You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 2
QUARTER 1 – WEEK 6

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________

Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan/Ikaanim na Linggo/Unang Araw

A. Layunin
Naibibigay ang paksa o nilalaman ng pabulang
napakikinggan.

B. 1. Panimula
Ang pabula ay isang maikling kuwento na
nagmula noong unang panahon kung saan ang mga
tauhan ay hayop na nagsasalita.

Mga Gawain 1: Basahin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang maikling pabula at


sagutin ang mga tanong sa baba.

Ang Aso at ang Uwak

May isang ibong na nakakita ng karne na

nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad

Page 4 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________

Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

nang malayo. Sa dulo ng sanga isang puno ay

sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig

niya ang malakas na boses ng isang aso na

nagsabing “sa lahat ng ibon, ang uwak ang

pinakamagaling. Walang kakumpara!” Natuwa

ang uwak at binukas ang tuka para

humahalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang

karnemula sa kanyang tuka. Nahulog ito sa lupa

kung saan kaagad sinunggaban ng aso. Walang

nagawa si Uwak kundi tignan sa nahulog niyang

karne. Mula noon hindi na muling nagpalinlang si

Uwak kay Aso.

Sagutin Natin:

1. Bakit lumipad si Uwak kung saan-saan si Uwak?

2. Ano ang natagpuan niya?

Page 5 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________

Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

3. Sino ang nakakita kay uwak?

4. Ano ang bagay nais maagaw nito kay Uwak?

5. Nakuha ba niya ito? Paano?

6. Sa iyong palagay, dapat bang tularan ang ugali

ni Aso?

7. Anong ugali ang pinamalas ng Uwak?

8. Anong ugali ang mayroon ang Aso?

NAUUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN


NATIN

Page 6 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________

Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

C. MGA GAWAIN

Gawain 2:
Isaayos ang mga larawan ayon sa pagkasunod-
sunod nito sa pabulang nabasa. Lagyan ng bilang na
1–8 sa patlang.

Page 7 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________

Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Gawain 3:
Isulat sa sagutang papel ang T kung Tama at M

kung Mali ang sinasaad ng pangungusap.

_____1. Kung ikaw ay nagugutom dapat bang


kumuha ng hindi sa iyo?

_____2. Ang aso ay manloloko.

_____3. Natakam si Uwak sa karne kaya niya kinuha ito.

_____4. Malaki ba ang punong kanyang dinapuan?

_____5. Nasa tuka ba ni Uwak ang karne?

_____6. Ang karne ay nahulog sa sanga.

_____7. Hindi nakuha ng aso ang karne.

_____8. Dapat bang gayahin ang ugali ng aso.

Tandaan:
Hindi lahat ng papuriay totoo. Maaring ginagamit
lamang ito ng iba para maisahan ka.

Inihanda ni:
EDITHA O. DELOS REYES
GOTAMCO ELEMENTARY SCHOOL
Sanggunian:
Gintong Sinag Wikang Filipino 2, 2006 Pp. 114-115

Page 8 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan/Ikaanim na Linggo/Ikalawang Araw

A. Layunin: Nakagagamit ng mga pahiwatig upang


malaman ang kahulugan ng mga salita
paggamit ng mga palatandaan nagbibigay ng
kahulugan (context clues) kasalungat.
B. Nilalaman:
• Nakagagamit ng mga pahiwatig upang
malaman ang kahulugan ng mga salita
paggamit ng mga palatandaan nagbibigay ng
kahulugan (context clues) kasalungat.

Basahin Natin:

May mga salita ring magkaiba ang kahulugan.


Alam mo ang mga halimbawa nito?
Ano-ano ang mga ito?

Si Romeo ay matangkad. Si Christina ay pandak.

Page 9 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Si Bambam ay malusog. Si Sunshine ay payat.

Ang kalye ay makalat. Ang kalye ay malinis.

• Ang mga salitang magkakasalungat ay mga


Salitang magkabaliktad ang kahulugan o
katuturan. Lahat ng salita ay may kasalungat na
kahulugan.

