You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 2
QUARTER 1 – WEEK 7

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D1
Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Unang Araw

A. Layunin: Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng


tao: tayo, kayo, sila

B. 1. Panimula

May mga salitang ginagamit na panghalili o pamalit


sa ngalan ng tao. Ang tawag dito ay panghalip panao.
Nakatutulong ito upang mabawasan ang paulit-ulit na
pagbanggit sa panggalan. Isa sa mga halimbawa ng mga
panghalip panao ay tayo, kayo at sila.

Ginagamit ang:
Tayo – kapag tinutukoy ay dalawa o higit pa na taong
kausap kasama ang taong nagsasalita.

Kayo – kapag tinutukoy ng nagsasalita ay dalawa o


higit pang kausap.

Sila – kapag tinututukoy ay dalawa o higit pa na taong


pinag-uusapan.

Page 4 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D1
Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

2. Mga Gawain

Gawain 1: TUKUYIN NATIN

Panuto: Tukuyin ang panghalip panao na ginamit sa


pangungusap. Bilugan ito.

1. Sila ay naglilinis sa bakuran ng paaralan.


2. Tayo ang mag-aayos nga mga upuan sa loob ng silid-aralan.
3. Kayo naman ang magpupunas ng mga bintana.
4. Ang mga guro ang nagpupulong. Sila ay naghahanda para
sa mga susunod na gawaing-pampaaralan.
5. Ang sabi ni Gng. Santos kina Andy at Luis, “Kayo, ang
magpiprisinta sa ating baitang upang sumali sa paligsahan ng
pagsayaw.”
6. Pupunta sila sa palengke upang mamili ng mga gamit
pangdekorasyon.
7. Maraming bata ang namamasyal sa parke. Sila ay masayang-
masayang nagtatakbuhan at naghahabulan.
8. Sabay-sabay tayong magsimba at manalangin.

Page 5 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D1
Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 2: GAWIN NATIN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan


sa loob ng panaklong ang salitang angkop ipanghalili sa ngalan
ng taong tinutukoy.

1. Si Biboy at Buboy ay kambal.(Sila, Kayo, Tayo) ay magkapatid.


2. Ikaw at si Kim ay magkaibigan.(Sila, Kayo, Tayo) ay
magtulungan sa mga gawaing pampaaralan.
3. Ikaw at ako ay pupunta sa silid-aklatan. (Sila, Kayo, Tayo) ay
magsasanay magbasa.
4. Sina Allan, Peter at James ay magkakaibigan. (Sila, Kayo,
Tayo) ay masayang naglalaro ng taguan.
5. Maraming mga bata ang nasa loob ng silid-aklatan. (Sila,
Kayo, Tayo) ay tahimik na nagbabasa.
6. Ikaw at ang iyong ate ang magliligpit ng mga pinagkainan.
(Sila, Kayo, Tayo)rin ang maghuhugas ng mga plato.
7. “Ikaw Ben ang sasama sa akin sa bukid” sabi ni tatay. (Sila,
Kayo, Tayo)ay magpapakain ng mga alagang hayop.
8. Sina nanay at Lita ay mamamalengke. (Sila, Kayo, Tayo) ay
mamimili ng mga gulay at prutas.

Page 6 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D1
Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Tandaan:
Ang tayo, kayo at sila ay mga panghalip panao.
Ginagamit ang tayo kapag tumutukoy sa dalawa o higit pa na
taong kausap kasama ang nagsasalita. Kayo naman ang
ginagamit sa mga taong kausap ng nagsasalita . At sila kapag
ang tinutukoy ay dalawa o higit pa na taong pinag-uusapan.

Gawain 3: SANAYIN NATIN

Panuto: Magkakaroon ng palatuntunan sa inyong paaralan.


Inatasan ka ng iyong guro na sabihin ang mga sumusunod na
sitwasyon sa iyong mga kaklase. Ano ang sasabihin mo sa iyong
kausap? Isulat ito sa patlang pagkatapos ng bawat sitwasyon. (2
puntos bawat sitwasyon)

1. Sasabihin mo sa inyong pangkat na kayo ang inaatasang


maglinis ng pagdadarausan ng palatuntunan.
_______________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Sasabihin mo sa kabilang pangkat na sila naman ang
mamamahala sa katahimikan at kaayusan ng palatuntunan.
_______________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Ipaaalam mo kina Anton at Dino na iyong kaklase na sila ang
mamamahala sa palatuntunan sa pagtaas ng watawat.
_______________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Ipaaalam mo sa ibang pangkat na sila ang naatasang
magdala ng bulaklak para sa dekorasyon ng palatuntunan.
_______________________________________________________________
___________________________________________________________

Page 7 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D1
Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

C. PAGTATAYA

Panuto: Punan ng angkop na panghalip panao ang mga


pangungusap. Isulat ito sa patlang.

