You are on page 1of 79

MATATAG

NA BATA,
LAGING
HANDA
MAHALAGANG KAISIPAN
“Mag-impok habang bata pa nang
may madukot kapag nangailangan
na.”
2
UNANG ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

PAGHANDAAN
NATIN

4
Isang karaniwang araw lamang
sa buhay ni Isko ang umagang iyon.
Hindi niya alintana ang
kapahamakang naghihintay sa
kaniya nang maganap ang sunog sa
kanilang barangay.
5
Maagang umalis ng bahay ang ina ni Isko
ng umagang iyon patungo sa trabaho. Ang
kaniyang ama naman ay hindi pa nakakauwi
galing sa trabaho bilang isang guwardiya.
Naghahanda naman siya sa pagpasok sa
paaralan. Bilin ng ina ni Isko na hintayin nito
ang tiyahin na darating upang alagaan ang
kaniyang nakababatang kapatid.

6
ALING AYET: Isko, anak,
hintayin mo ang Tiya Oreng mo
bago ka umalis ng bahay ha?
ISKO: Opo, ihahanda ko lang
po ang aking mga gamit.

7
ALING AYET: Tumawag na
ang Tiya mo, malapit na raw
siya. Mauuna na ako at baka
mahuli ako sa aking trabaho.
ISKO: Opo inay, ingat po kayo.

8
Maya-maya pa ay dumating na
ang Tiya Oreng ni Isko.
Nagpaalam na si Isko sa kaniya
na siya’y papasok na sa
paaralan.

9
ISKO: Mano po. Tiya, aalis na
po ako. Kailangan ko na pong
magmadali. Baka po mahuli na
ako sa pagpasok sa paaralan.
TIYA ORENG: Sige, Isko, mag-
iingat ka.
10
Hindi pa nakalalayo si Isko nang
may marinig itong isang malakas na
pagsabog. Napatigil ang lahat,
biglang may malalakas na sigaw.
“Sunog! Sunog!” At kasunod ang
mabilis na pagkalat ng apoy malapit
sa lugar ng bahay nina Isko.
11
Agad na tumakbo si Isko patungo sa
kanilang tahanan, baon ang tapang at
tibay ng loob, at pagnanais na mailigtas
ang nakababatang kapatid at kaniyang
Tiya. Sumugod at pumasok si Isko sa
kanilang tahanang noon ay unti-unti
nang nilalamon ng apoy at maitim na
usok.
12
Sa awa at gabay ng
mahabaging Panginoon,
nailigtas ni Isko ang Tiya at
kapatid. Nagtamo lamang
sila ng maliliit na paso sa
kanilang katawan.
13
Sapagkat si Isko, sa murang edad ay
isang batang matatag ang loob, hindi
siya kinakitaan ng pagkalungkot at
panghihina sa kabila ng trahedyang
naganap. Sa abot ng kaniyang
makakaya, tumulong siya upang
makabangon mula sa trahedya ang
kaniyang pamilya.
14
PAG-UNAWA SA
BINASA
15
1. Sino ang bida sa iyong
binasang teksto?
2. Anong ugali mayroon
ang bidang bata?
16
3. Ano ang naganap ng
umagang iyon?
4. Sino-sino ang iniligtas
ng bata?
17
5. Paano nakaahon
sina Isko at kaniyang
pamilya sa naturang
trahedya?
18
6. Paano ka magiging
“Isko” sa iyong
tahanan? Paaralan?
Pamayanan?
19
7. Kung ikaw ay isa sa mga
nakaranas ng trahedyang
binanggit sa kuwento, paano
mo ipararating sa
kinauukulan ang iyong mga
hinaing o pangangailangan?
20
8. Ano ang pinatunayan
ni Isko sa kaniyang
ginawa? Ipaliwanag.

21
9. Ano ang dapat
tandaan sa pagsasabi
ng hinaing?

22
10. Ano-anong mga aral
ang maaari nating
makuha at magamit sa
ating buhay mula sa
kuwento?
23
PAG-USAPAN NATIN
24
Punan ng nawawalang salita o
mga salita ang bawat patlang
upang mabuo ang diwa ng
bawat pangungusap. Isulat
ang mga tamang sagot sa
iyong kuwaderno.
25
sumugod
nilalamon ng apoy
awa at gabay
mahabaging
di-inaasahang trahedya
26
1. Maraming nasawi dahil sa
_________________________.

27
2. Lahat ay umaasa ng
kaligtasan sa ______________
Maykapal.

28
3. _________ang taong bayan
sa pinakamalapit na simbahan
upang maligtas ang kanilang
buhay.

29
4. Bawat isa ay naniniwala na
malalampasan nila ang
pagsubok sa _______ ng
Poong Maykapal.

