You are on page 1of 3

1st SUMMATIVE TEST IN FILIPINO IV

FIRST QUARTER SCORE: ____________

Pangalan: _______________________________________Seksyon: ______________________
Guro: Ma. Cristina A. Dela Cruz Petsa: ________________________

Panuto A. Basahin ang maikling kwento at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

Si Pedro ay ang tipo ng bata na hindi mahilig lumabas ng silid. Pagkatapos ng kanyang klase ay diretso
na siyang umuwi sa kanilang bahay. Isang araw, natanaw niya sa kanilang bintana na may mga batang naglalaro
ng bola sa labas ng kanilang bahay. Inggit na inggit siya habang tinatanaw ang mga batang nagkakasayahan
sabay ng pagpapasahan ng bola sa isa’t isa. Nais man niyang maglaro, marami pa siyang takdang-aralin.

Isang hapon, hindi natiis ni Pedro ang pagkasabik sa paglalaro. Iniwan niya ang kanyang takdang-aralin
at lumabas para makipaglaro. Sa sobrang tuwa sa paglalaro nakalimutan niyang gawin ang kanyang takdang-
aralin. Umuwi siyang hapong-hapo sa kapaguran, di man lang niya nagawang magpalit ng damit sa pagtulog.

Kinabukasan pumasok siyang walang takdang-aralin, nang tinawag siya ng kaniyang guro wala siyang
naisagot. Walang imik siya sa klase at hiyang-hiya sa nangyari. Pangako ko, tatapusin ko muna ang aking
takdang-aralin bago makipaglaro, sambit niya sa sarili pagkatapos niyang hindi masagot ang tanong ng kanyang
guro.

_____1. Sino ang batang hindi mahilig lumabas ng silid?

a. Paul b. Pedro c. Pepe d. Pong
_____2. Ano ang natanaw ng bata sa kanilang bintana isang araw?
a. Mga batang naglalaro c. mga batang nanonood ng T.V
b. Mga batang nagbabasa d. mga batang nagsasayaw
_____3. Bakit hindi magawang maglaro ng bata sa labas?
a. Pinagbabawalan ng magulang c. Mainit sa labas
b. Ayaw niyang makipaglaro d. Hindi pa tapos ang kanyang takdang-aralin
_____4. Ano ang nangyari sa klase ng tinawag siya ng kanyang guro?
a. Nainggit sa kanya ang mga kaklase dahil sa maayos niyang sagot.
b. Pinagtawanan siya sa klase dahil hindi sya nakasagot.
c. Natuwa sa kanya ang guro dahil sa maganda niyang sagot.
d. Wala siyang nasagot dahil hindi niya nagawa ang kanyang takdang-aralin.
_____5. Ano ang aral na natutuhan ng bata sa pangyayari.
a. Maging masaya sa lahat ng oras c. Maging disiplinado sa lahat ng oras.
b. Maging masigla sa pakikipaglaro. d. Maging matulungin sa lahat ng oras.
Panuto: B. Isulat kung ang pangngalan ay TAO, BAGAY, HAYOP, LUGAR o PANGYAYARI
____________________6. Pasko _______________________9. aklat
____________________7. Bulacan _______________________10. Muning
____________________8. guro
Panuto: C. Tukuyin kung PANTANGI o PAMBALANA ang mga pangngalan.
_______________11. aso _______________14. Monggol
_______________12. Alaska _______________15. Marilao
_______________13. guro
Panuto: D. Piliin ang naiibang pangngalan sa hanay ng mga salita.
_______________16. Mindoro, Laguna, lalawigan, Batangas
_______________17. Arroyo, senador, Duterte, Estrada
_______________18. DENR, ahensya, gobyerno, programa
_______________19. aklat, lapis, gunting, Alab ng Wika
_______________20. paaralan, aklatan, simbahan, Pilipinas

Panuto: E. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
21. Umaapaw ang ang tubig sa kanal.
A. punong-puno B. kakaunti C. kalahati D. sapat lamang
22. Sundin ang mga alituntunin sa paaralan.
A. paunawa B. patakaran C. pakiusap D. lagusan
23. Ang mga batang masinop ay kailangang magpunyagi.
A. magpaunlad B. magdalamhati C. magsikap D. magpasakit
24. Masama ang naghihinala sa kapuwa.
A. panaginip B. agam-agam C. pagkalito D. pagsisikap

Panuto: F. Tukuyin ang Kasarian ng pangngalan. Isulat ang PB kung pambabae, PL kung panlalaki, DT kung
di-tiyak at WK kung walang kasarian.
____25. tiyo
____26. ate
____27. anak
____28. palda
____29. upuan
____30. Papel

Binabati Kita!!! 😊

____________________________________
PANGALAN AT LAGDA NG MAGULANG
1st PERFORMANCE TASK IN FILIPINO IV
FIRST QUARTER
SCORE: ____________

Pangalan: _______________________________________Seksyon: ______________________

Guro: Ma. Cristina A. Dela Cruz Petsa: ________________________

A. Panuto: Gumuhit ng 5 bagay sa bawat Kasarian ng Pangngalan. (20 puntos)

Pambabae (5) Panlalaki (5) Di- Tiyak (5) Walang Kasarian(5)

B. Panuto: Sumulat ng talata tungkol sa sarili gamit ang mga pangngalan. Isulat ang talata sa papel (10
PUNTOS).
KILALA KO ANG SARILI KO!

__________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________.
Rubric sa Pagtataya ng Talata/Sulatin

Mga Krayterya 10 9 8 7
Organisasyon Mahusay ang Pagkakasunod- Maayos ang May lohikal ngunit hindi Hindi maayos ang
sunod ng mga ideya sa organisasyon masyadong mabisa ang organisasyon ng mga ideya at
kabuuan ng talata, mabisa ang pagkakabuo ng talata na panimula at konklusyon walang panimula at
panimula at malakas ang may angkop na simula at kongklusyon
kongklusyon batay sa kongklusyon.
ebidensya.

Binabati Kita!!! 😊
____________________________________
PANGALAN AT LAGDA NG MAGULANG

You might also like