You are on page 1of 15

Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D1

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA MTB 1
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Nakikilala ang panghalip.


a. panao
b. paari

B. 1. Panimula
a. Pagsasanay: Ating kilalanin ang ang mga bagay.

lapis bola timba upuan


http://clipart-library.com/free-library-clipart.html

Sabihin ang pangalan ng larawan.


b. Pagkilala ng panghalip panao o panghalip paari.

Ang panghalip panao-ay panghalili o pamalit sa pangalan ng tao, isahan hal.


ako ,ikaw, siya, niya maramihan hal. kami, kayo sila.
Ang panghalip paari ay nagsasaad/nagpapakita ng pag-aari ng isang bagay
hal. akin, iyo kanya amin, kanila, atin.

2. Mga Gawain
Gawain 1
Lagyan ng tsek() ang panghalip panao.
Ako Ana ikaw Ana at Ben siya
kayo Ben sila kami

Lagyan ng ekis ang panghalip paari.


Bag akin sapatos iyo payong kanya
Kanila amin lamesa atin

Gawain 2
a. Salungguhitan ang mga salitang pamalit sa pangalan.
1. Siya ay natutulog na.
2. Manonood pa kaya sila ng tv?
3. Kami ay gagawa po ng proyekto.
4. Ako ang naatasang mamuno sa paggawa ng proyekto.
5. Kayo, ano ang gagampanan ninyo?
Page 1 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D1
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________
b. Bilugan ang panghalip paari na ginamit sa pangungusap
1.Natututwa ako sa gamit na bigay sa akin.
2.Iyo ba ang lapis na ito?
3.Dadalhin ko sa kanila ang napulot na pera.
4.Ang baunan na nakita mo ay akin.
5.Pumunta ka sa amin at tayo ay maglalaro.

Gawain 3
Ikahon ang panghalip na panao at bilugan ang panghalip na paari.
1. Inalok ako ni Melisa na umupo sa tabi niya.
2. Ipinahiram ni Paul sa akin ang bagong lapis niya.
3. Amin ang magagarang kotse na iyan.
4. Sa kanila ang lumang libro na nasa mesa mo.
5. Sa kanya ko ibibigay ang bulaklak na ito.

Gawain 4
Piliin ang angkop na panghalip sa bawat pangungusap.
1. Si Ana ang aking bagong kaibigan.
(Sila. Siya, Ako) ay tahimik na bata.
2. Si Jose at Juan ay magagaling na manlalaro
(Sila, Siya, Ako ) ay nanalo ng paligsahan.
3. Si Fatima at ako ay matalik na magkaibigan.
(Sila, Ako, Kami) ay laging magkasama.
4. Ang bola na ito ay pagmamay-ari nina Jose at Juan.
Ito ay sa (kaniya, kanila, amin)
5. Ang bag na ito ay kay Fatima.
Ito ay sa (kaniya, kanila, amin)

Gawain 5
Piliin ang angkop na panghalip sa bawat pangungusap.
1.Si Riza ay matulunging bata.
(Siya, Sila, Ako) ay maraming kaibigan.
2. Sina Ricardo, Jose at Arturo ay magkakapitbahay.
(Sila, Siya, Ako) ay nasa ikatlong baitang.
3. Si Carlo, Carmela at ako ay nasa ika-anim na baitang.
(Sila, Ako, Kami) ay mahusay sa Agham.
4.Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ng aking pamilya.
(Kanila, Amin, Kaniya) ito.
5. Ang larawan na ito ay kay Estela.
Ito ay sa (kaniya, kanila, amin)

Page 2 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D1
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

C. Paglalahat:
Tandaan:
Ang panghalip panao ay ipinapalit sa pangalan ng tao upang
mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan o pinag-uusapan.
Ang panghalip paari ay nagpapakita ng ng pag-aari.

D. Pagtataya
Piliin ang angkop na panghalip sa bawat pangungusap.
1.Si Fe, Zeny at ako ay magkakaibigan.
(Sila,Kami,Ako) ay nasa unang Baitang.
2.Para kay Marco at sa akin ang dinalang pagkain
(Akin,Amin,Kaniya) ito.
3.Ang lapis na ito ay agmamay-ari ni Juan.
Sa (kanila,kaniya,amin) ito.
4. Sina Arturo, Emilia at Dina ay masisipag na bata.
(Sila,Ako,Kami) ay maglilinis bukas.
5. Ang bahay na nasa tabi ng ilog ay kina Mang Isko.
Sa (amin,kanila,kaniya) ang pinakamaliit na bahay sa nayon.