1. Sina Danica at Lea ay magsisimba. _________ ay magsisimba.


2. Ikaw at ang iyong ate ay maglilinis ng bahay. _________ ay
maglilinis ng bahay.
3. Ikaw at ako ay magluluto. ______ ay magluluto.
4. Si Beth at ikaw ay maghuhugas ng plato. ________ ay
maghuhugas ng plato.
5. Sina Tina at Bela ay mamimili sa palengke. _______ ay mamimili
sa palengke.

Inihanda ni:
JOYCE R. CABASING
Gotamco Elementary School
_____________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Ang Bagong Batang Pinoy 2, pp. 163-164

Page 8 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D2

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalawang araw

A. Layunin: Naiuugnay sa sariling karanasan ang nabasang


teksto.
B. 1. Panimula

• Ang tao ay may iba’t ibang karanasan sa iba’t ibang


sitwasyon ng lipunan. Ito’y nagtuturo sa kaniya ng
bagong aral upang mas lalong maging mahusay at
matatag sa buhay.

TUKLASIN NATIN:
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Sorpresa kay Sophia


Masayang umuwi sa kanilang tahanan si
Sophia. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay
nakita niya ang isang bag na may disenyong
pusa.
Matagal na niyang gustong magkaroon nito.
Nakita siya ng kaniyang nanay at sinabing “para sa
iyo iyan, anak, dahil nanalo ka sa patimpalak at nag-uwi ng
bronseng medalya”.
Sobrang natuwa si Sophia, inilapag niya ang kaniyang
dalang libro, niyakap ang ina at nagpasalamat.

Page 9 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D2

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

• Sino ang batang masayang umuwi sa kanilang tahanan?


• Ano ang nakita niya pagkapasok niya sa loob ng bahay?
• Bakit binigyan si Sophia ng kaniyang nanay ng bag?
• Ano ang kaniyang naramdaman nang malaman niyang
para sa kaniya iyon?
• Naranasan mo na bang makatanggap ng sorpresa mula sa
iyong nanay?
• Bakit ka niya binigyan ng sorpresa?
• Ano ang naramdaman mo ng makatanggap ka ng sorpresa
mula sa iyong nanay?

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN!

2. Mga Gawain

Gawain 1: UNAWAIN NATIN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng ✓


kung ito ay nangyari na sa iyong buhay at X naman kung hindi
pa.

_______1. Masayang-masayang namamasyal kasama ang


buong pamilya.
_______2. Tinutulungan ng ate o kuya sa mga araling hindi
nauunawaan.
_______3. Hindi nakapasok sa paaralan dahil nag-alaga ng
kapatid.
_______4. Katulong si nanay at tatay sa pagtitinda ng gulay sa
palengke.

Page 10 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D2

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

_______5. Nakapaglalaro kasama ang ibang mga bata.


_______6. Masayang nagdiriwang ng kaarawan kasama ang
mga kamag-anak.
_______7. Sabay-sabay na manalangin at magpuri sa Panginoon.
_______8. Hindi nakakapag-aral dahil tumulong sa
paghahanapbuhay ng magulang.

Gawain 2: GAWIN NATIN

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung naranasan mo na ang


( ) mga sumusunod na mga larawan, malungkot naman na
mukha ( ) kung hindi pa.

_____________ ____________ _________

____________ ___________ ________

________ ________

Page 11 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D2

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

PAGLALAHAT
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain:
DAPAT NATING TANDAAN:
Ang tao ay may iba’t ibang karanasan sa iba’t ibang
sitwasyon ng lipunan. Ito’y nagtuturo sa kaniya ng bagong aral
upang mas lalong maging mahusay at matatag sa buhay.

Gawain 3: SANAYIN NATIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon. Isulat ang


iyong karanasan sa kahon.

