You are on page 1of 15

MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA MOTHER TONGUE 1
IKAAPAT NA MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ IKALAWANG ARAW

A. Layunin: Nakapagkukuwento/muling naikukuwento ang mga


alamat, mga pabula at mga biro. (MT1 OL-IVa-i-9.1)
B. 1 Panimula
Simulan Natin
Subuking basahin nang malakas ang pabula sa ibaba.
Ang Lobo At ang Ubas
Gutom na gutom na ang lobo.Wala siyang mabibiktimang hayop sa
pananghalian.Lahat ay nagtatakbuhang palayo kapag nakita siyang
papalapit na may mapupulang mga mata, matutulis na mga kuko at
makikintab na mga pangil.
Napangiti ang lobo nang madaanan ang balag na ginagapangan ng
mga ubas.Tiningala ng lobo ang mga ubas.Napatakam siya.Tumalon-talon ang
lobo upang maabot ang mga ubas.Pero kahit na gaano kataas ang pagtalon
ay hindi niya maabot ang mga prutas.
Natanawan ng lobo na lihim na bumubungisngis ang mga daga, kuneho
at pusa sa lungga.Nasulyapan din niyang pinagtatawanan din siya ng kambing
at matsing sa likod ng puno ng balimbing.Pagod na rin sa kakatawa ang
manok, maya at agila na nakatungtong sa mga sanga ng manga.Paanong di
bubunghalit ng tawa ang lahat gayong parang akrobatikong patalon-talon
ang lobo sa gitna ng kagubatan.Pilit nitong inaabot ang di man lang makanting
ubas na pangarap kainin subalit di kayang abutin.”Parang sirkero ang
lobo.”Malakas na tawa ni pagong. “Hindi basta sirkero. Sirkerong gustong abutin
ang araw”. pang-iinis ni gansa. ”Hindi lang araw. Pilit din niyang inaabot ang
buwan at mga bituin.” Sigaw ng elepante.” Gusto mo bang sumakay sa ilong
ko nang maabot mo ang ubas sa baging?”
Huwag na. Salamat.Ayoko naman talaga ng mga ubas na iyan. Berde at
tiyak na napakaasim pa. ”Matapos pintas-pintasan ay inis na inis na iniwan ng
lobo ang ubasan.
.

Sagutin:
1. Ano ang pamagat ng kuwentong binasa?
2. Magbigay ng mga hayop na tauhan sa kuwento.
3. Sino ang gutom na gutom?
4. Ano ang nakita ng lobo at naisipan niyang kainin?
5. Nakuha ba ng lobo ang ubas?
6. Bakit pinagtatawanan ang lobo ng ibang mga hayop?
7. Ano ang aral ng kuwento?

Page 1 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Kung ikaw ang magsasalaysay muli ng nabasa o napakinggang kuwento,


gamit ang sariling salita o opinion
Paano mo sasagutin ang mga sumusunod:
a. Kung ikaw ang nakakita ng ubas
b. Kung ikaw ang hayop na nasa paligid
c. Kung ikaw ang gutom na gutom

Sa pagsasalaysay muli ng napakinggan/ nabasang kwento ito ay isang


basehan kung lubos mong naunawaanuuu ang napakinggan o nabasa.Ang
una, gitna at wakas na bahagi ng kwento ay importanteng malaman
upang maisalaysay na muli ng buo ang napakinggan/nabasang teksto.

Mga Gawain
Magagawa Natin
Basahin at Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng kuwento.

