You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 4
QUARTER 1 – WEEK 7

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Unang Araw

A. Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pamatlig)

- Patulad
- Pahimaton
- Paukol
- Paari
- Panlunan
- Paturol sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan

B.1 Panimula:

 Ang Panghalip na Pamatlig ay ginagamit sa paghalili sa pagtuturo

ng tao, hayop, pook, gawain at pangyayari.
 Mga Uri ng Panghalip Pamatlig:
 1. Patulad- ginagamit sa paraang naghahambing
 hal. ganito, ganire, ganyan, ganoon gayon
2. Paminaton- nagsasaad ng pook na kinaroonan
hal. heto, eto, ayan, hayan, hayun, ayun
3. Paukol- nagsasaad ng pook na kinaroroonan ng tinutukoy
hal. dito/nito, dine, diyan/niyan, doon/roon
4. Paari- inihahalili sa pangngalang pinangungunahan ng isahan o
maramihan
hal. nito, nire, niyan, niyon, noon
5. Panlunan- nagsasaad ng pook na kinaroonan
hal. narini, nadini, narito, nandyan, nariyan, nandiyan,
naroon, nandoon
6. Paturol sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan
hal. ito, ire, iyan, iyon, yaon

ATING TUKLASIN:
Magbigay ng pangungusap ayon sa nasa larawan.

1. ___________________________
___________________________
2. ___________________________
(Malapit sa nagsasalita)
___________________________
_

Page 4 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

1. ___________________________
___________________________
(Malapit sa kausap) 2. ___________________________
___________________________
_
1. ___________________________
___________________________
2. ___________________________
(Malapit sa nagsasalita) ___________________________
_

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

A. MGA GAWAIN
Gawain 1: IKAHON MO! BILUGAN MO!
A. Panuto: Kahunan ( ) ang panghalip na pamatlig at
bilugan ( )ang pangngalang kinakatawan nito.

1. Nagtungo sa palayan si Lolo Efren. Doon siya magpapalipas ng

maghapon

2. Ganito ang wastong paghawak ng bat para mapalo mo nang

malakas ang bola.

3. Matamis ang santol na kinakain ko. Unang bunga ito ng tanim ni

Itay.

4. Aba, hayun si Rudy at papaalis na yata.

5. Heto, ang baon mo. Uuwi ka nang maaga ha?

B: MAMASYAL TAYO!

Napag-alaman ng mga batang naglalaro sa bakuran ni Mang

Pilo ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang hindi
mawala ang mga hayop at insektong mahalaga sa ating buhay.

Page 5 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

Panuto: Salungguhitan ang lahat ng panghalip pamatlig na

ginamit sa bawat pangungusap.

1. Magtanim tayo ng mga puno at halaman doon sa parang.

2. Dito mamumungad ang mga insektong mahalaga sa atin tulad

ng mga paruparo at bubuyog.

3. Alagaan natin ang mga ito para na rin sa ating kalikasan.

4. Ang mga bulaklak diyan sa tabi mo ay lalong darami sa tulong ng

mga paruparo.

5. Ganyan nga mga bata, gawin ang iyong magagawa para

makatulong sa kalikasan.

Gawain 2: GUHITAN MO!

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na bubuo sa
pangungusap. Pumili sa tatlong panghalip sa loob ng
panaklong.

1. Ang haba ng buhok mo kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?

2. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang

(ito, iyan, iyon).

3. Halika (rito, riyan, roon). May sasabihin akong sikreto sa iyo.

4. Huwag kang dumaan (dito, diyan, doon) dahil basa ang sahig na
iyan.

5. May upuan sa likod mo. (Dito, Diyan, Doon) ka umupo.

6. May nakita akong kalapati sa bubong. Nasaan kaya ang bahay

(nito, niyan, niyon)?

7. Ito ang bisikleta na Michael. May butas raw ang gulong (nito,
niyan, niyon).

8. Ipinagbabawal ni Itay ang maglangoy na walang kasama kaya

huwag kang pumunta (rito, riyan, roon) sa dagat na hindi kasama
ang kuya mo.

Page 6 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

9. Kailangan kong makausap si Jenny. Hanapin mo siya at sabihin

mo na pumunta siya kaagad (dito, diyan, doon).