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-mother-tonguebased-q1q4

Inihanda ni:
MARISSA D. DULLER
Villamor Air Base Elementary School

_________________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. MTB Learners Material pah.75

Page 3 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D2
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw
Layunin: Nabibigyang innterpretasyon ang mapa ng paaralan.

A. ANG ARALIN MO NGAYON


Pagbibigay interpretasyon ng mapa ng paaralan.
Ang mapa ay larawan ng isang lugar. Sa paggamit ng mapa
malalaman mo ang lokasyon ng isang bagay na nais mong
puntahan o makita .

1. Tingnan ang larawan ng paaralan. Dito tayo pumapasok upang


mag-aral. Mahaba ang oras na tayo ay nasa loob ng paaralan, kaya
naman sa loob nito ay may iba-ibang bahagi para sa iba pang
pangangailangan ng bawat mag-aaral habang sila ay nasa loob ng
paaralan.

Ito ang larawan ng ilan sa mga bahagi ng ating


paaralan. klinika – dito pupunta ang mga bata kapag
masama ang kanilang pakiramdam.

silid-aklatan – kapag nais ng mga batang magbasa


ng mga aklat dito naman sila pupunta.

palikuran – dito naman pupunta ang mga bata kapag


nais nilang maghugas ng kamay,di kaya ay naiihi o para
sa iba pang pangangailangan ng katawan para maging
komportable.

guidance office- ang tanggapang ito ay para sa mga


bata na nangangailangan ng gabay maliban sa
magulang at guro.

kantina – dito bumibili ng pagkain ang mga


bata.

Page 4 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D2
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

B. Mga Gawain
Gawain 1
Pagkabitin ang larawan ng bahagi ng paaralan na dapat
putahan ng mga mag-aaral sa oras ng pangangailangan.

Gawain 2
Bilugan ang larawan para sa dapat mong puntahan para sa mga
sumusunod na sitwasyon.

1 Nahihilo ka at mainit ang katawan. ( )


2 Nagugutom ka na at oras na ng recess. ( )
3 May batang nananakot sa iyo. ( )
4 Nais mong magbasa ng aklat. ( )
5 Nais mong tugunan ang pangangailangan ng katawan mo

dahil napapaihi ka na. ( )

Page 5 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D2
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

Gawain 3
Lagyan ng / ang mga larawan na matatagpuan sa paaralan.

C. Tandaan
Mahalagang malaman mo ang lokasyon ng iba pang bahagi ng
paaralan upang madali mo itong matunton kapag kailangan mong
puntahan ang mga ito.

D. Pagtataya: Isulat ang letra ng tamang larawan para sa tinutukoy na


lugar sa paaralan.

a. b. c. d. e.
________1. May mga batang nang-iinis sa iyo sa paaralan. Kailangan
mo ng tulong niya dahil hindi mo masabi sa iyong guro ang
problema mo. Saan ka pupunta?
________2. Masama ang pakiramdam mo saang bahagi ng paaralan
ka puputa?
________3. Oras ng recess may mga batang nakapila para bumili ng
pagkain anong bahagi ito ng paaralan?
________4. Nais mong pumunta dito tuwing may bakante kang oras
dahil marami kang aklat na mababasa?
________5. Pupunta ka dito upang maghugas ng kamay at tingnan sa
salamin ang iyong sarili.

Inihanda ni:
FEME P. MENDOZA
Villamor Air Base Elementary School

References for Further Enhancement:


http://clipart-library.com/free-library-clipart.html

Page 6 of 15
Module Code: Pasay MTB1-Q2-W1-D3

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw

Layunin: Napupunan ng magkasintunog na mga


salita upang mabuo ang tugma, tula at awit.

Panimula
A. Sa araling ito matututunan mo kung paano tayo
makakabuo ng isang tugmaan sa tula o awit sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga salita na
magkasintunog.

B. Panuto: Makinig ang bata sa magulang o kasama sa


bahay na maaring magbasa ng gagawin ng bata at
gabayan sila sa pagsagot sa mga tanong.

Alaga kong manok


Matinis tumilaok
Maraming umitlog
Kaya ako’y mabilog.

Pagsagot sa tanong:
1.Ano ang alagang hayop sa tula? ____________
2.Ano ang matinis sa manok? _________________
3.Anong marami sa manok? ___________________
4.Ano ang itsura ng bata sa kuwento? __________

Ang mga salitang manok – tumilaok ,


umitlog – mabilog ito ay mga salitang
magkasintunog.

Page 7 of 15
Module Code: Pasay MTB1-Q2-W1-D3

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

A. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Makinig sa magulang o kung sino kasama sa
bahay na maaring magbasa sa gagawin at gabayan ang
bata sa pagsagot sa mga gawain.

