You are on page 1of 21

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon –
nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.
May pananda
-Nang,mula, noon,kung,tuwing, sa,
hanggang buhat, umpisa, kapag,
Kahapon, kangina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali,atb.
Araw-araw, tuwing umaga,taun-
taon atb.
Halimbawa
-Kailangan mo bang pumasok
nang araw-araw?
-Tuwing pasko ay nagtitipon silang
mag-anak.
-Umpisa bukas ay dito ka na
manunuluyan
-Manonood kami bukas ng
pambansang pagtatanghal ng
dulang Pilipino.
- Ipagdiriwang ngayon ng ating
pangulo ang kanyang ika – 40 na
kaarawan.
-Tuwing Mayo ay nagdaraos kami
sa aming pook ng santakrusan.
2. Pang-abay na panlunan –
tumutukoy sa pook na
pinangyarihan, o pangyayarihan
ng kilos sa pandiwa. Karaniwang
ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa – ginagamit kapag ang kasunod
ay pangngalang pambalana o
panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang
kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
-Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina.
-Nagpaluto ako kina aling Ingga
ng masarap ng keyk para sa iyong
kaarawan.
3. Pang-abay na pamaraan –
naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o
na/-ng.
Halimbawa:
-Kinamayan niya ako nang
mahigpit.
-Bakit siya umalis na umiiyak?
4. Pang-abay na pang-agam –
nagbabadya ng di-katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa.
hal: marahil, siguro, tila, baka,
wari, atb.
Halimbawa:
-Marami na marahil ang nakabalita
tungkol sa desisyon ng
Sandiganbayan.
-Higit sigurong marami ang dadalo
ngayon sa Ateneo Home Coming
kaysa nakaraang taon.
-Tila patuloy na ang pag-unlad ng
turismo sa Pilipinas.
5. Pang-abay na panang-ayon –
nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal.
Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Halimbawa:
-Oo, asahan mo ang aking tulong.
-Talagang mabilis ang pag-unlad
ng bayan.
-Sadyang malaki ang ipinagbago
mo.
6. Pang-abay na pananggi – nag-
sasaad ng pagtanggi, tulad ng
hindi/di at ayaw.
Halimbawa:
-Hindi pa lubusang nagagamot ang
kanser.
-Ngunit marami pa rin ang ayaw
tumigil sa paninigarilyo.
7. Pang-abay na panggaano o
pampanukat – nagsasaad ng
timbang o sukat. Sumasagot sa
tanong na gaano o magkano.
Halimbawa:
-Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang
operasyon.
8. Pang-abay na pamitagan –
nagsasad ng paggalang.
Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako
9. Ingklitik o paningit – mga
katagang lagging sumusunod sa
unang salita ng kayariang
kinabibilangan
- Mayroong 16 anim na ingklitik sa
Filipino
ba daw/raw pala man
kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na lamang/lang yata sana
10. Pang-abay na kundisyunal –
nagsasaad ng kundisyon para
maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa
-Pinangungunahan ng kung,
kapag o pag at pagka
Halimbawa:
-Isasama kita sa pamamasyal kung
mag-aaral kang mabuti.
11. Pang-abay na kusatibo – tawag
sa pang-abay na nagsasaad ng
dahilan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa
- Binubuo ng parirala o sugnay na
pinangungunahan ng dahil sa
12. Pang-abay na benepaktibo –
tawag sa mga pang-abay na
nagsasaad ng benepisyo para sa
isang tao dahil sa pagkaganap sa
kilos ng pandiwa o ng layunin ng
pandiwa.
Halimbawa: Namatay si Jose Rizal
para sa bayan.
13. Pang-abay na pangkaukulan -
pinangungunahan ng tungkol,
hinggil o ukol.
Halimbawa:
-Ang ginanap na pagpupulong ay
hinggil sa bagong patakaran ng
ating Barangay.

You might also like