10. Sandali na lang ako. Tatapusin ko lang (itong, iyang, iyong)

ginagawa ko.

Gawain 3: BUUIN MO!

A. Panuto: Pumili ng isang panghalip na pamatlig sa ibaba at
gamitin ito sa pangungusap ayon sa sitwasyong ibinigay sa
bawat bilang.

ganito, hayan, nito, ito, iyon, iyan, diyan, ganoon dito

1. (naghuhugas ng pinggan)

________________________________________________________________
2. (kumakain ng biskwit)

________________________________________________________________
3. (nagtatahi ng tela)

________________________________________________________________
4. (nagtuturo sa klase)

________________________________________________________________
5. (may hinahanap na bagay)

________________________________________________________________

B. Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip na pamatlig na ito,

iyon, dito, doon, niyan o ganyan na maaaring gamitin
panghalili sa pariralang may salungguhit.

1. Sa ibabaw ng mesa ko iniwanan ang diksyunaryo. _____________

2. Binisita nila ako sa ospital. _____________

3. Ginagamit ko ang computer ni Rica. _____________

4. Saan mo binili ang tinapay? _____________

5. Bawal po ang kumain sa silid. _____________

Page 7 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
 Ang panghalip pamatlig ay ginagamit sa pagtuturo ng tao,
bagay, hayop, lunan o pangyayari.
 Sa panghalip na ito malalaman ang layo o lapit ng bagay na
itinuturo
TARA ITULOY NATIN…

PAGTATAYA: MAGKWENTO KA!

PANUTO: Natutuhan mo ang mga uri ng panghalip na pamatlig.

Gamitin mo ngayon ng hindi bababa sa sampung iba’t ibang uri ng
panghalip sa pagsulat ng iyong karanasan nang minsang mamasyal
kayo sa isang magandang lugar. Dugtungan ang pahayag sa ibaba:

Isang araw, namasyal kami sa _________________________. Nakita

ko___________________________________________________________________
______________________________________________________________________

References for Further Enhancement:
1.Pinagyamang Pluma 4 pp 107
2. scribd.com

Inihanda ni:
PRINCESS A. VENZON
JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 8 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin: Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang

kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng palatandaang
nagbibigay ng kahulugan, paglalarawan

B.1 Panimula:

Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na

kahulugan ay may iba pang paraan upang makilala ang
kahulugan ng salita.

Ang kahulugan ng salita ay nakikilala ayon sa:

1. Paggamit ng Pahiwatig (context clues) – Ang kahulugan ng
salita ay maaunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
hal. Nagliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.
Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

ATING TUKLASIN:
Isulat sa linya ang Tama o Mali batay sa ipinahihiwatig ng
mga pahayag.
_______________ 1. Ang taong nagluluksa ba ay nalulungkot sa
pagyao ng isang minamahal?
_______________ 2. Nakabangon na ba ang isang tao kung
nakatayo na siyang muli?

Page 9 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

_______________ 3. Madalas ba ang isang bagay na paminsan-

minsan lang mangyari?
_______________ 4. Nanatili ba ang mga bagay kung nagbago ang
mga ito?
_______________ 5. Kinakabahan ba ang isang tao kung medyo
may takot sa dibdib nya?

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

A. MGA GAWAIN

Gawain 1:

Panuto: Kahunan ( ) ang kasingkahulugan ng salitang nasa

kaliwa sa hanay ng mga salita.

1. mataas - mababa matayog malayo

2. maginaw - mainit malamig malinaw

3. masaya - malungkot mabait maligaya

4. kaunti - marami bihira palasak

5. malungkot - masipag masaya mapanglaw

6. mabangis - maamo mabait matapang

7. mabisa - balisa malaya mabuti

8. mainit - malamig malinis maalinsangan

9. makupad - mahirap mabagal malumanay

10.maningning - matulin maliwanag malakas

Page 10 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

GAWAIN 2:

Panuto: Gawing pananda ang salitang nakahilig upang mapunan

ang patlang at mabuo ang nawawalang salita.

1. Maligaya ang mga magulang kung m _ _ _ y _ ang mga anak.

2. Mautak siya kaya naging m _ t _ _ _ n _ siya sa buhay.

3. Hindi mabilang ang mga dumalo sa pagpupulong sapagkat

m _ r _ _ _ sila.

