You are on page 1of 17

PANG-ABAY

Vicere, Catherine Ann S.


PANG-ABAY

Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay mga


salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
MGA URI NG PANG-ABAY
1. Pang-abay na Pamanahon- Ito ay nagsasaad kung kailan
naganap, ginaganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Tatlong Uri ng Pang-abay na Pamanahon:


1. May Pananda
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang
2. Walang Pananda
bukas, kahapon, kanina, ngayon, mamaya, sandali atbp.
3. Nagsasaad ng dalas
araw-araw, tuwing umaga, taon-taon, at iba pa.
1. Pang-abay na Pamanahon

Halimbawa:
1. Umpisa bukas ay gigising na ako ng maaga.
2. Manonood kami bukas ng pagtatanghal ng dulang
Pilipino.
3. Araw-araw akong nagluluto ng agahan.
2. Pang-abay na Panlunan- Tumutukoy sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.

sa, kay/kina

Halimbawa:
1. Sa Jollibee kami kumain ng tanghalian.
2. Kina Joan kami gagawa ng takdang-aralin.
3. Nagpagawa ako kina Aling Ingga ng masarap na keyk para sa
iyong kaarawan.
3. Pang-abay na Pamaraan- Naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.

nang, na /-ng

Pang-uri + Pandiwa = Pang-abay na Pamaraan


3. Pang-abay na Pamaraan

Halimbawa:
1. Masayang sumayaw ang bata sa gilid ng ilog.
2. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
3. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
4. Pang-abay na Pang-agam- Nagpapahiwatig ng di-katiyakan o
pag-aalinlangan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

parang, marahil, siguro, tila, baka, wari, at iba pa

Halimbawa:
1. Marahil sa susunod na linggo na papasok si Maria.
2. Siguro naglalaro ang mga kaibigan ko sa parke.
3. Baka delikado dumaan sa kalye na iyan.
5. Pang-abay na Panang-ayon- Nagsasaad ng pagsang-ayon sa
paksang pinag-uusapan.

oo, opo, oho, tunay, talaga, sige atbp.

Halimbawa:
1. Sige, sasali ako sa paligsahan.
2. Tunay na kahanga-hanga ang kanyang talento sa pagkanta!
3. Syempre, masarap magluto si Inay.
6. Pang-abay na Pananggi- Nagsasaad ng pagtanggi, pagsalungat o
pagtutol.

hindi/di, ayaw, at huwag.

Halimbawa:
1. Hindi na ako kakain.
2. Ayaw kong sumama sa inyo.
3. Ang mga taong gumagawa ng masama ay huwag tularan.
8. Pang-abay na pamitagan- Nagsasaad ng paggalang tulad ng po,
opo, at mawalang galang.

Halimbawa:
1. Kailan po kayo uuwi?
2. Opo, maghuhugas na ako ng pinggan.
3. Mawalang galang po, may nakita po ba kayong aklat dito?
7. Pang-abay na pangaano o pampanukat- Nagsasaad ng
timbang, bigat o sukat.

Halimbawa:
1. Tumaba ako nang limang libra.
2. Tumagal nang sampung oras ang operasyon.
3. Gumastos siya ng isang milyon para sa relo.
8. Pang-abay na Benepaktibo- Ito ay nagsasaad ng benepisyo
para sa isang tao dahil sa layunin ng kilos ng pandiwa.

para, para sa

Halimbawa:
1. Ang mag-anak ay nagmamadali para makadalo ng misa.
2. Ang mga sundalo ay nakikipaglaban para sa bayan.
9. Pang-abay na Kusatibo- Ito ay nagsasaad ng dahilan ng
pangganap sa kilos ng pandiwa.

dahil sa

Halimbawa:
1. Dahil sa iyo ay umiyak si Maria.
2. Bumagsak ako sa pagsusulit dahil sa katamaran ko mag-aral.
10. Pang-abay na Kondisyonal- Ito ay nagsasaad ng kondisyon
para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

kung, kapag/pag, pagka

Halimbawa:
1. Hindi ka maghihirap kapag ikaw ay masipag.
2. Matutupad ang layunin ng pamahalaan kung ang lahat ay
makikiisa.
MARAMING SALAMAT!

You might also like