You are on page 1of 15

Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Ikalawang Markahan / Ikalawang Linggo / Unang Araw

Layunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tao tulad ng


a. Pagpili ng mga salitang di- nakakasakit ng damdamin sa pagbibiro

Pagpapahalaga: Pagdama at Pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy)

Panimula:

Nakakatuwang isipin na nakapagpapasaya tayo ng damdamin ng ating kapuwa sa


oras ng kalungkutan at pag-iisa sa pamamagitan ng ating mga biro. Subalit ang pagbibiro ay
dapat pumili ng mga salitang hindi makakasakit ng damdamin.

Gawain 1
Pansinin at obserbahan ang mga pangungusap sa loob ng mga kahon.

“Ang liit mo kasi kaya mukha kang duwende.”

“Mas maganda ang damit na iyan sa para sa iyo, nagmukha ka tuloy


prinsesa.”

“Alam mo bang hindi bagay sa iyo ang kulay na iyan dahil hindi ka maputi”.

Saguting ang mga tanong:


1. Sa unang kahon, Ano ang sinasabi sa pangungusap?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

Ano ang masasabi mo tungkol sa pagpapahayag ng damdamin nito sa kaniyang


kapuwa? Maganda ba itong pakinggan o hindi? Ipaliwanag.ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Page 1 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

2. Sa pangalawang kahon naman, ano ang sinasabi sa pangungusap?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Kung ikaw ang sinabihan nito ano ang mararamdaman mo? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Sa Ikatlong kahon, Ano ang masasabi mo tungkol sa pagpapahayag ng damdamin nito


sa kaniyang kapuwa? Maganda rin ba itong pakinggan o hindi? Ipaliwanag.ang iyong
sagot. ___________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawain 2: Magbasa at Matuto


Panuto: Basahin ang kuwento.

“Nakatutuwang Biro.”

Malakas ang tawanan sa loob ng silid-aralan nina Caloy. Wala pa ang kanilang guro
kaya’t walang humpay na tuksuhan at biruan ang kanilang ginagawa ng mga mag-aaral.
Pinag-uusapan nila ang mga katatawanang napanood sa telebisyon. Sila rin ay nagbibigay
ng sarili nilang nakatawang biro.

“Alam niyo may pick-up line ako,”sabi ni Ronel “Sige sabihin mo,” sabay sabay na
sagot ng mga kaklase niya.
“Crayola ka ba?”
“Bakit?”

“Nagbibigay kulay ka kasi sa mundo.”


Malakas na tawanan ang ibinigay ng mga mag-aaral.
“Ako naman ang magbibigay ng pick-up line,” wika ni Tonton sabay tingin sa isa
nilang kaklase.
“Ikeng, elelepante ka ba?
“Bakit?”
“Kasi ang laki ng tainga mo,” malakas na tawanan ulit ang sumusunod na narinig
sa silid aralan subalit si Ikeng ay biglang tumahimik .

Page 2 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Biglang pumasok si G.Ramos at narinig niya ang huling birong mag-aaral. Matapos
siyang batiin ng mga mag-aaral.ay nagbigay siya ng paalala sa mga ito tungkol sa tamang
pagbibiro.

“Natutuwa ako dahil masayahin kayo at kaya ninyong aliwin ang inyong mga
kamag-aral. Kaya lamang ay dapat niyong piliin ang mga sitwasyon at salitang gagamitin
sa pagbibiro.”paliwanag sa kanilang guro.

“Bakit kaya hindi natuwa si Ikeng sa naging biro sa kaniya?”tanong ng guro.
“Kasi po nasaktan siya sa pagkokompara sa kaniya sa elepante. “sagot ni Carol.”.

“Tandaan niyo na ang mga biro ay dapat nakakatuwa at hindi nakakasakit sa


damdamin ng kapuwa kahit na biro ay maaaring ituring na pambubully.

Sagutin ang mga tanong:

1.Alin sa mga birong ginamit sa kuwento ang nakapagpapasaya ng damdamin?


________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2.Bakit hindi natuwa si Ikeng sa biro ng kanyang kaklase? Kung ikaw si Ikeng, ano ang iyong
mararamdaman?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Naranasan mo na bang makapagpasaya ng iyong kapuwa sa iyong mga biro?

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Nakagamit ka na rin ba ng mga salitang nakasasakit sa damdamin sa iyong


pagbibiro?
_______ ________________________________________________________________

5. Ipaliwanag kung bakit dapat ingatan ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro.

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Inihanda ni:
Ms. Hazel Ann S. Taoc
Juan Sumulong Elementary School

Page 3 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Ikalawang Markahan / Ikalawang Linggo / Ikalawang Araw

Gawain 1

Ito sina Carlo at Ben. Mahilig silang magbiro sa kanilang mga kakilala.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Kung ikaw ang sinabihan ng mga salitang ito sa pagbibiro ng iyong kapuwa,ano ang
iyong mararamdaman?
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Balikan ang diyalogo nina Carlo at Ben. Paano mo sasabihin ang knilang mga biro na
hindi ka makakasakit ng iyong kapuwa? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Page 4 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Gawain 2
Gumawa ng isang diyalogo ng isang uri ng pagbibiro ng hindi maganda sa kapuwa.
Maaaring gawing halimbawa ang nasa Gawain 1.