Ang ating bansa ay kasalukuyang nakararanas ng matinding


krisis. Maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay. Sarado ang
mga paaralan. Hindi maaaring lumabas ang mga tao lalo na ang
mga bata, matanda at buntis maliban na lang kung wala silang
kasama na maaaring utusan upang bumili ng kanilang mga
pangangailangan.
Ibahagi ang iyong naranasan o ng iyong pamilya sa
panahon ng pandemya. Ano ang iyong naramdaman sa
nangyari? Anong aral ang iyong natutuhan sa
panahon ngayon?

Page 12 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D2

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

C. PAGTATAYA

Panuto: Iguhit ang iyong karanasan sa mga sumusunod na


sitwasyon.

1. Pinakamasayang karanasan sa loob ng paaralan.

2. Pinakamagandang regalong natanggap mo noong Pasko.

3. Masayang karanasan mo kasama ang iyong matalik na


kaibigan.

4. Pinakamasayang karanasan kasama ang buong pamilya.

5. Pinakamagandang sorpresang natanggap mo sa iyong


kaaarawan.

Inihanda ni:
JOYCE R. CABASING
Gotamco Elementary School
_____________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Ang Bagong Batang Pinoy 2, pp. 222-225
2. 2. Mga larawan: canva.com, kindpng.com, uihere.com, clipart-library.com,

Page 13 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D3

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikatlong araw

A. Layunin: Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang


teksto batay sa damdamin.

B. 1. Panimula

TUKLASIN NATIN:
Pagmasdan ang mga sumusunod na mga larawan.

• Ano-ano ang mga damdaming ipinapakita ng bawat


larawan?
• Ang mga pangungusap o teksto ay maaaring
nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin tulad ng lungkot,
tuwa, inis, takot, galit, panghinayang at iba pa.
• Madaling matutukoy ang damdamin na ipinahahayag ng
isang tao sa ekspresyon ng mukha at galaw ng katawan.

Page 14 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D3

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN!

2. Mga Gawain

Gawain 1: UNAWAIN NATIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na


pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang damdaming
ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang letra ng
wastong sagot.

A. B. C. D. E.

___1. “Yehey! Manonood kami ng sine!”


___2. “Gabi na, bakit ngayon ka lang umuwi?”
___3. “Naku! Ang dilim-dilim dito. Bakit parang may mga matang
nakatingin sa akin.”
___4. “Umalis na naman si Tatay patungong Saudi Arabia, matagal
na naman bago kami magkita.”
___5. “Wow! Ang ganda pala ng tanawin ng Bulkang Mayon.”
___6. “Naku! Ang lakas ng kulog at kidlat.”
___7. “Bakit hindi ka nag-iingat? Nabasag tuloy ang pinggan.”
___8. “Nawawala ang pera ko. Wala na akong pambili ng baon.”

Page 15 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D3

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 2: GAWIN NATIN

Panuto: Isulat ang damdaming ipinahahayag ng bawat


pangungusap sa patlang.

_________1. Naku! Nasusunog ang bahay nila Aling Linda!


_________2. Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap?
_________3. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan!
_________4. Naku! Nawalan ng kuryente.
_________5. Ang baba ng iskor ko sa pagsusulit.
_________6. Wow! Ang ganda ng regalong binigay sa akin ni inay!
_________7. Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sa iyo?
_________8. Yehey! Magbabakasyon kami sa probinsya!

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN:
• Ang mga pangungusap o teksto ay maaaring
nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin tulad ng
lungkot, tuwa, inis, takot, galit, panghinayang at iba pa.
Madaling matutukoy ang damdamin na ipinahahayag
ng isang tao sa ekspresyon ng mukha at galaw ng
katawan.

Page 16 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D3

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 3: DAMDAMIN KO, IPAPAKITA KO!

Panuto: Ikaw ay isang batang aktor. Magpapatala ka sa audition


para sa isang dula. Dito, iba’t ibang ekspresyon ng mukha ang
kailangan mong ipakita sa direktor. Iguhit mo ang mga ekspresyon
ng mukha na ito sa mga bilog.

D
D D

1. natatakot 2. natutuwa 3. nalulungkot

D
D D

4. naiinis 5. nagugulat 6. nagagalit

D D

7. nahihiya 8. naiinip

Page 17 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D3

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

C. PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang letra ng damdaming ipinahihiwatig ng bawat


pangungusap.