Page 10 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________
Mga Gawain 1:
Paggamit nang tama ng mga salitang magkahulugan.
Ibigay ang kasalungat ng mga sumusunod:
1. Duwag ______________________
2. Luma ______________________
3. Mabilis ______________________
4. Hinog ______________________
5. Masaya ______________________
6. Mainit ______________________
7. Sariwa ______________________
8. Mahaba ______________________

Gawain 3
Piliin ang tamang letra sa kahon ng kasalungat na
salita at isulat sa patlang ang sagot.

A. D. G.

B. E.
H.

C. F.

Page 11 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

1. Malamig ang simoy ng hangin sa tabing-dagat. ________

2. Bibili si Covida ng bagong damit sa kaarwan niya. ________

3. Matamis ang manggang nabibili sa Guimaras. ________

4. Gusto mo bang mamasyal sa malayong lugar. ________

5. Mabango ang bulaklak ng Sampaguita. ________

6. Makinis ang kanyang kutis. ________

7. Tiyak na mgagalit ang aking guro sa ginawa ko. ________

8. Makapal ang mga libro. ________

NAUUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

Gawain 4:

Lagyan ng tsek (✓) ang mga pares ng mgasalita ng


magkasalungat at ekis (X) ang hindi.

1. _____ manipis 5. ______ nginatngat


makitid kinagat

2. _____ baluktot 6. ______ sira


tuwid luray

Page 12 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

3. _____ lubog 7. ______ tahimik


litaw maingay

4. _____ kaibigan 8. ______ tayo


Kaaway upo

EDITHA O. DELOS REYES


GOTAMCO ELEMENTARY SCHOOL

Reference for Further Enhancement:


Filipino 2 Wika at Pagbasa pp. 197-199

Page 13 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-
D3
Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2

Unang Markahan/Ikaanim na Linggo/Ikatlong Araw

Layunin: Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga


pangyayari sa binasang talata.
A. Nilalaman:
• Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa binasang talata

B. Basahin Natin:
Basahin ang tula. Habang iyong binabasa ito, tukuyin
kung ano ang pangunahing kaisipan tungkol dito.
Hanapin din ang bahaging nagsasaad ng sanhi at
bunga.

BIYAYA

Yaman sa dagat at salupa


Ating likas na yaman
Gulay, prutas, palay at isda
Dito makikita, dito makukuha.
Pakatandaan, palaging isaisip
Ang mga biyaya na ating nalalasap
Hindi magtatagal, nauubos nang ganap
Kung tayo’y pabuya at walang pag-aalaga.

Sagutin Natin:
1. Bakit biyaya ang pamagat ng tula?
2. Napakaloob ba sa pamagat ang pangunahing kaisipan
ng tula?
3. Anu-ano ang mga bumubuong biyaya ng binabanggit?
4. Ang biyaya ba ay walang katapusan?Bakit?
5. Anong nangyayari kung walang mag-alaga sa Biyaya?
6. Saan nakukuha ang mga binanggit na biyaya/?

Page 14 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-
D3
Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

7. Ano ang kaisipan mayroon ang unang saknong?


8. Ano ang mensahe ng ikalawang saknong?
Tandaan:
• Ang sanhi (cause) ay tumutukoy sa pinagmulan o
dahilan ng isang pangyayari.
• Ang bunga (effect) ang siyang kinalabasan o dulot ng
naturang pangyayari.

NAUUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN


C. MGA GAWAIN
Gawain 1:
Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga sa bawat
pangungusap.
Halimbawa: Natumba si levy sa madulas na sahig.

1. Nasasabik si Shaan dahil buwan na ng Hunyo.


2. Hindi natapos ni Aling Virgie ang damit ni Aki dahil sa
siya ay nagkasakit.
3. Nataranta ang mga magulang ni Buboy nang hindi
nagawa ang pantalon ng anak.
4. Naulanan si Zyrene kaya siya ay inuubo.
5. Sumakit ang aking tiyan dahil marami akong nakain.
6. Malinis ang bakuran dahil nagwalis ang Nanay.
7. Si Covida ay natuwas apagkat dumating ang kanyang
ama.
8. Nalulungkot siya dahil mababa ang marka ang
kanyang marka nakuha sa pagsusulit.
Tandaan:
Ang sanhi at bunga ay kadalasang pinagdudugtong
ng mga pang-ugnay tulad ng dahil, kung kaya, kasi, nang
dahil sa, kung, at kapag.