Ang Gansang Nangingitlog ng Ginto


May isang matandang babae na nag-aalaga ng Gansa. Ang Gansa ay
nangingitlog paminsan-minsan.Isang araw ay nagulat ang matanda nang
mapansing nangingintab ang itlog ng Gansa. Dali-dali niya itong pinulot at sinuri.
Mabigat na mabigat ang itlog at nagniningning na parang ginto.
"Gintong itlog!" tuwang-tuwang nagsisisigaw ang matanda. "Nangingitlog ng
ginto ang Gansa ko! Gintong itlog! Gintong itlog!"Masayang-masaya ang
matanda sa gintong itlog na bigay ng Gansa. Lalo siyang natuwa sapagkat
araw-araw nangingitlog ang alaga niya. Naging mayaman ang matanda.
Nakabili siya ng malawak na lupa at nakapagpatayo ng malaking bahay at
nakapamuhay nang masagana.Hindi naging lubos ang kaligayahan ng
matanda. Para sa kanya napakabagal ng araw-araw na pangingitlog ng
Gansa. Malalim siyang nag-isip. May sapantaha ang matandang tiyak na
marami ang gintong itlog sa loob ng tiyan ng Gansa.
"Nakatitiyak ako," ngingisi-ngising hula ng matanda, "na kung papatayin ko
ang Gansang ito at kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging
pinakamayaman ako sa komunidad na ito!"
Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa. Nanghinayang siya sapagkat
wala kahit isa man lamang na gintong itlog siyang nakita.
Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kaniyang
alaga na nagbigay sa kaniya ng yaman at tuwa.

Sagutin:

1. Isalaysay na muli ang unang pangyayari sa kuwento?


__________________________________________________________
2. Bakit hindi naging ganap ang kasiyahan ng matanda?
________________________________________________________
Page 2 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

3. Ano ang kanyang natuklasan matapos niyang patayin ang gansa?


_____________________________________________________________
4. Ano ang naramdaman ng matanda matapos matuklasan na wala
palang ginto sa loob ng gansa? _____________________________________
5. Anong aral ang napulot mo mula sa kuwento

Tandaan Natin:
Ang Pagsasalaysay o pagkukuwentong muli ng napakinggan/nabasang
kuwento ay maaring gawin sa tulong ng mga ibinigay na pangungusap. Sa
pagbuo ng mga pangungusap at sa pagsasaayos ng mga ito ayon sa wastong
pagkakaugnay ng mga pangyayari ay mailalahad ang tunay na buod.

C. Pagtataya
Magagawa Natin
Panuto: Gamit ang sariling pangungusap muling isalaysay ang
kuwentong “Ang Gansang Nangingitlog ng Ginto”.Isulat sa kahon ang
nabuong kuwento.

_________________________________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
JOSEPHINE E. DACLAN
Andres Bonifacio Elementary School
____________________________________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa sa Elementarya Gr.1
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino Kagamitan ng Mag-aaral 2
Sanayang aklat sa Filipino1
Pinoy Edition © 2021 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/

Page 3 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


IKAAPAT NA MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ IKALAWANG ARAW

A. Layunin :Nakatutukoy at nakagagamit nang wastong


magkakasingkahulugan, magkakasalungat at
magkakasintunog (kung kinakailangan) at mga salitang may
iba’t ibang kahulugan. ( MT1 VCD-Iva-i-3.2)
B. 1 Panimula
Simulan Natin
Subuking basahin nang malakas ang maikling kuwento sa
ibaba.
Ang Kambal
Kambal ang pangay na anak nina Mang Lito at Aling
Iska.Nora at Nara ang pangalan ng kambal. Mahaba ang
buhok ni Nora samantalang ang buhok ni Nara ay maikli.Payat
ang pangngatawan ni Nara habang si Nora naman ay
mataba.Mayroon mang pakakaika ang kambal masasabing
magkasundo naman sila sa maraming bagay.Kapwa marunong
sila sa klase at pareho sila matalino sa pagpili ng mga desisyon.
Nagmamahalan at nagtutulungan ang kambal, kaya naman
abot kamay nila ang tagumpay.

Sagutin:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano-ano ang mga pagkakaiba ng kambal?
3. Ano naman ang pagkakatulad nila?
4. Dapat bang magmahalan ang magkakapatid? Bakit?
Ang mga salita sa kuwento ay mayroong diin.Nakasulat
muli sa ibaba ang mga salitang at ginamit sa pangungusap.