4. Marikit ang kanyang mukha sapagkat _ _ g _ _ d _ ang kanyang

mata.

5. Naninibugho ang damdamin ni Jose sa g _ _ _ t dahil sa ginawa sa

kanya.

6. Maitim ang ikinulay nya sa dingding kaya m _ d _ _ _ m ang

paligid.

7. Matipuno ang kanyang pangangatawan kaya m _ t _ k _ _ ang

kanyang tindig.

8. Puno ng galak ang kanyang puso kaya m _ _ _ y _ siyang umuwi.

9. Walang pagsidlan ang mga mangga dahil p _ _ o na ang tiklis.

10. Sumasaliw sa tugtog hangin ang mga dahon kaya para

itong s _ _ _ s _ y _ _.

GAWAIN 3:

Panuto: Bilugan ( ) ang dalawang salitang magkasingkahulugan

sa loob ng pangungusap.

1. Nagkaroon ng aksidente sa tulay kaya marami ang nasawi sa

sakuna.

2. Mag-aral ka ng iyong aralin upang maunawaan ang leksyong

itinuro ng guro.

Page 11 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________
3. Iwinagayway ang watawat sa harapan ng munisipyo kaya
tumayo ang mga tao sa harap ng bandila.

4. Madalang na sa ngayon ang mahilig magbasa ng dyaryo kaya

bihira na ang bumibili nito.

5. Maraming banyaga ang hindi pinayagang pumasok sa ating

bansa dahil sa Covid natin kaya ang mga dayuhan ay naipon sa
Airport.

6. Kapag nanghiram ka ng pera bayaran mo din para wala kang

utang.

7. Makirot ang aking sugat kaya masakit ng nilagyan ng benda.

8. Karaniwan ng makikita ang mga ordinarong tao sa palengke kahit

may lockdown.

9. Laging kapos ang uwing pera ni tatay kaya kulang lagi ang
pagkain.

10. Si Jose ay huwarang mag-aaral kaya siya ay ginawang

modelo ng guro.

PAGLALAHAT:

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…

DAPAT NATING TANDAAN

 Ang Pahiwatig na Kontekswal ay hindi lamang iisang salita ang

maaaring kahulugan. Nababatay sa pangyayari, kahulugan sa

konteksto o gamit nito sa isang pahayag.

TARA ITULOY NATIN…

Page 12 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA: IKAW NAMAN!

PANUTO: Sumulat ng limang pangungusap gamit ang mga pahiwatig sa

pagbibigay kahulugan sa isa pang salita. Bilugan ang dalawang salitang
magkatulad ang kahulugan.

1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

References for Further Enhancement:

1.Pinagyamang Pluma 4 pp 187
2. scribd.com

Inihanda ni:
PRINCESS A. VENZON
JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 13 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D3

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin: Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula-

kasukdulan-katapusan

B.1 Panimula:

Ang kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at

bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay
Bahagi ng Kuwento:
1. Simula- Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan at
suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na
gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan.
2. Kasukdulan-Ang pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtam ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas- Ito ay binubuo ng katapusan, ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

ATING TUKLASIN:
Panuto: Basahin ang kwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Kwento ng Kalabaw at Kambing

Isang araw naliligo sa ilog si kalabaw pagkatapos ng
kanyang pagtatrabaho, naligo siya ng buong araw hanggang
natabunan na ng araw. Kinabukasan si Kalabaw ay palakad
papunta kung saan naroon ang trabaho kasama nya ang kanyang
amo hanggang sa hinayaan ito ng maghapon subalit may isang
hayop na nilalamig na at nangangailangan ng tulong niya at ito ay
si Kambing.
Hindi lamang sa malamig ang panahon kundi lumakas na rin
ang hangin, ulan at naninilim ang langit. Nang si Kambing ay nakita
niyang giniginaw ito’y pinuntahan sa kinaroroonan upang tulungan
subalit si Kambing ay takot na takot sa tubig dahil siya’y mababasa.

