You are on page 1of 6

ay mga salitang nagbibigay-turing

sa pandiwa, pang-uri o kapwa


pang-abay.
Uri ng Pang-abay
1.pamanahon 2. pananong
3.panlunan 4. pananggi
5.pamaraan 6. panang-ayon
7.panggaano 8. pang-agam
9.panulad
Pang-abay na Pamanahon
- ay mga pang-abay na naglalarawan
o nagsasabi kung kailan ginagawa
ang kilos o pandiwa. Sumasagot
ito sa tanong na kailan.
May Tatlong Uri ang Pang-abay na
Pamanahon
1. May Pananda –(nang, sa, noon, kung,
kapag, tuwing,buhat, mula,
umpisa, hanggang)
Halimbawa:
1. Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing Linggo.
2. Kailangan mo bang pumasok nang araw- araw?
3. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag- anak.
2. Walang Pananda – (kahapon, kanina,
ngayon,mamaya, bukas,
sandali, atbp.)
Halimbawa:
1. Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino.
2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang
kanyang ika-40 na kaarawan.
3. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa
ermitanyo upang humingi ng tulong.
3. Nagsasaad ng Dalas – (araw-araw, tuwing
umaga, taun-taon atbp.)
Halimbawa:
1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming
pook ng Santakrusan.
2. Nag-eehersiyo siya araw-araw upang
mapanatili ang kanyang kalusugan.
3. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton
at Prinsesa Manorah sa Kaharian ng
Bundok Grairat.

You might also like