Kahunan ang salitang magkasintunog


1. gawa lawa kubo
2. puno dahon kahon
3. walis silya pulis
4. araw kulay tulay
5. maya saya laso

Gawain 2
Panuto: Makinig ang bata sa magulang o kasama sa
bahay habang binabasa ang gagawin at gabayan ang
bata sa pagsagot sa gawain sa ibaba.

Bilugan ang tamang letra na maaring makabuo sa


tugma sa tula.
1. Inahing baka
alaga ni ____________
A. Tina B. Kaka C. Ako
2. Nagbibigay ng gatas
kaya ako’y __________
A. malakas B. mahina C. masarap
3. Kaibigang unggoy
sa punong- ________
A. sanga B. prutas C. kahoy
4. pa-ugoy-ugoy
kukuya - _________
A. kuyakis B. kuyakoy C. kubo
5. Maliksing daga
pumasok sa _________
A. Bahay B. lungga C. butas

Page 8 of 15
Module Code: Pasay MTB1-Q2-W1-D3

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

Tandaan:
- Ang mga salitang magkatugma o magkasintunog ay
makikita mo sa bandang hulihan ng mga salita. Ang
ilan dito ay ginagamit sa mga tulaan o mga pahayag
na nalalayong umakit ng mga tagapakinig sa
pamamagitan ng ritmo.

Pagtataya
Panuto: Gabayan ng magulang o kasama sa bahay
ang mga bata sa pagbabasa ng mga salita sa ibaba at
pagsagot sa mga tanong.

Isulat sa guhit ang letra ng salita na magkasintunog


___1. Kumain ka nang itlog ikaw ay bibilog.
A. kumain–ikaw B. nang–ay C. itlog–bibilog
___2. Isa, dalawa, tatlo una-unahan tayo.
A. Tatlo–tayo B. isa–dalawa C. una-unahan
___3. Apat, lima, anim sab along malalim.
A. Apat–balong B. anim–malalim C.lima–apat
___4. Gulay ay kailangan para tumibay ang katawan.
A. Tumibay–para B. gulay–katawan C. kailangan–katawan
___5. Ang batang magalang dangal ng magulang.
A. Magalang–magulang B. dangal–batang C.magulang–dangal

References for Further Enhancement:


Marungko Technique p.50
MTB MLE1-activity sheets p.7

Inihanda ni:
SHERYL D. NAVARETTE
Timoteo Paez Elementary School

Page 9 of 15
Module Code: Pasay MTB1-Q2-W1-D4

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikaapat na araw

Layunin: Natutukoy ang sanhi o bunga ng mga pangyayari


sa kuwentong napakinggan.

Panimula
A. Sa araling ito matutuhan mo kung paano matutukoy
ang magiging sanhi o bunga sa isang pangyayari o
kuwento.

B. Panuto: Makinig ang bata sa magulang o kasama sa


bahay na maaring magbasa ng gagawin ng bata
at gabayan sila sa pagsagot sa mga tanong.

Ang Batang Malusog


Si Kardo ay mahilig kumain ng mga gulay at prutas.
Isang araw nagkaroon nang paligsahan sa kanilang
lugar kung saan kailangan nilang tumakbo ng
mabilis. Sumali si Kardo sa paligsahan at siya ang
nagwagi.

Pagsagot sa tanong:
1. Sino ang bat ana malusog? ____________
2. Ano ang mga paborito niya na kainin? _________
3. Anong paligsahan ang sinalihan ni Kardo?______
4. Ano ang naging sanhi bakit mabilis tumakbo si
Kardo? ___________________
5. Ano naman ang naging bunga sa pagkain ni
Kardo ng mga gulay at prutas? _______________

Page 10 of 15
Module Code: Pasay MTB1-Q2-W1-D4

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

A.Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Makinig sa magulang o kasama sa bahay na
maaring magbasa sa gagawin at gabayan ang bata sa
pagsagot sa mga gawain.
Iguhit sa sa patlang ang - kung ito ay parirala ay sanhi,
- kung ito bunga.
______ 1. Pagputol sa mga puno.
______ 2. Pagkakaroon ng pagbaha.
______ 3. Dumudumi ang mga ilog.
______ 4. Pagtatapon ng mga basura sa ilog.
______ 5. Sumakit ang ngipin.

Gawain 2
Panuto: Makinig ang bata sa magulang o kasama sa
bahay habang binabasa ang gagawin at gabayan ang
bata sa pagsagot sa gawain sa ibaba.

Panuto: Pag-ugnayin ang sanhi at bunga. Isulat sa patlang


ang letra ng tamang sagot.