Ang dami mo namang tigyawat sa


pagmumukha mo, siguro wala na yang
paglagyan.

Gawain 3
A. Basahin ang sitwasyon at magpasiya ka kung ano ang nararapat gawin.

Napansin mong nagkakaingay ang mga mag-aaral


sa isang kanto malapit sa paaralan. Nakita mo ang isa mong
kamag-aral na biniro ng iba pang mga bata. Masayang
nagtatawanan ang mga nagbibiro subalit ang iyong kaklase ay tila
gusto nang umiyak. Nasasaktan na siya sa mga biro ng ibang mag-
aaral.

Page 5 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

B. Sagutin ang mga tanong.

1. Ano sa tingin mo ang ibinibiro sa iyong kaklase? Mag-isip ng halimbawa ng di kanais-


nais na biro. Isulat ito sa Ilalim ng puno.

2. Ano ang dapat mong gawin kung nakita mo ang iyong kaklase na binibiro ng kaniyang
mga kapuwa? Isulat naman ito sa itaas ng puno.

______________________________________________________________
Sasabihan ko ang aking kaklase na huwag niyang
masyadong isipin iyon, at papalakasin ko na lamang ang
______________________________________________________________
loob niya at sasabihin na walang masama kung ano man
ang kulay ng iyong balat dahil ang mahalaga ay ang
______________________________________________________________
panloob na kabutihan.
______________________________________________________________

______________________________________________________________

___________________________
Siguro alagad ka ng
___________________________
dilim? Kasi ang itim-
itm mo.
___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

___________________________

Inihanda ni:
Ms. Hazel Ann S. Taoc
Juan Sumulong Elementary School

Page 6 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Ikalawang Markahan / Ikalawang Linggo / Ikatlong Araw

Gawain 1
Isulat sa loob ng speech balloon ang maaari mong sabihin sa iyong kamag aral na
binibiro.

Wag mo masyadong seryosohin ang mga iyon, yan ay


mga biro lamang at hindi talaga nila nais iyong
sabihin.

Sabihin mo din sa mga nagbibiro sa iyo


na kung ikaw ay nasasaktan sa mga
biro nila, at sa ganon ay hindi na nila ito
uulitin at magiging mapanuri na sila sa
mga sasabihin nila sa susunod.

Dahil ang bawat emosyon at damdamin ay mahalaga kailangan


nating itong pahalagahan. maging sensitibo tayo para sa ibang
mga tao.

Page 7 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Gawain 2: Sagutin ang mga tanong:

1. Paano maipapakita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-usap sa kapuwa?


_____________________________________________________________________
Maipapakita ko ito sa paraan na hindi ako magtataas ng tono ng aking boses, at hindi
ako magpapakita ng hindi kanais-nais na mga aksyon.
___________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa?


_____________________________________________________________________
Maari itong maging dahilan ng pagbaba ng kanilang kumpyansa sa sarili at
___________________________________________________________________
magdulot ng depresyon sa kanila.
____________________________________________________________________

3. Ano ang dapat gawin kapag nabu-bully?


_____________________________________________________________________
Magkalap ng sapat na ebidensya ng anumang pambubully na nagaganap at
___________________________________________________________________
magsumbong sa mga guro.
____________________________________________________________________

Ang pagiging mahinahon sa damdamin ay naipakikita maging sa mga salitang


ginamit sa pagbibiro. May mga pagkakataong sa kagustuhan nating makapagpasaya ng ating
kapuwa, hindi natin napipili ng maayos ang mga salita at nakasasakit tayo sa ating kapuwa.

Hindi masama ang pagbibiro lalo na kung ang ating biro ay nakatutulong upang
magpasaya sa iiba at mapagaan ang kanilang suliranin at alalahanin. Subalit may mga
pagkakataong naaaabuso at nabu-bully ang kapuwa dahil sa mga nakakasakit na salita.

Ang pambubully ay nangangahulugan ng kahit anong panggigipit na ginagawa ng


isa o isang Pangkat sa isa-pisikal man, berbal o mental. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber
bullying.

Kabilang sa polisya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob ng mga paaralan at


kahit sa mga school related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa
bullying. Ang pananakot gamit ang teknolohiya ay isang napakalaking isyu sapagkat ang mga
kabataang tulad mo ang higit sa maapektuhan nito.