Page 15 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-
D3
Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Gawain 2:
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Sabihin kung
ang pariralang may salungguhit ay sanhi o bunga. Lagyan
ng bilog ang tamang sagot.
1. Nadapa si John dahil tumakbo ng mabilis.
Sanhi/Bunga
2. Naglinis ng bahay si Kulot kaya natuwa ang nanay niya.
Sanhi/Bunga
3. Kumain nang marami ng kendi si Yen-yen kaya sumakit
ang ngipin niya.
Sanhi/Bunga
4. Nag-aral nang mabuti si Khang-Khang sa pagsusulit
kaya nakuha siya ng mataas na iskor.
Sanhi/Bunga
5. Nakasindi ang ilaw ng magdamag kaya na napundi ito.
Sanhi/Bunga
6. Suspendido ang klase sapagkat may pandemyang
COVID-19.
Sanhi/Bunga
7. Nanood siya ng TV hanggang hatinggabi kaya nahuli
siya sa pag pasok sa paaralan.
Sanhi/Bunga
8. Ginawa nang maaga ni Gracie ang kanyang proyekto
kaya natapos niya ito ng mas maaga.
Sanhi/Bunga
Gawain 3:
Unawain ang mga pangyayari sa Hanay A at sa Hanay B.
Pag-uganayin ang sanhi at bunga ng pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa linya.

Hanay A
_____1. Nakamit ni C.J. ang unang karangalan dahil
_____2. Masaya ang mga bata sapagkat may natanggap
sila ng
_____3. Nasira ang laruan kaya

Page 16 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-
D3
Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

_____4. Mapayapa ang bawat pamilya sa aming


komunidad kasi walang
_____5. Kumakain ako ng masustansiyang kaya
_____6. Nagsesepilyo ako ng ngipin pagkatapos kumain
kaya
_____7. Nagliligpit ako ng sariling gamit araw-araw kaya
_____8. Nagdala ng payong si Maria dahil
Hanay B

A. D. G.

B. E. I.

C. F.

Paglalahat:
Napakalaki ang pang-unawa sa anomang
pangungusap o akda kung matututuhang mahanap ang
sanhi at bunga sa kaisipang isinasaad. Ang kaugnayang ito
ay ang nagbibigay ng kabuuan sa kaisipang nilalaman ng
pahayag sa anomang anyo nito.

Gawain 5:
Bilugan ang sanhi o bunga sa mga larawan.

A.

Page 17 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-
D3
Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

B.

C.

D.

E.

Inihanda ni:
EDITHA O. DELOS REYES
GOTAMCO ELEMENTARY SCHOOL

Reference for Further Enhancement:


Gintong Sinag Wikang Filipino 2, 2006 Pp. 223-227
Pinagyamang PlumaWika at Pagbasa Fil.2, 2017 pp.271

Page 18 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan/Ikaanim na Linggo/Ikaapat na Araw

Layunin: Naibibigay ang paksa o nilalaman ng pabula ng


napakinggan.
A. Nilalaman
• Nailalarawan ang mga tauhan sana pakinggang
teksto batay sa kilos.
• Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng
kilos o galaw ng pangalan o panghalip. ………………

B. Basahin Natin
Kahit hindi ka maging pinunong tulad ni Jumong ay
marami kang maitutulong sa iyong sariling tahanan.
Kilallanin at kulayan ang pandiwang ipinakikita sa
bawat tahanan.
Sagutin Natin:

Nagwawalis Nagtatanim Nagluluto


Naglilinis Nagdidilig Naglalaba
Nagpapahinga Nag-aaral Naghuhugas

Page 19 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Naglalaro Naglalaba
Nagliligpit Nagsasampay
Nagtitiklop Namamalantsa

Tandaan:
*Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng
kilos o galaw ng pangalan o panghalip.

NAUUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

C. MGA GAWAIN
Gawain 1: Basahin ang talata.
Sa paaralan man ay marami ring magagawa ang
isang bata para siya ay makatulong sa kanyang munting
paraan. Basahin ang mga pandiwang ginamit.

1. Nagwawalis ng sahig si Dina.


2. Inaayos ni Ron ang mga silya.
3. Si Rica ay nagbubura sa pisara.
4. Nagbalik ng mga aklatsi Gerry.
5. Natutuwa si Binibining Reyes.
6. Nagpupunas ng mesa si Liza.
7. Tinutulungan ni Clark si Binibining Reyes.
8. Magtatapon ng basura si Jhared.

Page 20 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Gawain 2:
Basahin ang mga pangungusap at guhitan ang mga
kilos o pandiwa.
1. Kumakanta si Vincent.
2. Sinusuklay ni Eugene ang buhok ng kanyang anak.
3. Ang mag-anak ay naghahapunan.
4. Si Nana Ingga ay nagwawalis.
5. Isinabay ni Lila ang mga bulaklak sa sahig.
6. Tinangay ng malakas ng hangin.
7. Kami ang nagpintura ng mga parol.
8. Bukas ay mangangahoy ang mga kalalakihan.

Gawain 3:
Suriin ang nais sabihin ng mga larawan. Bigyang
pansin ang mga salitang kilos.

Nagsasaka Si Mang Romy. Namimitas ng bulaklak si Choy.

Nagtuturo si Binibining Reyes. Naglalaro si Katie.

Page 21 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Tumatawa si Shudine. Umaakyat ng hagdanan si Keon.

Nagluluto ng masarap na pagkain si Erica.

Tumatahol si Darna.
Sagutin:
1. Ano ang ginagawa ni Mang Romy?
2. Ano ang ginagawa ni Binibining Reyes?
3. Ano ang ginagawa ni Keon? ni Choy? ni Erica?
4. Ano ang ginagawani Katie? ni Darna?
5. Ano ang napansin mo sa mga unang balita ng mga
pangungusap sa larawan?

Pagtataya 4:
Isulat sa guhit sa ilalim ng bawat larawan ng kilos o galaw
na ipinakikita.

_________________

Page 22 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Inihanda ni:
EDITHA O. DELOS REYES
GOTAMCO ELEMENTARY SCHOOL

Reference for Further Enhancement:


Gintong Sinag Wikang Filipino 2, 2006 Pp. 143-147
Pinagyamang Pluma 2, 2017 pp. 121-123
Filipino: Wika sa ating Panahon 2, 2001, pp. 223-228

Page 23 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D5

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan/Ikaanim na Linggo/Ikalimang Araw

A. Layunin: Naipapahayag ang sariling ideya o damdamin


o reaksyon tungkol sa napakinggang kuwento batay sa
tunay na pangyayari o pabula
B.1 Panimula:
• Ang maikling kuwento ay nalalaman ng maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang mga tauhan.
• Ito ay kinapupulutan ng magandang aral at
kadalasang ginagamit bilang kuwentong pambata.
• Kabilang sa mga sikat o popular na maikling kuwento
na may aral ay ang mga sumususunod, “Si Juan at ang
mga Alimango,” “Ang sapatero at ang mga
duwende,” “Ang araw at ang hangin,” at marami pang
iba.
ATING TUKLASIN: Basahing mabuti ang buod ng “Pasiya
ng Hari.”
Sa kuwentong ito ay kailangan ng haring pumili ng
magiging susunod na hari mula sa mga kabataan.
Gayonpaman, sa totong buhay at sa ating nakabagong
panahon, kahit wala pang anak na pwedeng
pamanahan ng trono ay mayroong pa rin mga nakalinya
para maging tagapagmana ng korona. Ang mga ito ay
maaring kapatid, anak, anak ng kapatid ng hari (kung
sakaling patay na rin ang kapatid ng hari), pinsan, at iba
pang kamag-anak. Kung hindi man sariling anak ay
kadugo o pinakamalapit na kamag-anak ng hari o reyna
ang magiging tagapagmana ng korona. Nakalista na
ang mga pangalang ito ayon sa tamang pagkasunod-
sunod.

