You are on page 1of 8

KAHULUGANG TEKSTWAL AT

(Denotasyon Konotasyon)
KONTEKSTWAL

___________________________________________
Inihanda ni: Julie Faith Rabina
Tekstwal
____________________________________________________________________________________________

Ang kahulugan ng salita ay karaniwang nakikita sa


diksyunaryo.

Ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan at


ito ay ginagamit sa karaniwan at simpleng pahayag.

Tinatawag din itong denotasyon.


Kontekstwal
___________________________________________________
Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa pangkaraniwang
pakahulugan. Nagtataglay ng mga pahiwatig na emosyonal
o pansaloobin ang mga salita.

Ang mga salita ay nabibigyan ng ibang kahulugan batay


sa pagkakagamit ng mga ito sa pangungusap.

Tinatawag din tong konotasyon.


Ahas
____________________________________________________________________________________________

Tekstwal: Isang hayop na gumagapang at


nanunuklaw.
Natatakot si Mary Jane sa ahas.

Kontekstwal: Isang traydor; patalikod kung gumawa


ng masama.
Nagalit ang kaniyang mga kaibigan dahil siya ay isang
ahas.
Pawis
__________________________________________________________________________________________

Tekstwal: Tubig na lumalabas sa katawan

Punasin mo ang pawis sa iyong likod.

Kontekstwal: Pinaghirapang gawin

Alalahanin mo na pawis ko ang pinuhunan sa iyong


pag-aaral.
Kanang kamay
_____________________________________

Tekstwal: Parte ng katawan


Nasugatan ang kaniyang kanang kamay dahil sa
aksidente.

Kontekstwal: Pinagkakatiwalaang tao

Si Fernando ang kanang kamay ni Don Pablo Escobar.


Bola
_________________________________________________________________________________________

Tekstwal: Laruan na hugis bilog

Mahilig maglaro ng bola ang mga bata.

Kontekstwal: Pagbibiro

Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.


Buwaya
_______________________________________________________________________________________

Tekstwal: Isang reptilya

Si Lolong ang pinakamalaking buwaya sa buong


mundo.

Kontekstwal: Gahaman

May ilang buwayang naglilingkod sa bayan.

You might also like