You are on page 1of 2

Takipsilim sa Dyakarta

Tauhan
Radesh Kaslan at Fatma
Ang mag-asawang may-ari ng isang sasakyan.
Pak Idjo
Mahirap at siya ang nakawasak ng sasakyan ng mag-asawang si Raden Kaslan at
Fatma.
Panimula
Ang istorya ay nagsimula sa harap ng isang restawran. May isang mag-asawang
mayaman at nakasakay sa pulang cadillac, sila ay naghahanap ng mapaparadahan.
Puno ang paradahan kaya sila ay pumarada malapit sa aspaltong gilid sa kalsada.
Tagpuan
Hapon, sa labas ng Restawran
sa isang kalye sa Dyakarta
Pak Idjo
Nabunggo ni Pak Idjo ang sasakyan ng mag-asawang si Raden Kaslan at Fatma dahil
inantok ang kabayo ni Pak Idjo at hindi nakita ang dinadaanan niya. Pinabayaran ng
mag-asawa kay Pak Idjo ang sira ng sasakyan ngunit hindi niya ito mabayaran dahil
siya ay mahirap lamang.
Suliranin
Nabunggo ni Pak Idjo ang sasakyan ng mag-asawang si Raden Kaslan at Fatma dahil
inantok ang kabayo ni Pak Idjo at hindi nakita ang dinadaanan niya. Pinabayaran ng
mag-asawa kay Pak Idjo ang sira ng sasakyan ngunit hindi niya ito mabayaran dahil
siya ay mahirap lamang.
Kasukdulan
Nung nabangga ni Pak Idjo ang Cadillac at nung tinawag nila ang pulis.
Kakalasan
Napagusapan na lamang ng mag-asawa na huwag nalang
pabayaran kay Pak Idjo dahil
mahirap lang ito.
Tema
Wag maging mayabang o alamin muna ang storya bago mang husga at matuto tayong
magpatawad sa ating kapwa at unawain ang kanilang mga kalagayan
Wakas
Pinabayaan nalang ni Raden Kaslan at Fatma ang bayad dahil imposibleng bayaran ito
ni pak idjo
Buod
Pumarada ang pulang pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawrang
maraming nakaparadang kotse. Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawang
kakikitaan ng yaman at luho o marangyang pamumuhay. Umorder ng pagkain ang
dalawa nang hindi man lang tumitingin sa mga presyo ng pagkain. Samantala, isang
lumang kalesang walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap
ng restawran sakay ang natutulog na kutsero na si Pak Idjo. Natutulog ang kutsero
habang umaandar ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil na rin sa gutom
at sakit na kanyang nararamdaman. Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa
naghahabulang aso't pusa kaya't bigla itong nadapa. Tumama sa pulang Cadillac ang
kalesa at sumira sa ilang bahagi nito. Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng
Cadillac na si Raden Kaslan at galit na galit na sinigawan ang takot na takot na si Pak
Idjo. Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa pagkasira ng
kanyang kotse si Pak Idjo. Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa pulis na wala talaga
siyang ibabayad sa nasirang sasakyan kaya't sa huli'y nagdesisyon si Raden na hayaan
na ito at pumasok na lang muli sa restawran nang galit na galit pa rin.
TIMAWA ni Agustin Fabian

Ito ay kuwento ng isang binatang nagkaroon ng inspirasyon dahil sa paghahamak sa


kanila. Si Andres ay mula sa isang mahirap na pamilya.

Ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa isang hacienda. Isang araw, isinama si Andres ng
kaniyang ama sa hacienda dahil mayroong pista.

Mabait naman ang among lalaki ng ama ni Andres ngunit dumating ang mapagmataas na
asawa nito. Hinamak si Andres at kaniyang ama na noon ay nakikian sa pista. Tinawag sila
ng donya na timawa.

Hindi naunawaan ng batang si Andres ang salitang iyon. Ngunit ipinaliwanag ito ng ama ni
Andres sa kaniya. Nang mabatid niya ang kahulugan nito, naging inspirasyon ito sa kaniya
upang maging mabuti sa kaniyang pag-aaral at makaahon sa buhay.

Nagtrabaho si Andres sa Amerika bilang tagahugas ng plato sa isang dormitoryo. Kasama


niya rito ang mga kaibigang sina Alice at Billy. Napagkuwentuhan nila ang kanilang mga
buhay kaya nalaman nila ng kuwento ni Andres.

Sa kaniyang pagsusumikap, nakamit ni Andres ang kaniyang matagal nang pangarap.


Nakpagtapos si Andres ng kurso sa intermedya.

Lahat ng pagsasakripisyo niya at ng kaniyang ama ay nagbunga na. Gayunman, yumao na


rin ang kaniyang ama. Masaya pa rin naman si Andres sa sinapit nila dahil may narating na
ngayon ang tinatawag niyang timawa.

You might also like