Page 14 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D3

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Ang ginawa ni Kalabaw ay naghakot ng ilang dahon ng

saging at ginawang parang bahay kubo upang ito’y mapag-
silungan si Kambing.
Kinabukasan sila’y nagising na lamang na maayos na ang
takbo ng panahon at lumabas na mula sa kubong ginawa ni
kalabaw. Laking pasasalamat ni Kambing kay Kalabaw kasi di siya
nabasa at naalagaan pa siya ni Kalabaw.
Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan man
sila magkita. Taas pusong tinatanaw na utang na loob ni Kambing
ang ginawa sa kanya ni Kalabaw.

1. Sino ang mga tauhan sa ating kuwento?

________________________________________________________________
2. Saan naganap ang kuuwento?
________________________________________________________________
3. Paano nagsimula ang kwento?
________________________________________________________________
4. Ano ang nangyari kay Kambing?
________________________________________________________________
5. Ano ang ginawa ni Kalabaw?
________________________________________________________________
6. Ano ang nangyari sa kanilang dalawa?
________________________________________________________________
7. Tama ba ang ginawa ni Kalabaw?
________________________________________________________________
8. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Kalabaw gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa? Bakit.
________________________________________________________________
9. Kung ikaw naman si Kambing ano ang iyong gagawin matapos
kang tulungan ni Kalabaw?

________________________________________________________________
10. Paano nagwakas ang kuwento?
________________________________________________________________

Page 15 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D3

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

A. MGA GAWAIN
Gawain 1. KILALANIN MO!
Panuto: Isulat sa patlang kung saang bahagi ng kuwento
mababasa ang mga sumusunod. Simula, Kasukdulan o Wakas
______________________ 1. Noong unang panahon, may isang pamilyang
naninirahan sa tabing dagat.
______________________ 2. At sila ay nabuhay ng maayos matapos ang
trahedya.
______________________ 3. Nawala si Kuting sa gubat dahil humiwalay
siya sa kanyang inang pusa.
______________________ 4. Ang mga mag-aaral ay sina Peter, John at
Thom mula sa Ikaapat na Baitang.
______________________ 5. Ang mag-asawang Pepe at Pilar ay
masayang nanirahan sa kanilang ginawang
kubo.
______________________ 6. Dahil sa kapabayaan ni Maria natapon ang
tubig na inipon ng nanay kaya nagalit ito sa
kanya.
______________________ 7. Muling nag-ipon ng tubig si Maria kaya
nawala na ang galit ng nanay.
______________________ 8. Ang mga batang sila Julius, Michael at Mark
ay masayang pumunta sa ilog.
______________________ 9. Nawili sa paglalangoy ang tatlo kaya nawala
sa isip nila ang oras at dahil doon inabot sila
ng paglubog ng araw na ikinabahala ng
kanilang mga magulang.
______________________10. Pagdating sa bahay humingi ng tawad ang
tatlo sa kani kanilang magulang kaya hindi
na ito nagalit.

GAWAIN 2. BUUIN MO!

Panuto: Gamit ang mga larawan buuin ang kuwento.

1.____________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Page 16 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D3

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2.____________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

3.____________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

4.____________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

5.____________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
 Ang maikling kuwento ay maaaring taglayin ang lahat ng
bahagi ng kuwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng
magandang aral at nag-iiwan ng panibangong karunungan sa
isip ng mga bata.
 Ito rin ay maaaring gumamit ng mga hayop bilang tauhan at
magsadula na parang totoong buhay.

TARA ITULOY NATIN…

Page 17 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D3

Pangalan: _____________________________Baitang at Pangkat: __________

Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA: MAGKUWENTO KA!

PANUTO: Gamit ang iyong natutuhan tungkol sa mga bahagi ng

maikling kuwento bumuo ng sariling kuwento tungkol sa mga
batang sumusunod sa mga magulang. Lagyan ito ng sariling
pamagat. (Maaaring gamitin ang likod na bahagi ng papel)

RUBRICS SA PAGMAMARKA

Maraming
Mahusay Katamtaman
Pamantayan sa Pagmamarka Kakulangan
3 2 1
Nailalahad nang tama at maayos ang
tema o paksa ng kuwentong binuo
Naipapaliwanag ang paglalarawan sa
mga bayang pinagmulan
Maayos na naipapaliwanag ang
pagiging epektibo ng pagkakasunod
ng mga pangyayari sa maayos na
daloy ng akda
Malinaw na nailalahad ang mga
kaisipang nais ipabatid sa binuong
kuwento
Naipaliwanag at nailahad nang
maayos at malinaw ang aral na nais
ibahagi sa binuong kuwento