___ 1. Umiiyak ang sanggol a. laging nag-aaral


___ 2. Maraming natanggap b. kasi gutom siya
na regalo si Lea.
___ 3. Si Eliza ay nahuli sa c. kasi kaarawan
klase. niya
___ 4. Maraming halaman d. kaya nagalit si
sa bakuran. Bb. Santos
___ 5. Mataas ang nakuhang e. maibigin sa
marka ni Lita sa halaman si Tina
pagsusulit.

Page 11 of 15
Module Code: Pasay MTB1-Q2-W1-D4

Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

Tandaan:
Ang sanhi ay ang pagbibigay dahilan o paliwanag sa
mga pangyayari. Ang bunga ay resulta o kinalabasan ng
pangyayari.

Pagtataya
Panuto: Gabayan ng magulang o kasama sa bahay
na maaaring gumabay sa bata sa pagbabasa ng mga
salita sa ibaba at pagsagot sa mga tanong o sa mga
gagawin.

Isulat sa patlang ang B – kung ang parirala ay bunga at S –


kung ito ay sanhi.

1. ____ Nag-aral nang mabuti si Shekinah


____ Kaya mataas ang marka niya sa pagsusulit
2. ____ Bumagask si Tina sa pagsusulit
____ dahil hindi siya nag-aral
3. ____ Masakit ang ngipin ni Ben
____ kaya iyak siya nang iyak
4. ____ Bumasa sa Malibay
____ dahil sa lakas ng ulan
5.____ Masakitin si Val
____ hindi kasi siya kumakain ng gulay

Inihanda ni:
SHERYL D. NAVARETTE
Timoteo Paez Elementary School

Page 12 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D5
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MOTHER TONGUE 1


Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikalimang Araw

Layunin: Natutukoy ang suliranin at solusyon sa kuwentong


napakinggan.

Panimula
A. Sa araling ito matutuhan mo kung paano matutukoy
ang suliranin at solusyon sa isang pangyayari o
kuwento.

B. Panuto: Makinig ang bata sa magulang o kasama sa


bahay na maaring magbasa ng gagawin ng bata at
gabayan sila sa pagsagot sa mga tanong.

Ang Pamilya na Reyes


Ang Pamilya ni Aling Nita ay malaking pamilya. Pito
ang kanilang anak ni Mang Ambo kaya halos kulang
ang kinikita ni Mang Ambo sa pagtatrabaho, kaya
naisip ni Aling Nita na magkaroon siya ng
pagkakakitaan ito ay pagtanggap ng mga labada.

Pagsagot sa tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento? ________
2. Ilan ang anak ni Aling Nita at Mang Ambo? _______
3. Ano ang suliranin o problema ng Pamilya Reyes?
________________________
4. Ano ang nagging solusyon ni Aling Nita para
matulungan si Mang Ambo?
________________________________

Page 13 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D5
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

A. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Makinig sa magulang o kung sino kasama sa
bahay na maaring magbasa sa gagawin at gabayan ang
bata sa pagsagot sa mga Gawain

Panuto: Pag-ugnayin ang suliranin at solusyon. Isulat sa


patlang ang letra ng tamang sagot.

___1. Masakit ang ngipin a. kumain ng gulay at


ni Nena prutas
___2. Bumagsak sa pagsusulit b. nagpunta siya
sa dentista
___3. Laging nagkakasakit c. nag-aaral na siya
si Ben dahil hindi siya palagi
kumakain ng gulay
at prutas.
___4. Gusto sumali sa pag-awit d. nagtulong-tulong
Si Nika ang mga tao sa
Barangay sa
paglilinis
___5. Marumi ang kanal sa e. araw-araw
Barangay namin. nagsasanay
sa pag-awit si Nika

Page 14 of 15
Module Code: Pasay-MTB1-Q2-W1-D5
Pangalan: __________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________
Pangalan ng Guro: __________________________________

Tandaan:
Ang suliranin ay kaganapan na dapat lutasin ng mga
tauhan sa kuwento.
Ang solousyon ay ang solusyon sa suliranin sa kuwento.

Pagtataya
Panuto: Gabayan ng magulang o kasama sa bahay
na maaaring gumabay sa bata sa pagbabasa ng mga
salita sa ibaba at pagsagot sa mga tanong o sa mga
gagawin.

Iguhit sa kahon ang - suliranin at - solusyon


ang mga pangungusap sa ibaba.

Kumain siya ng kanin

Nagugutom si Atarah

Hindi kaya sagutan ni Ben ang kanyang


takdang- aralin.

nagpatulong siya sa kanyang ate

Meron gustong maabot si Nena sa taas ng


aparador.

Inihanda ni:
SHERYL D. NAVARETTE
Timoteo Paez Elementary School

Page 15 of 15

You might also like