zakaria. Isang mayamang negosyante may taniman ng kape. Timigil ang sinasakyan ng bata sa
harap ng bahay ni zakaria. Pagdating ng sinasakyan ng bata sinalubong siya ni zakaria.
Nagkwentuhan ang dalawa at pinakita ni haji kay ahmad ang mdaming lottery ticket at sinabi niya
hindi pa ako nanalo kahit isang beses malungkot na sinabi ito ni zakaria kay ahmad. Pagkalipas
ang pagdalaw ni ahmad kay zakaria ay umuwi na ito at nabalitaan niya na nagpakamatay na si haji
zakaria sinisi ng bata ang sarili niya sa nangyari kay Haji Zakaria.

Mensahe
Pinapakita ng kuwento na hindi dapat tayo umasa sa suwerte sapagkat ang buhay ay dapat
paghirapan upang mapabuti ang ating kinabukasan. Wag tayong magsugal sapagkat wala itong
madudulot na maganda sa atin.
Reaksiyon
Ang kuwento ay nagpapakita na ang pagsusugal ay hindi nakakatulong para sa mga tao. Minsan
ang buhay parang sugal na sobrang daya pero dapat wag kang susuko o papadala sa sugal ng buhay
dahil kapag nagpadala ka tiyak talo ka.
Teorya
Teoryang Eksistensyalisomo dahil ang kuwento ay nagpapakita ng kalayaan ng tao na pumili at
mag desisyon para sa kanyang sarili. Teoryang moralistiko dahil madami kang mapupulot na aral
sa kuwento.

Rekomendasyon
Ang ganda ng kuwento ngunit sana gawin naman masaya ang wakas ng kuwento.

Sanggunian
Presi.org
Sir Diacssavy

You might also like