You are on page 1of 32

Paggamit ng panawag, pang-abay, panagot

at pandagdag ng tanong

Ni: LYCA MIA


AROZA
Paggamit ng Panawag- Pangngalang sinasambit sa
isang pangungusap.
Hal:
1. Inay, ikaw ang tunay na dakila.
2. Gweneth, kumain ka na ba?
Ang panawag o pantawag -ay isang pagkakilanlan
upang makuha ang atensyon ng isang tao tulad ng
honey, darling. Maari rin itong gamitin sa bagay
upang makilala o matukoy tulad ng telepono,
computer, walis at iba pa.
Ang panawag o pantawag- maari rin itong
maging basehan o pagkilala bilang pantukoy sa
sitwasyon , bagay o pangyayari tulad ng bagyo,
summer, anak, kaibigan at iba pa.

Mga Panawag- maari rin itong tawaging


“vocative” o iisang salita o panawag.
Hal:
*Pssst! * Hoy! *Nene! *Totoy!
Pang-abay (Adverb) - Isa sa mga bahagi ng
pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri
o kapwa pang-abay. Ito ay kadalasang nagpapahayag
ng paraan, lugar, oras, dalas, antas ng katiyakan at
iba pa.
Hal.
1. Mabilis na manlalaro si Lydia De Vega.
2. Mabilis siyang tumakbo noong siya’y bata pa.
Mga Uri ng Pang-abay:

1. Pamanahon- Ang pang-abay na pamanahon ay


nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang
kilos na taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri:

a. may pananda- nang, sa, noon, kung, kapag,


tuwing, buhat, mula, umpisa at hanggang
hal.
* Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
* Umpisa bukas ay dito na kami titira.
b. walang pananda- kahapon, ngayon, bukas,
sandali, mamaya, kanina, atbp.
hal.
* Manonood kami bukas ng pambansang
pagtatanghal.
* Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang
kanyang kaarawan.
c. nagsasaad ng dalas- araw-araw, umaga, taon-
taon.
Hal.
* Nag-eehersisyo siya tuwing umaga upang
mapanatili ang kanyang katawan.
* Magsipilyo ka araw-araw.
2. Pang-abay na panlunan- tumutukoy sa pook
na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang
sa/kay/kina.
Hal.
a. Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal.
b. Pakikuha mo kay Cherry ang aking kaldero.
3. Pang-abay na pamamaraan- ito ay
naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahayag ng
pandiwa.Ginagamitan ang panandang nang o
na/ng.
Hal.
* Bakit siya umalis na masaya?
* Sumigaw ako nang malakas.
4. Pang-abay na Pang-agam- nagbabadya ng di-
katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari o parang.
Hal.
* Ang batang ito ay parang walang magulang.
* Marami na marahil ang nakakaalam ng
sikreto niya.
5.Pang-abay na panang-ayon- nagsasaad ng
pagsang-ayon. Hal. oo, opo, tunay,sadya, talaga
atb.
Hal.
* Oo, aasahan mo ang aking tulong.
* Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
6. Pang-abay na pananggi- nagsasaad ng
pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw
Hal.
* Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
* Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa
paninigarilyo.
7. Pang-abay na pananggaano o pampanukat-
nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa
tanong na gaano o magkano.
Hal.
* Nadagdagan ang timbang ko ng tatlong kilo.
* Inabot ako ng kalahating araw sa
paghihintay sa iyo.
8. Pang-abay na pamitagan- nagsasaad ng
paggalang. Ginagamitan ito ng mga salitang po,
opo, ho, oho.
Hal.
* Kailan po ang uwi niyo?
* Opo, aakyat na po ako.
9. Ingklitik o paningit- ay mga kataga na
karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita
sa pangungusap. Ang mga ito ay ang man, kasi,
sana , nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang,
pa,din/rin, ba, pala,na, naman, at daw/raw.
Hal.
* Alam pala ni Brando ang lihim mo?
* Bakit daw ngayon ka lang?
10. Pang-abay na kundisyunal- nagsasaad ng
kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad
ng pandiwa. Pinapangunahan ng kung, kapag, o
pag at pagka.
a. Lalaki kang marunong kung nakikinig ka sa
mga sinasabi ko.
b.Aalis lang tayo kapag naubos mo na ang
kinakain mo.
11. Pang-abay na Kusatibo(kawsatibo)- ito ay
nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng parirala na
pinangungunahan ng dahil sa.
Hal.
*Dahil sa kaingayan kaya napagalitan tayo.
* Dahil sa iyo nabuo ang buhay ko.
12. Pang-abay na benepaktibo-ito ay nagsasaad
ng benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagkaganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng panandang para sa.
Hal.
*Ang mga bayani ay nag-alay ng buhay para sa
atin.
* Kumain ng gulay para sa ikalalakas ng katawan.
13. Pang-abay na pangkaukulan-ito ay
ginagamitan ng mga salitang
tungkol,hinggil,ukoy.
Hal.
* Hinggil saan ang pagpupulong ngayon?
* Ang palabas ay tungkol sa buhay ni Charo.
14. Pang-abay na panulad- ginagamit ito sa
pagtutulad ng dalawang bagay na ginagamitan ng
salitang kaysa.
Hal. Mahusay umawit si Ana kaysa kay Jonna.