1. Mahaba ang buhok ni Nora samantalang ang buhok ni


Nara ay maikli.
2. Payat ang pangngatawan ni Nara habang si Nora naman
ay mataba.
3. Kapwa marunong sila sa klase at pareho sila matalino sa
pagpili ng mga desisyon.

Page 4 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Hanay A Hanay B
mahaba-maikli marunong-matalino
payat- mataba

Ang mga salitang naglalarawan sa hanay A ay magkapareho


ng kahulugan. Tinatawag itong magkasingkahulugan. Ang Mga
salitang nasa Hanay B ay mga salitang magkaiba ang
kahulugan o tinatawag na magkasalungat.

Mga Halimbawa ng salitang:


Magkasingkahulugan Magkasalungat
marikit –maganda maganda -pangit
masaya-maligaya masaya-malungkot
tama –wasto tama-mali
inaksaya-sinayang masinop-maaksaya
tahimik-payapa tahimik-magulo
sobra-labis labis-kulang

2. Mga Gawain
Gawain 1
Magagawa Natin
Hanapin sa Hanay B ang salitang kasingkahulugan ng
nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
Hanay A Hanay B
__1. malinamnam a.madaya
__2. tama b. masaya
__3. maligaya c. payapa
__4. tuso d. masarap
__5. tahimik e. wasto
Gawain 2
Payabungin Natin
Bilugan ang salitang kasalungat ng salitang nasa loob ng
unang kahon.
matalim mapurol matalas
labis sobra kulang
mahina malakas malamya
matayog mataas mababa
tahimik magulo payapa

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Tandaan Natin:
Magkasingkahulugan-mga salitang magkapareho ang
kahulugan o ibig sabihin.
Hal. maganda-marikit
Magkasalungat-mga salitang kabaliktaran o magkaiba
ang ibig sabihin.
Hal. malayo-malapit

C. Pagtataya
Magagawa Natin
Panuto: Salungguhitan ang magkasingkahulugan o magkasalungat na
salita sa bawat pangungusap.Tukuyin kung ang dalawang
pares ng salita ay magkasalungat o magkasingkahulugan.Isulat
sa patlang ang KH-para sa magkasingkahulugan at KT-kung
magkasalungat.

____1. Ang Kambal na sina Julio at Julia ay lalaki at babae.


____2. Matamis ang hinog na manga, maasim naman ang hilaw na manga
____3. Tahimik at payapa ang buhay sa probinsya.
____4. Masarap humigop ng mainit na tsokolate kapag malamig ang
panahon.
____5. Ang mga dalaga sa nayon ay marikit katulad ng magandang bituin sa
langit.

_________________________________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
JOSEPHINE E. DACLAN
Andres Bonifacio Elementary School
____________________________________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa sa Elementarya Gr.1
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino Kagamitan ng Mag-aaral 2
Sanayang aklat sa Filipino1

Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


IKAAPAT MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/ IKATATLONG ARAW

A. Layunin :Nakasusulat nang wastong mga parirala at payak na


na mga panungusap.(MT1 Iva-i-3.2.1)

B. 1 Panimula
Simulan Natin
Basahin:
ang aking alaga
nagbibigay saya
sa aming tahanan
sa darating na bakasyon

Sagutin:
Naunawaan mo ba ang grupo ng mga salita?
Ano kaya ang tawag sa mga grupo ng salitang ito?

Ang tawag sa mga salitang binasa ay parirala.

Basahin ang mga sumusunod:


1. Ang aso ay maamo.
2. Ang bahay ay malinis.
3. Sino ang umawit?
4. Paano magtanim ng puno?

Pansinin ang bawat grupo ng mga salita.


Paano isinulat ang unang letra ng grupo ng bawat salita?
Ano ang nakikita sa huling bahagi ng grupo ng bawat
salita?
Nagpapahayag ba ito ng buong diwa?
Nauunawaan mo ba ang ipinapahayag ng grupo ng
bawat salita?
Ano kaya ang tawag sa grupo ng mga salitang ito?