References for Further Enhancement:

1. scribd.com
2. https://tl.m.wikipedia.org

Inihanda ni:
PRINCESS A. VENZON
JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 18 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikaapat na Araw

A. Layunin: Nakasusulat ng liham pangkaibigan bilang tugon sa mga

nakalap sa kuwentong binasa

B.1 Panimula:

Ang Liham Pangkaibigan ay karaniwan na nagbabalitaan,

nagpapasalamat, nangungumusta, nag-aanyaya, bumabati sa
isang nagwagi o may kaarawan at nakikiramay sa isang
namatayan.
Mga bahagi ng Liham Pangkaibigan:
1. Pamuhatan- makikita rito ang tirahan ng sumulat at petsa.
Isinusulat ito sa itaas na kanang bahagi ng pahina ng sulat.
2. Bating Panimula- isinusulat ito sa susunod na linya ng liham sa
kaliwang bahagi ng palugit. Nagsisimula ito sa malaking titik at
nagtatapos sa kuwit(,).
3. Katawan ng Liham- ito ang detalye ng liham. Isinusulat nang
patalata. Nakapasok sa palugit ang unang linya ng talatang ito.
4. Bating Pangwakas- ang huling bahagi ng isang liham.
Magkatapat ang bating pangwakas at pamuhatan sa ibabang
bahagi ng liham. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos
sa kuwit.
5. Lagda- dito nakasulat ang pangalan ng sumulat bilang lagda.

ATING TUKLASIN:
Isulat sa kahon kung anong bahagi ng liham ang may pananda.
____________________
____________________

___________________,
__________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
____________________
____________________

Page 19 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

A. MGA GAWAIN
Gawain 1: BUUIN MO!
Panuto: Isulat sa tamang ayos ang mga salitang nasa loob ng
kahon ayon sa liham pangkaibigan. Lagyan ng tamang bantas.

Ang Iyong Kaibigan 2494 Park Ave.

Pasay City
Luzy Hunyo 24, 2020

Mahal Kong Sally

Magandang Araw. Sa darating na Sabado, Hunyo 27, 2020 ay

magkakaroon ako ng munting salo-salo rito sa aming bahay.
Nawa’y makadalo ka.

____________________________
____________________________
____________________________

____________________________
_________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________
____________________________

Gawain 2: SUMULAT TAYO!

Panuto: Pumuli ng isang halimbawa ng liham pangkaibigan
at sumulat ka sa iyong matalik na kaibigan. Gamitin ang
espasyong nakalaan sa kabilang pahina.

1. Liham ng Pangungumusta
2. Liham ng Paanyaya
3. Liham ng Pagtanggap sa Paanyaya
4. Liham ng Pasasalamat
5. Liham ng Pakikiramay

Page 20 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

____________________________
____________________________
____________________________

____________________________
_________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

____________________________
____________________________

GAWAIN 3: KILALANIN MO!

A. Panuto: Isulat sa patlang kung anong bahagi ng liham ang katapat
ng guhit.

1._____________________________76 J.P. Rizal St., Iloilo City

Hunyo 12, 2003

Mahal kong Gina, 2. ____________________________

Salamat po sa pag-iimbita mo sa akin upang magbakasyon diyan
sa Manila. Isa itong bakasyong hinding-hindi ko malilimutan.
Hindi rin karaniwang karanasan para sa akin ang
pamamasyal na ti n s a i b a ’ t i ba ng m u se o , t u l a d ng M u se o ng
F o r t Sa n ti a g o a t sa Pambansang Museo.
Sa susunod ay ikaw naman ang mamasyal dito sa Iloilo. Marami
rin tayong mapapasyalan dito. Iparating mo ang pasasalamat
ko sa iyong mga magulang dahil sa mainit na pagtanggap
nila sa akin diyan sa inyo.
4. ________________________________Nagmamahal,
5. ________________________________Anna
3. ___________________________________________

Page 21 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

B. Panuto: Tukuyin ang bahagi ng liham.

______________________1. Ito ang bahagi ng liham na nagsasaad ng
lugar na pinagmulan ng liham at ng petsa
kung kailan ito sinulat.
______________________2. Nagsasaad ng pangalan ng sumulat.
______________________3. Nagsasaad ng relasyon ng taong sumulat sa
sinulatan o minsan nama’y ang panghuling
bati ng sumulat.
______________________4. Bahaging nagsasaad ng pangalan ng
sinusulatan.
______________________5. Dito nakasaad ang nilalaman o nais ipabatid
ng sumulat.

