You are on page 1of 16

PANG-ABAY

Istruktural na kahulugan : ang pang-abay


ay makikilala dahil kasama ito ng isang
pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay
na bumubuo ng parirala.
Pansemantikang kahulugan : ito ay
nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o
sa iba pang pang-abay.

Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga
katagang lagging suusunod sa unang salita ng
kayariang kinabibilangan.
ba
daw/raw
pala
man
kasi din/rin
tuloy
muna
kaya naman
nga
pa
na yata
lamang/lang

Halimbawa :
Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan
sa minahan?
Alam pala ng kanyang nanay ang
nangyaring sakuna.
Kumain muna sila bago umalis.
Alangan naman yata na sila pa ang
lumapit sa atin.

Pang-abay na salita o parirala


1.Pang-abay na Pamanahon : ay nagsasaad
kung kalian naganap o magaganap ang kilos
na taglay ng pandiwa.
Pamanahong may Pananda
Halimbawa :
Kailangan ka bang pumasok ng araw-araw?
Kung araw ng Sabado siya nagtutungo sa
lalawigan.
Tuwing Pasko ay nagtitipun-tipon silang
mag-anak.

Pamanahong walang Pananda


Halimbawa :
Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.
Panauhing pandangal ang Pangulong Marcos
sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM
mamaya.

2. Pang-abay na Panlunan : tumutukoy sa


pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Halimbawa :
sa + pangngalang pambalana
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda
sa kantina.
sa + pangngalang pantanging di ngalan ng
tao
Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo,
at sa PNC tungkol sa wika

3. Pang-abay na Pamaraan : ay naglalarawan


kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahayag ng
pandiwa o ng isang kayariang hango sa
pandiwa.
Halimbawa :
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?

4. Pang-abay na Pang-agam : ang tawag sa mga


pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa :
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa
desisyon ng Sandiganbayan.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa
Pilipinas.
Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

5. Pang-abay na Kundisyunal : nagsasaad ng


kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Halimbawa :
Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan
para sa bayan kung buong-puso tayong
makikipagtulungan sa mga maykapangyarihan.
Luluwang ang ekonomiya ng bayan kapag
nakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin.
Maraming dolyar ang papasok sa Pilipinas kapag
nakapagbibili tayo ng langis sa ibang bansa.

6. Pang-abay na Panang-ayon : ay nagsasaad ng


pagsang-ayon. Ang ilan sa ganiton pang-abay
ay oo, opo, tunay, talaga, atb.
Halimbawa:
Opo, susundin ko po ang utos ninyo.
Tunay, na maganda siya.

7. Pang-abay na Pananggi : yaong pangabay na nagsasaad ng pagtanggi.


Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na
kanser.
Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa
pagsisigarilyo.

8. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat :


yaong nagsasaad ng timbang o sukat.
Halimbawa :
Tumaba ako ng limang libra.
Dinagdagan niya ang biniling lansones
nang apat na guhit.
Tumaagal ng limang oras ang operasyon
niya.

9. Pang-abay na Kusatibo : nagsasaad ng


dahilan sa pagganap sa kilo ng pandiwa.
Halimbawa :
Nagkasakit si Vianing dahil sa
pagpapabaya sa katawan.
Napapaniwala ko siya dahil dito.

10. Pang-abay na Benepaktibo : nagsasaad ng


benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng
kilos ng pandiwa.
Halimbawa :
Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.
Magbili ka ng mga alaga mong manok para
sa matrikula mo.

11. Pang-abay na Pangkaukulan :


pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o
ukol.
Halimbawa :
Nagplano kami tungkol sa gagawin nating
pagdiriwang.
Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang
pagiging magnobyo.

You might also like