You are on page 1of 23

Pang- abay

Istruktural na Kahulugan
• ang pang-abay ay makikilala
dahil kasama ito ng isang
pandiwa, pang-uri o isa pang
pang-abay na bumubuo ng
parirala.
Pansemantikang Kahulugan
•ito ay nagbibigay- turing sa
pandiwa, pang-uri o sa iba
pang pang-abay.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga
katagang laging sumusunod sa unang salita ng
kayariang kinabibilangan.
• ba daw/raw pala man
• kasi din/rin tuloy muna
• kaya naman nga pa
• na yata lamang/lang
Halimbawa :
• Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa
minahan?
• Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring
sakuna.
• Kumain muna sila bago umalis.
• Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa
atin.
Pang-abay na Salita o Parirala
1.Pang-abay na Pamanahon
2. Pang-abay na Panlunan
3. Pang-abay na Pamaraan
4. Pang-abay na Pang-agam
5. Pang-abay na Kundisyunal
6. Pang-abay na Panang-ayon
7. Pang-abay na Pananggi
8. Pang-abay na Panggaano o
Pampanukat
9. Pang-abay na Kusatibo
10. Pang-abay na Benepaktibo
11. Pang-abay na Pangkaukulan
Pang-abay na Pamanahon
• Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa.
Pamanahong may pananda
(nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Halimbawa :
• Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?
• Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
• Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
Pang-abay na Pamanahon
Pamanahong walang Pananda
(kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atb.)
Halimbawa:
• Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng
dulang Pilipino sa CCP.
• Panauhing pandangal ang Pangulong Marcos sa
pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM mamaya.
• Ipinagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika –
40 na kaarawan.
Pang-abay na Pamanahon
Pamanahong nagsasaad ng Dalas
(araw-araw, oras-oras, taun-taon, atb.)
Halimbawa:
• Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan.
• Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang
kanyang kalusugan.
• Taun-taon ay dapat tayong magbayad ng buwis para sa
ikapagtatagumpay ng mga proyekto ng pamahalaan.
Pang-abay na Panlunan
• Tumutukoy sa pook na pinangyarihan,
pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa.
Halimbawa :
• sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
• sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao
Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at sa PNU
tungkol sa wika.
Pang-abay na Panlunan
• sa + panghalip na panao
Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.
• sa + panghalip na pamatlig
Nagluto sa ganito ang kanyang ina.
• Kay/kina + pangngalang pantanging ngalan ng tao
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk
para sa iyong kaarawan.
Sasama ako kay Mitch para gumawa ng takdang aralin.
Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
• Yaong nagsasaad ng timbang o sukat.
Sumasagot sa tanong na gaano o magkano?
Halimbawa :
• Tumaba ako nang limang libra.
• Dinagdagan niya ang biniling lansones nang
apat na guhit.
• Tumagal nang limang oras ang operasyon niya.
Pang-abay na Pamaraan
Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahayag ng pandiwa
o ng isang kayariang hango sa pandiwa.
Halimbawa :
• Kinamayan niya ako nang mahigpit.
• Natulog siya nang patagilid.
• Bakit siya umalis na umiiyak?
Pang-abay na Pang-agam
• Ang tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ng di-
katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa :
• Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa
desisyon ng sandiganbayan.
• Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa
Pilipinas.
• Waring natutupad din ang ating mga pangarap.
Pang-abay na Benepaktibo
• Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao
dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin
ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa :
• Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.
• Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa
matrikula mo.
Pang-abay na Kondisyonal
• Nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na
isinasaad ng pandiwa. Pinangungunahan ng kung, kapag, o
• pag, at pagka-
Halimbawa :
• Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan para sa bayan
kung buong-puso tayong makikipagtulungan sa mga
maykapangyarihan.
• Luluwang ang ekonomiya ng bayan kapag nakapagtatag ng
maraming industriya dito sa atin.
• Maraming dolyar ang papasok sa Pilipinas kapag nakapagbibili
tayo ng langis sa ibang bansa.
Pang-abay na Panang-ayon
• Nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa
ganiton pang-abay ay oo, opo, tunay,
talaga, atb.
Halimbawa:
• Opo, susundin ko po ang utos ninyo.
• Tunay, na maganda siya.
Pang-abay na Pananggi
• Yaong pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi. Ang
ilan sa ganitong pang-abay ay hindi, ayaw, atb.
Halimbawa:
• Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na
kanser.
• Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa
pagsisigarilyo.
Pang-abay na Kawsatibo
• Nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng
pandiwa. May mga sugnay o pariralang
pinangungunahan ng dahil, dahilan sa.
Halimbawa :
• Nagkasakit si Vianing dahil sa pagpapabaya sa
katawan.
• Napapaniwala ko siya dahil dito.
Pang-abay na Pangkaukulan
• Pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o
ukol.
Halimbawa :
• Nagplano kami tungkol sa gagawin nating
pagdiriwang.
• Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang
pagiging magnobyo.
Salamat sa inyong
pakikinig!
Sana may
natutunan kayo
ngayong araw na
ito. 
MARICEL P. DULAY
Guro III

You might also like