Page 8 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Isang uri ng nakakasakit na biro ay ang paggamit ng pisikal na anyo ng tao tulad
ng pagiging payat, mataba, maitim at iba pa. Kapag nangyari ito , ang emosyon, kaisipan at
pisikal na aspekto ng isang taong naabuso ay apektado. Bumababa rin ang pagpapahalaga sa
kaniyang sarili ng isang taong nabu-bully hanggang sa tuluyan nang mawalan ng tiwala sa
kaniyang sarili at kakayahan.

Ipaalam sa mga kinauukulan tulad ng mga guro, magulang at alagad ng batas


kung nakaranas ng bullying.

Ang Anti- Bullying Act of 2013 ay kilala rin bilang “Republic Act 10627”. Ang
batas na ito ay pinirmahan ni Pangulo Benigno Aquino III noong ika-12 ng Setyembre 2013.
Naglalayon ang batas na ito na ipinagbabawal sa mga paaralan sa buong bansa ang bullying.

Inihanda ni:
Ms. Hazel Ann S. Taoc
Juan Sumulong Elementary School

Page 9 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Ikalawang Markahan / Ikalawang Linggo / Ika-apat na Araw

Gawain 1.
Pangkatang Gawain. (Gawaing Pampamilya)

Tanungin ang mga kasamahan sa bahay kung may tao na ba silang nabiro or nasaktan
dahil sa maling biro. Pagkatapos ay punan ang table sa ibaba.

Nagsabi / Mga salitang ginamit sa Maaaring maramdaman ng


pinanggalingan ng pagbibiro taong binibiro
biro

Mang Victor. "Ang lakas naman ng Ayos lang, Di naman


tawa mo para kang masyadong nakakasakit
tren." yung biro ni mang Victor.

Aling Belinda. "Ang daldal mo naman


Maaring maging
Tsismosa ka talaga.."
malungkot, dahil hindi
naman porket madaldal
tsismosa na kaagad.

Joseph " Baho mo naman para Malulungkot, pwede mo


kang yung mga naman sabihin yun sa kanya
basurang tinatapon ko.." nang hindi kinukumpara sa
isang basura.

Tutoy "Baho naman ng Masasaktan, pwede naman


hininga mo.. Parang sabihin yun ng maayos e,
emburnal." bakit kailangan pang sabihin
na parang emburnal.

Burnok "Tatay mo parang Masasaktan ako at magagalit


zombie maglakad, kasi dahil ginagawa nilang
pilantot sya.." katatawanan ang
kapansanan ng ibang tao.

Page 10 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Gawain 2:

Magkakaroon ng isang pagtatanghal sa inyong paaralan bilang pagdiriwang. Isang


bahagi ng programa ay ang pagkakaroon ng “Kuwelang Bulilit” upang makapagpapasaya sa
buong paaralan. Ang mag-aaral na nais makasali ay dapat maghanda ng mga biro o “jokes” at
pipiliin ng mga guro ang mga mag-aaral na magtatanghal sa “Kuwelang Bulilit” .Maaaring
gumawa ng sariling biro o “joke” at puwede ring kumuha sa internet.

Ang inyong mga biro ay susukatin sa pamamagitan ng pamantayang ibibigay ng guro:

Biro o “Joke”

Meet-Up: Nakita ng lalake na may tinga yung babae…


Lalake: Hulaan ko malunggay yung ulam mo nung tanghalian noh?
Babae: Hahaha. Sorry pero mali ka. Kagabi pa yung tinolang may
malunggay, piniritong manok ulam ko kanina.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY PUNTOS

Hindi nakakasakit ng Nababagay sa mga Nagustuhan ng mga


damdamin nakikinig/nanonod nakikinig /nanonood
(5 puntos) (3 puntos) (2 puntos)

Gawain 3:
Mag-isip ng halimbawa ng maganda o kanais- nais na biro at isulat ito sa loob ng kahon.

Jun-Jun: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng


titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?
Jun-Jun: “Sino ang walang assignment?”

Page 11 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Gawain 4

Lagyan ng kaukulang tsek (✓) ang pinaniniwalaang pahayag.

Mga Pahayag Tama Mali

1. May mga birong nakakasakit ng


damdamin kahit hindi sinasadya ng
nagbibiro.

2. Nasasaktan ang taong binibiro


sapagkat sila ay pikon.

3. Dapat piliin ang mga salitang


ginagamit sa pagbibiro.

4. Lahat ng napapanood natin sa


telebisyon at naririnig na mga
katatawanan sa radyo ay dapat
gayahin.

5. Maaaring tayong makapagpasaya ng


ating kapuwa sa pamamagitan ng
mga salitang ating ginagamit.

6. Ang pagbibiro ay mainam lalo na kung


nakakasakit kana ng damdamin ng
iba.

7. Masaya ang makasakit ng kapwa


kapag nagbibiro.