1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas “Ay, kabayo!”


dahil sa matinding gulat.
A. panghihinayang B. pagkalungkot C. pagkabigla

2. “Lolobo at lalaki na ang tiyan mo sa sobrang pagkain.”


A. galit B. tuwa C. pag-aalal

3. “Naku! kinikilabutan at naninindig ang aking balahibo!


Anong lugar kaya ito?”
A. takot B. gulat C. lungkot

4. “Aha! Diyan ka lang pala nagtatago. Ikaw na ang bagong


taya.”
A. tuwa B. inis C. galit

5. “Yehey! Nanalo ng malaking halaga ang nanay ko sa


paligsahan.
A. lungkot B. tuwa C. takot

Inihanda ni:
JOYCE R. CABASING
Gotamco Elementary School
_____________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Ang Bagong Batang Pinoy 2, pp. 183-184 2. Mga lawaran: www.netclipart.com

Page 18 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D4

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikaapat na araw

A. Layunin: Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog


upang makabuo ng bagong salita.

B. 1. Panimula

• Makabubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng


pagpapalit, pagdaragdag at pagbabawas ng titik.
Halimbawa: masa – kasa, taga – tagak, lasap – lasa

TUKLASIN NATIN: Basahin ang mga sumusunod na mga


salita. Pansin ang bawat pares na mga salita.

sabi - sabik patak - pata baro - laro

• Ano ang napapansin ninyo sa unang pares ng salita?


• Ano naman ang nangyari sa ikalawang pares ng salita?
• Anong pagbabago ang naganap
k sa ikatlong pares ng
salita?

➢ Ang unang pares na salita ay salitang pagdaragdag ng


tunog o titik. Ang salitang sabi ay dinadagdagan ng
tunog /k/ at ito ay nagiging bagong salita na sabik.
➢ Ang ikalawang pares na salita ay salitang pagbabawas
ng tunog o titik. Binawas ang tunog /k/ sa salitang patak,
at ang bagong salita ay pata.
➢ Ang ikatlong pares na salita ay salitang pagpapalit ng
tunog o titik. Ang tunog /b/ sa salitang baro ay pinalitan
ng tunog /l/, at ang bagong salita ay laro.

Page 19 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D4

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN!

2. Mga Gawain

Gawain 1: UNAWAIN NATIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.


Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Anong bagong salita ang mabubuo kapag dadagagan ng


tunog /t/ ang salitang sapa?
A. sapa B. sapat C. apat
2. Kapag papalitan ang tunog /s/ sa salitang sakit ng /b/, ano ang
bagong salita?
A. akit B. sakit C. bakit
3. Alisin ang /b/ sa salitang balat, anong salita ang mabubuo?
A. alat B. balat C. bat
4. Anong bagong salita ang mabubuo kung ang tunog /s/ ay
idadagdag sa salitang aha?
A. ahas B. aha C. baha
5. Palitan ang tunog /g/ sa salitang guro ng /t/, ang bagong salita
ay?
A. guro B. turo C. kuro
6. Anong salita ang mabubuo kapag dadagdagan ng /y/ ang
salitang baha?
A. bahay B. baha C. buhay
7. Anong salita ang mabubuo kapag alisin ang /n/ sa salitang
bansa?
A. masa B. tasa C. basa
8. Kapag dadagdagan ng tunog /y/ ang salitang tula, anong salita
ang mabubuo?
A. tulay B. tunay C. nanay

Page 20 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D4

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 2: GAWIN NATIN

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng bagong salita batay sa


hinihingi upang makabuo ng bagong salita.

Pagdadagdag ng tunog
Unang Salita Bagong Salita
1. basa
2. baga
3. halik
Pagpapalit ng tunog
4. bola
5. pusa
6. buto
Pagbabawas ng tunog
7. labis
8. bakas

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN:
• Makabubuo ng tayo ng bagong salita sa pamamagitan
ng pagpapalit, pagdaragdag at pagbabawas ng titik o
tunog.

Page 21 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D4

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 3: SANAYIN NATIN!

Panuto: Basahin ang mga salitang nakasulat sa dahon. Ibigay ang


bagong salita nito. Maaari itong dadagdagan, babawasan o
papalitan. Isulat ang nabuong bagong salita sa kahon.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

Page 22 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D4

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

C. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.


Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Palitan ang huling titik ng salitang “bakal” ng titik s.


