You are on page 1of 1

UNANG MARKAHAN

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


PANGALAN: ______________________________________________ PETSA: _______________________ MARKA:
_________________
G9 - ___________________________ GURO: __________________________________ IWINASTO NI: ___________________________

Basahin at unawain ang mga panungusap. Bilugan ang mga pangatnig at transitional devices na ginamit sa bawat bilang.

1. Mahirap man ang naging sitwasyon ng pamilya subalit hindi ito naging hadlang upang magsikap siyang makatapos ng kanyang pag-
aaral.
2. Naging masipag si Andrie sa kanyang pag-aaral kaya siya ay nabigyan ng medalya ng pagkilala.
3. Sa aking palagay, mas magiging maganda ang iyong buhay kung magsusumikap ka.
4. Tapusin mom una ang iyong mga takdang aralin saka ka maglinis ng bahay.
5. May maayos siyang plano sa kanyang buhay gaya ng kanyang mga nakatatandang kapatid.

Tukuyin kung ang mga pangungusap ay nagtataglay ng DENOTASYON o KONOTASYON. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang.

______________________ 1. Naglaho ang kanyang kayamanan sa isang kisapmata.


______________________ 2. Masipag ang mga mag-aaral kung kaya sila ay binigyan ng pagkilala.
______________________ 3. Ang kanyang pamilya ay isang kahig, isang tuka lang subalit sila ay nagsisikap sa buhay.
______________________ 4. Natapos na ang trabaho ni Pedro kaya siya ay nagbibilang na lamang ng poste.
______________________ 5. Masayang magkakasama ang mga magkakaibigan sa restawran.

Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ito ay hindi wasto.

__________ 1. Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


__________ 2. Pananaw ang tawag sa panauhang ginagamit sa isang akda.
__________ 3. Ang tema ay tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kuwento
__________ 4. Ang damdamin ay ang nagbibigay kulay sa mga pangyayari sa kuwento.
__________ 5. Ang pamamaraan ay ang dayalogong ginagamit sa kuwento
__________ 6. Ang kariktan ay tumutukoy sa pangkalahatang hitsura ng tula.
__________ 7. Ang larawang diwa ay ang pagkakapare-pareho ng tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
__________ 8. Ang tulang liriko ay nagtataglay ng mga karanasan, guniguni at kaisipan at karaniwang payak at maikli.
__________ 9. Ang tulang pantigan ay naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay sa anyong patula.
__________ 10. Ang tulang dula ay itinatanghal sa entablado at ang usapan ng mga tauhan ay sa paraang patula.

PANUTO: Tukuyin ang uri ng tula na inilalarawan sa bawat bilang. Bilugan ang wastong sagot.

KORIDO ELEHIYA SARSWELA DUPLO


KARAGATAN PANTIGAN MORO-MORO ODA
PADULA SONETO PANUNULUYAN AWIT

______________________ 1. Ito ay uri ng tulang sagutan na itinatanghal sa entablado sa paraang tagisan ng katwiran at talino.
______________________ 2. Ito ay binubuo ng walong pantig sa isang taludtod at nagsisimula sa isang panalangin na kung awitin ay mabilis.
______________________ 3. Ito ay isang madulang pagtatalo tukol sa nawawalang singsing ng dalaga na nahulog sa dagat
______________________ 4. Ito ay isang tulang nagpapahayag ng paghanga o pagpuri na walang tiyak na sukat o bilang ng taludturan.
______________________ 5. Ito ay tulang may labing apat na taludtod na karaniwang pumapaksa sa damdamin at kaisipan.

PANUTO: Tukuyin ang uri ng pagpapahayag ng emosyong ginamit sa pangungusap. Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel

PADAMDAM MAIKLING SAMBITLA TIYAK DI-TUWIRAN

______________________ 1. Hala!
______________________ 2. Hawak sa ilong ni Marissa si Andres kaya sunud-sunuran ito sa lahat ng kanyang sinasabi.
______________________ 3. Madaling natapos ang kanilang gawain dahil sila ay natutulungan.
______________________ 4. Tumahimik kayo!
______________________ 5. Pagkatapos ng unos, tahimik niyang pinagmasdan ang bukang-liwayway sa silangan.

Anong emosyon ang nangingibabaw sa iyo matapos ang ating pagsusulit? Bilugan ang angkop na emoticon at ipaliwanag kung bakit ito
ang iyong napili.

You might also like