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN

 Sa pagsulat ng liham pangkaibigan kailangang taglay ang mga

sumusunod na katangian:
1. Malinaw- ang pagiging malinaw ng isang liham ay nakikita
kung paano pinagsusunod-sunod ang mga ideya. Ang isa
liham ay hindi dapat maging mahaba o maligoy. Higit na
epektibo ang maikling pangungusap. Laging tandaan na ang
kasimplehan ay daan sa madaling pagkaunawa.
2. Wasto- laging isaisip na anumang liham ay dapat magtaglay
ng angkop at tiyak na impormasyon. Mahalaga na wasto ang
bawat pahayag o sinasabi ng liham. Kasama rin sa
kawastuhan ang tamang paggamit ng bantas.
3. Buo ang Kaisipan- buo at sapat ang mga impormasyon ng
isang liham na nakakatulong upang maging buo ang kaisipan
at ideya na nais ipabatid nito.
TARA ITULOY NATIN…

PAGTATAYA: MAGKUWENTO KA!

Panuto: Sumulat ng isang liham para sa iyong kaibigan. Pumili
lamang ng isang paksa mula sa mga sumusunod:

1. Hindi matutuloy ang pagdiriwang ng iyong kaarawan dahil sa

Covid 19 Pandemic.
2. Magpapasalamat sa tinanggap na tulong.

Page 22 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

3. Nakikiramay sa pagkamatay ng isang kaanak dahil sa Covid 19.

4. Pangungumusta matapos ma total lockdown dahil sa ECQ
(Enhanced Community Quarantine) ang lugar ng iyong kaibigan.
5. Ang hindi pagdalo sa isang salu-salo

(Gamitin ang likod na bahagi ng papel para sa ikalawang sulat) 5 puntos

ang bawat liham

1. ____________________________
____________________________
____________________________

____________________________
_________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

____________________________
____________________________

Rubrics ng Pagmamarka
Pamantayan 5 3 2
Lubusang naipakita ang Naipakita ang layon Simpleng naipakita
Nilalaman layon ng liham ng liham ang layon ng liham
Walang mali sa
Paggamit ng bantas pagkakagamit ng maliit May 1-3 maling May 4 o higit pang
at malaki at maliit na at malaking titik Nagamit bantas at malki at maling bantas at
titik ng wasto ang lahat ng maliit na titik malaki at maliit na titik
bantas
May 4 o higit pang
May 1-3 maling
Paggamit sa mga Walang mali sa paggamit pagkakamali sa
paggamit ng mga
salita ng salita paggamit ng mga
salita
salita
Wastong-wasto at May Hindi mabasa at may 3
napakalinis ng 1-2 bura/dumi sa o higit na bura/ dumi
Kalinisan at Kaayusan pagkakasulat. pagkakasulat sa pagkakasulat

References for Further Enhancement:

1. scribd.com
2. https://tl.m.wikipedia.org

Inihanda ni:
PRINCESS A. VENZON
JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 23 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin: Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang

kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng palatandaang
nagbibigay ng kahulugan (Pormal na depinisyon)

B.1 Panimula:

Ang kahulugan ng salita ay makukuha mo sa pagkakagamit

nito sa pangungusap. Ang ibang salita sa pangungusap ang
magbibigay pahiwatig sa kahulugan ng salita.
Kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang mga
pangkapaligirang intelektwal.

ATING TUKLASIN:
Gamit ang mga palatandaang pormal na depinisyon.
Sagutan ang Crossword Puzzle.

Pahalang
2 masamyo
4 eskwelahan
6 maluwag
9 nilisan
10 nalaman

Pababa
1 mahalimuyak
3 tahanan
5 nag-aapura
7 bansot
8 palamuti

Page 24 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN

A. MGA GAWAIN
Gawain 1:
Panuto: Ipagtugma ang mga salitang nasalungguhitan sa “Kolum
A” sa kahulugan nito sa “Kolum B.” Isulat sa patlang ang letra ng
sagot.