Ang tawag sa grupo ng mga salita ito ay panungusap.

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pagkakaiba ng parirala sa panungusap.


Parirala Pangungusap
Maikli Mahaba
Nagsisimula sa maliit na letra Nagsisimula sa malaking letra
Walang bantas sa dulo May bantas sa dulo . ? !
Hindi buo ang mensahe Buo ang mensahe
Hindi naintindihan ang sinasabi Naiintindihan ang mensahe
Walang diwa o kahulugan

Ang parirala ay grupo ng mga salita pero walang diwa o hindi


maunawaan ang ibig sabihin.Pangungusap naman ang tawag
sa grupo ng mga salita na may buong diwa.Ito ay nagsisimula
sa malaking letra at nagtatapos sa bantas, maaring tuldok (.)
tandang pananong (?) o tandang padamdam (! ). Ang isang
payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang kaisipan
lamang. Meron itong simuno at panguri.
Halimbawa ng payak na panungusap:
Si Vicent ay masipag
Simuno panaguri

2. Mga Gawain
Gawain 1
Magagawa Natin
Panuto: Pumalakpak kung parirala at pumadyak naman
kung isang payak na panungusap.
1.naiwan sa labas
2. Ang guro ay masipag.
3. ang aking bag
4. Ang tigre ay mabangis.
5. bantayan mo
Gawain 2
Payabungin Natin
Isulat na muli ang mga grupo ng mga salita.Isaayos upang
makabuo ng isang parirala o isang payak na pangungusap.
1. aso ang_____________________________________
2. mapagbigay ate Si ay______________________________________
3. ibon puno sa _______________________________
4. bulaklak ay mabango ang _______________________________
5. mga malulusog ang halaman ay__________________________

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-MTB1-Q4-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Tandaan Natin:
Ang parirala ay grupo ng mga salita pero walang diwa
o hindi maunawaan ang ibig sabihin.Pangungusap naman ang
tawag sa grupo ng mga salita na may buong diwa.Ito ay
nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos sa bantas, maaring
tuldok (.) tandang pananong (?) o tandang padamdam (! ).
Ang isang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang
kaisipan lamang. Meron itong simuno at panguri.
Halimbawa ng payak na panungusap:
Si Vicent ay masipag
Simuno panaguri

C. Pagtataya
Magagawa Natin
Panuto: SubukIng dagdagan ang mga parirala upang maging
pangungusap. Tandaan na dapat nagsisimula sa malaking
letra at nagtatapos sa wastong bantas.

1. nalungkot si
__________________________________________________________________
2. ang aking mga alaga
__________________________________________________________________
3. si nanay
__________________________________________________________________
4. ang paaralan
__________________________________________________________________
5. ang Covid-19
__________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
JOSEPHINE E. DACLAN
Andres Bonifacio Elementary School
____________________________________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa sa Elementarya Gr.1
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino Kagamitan ng Mag-aaral 2
Sanayang aklat sa Filipino1

Page 9 of 15
Module Code: PASAY- MTB1-Q4- W4- D4

Pangalan:_________________________________Baitang at Pangkat:_____
Pangalan ng Guro:____________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


Ikaapat na Markahan/Ikaapat na Linggo/Ikaapat na Araw

A.Layunin: Natutukoy ang wastong gamit ng bantas, malaking letra,


at kaayusan ng indensyon sa pagsulat ng mga salita,
Parirala, pangungusap at maikling talata.
(MT1PWRIVa-i-8.1)

