You are on page 1of 3

PANG-ABAY

Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o
isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.

Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.

Halimbawa:

Ang manggang tinda si Maria ay masyadong maasim. (pang-uri)

Sadyang malusog ang kanyang katawan. (pang-uri)

Dahan-dahan siyang pumanik ng hagdan.(pandiwa)

Talagang mabagal umunlad ang taong tamad.(pang-abay)

Mga Uri ng Pang-abay :

1. pang-abay na kataga o ingklitik

2. pang-abay na pamanahon

3. pang-abay na panlunan

4. pang-abay na pamaraan

5. pang-abay na panggaano

6. pang-abay na pang-agam

7. pang-abay na panang-ayon

8. pang-abay na pananggi

9. Pang-abay na kataga o ingklitik

Halimbawa :

Nailigtas daw ang mga minerong nabarahan sa minahan.

Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.

Kumain muna sila bago umalis.

Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.

Pang-abay na Pamanahon

ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon
itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

May pananda: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

Halimbawa:
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
Nagsasaad ng dalas: araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyangkalusugan.

Pang-abay na Panlunan

tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang


ginagamit ang pariralang sa, kay o kina. Ito ay sumasagot sa tanong SAAN.

sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.


kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap ng mamon para sa iyong kaarawan.

Tumira siya sa gubat ng libimpitong taon.

Pang-abay na Pamaraan

naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng


pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.Ito ay sumasagot satanong na PAANO.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?

Pang-abay na Panggaano

nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na Gaano o Magkano.

Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

Pang-abay na Pang-agam

nagbabadya ng kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit ang mga


pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, atb.

Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

Pang-abay na Panang-ayon

nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya,
talaga, syempre atb.

Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

Pang-abay na Pananggi

nag-sasaad ng pagtanggi tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa:

Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.

Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

You might also like