30
5. Kitang-kita ng lahat na
________ ang kanilang
kabahayan at ang pagkawala
ng kanilang kabuhayan.

31
DAGDAG KAALAMAN!
Kilala niyo ba si Vicente
“Enteng” Tagle?
32
Batang Bayani
ng Payatas
ni Marilyn A. Parra

33
Lupang pangako, tambakan ng
basura. Dito umusbong ang
kabayanihan ng isang batang
nagligtas ng buhay ng kanyang
kapatid at kaibigan.

34
Sampung taon pa lamang siya
noon– lumaki sa hirap at trabaho.
Sa munting kaisipan, ay maagang
natutunan ni Vicente “Enteng”
Tagle ang pagmamahal at
malasakit sa pamilya at kapwa-tao.
35
Hulyo 10, 2000 nang maganap ang
trahedya sa Payatas, Quezon City
kung saan 12,000 mahihirap na
pamilya ang nagdusa sa biglang
pagbagsak ng animo’y bundok ng
basura doon.
36
Dahil wala ng iba pang
matitirahan, tiniis nila,
araw at gabi, ang baho,
dumi, putik at kabulukan sa
paligid.
37
Hindi nila akalain na isang araw, ang
basurang tahimik na nakatambak ay
mag-aanimo halimaw na gagambala
sa kanilang pamumuhay. Sa isang
iglap, gumuho kumitil ng 217 katao
at daan-daang pamilya ang nawalan
ng tahanan.
38
Kaagad inalala ni Enteng ang
kaligtasan ng bunsong kapatid. Sa
gitna ng pagkakagulo at
natatabunang bahay, agad niyang
pinuntahan ang kwarto ng noon ay
isang taong gulang pa lamang na
kapatid.
39
Ang tanging nasa isip niya ay
kaligtasan ng kapatid sa gitna ng
nabubuwal na kanilang bahay-
silungan. Inakap niya ang sanggol sa
gitna ng nakabibinging pagbagsak ng
mga basura.

40
“Nagdilim ang paligid at halos
wala na akong makita,”
kuwento ni Enteng. Natakot
siya at kinabahan subalit
pinilit magpakatatag.

41
“Nakita kong may pinagmumulan
ng liwanag sa isang butas ng sira-
sirang kahoy at kalawingang yero.
Sinikap ko pong makalabas doon
kahit na magkasugat-sugat ako,”
naluluhang paggunita ng bata.

42
Pagkalabas na pagkalabas ng
noon ay tuluyan nang gumuhong
bahay, narinig ni Enteng ang
pag-iyak ng walong taong gulang
na si Kikay– ang kalaro niyang
kapit-bahay.
43
“Tumakbo po ako sa
pinanggagalingan ng iyak at
pinilit kong tulungan si Kikay
pero, hindi ko po siya makaya
dahil nadaganan na siya ng mga
basura.”
44
Dahil mabilis na mag-isip,
humingi si Enteng ng tulong
sa mga kalalakihang nakita
niya. Dahil dito, nailigtas ang
batang babae.

45
Dahil sa pagliligtas ng
dalawang buhay, nagsilbing
inspirasyon ang batang si
Enteng sa nakararami.

46
Mahirap man siya ay maaga
niyang nabatid ang
pagmamalasakit sa kapwa at
pagtulong– mga bagay na itinuro
sa kanya ng kanyang mga
magulang.
47
Pagkatapos ng trahedya,
lumipat ang pamilyang Tagle
sa Kasiglahan Village sa
Montalban, Rizal. Dito ay
pinilit nilang magsimulang
muli.
48
Ang gustong iparating ni Enteng sa
mga kapwa bata: “Maging magalang
tayo dapat sa ating mga magulang.
Sikapin nating magpakabuti at
maging matulungin sa lahat. Kahit
mahirap man tayo, mangarap tayo ng
isang magandang bukas.”
49
Isa si Enteng sa itinampok sa
Reader’s Digest Everyday Heroes
at kinilala siya bilang “The Little
Rescuer.” Siya ang unang
Pilipinong napasama sa Everyday
Heroes.
50
Si Enteng ay isa lamang patunay
sa katotohanang hindi hadlang
ang kahirapan sa kabutihan. Iyan
ang batang Pilipino–
hinahangaan, may kagitingan,
may paninindigan.
51
GAWAIN
SAGUTIN ANG MGA
SUMUSUNOD NA
KATANUNGAN.
ISULAT ANG IYONG
MGA SAGOT SA
IYONG
KUWADERNO.
52
1. Sino ang batang bida sa
kuwento?
2. Ano ang naganap sa lugar ng
tirahan ng batang nasa kuwento?