B.1. Panimula:

pngmart.com
Ating Alamin
May mga bagay na dapat isinasaalang- alang sa paglikha o
pagsulat ng mga salita, parirala, pangungusap, at maikling talata, tulad
ng paggamit ng malaking letra, tamang bantas at indensyon.
Halimbawa:
Ang paaralan ay pangalawang tahanan natin.
Ano ang inyong napupuna sa pangungusap?
Ang unang salita ng pangungusap ay nagsisimula sa malaking letra at
nagtatapos sa bantas na tuldok.
Basahin natin ang isang maikling talata…
Ang mga bata ay likas na mahilig maglaro.
Ito ay paraan upang sila ay maging masaya at masigla.
Nakatutulong din ang paglalaro sa kanilang pag-iisip,
pag-uugali, karanasan at pagpapahalaga sa kapaligiran.
Ano ang inyong napupuna sa talata?
 Ang unang salita sa talata ay nakapasok ng kaunti sa loob
o may indensyon upang madaling mapuna ang simulang
salita ng talata. Ang unang letra ng simulang salita ay nakasulat din
sa malaking letra. Ginagamitan din ang talata ng wastong bantas sa
dulo ng pangungusap.(Gabayan ng magulang ang mga bata sa
pagpuna ng wastong gamit ng malaking letra, bantas at
indensyon)…

Page 10 of 15
Module Code: PASAY- MTB1-Q4- W4- D4

Pangalan:_________________________________Baitang at Pangkat:_____
Pangalan ng Guro:____________________________
MGA GAWAIN
Gawain 1 Sa Paaralan
PANUTO: Lagyan ng tsek / ang patlang kung wasto ang
pagkakasulat ng mga pangungusap.
___1. Ang mga mag- aaral ay pumila nang maayos
sa TPES Gym.
___2. ang guro ay nagsalita nang malakas sa mga bata
___3. Ang mga bata ay sabay- sabay na umawit nang
Lupang Hinirang.
___4. Ang bilin ng guro ay magsanay sa pagbasa.
___5. tulong- tulong sa paglilinis ng silid- aralan ang mga bata

GAWAIN 2 Sa Aming Tahanan


PANUTO: Basahin ang talata. Lagyan ng ang patlang na
may wastong pagkakasulat ng talata.
Kay gandang pagmasdan, ang aming tahanan.
Masaya ang bawat isa na may pagmamahalan.
Nariyan si Inay, Itay, ate at kuya. Nandito rin si bunso
na nagbibigay ligaya.
_____

Ang batang masaya ay laging nakangiti.


Kahit sinong makakita, ay napapangiti.
Kay gandang pagmasdan, larawan ng kagalakan
_____ Nagbibigay sigla, at gaan ng kalooban.

Si nanay ay galing sa palengke. Siya ay namili ng


mga pansahog sa pagluluto ng sinigang. Bumili
siya ng karne ng baboy, labanos, talbos ng
_____ kangkong, sampalok, kamatis at sibuyas.

Page 11 of 15
Module Code: PASAY- MTB1-Q4- W4- D4

Pangalan:_________________________________Baitang at Pangkat:_____
Pangalan ng Guro:____________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang mga susunod na gawain….
Dapat nating tandaan, sa pagsulat ng mga
pangungusap at talata ay kailangang nagsisimula sa
malaking letra. Sa pagsulat ng talata, kailangang gamitan ng
indensyon upang malaman ang simulang pangungusap at
nagtatapos sa wastong bantas.

PANGWAKAS NA GAWAIN

PANUTO: Iguhit ang kung Tama ang pagkakasulat.


ng mga pangungusap. Iguhit ang kung Mali.

______1. Ang mga bata ay masayang umaawit sa saliw ng tugtugin.

______2. Yehey! Mamamasyal kami sa Manila Zoo.

______3. nagtakbuhan ang mga bata sa pila

______4. Ang bilin sa amin ng aming guro ay magsanay sa


pagbasa araw- araw. Dahil sa pagbabasa ay marami
kaming matutuklasan at matututunan.

______5. Ang mga bata sa Unang baitang ay magkakaroon


ng Lakbay- Aral. Sila ay pupunta sa Luneta Park
upang makita ang bantayog ni Dr. Jose P. Rizal ang
ating Pambansang bayani

References for Further Enhancement: K TO 12 Grade 1 Learners Materials in MTB Based Q4


You tube channel/ Sariling Likha

Inihanda ni:
Perlita T. Noguera
Timoteo Paez Elementary School

Page 12 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q4-W4-D5
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA MOTHER TONGUE 1
Ikaapat na Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikalimang Araw

Layunin : Nakagagamit ang mga salitang naglalarawan sa mga


pangungusap.