15. Pang-abay na panturing- ito ay nagpapahayag


ng pagkilala o pagtanaw ng utang na loob.
Hal. Nang dahil sa’yo ay natapos ko ang aking
takdang aralin.
16. Pang-abay na pananong- ito ay ginagamit sa
pagtatanong hinggil sa pandiwa, pang-uri o
pang-abay.
Hal. Paano kaya pumunta sa Baguio?

17. Pang-abay na Panunuran-ito ay ang


pagkakasunod-sunod sa panahon o
pagkakalagay.
Hal. Kahuli-hulihan si Kelly sa pila.
Gaano nga ba kahalaga ang pagtatanong?

MAAYOS NA PAGTATANONG AT PAGSAGOT SA


MGA TANONG
Tanong o Katanungan- ay maaring isang
pagpapahayag ng pangwika na ginagamit upang
humiling ng kabatiran. Ang impormasyong ito ay
maaring ibigay na mayroong isang sagot o
kasagutan(katugunan).
 TANONG na ang SAGOT ay “OO o HINDI”
- ito ang pinakalimit gamitin ng guro sa
pagtatanong. Madalas marinig ang ganitong
tanong sa wikang Filipino.
- Ang sagot dito ay mabilis na naipukol sa
guro sa dahilanang hindi ito nangangailangan
ng pagbubuo ng mga pangungusap. Tinatawag
itong “One-Finger Question” sa Ingles.
• Hal.

A. Nakuha mo ba ang aral na hatid ng pabula?


*Oo, (nakuha ko). * Hindi, (ko nakuha)

B. Magagamit mo kaya ang aral na ito sa iyong


buhay?
* Oo, (magagamit ko)
* Hindi, (ko magagamit).
Panagot sa Tanong

T: * Aalis na ba kayo papuntang Baguio?

- Oo, aalis na kami papuntang Baguio.


- Hindi, hindi pa kami aalis papuntang Baguio.

Pandagdag na Tanong
Hal.
* Ayaw niya akong sagutin, bakit kaya?
* Lagi niya akong ginugulo, bakit ba?
Apat na paraan upang sagutin ang mga
katanungan: (GAUTAMA BUDDHA)

1. Mga tanong na dapat sagutin ayon sa


kaurian(tuwirang oo,hindi,ito,iyon).

2. Mga tanong na nararapat na may isang


kasagutang mapanuri(naangkop)(binibigyan ng
kahulugan o muling binibigyan ang mga kataga)
3. Mga tanong na sinasagot at binabalik din ang
pagtatanong.

4. Mga tanong na dapat isantabi lamang.


Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=paggamit+ng+panawag&sxsrf=ALeKk
014TShtAIU3zWhOTdbJDB22QTMfZQ:1591691002539&tbm=isch&source
=iu&ictx
=https://
www.slideshare.net/JohnErvin4/pangungusap-na-walang-paksa?next_slid
eshow=1

https://www.slideshare.net/grc_crz/mga-pangungusap-na-walang-paksa
1&fir=AWC7DHfNL5njOM%253A%252CzXysvPgAbj32_M%252C
_&vet=1&usg=AI4_-kSCkl_Z8aS6qjw7b6CW25Iknshz1w&sa=X&ved=2ahU
KEwjEqLGGp_TpAhWZHXAKHUpYDhQQ9QEwAHoECAgQBQ&biw=1366&b
ih=657#imgrc=csfdSD375Cd3UM

https://philnews.ph/2019/01/02/pang-abay-ano-ang-pang-abay-halimba
wa/

https://philnews.ph/2019/02/15/uri-ng-pang-abay-9-uri-pang-abay-halim
bawa/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pang-abay
Maraming Salamat sa inyong PAKIKINIG !!!

You might also like