Hanay A Hanay B
______ 1. Pinakamatalino siya sa kanilang A. karera o propesyon
klase.

______ 2. May mga pamantasan na nagpa- B. pangkat ng mga

paaral ng libre sa matatali- mag-aaral na
nong mag-aaral. tinuturuan

______ 3. Ang panggagamot at batas ay C. walang bayad

dalawang mahabang kurso.

______ 4. Ang kinuha niyang kurso ay batas D. bayad sa pag-aaral

dahil mahusay siyang mangat-
wiran.

______ 5. Hindi siya nagbabayad ng matrikula E. abogasya

dahil siya ay iskolar.

______ 6. Kinagigiliwang pagmasdan ni F. imprenta

Elmer ang magandang tanawin
ng probinsya.

______ 7. Umupo kami sa ilalim ng mayabong G. mga pari

na punungkahoy.

______ 8. Ang mga prayleng Kastila ay nag- H. maraming dahon

turo ng relihiyon.

______ 9. Marami pang katutubong sayaw I. likas

ang hindi makalimutan ng lahat.

_____ 10. Maraming aklat ang nalilimbag araw- J. kinatutuwaan

araw sa iba’t ibang limbagan.

Page 25 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

GAWAIN 2:

Panuto: Isulat sa linya ang Tama o Mali kung ang salitang nasa
loob ng kahon at salitang may salungguhit sa pangungusap ay
magkasingkahulugan.

__________ 1. Naaaliw sila sa magagandang tanawin sa bukid.

nalilibang

__________ 2. Malamig ang simoy ng hangin sa bukid. Ihip

__________ 3. Malugod silang sinalubong ng mga magulang si Maria.

galit

__________ 4. Takipsilim na nang magsiuwi ang magkakasama.

magdidilim na

__________ 5. Nagpunta sila sa duluhan ng kanilang bakuran. Unahan

__________ 6. Ang kanilang bahay ay maagang nawalan ng suhay dahil

sa pagkamatay ng kanilang ama. haligi

__________ 7. Si Ben ay isang batang mabait. Hindi totoo ang bintang sa

kanya na siya ay isang magnanakaw. tawag

__________ 8. Nagmamadali si Mang Tasyo sa pagpasok sa opisina kaya

humahagibis ang pagmamaneho nya sa kalye.
mabagal

__________ 9. Hinagod ni Anita ang ulo at dibdib ng inang maysakit.

hinaplos

_________10. Malagim ang nangyari sa mga taga-Pampanga dahil sa

pagdaloy ng baha. Nakatutuwa

Page 26 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

GAWAIN 3:

Panuto: Basahin ang tula. Gamit ang inyong kyarola kulayan ng

magkaparehong kulay ang dalawang salitang magkatugma.

Masaya sa Nayon
Masaya sa nayon, maligayang tunay,
Dito ay tahimik, payapa ang buhay;

Sagana sa isda, marami ang gulay,

Na lasa’y masarap, sadyang malinamnam.

Ayoko sa lungsod na lubhang maingay,

Di tulad sa nayon na payapang tunay;
Marumi ang hangin na hindi Dalisay,
Di tulad sa nayong aking sinilangan.

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
 Ang Pormal na depinisyon ng isang salita na hindi lamang iisang
salita ang maaaring kahulugan. Nababatay sa pangyayari,
kahulugan sa konteksto o gamit nito sa isang pahayag.

TARA ITULOY NATIN…

Page 27 of 28
Module Code: Pasay-F4-Q1-W7-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________
Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGTATAYA: IKAW NAMAN!

PANUTO: Sumulat ng 10 pangungusap gamit ang mga pormal na

depinisyon sa pagbibigay kahulugan sa isa pang salita. Kahunan ang
dalawang salitang magkatulad ang kahulugan.

1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
6. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
7. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
8. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
9. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
10. ___________________________________________________________
________________________________________________________________

References for Further Enhancement:

1.Pinagyamang Pluma 4 pp 187
2. scribd.com

Inihanda ni:
PRINCESS A. VENZON
JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

Page 28 of 28

You might also like