A. ANG ARALIN MO NGAYON


Paggamit sa mga salitang naglalarawan sa mga
pangungusap.
Ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop o
lugar ay tinatawag na pang-uri.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Ang mga salitang ito ay mga salitang
naglalarawan.
Si Elsa ay masayahing bata.
Ang sampaguita ay mabangong bulaklak.
Ang tatay ay nakahuli ng malaking isda.

A. Mga Gawain
Makinig sa kuwento

Ang Pamilya ni Elmo


Ang pamilya ni Elmo ay masipag na pamilya. Kapag
araw ng Sabado maaga silang gumigising. May kanya -
kanya silang gawain.

Si tatay ay nagtatanim ng mga berdeng gulay. Si


nanay ay nagluluto ng masarap na pagkain. Si ate ay
naglilinis sa malaking kuwarto. Si kuya ang nagpapaligo sa
matabang aso. At si bunso naman ay umaawit ng
masayang awitin at sumasayaw.

Tuwang-tuwa ang mag-anak tuwing matatapos ang


kanilang mga gawain dahil sila ay sabay-sabay na kakain
nang masarap na pagkain na inihahanda ni nanay.

Page 13 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q4-W4-D5
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

Sagutin ang mga tanong.


1. Anong araw maagang nagigising ang mag-anak ni Elmo?
2. Sino ang nagtatanim ng mga berdeng gulay?
3. Sino ang nagluluto ng masarap ng pagkain?
4. Sino ang naglilinis sa malaking kuwarto?
5. Sino ang nagpapaligo sa matabang aso?
6. Ano naman ang ginawa ni bunso?
7. Paano mo ilalarawan ang pamilya ni Elmo?

Ano-ano ang mga salitang naglalarawan sa pangungusap?


Halimbawa:
1. Si tatay ay nagtatanim ng mga berdeng gulay.
Ang salitang berde ay naglalarawan sa gulay.
2. Si nanay ay nagluluto ng masarap na pagkain.
Ang salitang masarap ay naglalarawan sa pagkain.
3. Si ate ay naglilinis ng malaking kuwarto.
Ang salitang malaki ay naglalarawan sa kuwarto.
Gawain 1
Bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Maliit ang gagamba sa sapot.

2. Maamo ang puting pusa.

3. Mayabong ang dahon ng puno.

4. Malaki ang bahay ng pamilya Reyes.

Page 14 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q4-W4-D5
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

5. Malalim ang karagatan.

Gawain 2
Ikahon ang angkop na salitang naglalarawan sa
pangungusap.
1. (Matanda, Bata) na si lola.
2. (Mabilis, Mabagal) tumakbo ang kabayo.
3. (Malungkot, Masaya) ang payaso.
4. (Mabigat, Magaan) ang bulak.
5. (Malakas, Mahina) sumunto si Manny Pacquiao.

Gawain 3
Gamitin sa payak na pangungusap ang salitang
naglalarawan.
1. Matalino- ____________________________________________
2. Masayahin- __________________________________________
3. Pula- _________________________________________________
4. Payat- ________________________________________________
5. Marami- _____________________________________________

Tandaan:
Ang salitang naglalarawan sa pangungusap ay tinatawag
na pang-uri.

B. Pagtataya:
Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita sa pangungusap.
Isulat ito sa patlang.
malamig dalawa mainit maasim maalat
1. __________ ang kending niya.
2. ___________ ang kape ni tatay.
3. ___________ ang hilaw na manga.
4. Ang sorbetes ay ______________.
5. Ang tubig sa dagat ay ___________ ang lasa.

Inihanda ni:
BERNARDITA P. TASIPIT
Kalayaan Elementary School

Page 15 of 15

You might also like