Sagot: ________________________
2. Sino ang pinakamatandang babae sa loob ng tahanan at
dapat igalang? Palitan ang unang titik ng salitang “bola”
upang masagot ang tanong.
Sagot: _________________________
3. Ano ang nararanasan natin sa tuwing umuulan nang malakas
na bunga ng pagtatapon ng basura kung saan-saan?
Bawasan ng isang titik ang salitang “bahay” upang masagot
ang tanong.
Sagot: _________________________
4. Dagdagan ng isang titik ang salitang “sabi” upang maibigay
ang isang damdamin.
Sagot: _________________________
5. Ano ang lumalabas sa ating katawan sa tuwing tayo ay
naiinitan? Palitan ang isang titik ng salitang “pawid” upang
maibigay ang hinihinging sagot sa tanong.
Sagot: _________________________

Inihanda ni:
JOYCE R. CABASING
Gotamco Elementary School
_____________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Ang Bagong Batang Pinoy 2, pp. 217-219

Page 23 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D5

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 2
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin: Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo


o apat na pantig ng batayang talasalitaang
pampaningin o mga natutuhang salita mula sa mga
aralin.

B. 1. Panimula

• Sa pagbabaybay ng mga salita, laging isaisip ang mga


tunog ng mga letra na bumubuo nito. Kung ano ang tunog
o kung ano ang bigkas ay siya rin ang baybay.

TUKLASIN NATIN: Pagmasdan ang mga larawan. Basahin


ang mga pangalan nito.

paaralan pagkaen

• Alin sa dalawang larawan ang may salitang tama ang


baybay?
• Alin naman sa dalawang larawan ang may salitang mali
ang baybay?
• Paano mo binigkas ang mga pangalan ng mga larawan?
➢ Ang paaralan ay salitang, tama ang baybay.
➢ Ang pagkaen ay mali ang baybay, ang tamang baybay
nito ay pagkain.

Page 24 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D5

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN!

2. Mga Gawain

Gawain 1: UNAWAIN NATIN

Panuto: Tukuyin ang salitang may maling baybay. Isulat ang


wastong baybay nito sa kahon.

1. Ang kalase niya ay masipag mag-aral.

2. Ang ulap ay itim, tanda na osolan.

3. Omiiyak ang sanggol dahil ito ay nagugutom.

4. Ang langit ay asul kapag maaliwalas ang panahun.

5. Ang kotse ay mabeles tumakbo.

6. Blangko ang isip mo kapag may ploblema.

7. Ang gomamila ay walang bango.

8. Naghohogas ng kamay si Ma’am.

Page 25 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D5

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 2: GAWIN NATIN

Panuto: Basahin ang mga pangkat ng mga salita. Ikahon ang


mga salitang may tamang baybay.

1. Numero nomiro numeru

2. Kumatuk komatok kumatok

3. Magkaibigan magkabegan magkaebigan

4. Mabote mabuti mabute

5. Malongkut malungkut malungkot

6. Masipag masepag masapag

7. Mataleno matalo matalino

8. Tahemek tahimek tahimik

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN:
• Sa pagbabaybay ng mga salita, laging isaisip ang mga
tunog ng mga letra na bumubuo nito. Kung ano ang tunog
o kung ano ang bigkas ay siya rin ang baybay.

Page 26 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D5

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

Gawain 3: SANAYIN NATIN!

Panuto: Isulat ang mga pangalan ng mga larawan nang may


tamang baybay.

Page 27 of 28
Module Code: PASAY-F2-Q1-W7-D5

Pangalan:____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangalan ng Guro: ___________________________________________

C. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ng may wastong baybay ang tinutukoy ng bawat


pangungusap.

1. Ito ay bagay na sinusulatan ng guro sa harap ng klase.


Sagot: ________________________
2. Lugar kung saan nag-aaral ang mga bata.
Sagot: _________________________
3. Gamit sa bahay kung saan tayo nanonood ng mga palabas.
Sagot: _________________________
4. Ito ay isang lugar na kung saan tayo namimili ng mga gulay at
isda.
Sagot: _________________________
5. Ito ay lugar kung saan tayo nakabibili ng mga gamot.
Sagot: _________________________

Inihanda ni:
JOYCE R. CABASING
Gotamco Elementary School
_____________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Ang Bagong Batang Pinoy 2, pp. 272-274
2. Mga larawan: www.canva.com

Page 28 of 28

You might also like