8. Ang biro ay dapat ding iniisip bago


sabihin upang di makasakit.

Inihanda ni:
Ms. Hazel Ann S. Taoc
Juan Sumulong Elementary School

Page 12 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4


Ikalawang Markahan / Ikalawang Linggo / Ikalimang Araw

Subukin Natin

Gawain 1
Gumuhit ng sa bilang kung ito ay tama at naman kung ito ay mali.

________1. Isang uri ng nakakasakit na biro ay ang paggamit ng pisikal na anyo ng tao tulad
ng pagiging payat, mataba, maitim at iba pa.

________2. Ipaalam sa mga kinauukulan tulad ng mga guro, magulang at alagad ng batas kung
nakaranas ng bullying.

________3. Ang Anti- Bullying Act of 2013 ay kilala rin bilang “Republic Act 10627”. Ang
batas na ito ay pinirmahan ni Pangulo Benigno Aquino III noong ika-12 ng
Setyembre 2013.

________4. Nagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan ang isang taong palaging nabu-
bully.

________5. Ang maganda o mabuting biro ay nakatutulong upang magpasaya sa iba at


mapagaan ang kanilang suliranin at alalahanin.

________6. Hindi masyadong naapektuhan ang emosyon, kaisipan at pisikal na aspekto ng


isang taong naabuso o nabubully.

________7. Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob ng mga paaralan at


kahit sa mga school related activities.

________8. Isang uri ng magandang biro ay ang paggamit ng pisikal na anyo ng tao tulad ng
pagiging payat, mataba, maitim at iba pa

Page 13 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

________9. Ang pananakot gamit ang teknolohiya ay isang napakalaking isyu sapagkat ang
mga kabataang tulad mo ang higit sa maapektuhan nito.

________10. Ang pambubully ay nangangahulugan ng panggigipit na ginagawa ng isa o isang


Pangkat na pisikal lamang.

Gawain 2

Pag-aralang mabuti ang mga tanong/sitwasyon, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano maipapakita ang pagiging mahinahon?


a. Huwag kausapin ang kaaway mo.
b. Itaas ang tono ng boses sa pakikipagtalo.
c. Magpatawa kahit pa nakakasakit na ng damdamin.
d. Gumamit ng mga salitang hindi nakapanakit ng damdamin.
2. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapwa?
a. Mapapatawa ang iyong mga kaklase.
b. Kagigiliwan ka ng iyong mga kaklase.
c. Makikilala ka bilang magaling na nagpapatawa.
d. Bababa ang pagpapahalaga at tiwala niya sa sarili.
3. Ano ang dapat gawin kapag nabubully?
a. Sabihin agad sa guro at magulang.
b. Ilihim na lamang para walang gulo.
c. Huwag na lamang pumasok.
d. Umiyak na lamang.
4. Nagalit ka sa iyong kaklase at sinabihan mo siyang baboy. Tama baa ng iyong ginawa?
a. Oo
b. Hindi
c. Marahil
d. Ewan
5. Nagbibiruan kayo ng iyong kaklase habang naglalaro. Sa pagbibiro nasabihan moa ng
iyong kaklase na mukhang unggoy. Ano ang maaaring mararamdaman ng iyong
kaklase?
a. Masaya siya.
b. Magugulat siya
c. Tatawa siya.
d. Masasaktan at malulungkot siya.
6. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung palagi kang magbibiro ng nakakasakit sa
damdamin ng iyong kapwa?
a. Hahangaan ka ng iyong mga kaklase.
b. Matutuwa sau ang iyong mga kaklase.
c. Kakausapin ka palagi ng iyong mga kaklase.
d. Aayawan ka na ng iyong mga kaklase at mawawalan ka ng kaibigan.

Page 14 of 15
Module Code: PASAY-ESP4-Q2-W2

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________ Petsa: ________________

Gawain 3

Repleksiyon

Ngayon ay alam mo na kung paano ka magbibiro nang hindi ka nakakasakit ng


damdamin ng iyong kapuwa. Gumawa ka ng isang pick-up line na may temang pagmamahal
sa kapuwa. Isulat ito sa loob ng kahon.

Favorite subject mo ba yung GEOMETRY?

kasi kahit anong angle ang Cute mo..

Punong-puno ka na ngayon ng
pagmamahal sa iyong kapuwa kaya
handa ka nang humarap sa mas
malawak na pagtahak tungo sa
pagtupad ng iyong pangarap sa buhay.
Binabati kita!

INIHANDA NI:

Bb. HAZEL ANN S. TAOC


Juan Sumulong Elementary School

TALASANGGUNIAN:
Edukasyon sa Pagpapakatao/
LM Grade4 Pahina.98-106
Edukasyon sa Pagpapakatao/
TG Grade4 Pahina 56-62

Page 15 of 15

You might also like