Page 24 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D5

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Sa ating binasa nakita ninyo ba ang damdamin ng


bawat tauhan. Maari nating matukoy ang damdamin ng
tauhan sa isang kuwento sa pamamagitan ng lamang
pagbabasa o pakikinig sa bawat salita nito. Makikita natin
ang nararamdaman ng isang tauhan maging ito man ay
tuwa, lungkot, o galit sa mga salitang ginagamit o
binibigkas nito.

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.


A. MGA GAWAIN

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang damdamin sa bawat sitwasyon. Piliin
ang iyong sagot sa kahon at isulat sa patlang

1. Naglalaro si Paul kasama ang mga kaibigan. Siya ay


______________.

2. Pinagalitan si Peter ng nanay niya dahil hindi siya nag-


aaral. Siya ay _______________.

3. Kararating pa lang ni Ginang Sanchez sa tahanan nila


nang matuklasan niyang nabasag ang kanyang vase.
Siya ay ________________.

4. Tutula si Nene sa harap ng klase. Siya ay ________________.

5. Malalim na ang gabi. Mag-isang naglalakad si Martin sa


kalsada nang biglang mamatay ang ilaw sa poste. Siya ay
______________.

6. Tinahulan ng aso si Butchoy. Siya ay __________________.

Page 25 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D5

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

7. Nakakita ng multo si Maria habang naglalakad. Siya ay


____________.

8. Nanalo ng malaking premyo si Pura. Siya ay


___________________.

nanginginig kinabahan masaya tulala


nagulat nagalit natakot nabigla

Gawain 2:

Lahat ng tao ay may talento. Minsan nga lang ay


nahihiya o natatakot tayong ipakita ito. Pero tulad ni
Precious, dapat ay patuloy tayong magsanay para lalong
gumaling.

Panuto: Kulayan ang kung ang pangungusapay


gumagawa ng paraan para makapaghusay ang talento at

ang kung hindi.

1. Magaling ako sa isports, sasali ako sa laro.

2. Magaling akong kumanta, pero nahihiya akong


iparinig ito.

3. Magpaparaktis ako para mas humusay pa akong


sumayaw.

Page 26 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D5

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

4. Ayaw kong magdrowing. Mas magaling kasi ang


mga kaklase ko.

5. Magpapaturo akong magpiyano. Gusto kong


matutong nito.

6. Mag-aaral akong gumamit ng pana upang


makasali ako sa paligsahan.

7. Hindi na ako magsasanay na lumangoy kasi


marunong na ako.

8. Laging handa sa anomang larangay ng


paligsahan kaya paghuhusayan ko ang
pagpraktis.

PAGLALAHAT:

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…

DAPAT NATING TANDAAN

• Maari nating matukoy ang damdamin ng tauhan sa


isang kuwento sa pamamagitan ng lamang pagbabasa
o pakikinig sa bawat salita nito. Makikita natin ang
araramdaman ng isang tauhan maging ito man ay
tuwa, lungkot, o galit sa mga salitang ginagamit o
binibigkas nito.

Page 27 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W6-D5

Pangalan:_______________________________ Baitang:_______________
Pangkat:______________ Pangalan ng Guro:_______________________

Pagtataya:

Panuto: Iguhit ang damdaming o reaksyon ng bawat


pangungusap.

1. Malapit na aking kaarawan.

2. Pumanaw ang aking kaibigan kahapon.

3. Napagaling niyang sumayaw at kumanta.

4. Nagulat siya pangyayari.

5. Malakas ang ulan kahapon.

6. Nahuli ang aking kapatid.

7. Nakita kong nahulog ang bata.

8. Malamig sa Baguio.

References for Further Enhancement:


Pinagyamang Pluma2, 2017, pp. 135
Gintong Sinag 2 Pinagsanib Wika at Pagbasa, 2006 pp. 296

Inihanda ni:

EDITHA 0. DELOS REYES


GOTAMCO ELLEMENTARY SCHOOL

Page 28 of 28

You might also like