53
3. Ano-anong mga katangian ang
ipinakita ng bata sa kuwento?
4. Ano ang nagawa ng bata sa
kuwento para hirangin siya bilang
batang bayani ng Payatas?

54
5. Sino-sino ang nailigtas ng bata
mula sa trahedyang naganap?
6. Ano ang napatunayan ng bata sa
kuwento sa kanyang ipinakitang
gawain?

55
7. Anong pagkilala ang
kaniyang natanggap sa
kaniyang nagawang kabutihan
at pagmamalasakit sa kapwa?

56
8. Kung ikaw ang batang
nasa kuwento, ano ang
iyong gagawin?
Pangatwiranan.
57
IKALAWANG
ARAW
JAY CRIS S. MIGUEL

PANGHALIP
PANANONG

59
MAHALAGANG
KATANUNGAN
Kailan ginagamit ang Panghalip
Pananong?

60
Ang panghalip pananong ay
ginagamit sa pagtatanong tungkol sa
tao, hayop, bagay, lugar, gawain,
katangian, pangyayari, at iba pa.
Ginagamitan ito ng tandang
pananong (?) sa hulihan ng
pangungusap.
61
Mga Panghalip Pananong Tanong tungkol sa:

Sino tao

Kanino tao

hayop, bagay, katangian,


Ano
pangyayari

Kailan panahon

Saan lugar o pook

62
Bakit dahilan ng pangyayari

Paano paraan ng paggawa

Ilan bilang o dami ng nais malaman

Alin pagpipilian

Gaano sukat o bigat

Magkano halaga

63
Mga Halimbawa:
Sino ang maaaring tumulong sa mga
nasalanta ng bagyo?
Kailan isasagawa ang pagpupulong
sa paaralan?
Magkano ang bili mo sa aklat na
iyan?
64
Mga Halimbawa:
Alin sa mga prutas na ito–
mangga, atis, abokado, ang
pinakagusto mo?
Paano ba ang paggawa ng
origami?
65
Kailan naman ginagamit
ang mga panghalip
pananong na “sino-sino”,
“saan-saan”, “kani-
kanino”, “ano-ano”?
66
GAWAIN 1. Kaninong
TUKUYIN ANG anak si
PANGHALIP
PANANONG SA Isko?
BAWAT
PANGUNGUSAP.
2. Saan kaya
ang tirahan
nila?
67
GAWAIN
TUKUYIN ANG
3. Paano
PANGHALIP iniligtas ni Isko
PANANONG SA
BAWAT ang kaniyang
PANGUNGUSAP. kapatid at
tiya?
68
GAWAIN 4. Bakit
TUKUYIN ANG nagkaroon ng
PANGHALIP
PANANONG SA sunog?
BAWAT
PANGUNGUSAP.
5. Ilan ang
nailigtas ni
Isko?
69
Piliin ang angkop na
panghalip pananong sa
sumusunod na pangungusap.
Isulat ang tamang sagot sa
iyong kuwaderno.
70
1. (Sino, Saan, Ano) ang
paborito mong pagkain?
2. (Sino, Saan, Ano) kayo
nagsimba ng iyong pamilya?

71
3. (Sino, Saan, Ano) ang
kaibigan ng iyong kapatid na
kaibigan mo rin?
4. (Alin, Kailan, Ilan) ang
pangkat na magtatanghal
bukas?
72
5. (Alin, Kailan, Ilan) sa mga
ito ang napili mong isuot?
6. (Ilan, Gaano, Magkano)
ang baon mo sa isang araw?

73
7. (Saan-saan, Sino-sino,
Ano-ano) ang mga kasama
mong pumunta sa Baguio
noong nakaraang Linggo?

74
8. (Saan-saan, Sino-sino,
Ano-ano) ang mga
paborito mong palabas
sa telebisyon?
75
9. (Ilan, Gaano, Magkano)
ang eksaktong bilang ng
mga panauhing dumalo sa
pagdiriwang?
76
10. (Ilan, Gaano,
Magkano) kahaba ang
nahuling sawa sa ilog?

77
TAKDANG-ARALIN
⬗ Panuto: Punan ng wastong panghalip pananong ang
patlang.
⬗ 1. ___________ ang librong kailangan nating bilhin?
⬗ 2. ___________ ang nagsulat ng tulang ito?
⬗ 3. ___________ ang mga nagwalis sa ating kalsada?
⬗ 4. ___________ ang kotse ninyo?
⬗ 5. ___________ ang mga sinabi ni Nanay sa iyo?

78
Credits
⬗ Presentation template mula sa SlidesCarnival
⬗ Marilyn A. Parra sa kanyang akdang Batang Bayani ng
Payatas
⬗ www.rexinteractive.com para sa karagdagang activity
sheets

79

You might also like