You are on page 1of 11

2

Mother Tongue
Unang Markahan – Modyul 4:
Aralin 4:
Pagpapahayag ng Saloobin/Ideya
sa pamamagitan ng paggawa ng poster

GABAY SA LINGGUHANG GAWAIN PAMPAGKATUTO

Ikalawang Linggo/ 2 Araw

ARAW AT ORAS KASANAYANG GAWAIN


PAMPAGKATUTO
Unang Araw/________ Nakapagpapahayag ng Alamin
saloobin/ideya sa Subukin
pamamagitan ng paggawa ng Balikan
Tuklasin
poster (hal.patalastas o
Suriin
anunsiyo, character
Ikalawang Araw/_________ Pagyamanin
profile,pag-uulat,”Lost and Isaisip
Found” na patalastas) sa Isagawa
gabay ng guro. Tayahin
Karagdagang Gawain
(MELC/MT2C-la-i-1.4)
Aralin Pagpapahayag ng

2 4 saloobin/ideya sa pamamagitan
ng paggawa ng poster

Sa katapusan ng mga gawain, inaasahan na:


1. Nababasa nang wasto ang kuwento
2. Nasasagot ang mga tanong hinggil sa kuwentong binasa
3. Nakapagpapahayag ng saloobin/ideya sa pamamagitan ng
paggawa ng poster (MELC/MT2C-la-i-1.4)

Subukin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa isang sagutang papel.

1. Ang sakit na COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong corona


virus. Upang tayo ay hindi mahawahan ang mga sumusunod ay dapat nating
gawin maliban sa isa:
A. Hugasan ang mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig.
B. Lumabas ng bahay at maglaro kasama ang maraming kaibigan.
C. Kumain ng masustansiyang pagkain.
D. Magsuot ng face mask.

2. Sino-sino ang mga taong dapat pasalamatan sa panahon ng pandemyang


dulot ng COVID-19?
A. barbero, panadero, sapatero
B. duktor, nars, pulis, sundalo
C. kapitbahay, kalaro, kasambahay
D. lolo, lola, ate, kuya

3. Saan dapat dalhin ang mga taong may sakit na COVID-19?


A. ospital
B. palengke
C. pulisya
D. simbahan

Balikan
Balikan mo ang iyong karanasan.
Ano ang pakiramdam mo kapag hindi
ka pinalalabas ng bahay ng iyong
nanay?
Subukan mong ibahagi ito sa iyong
mga magulang at kapatid.
Tuklasin
Basahin nang wasto at may pang-unawa ang kuwento .Sagutin ang mga tanong.

Manatili sa loob ng Ating Tahanan


ni Gng. Marivic L. Yuzon

Tahimik ang paligid. Gustong maglaro ni Xian sa labas ng kanilang tahanan


ngunit naalala niya ang madalas sabihin ng kaniyang ama at in ana “manatili sa loob
ng ating tahanan”.
“Nanay! Bakit po ba bawal ako lumabas?”tanong ni Xian sa kaniyang ina.
“Anak, maaari kang mahawa ng sakit na COVID-19. Ito ay sakit dulot ng virus na
mabilis makahawa sa pamamagitan ng pagtalsik ng laway ng taong maaari mong
makausap sa labas ng ating tahanan” sagot ng kaniyang ina.

Tandaan:
“Ganoon po ba, Inay? Hindi na po ako lalabas Ang mabait at
dahil ayaw kong magkasakit. Mahal ko po kayo ni masunuring
bata sa
Tatay” malambing na tugon ni Xian. magulang ay
pinagpapala ng
Diyos.

“Salamat, anak”wika ni Mang Cris na kanina pa nakikinig sa usapan ng


kaniyang anak at maybahay na si Aling Isang.

4
Suriin
Pangalan:___________________________________________________
Baitang at Pangkat:___________________________________________
Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang bata sa kuwento?
A. si Aling Isang
B. si Aling Rosa
C. si Mang Cris
D. si Xian

2. Ano ang madalas sabihin ng ama at ina ni Xian?


A. Matulog ng maaga.
B. Maglaro sa labas ng bahay.
C. Manatili sa loob ng tahanan.
D. Manood ng TV pagkatapos kumain.

3. Saan gustong maglaro ni Xian?


A. sa paaralan
B. sa loob ng bahay
C. sa SM Valenzuela
D. sa labas ng kanilang tahanan

4. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Xian na sundin ang utos ng kaniyang
mga magulang?
A. Opo, dahil maaari po siyang mahawahan ng sakit na COVID-19.
B. Hindi po, dahil masarap maglaro sa labas ng bahay.
5
C. Siguro po, dahil maraming po siyang kalaro sa labas ng bahay.
D. Minsan po ,dahil hindi naman siya mahahawahan ng sakit.

5. Bakit dapat na manatili sa loob ng ating tahanan?


A. upang maging ligtas sa sakit na COVID-19
B. upang makatulong sa ating pamahalaan
C. dahil mahal natin ang ating pamilya
D. lahat ng nabanggit ay tama

Pagyamanin
Pangalan:___________________________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________________

Pagsasanay 1. Iguhit
Tala para sa Guro/Magulang: Ang sumusunod ay mga gawaing mapatnubay.
Ang inyo pong gabay o tulong sa mag-aaral ay lubos na kinakailangan.

A. Gumawa ng poster batay sa binasang kuwento. Ilagay ito sa loob ng kahon sa ibaba.
Mga kagamitan:

6
B.Kulayan ang damdaming iyong naramdaman habang ginagawa ang poster .

Ang galing-galing mo!


Binabati kita.

7
Pagsasanay 2. Kayang-kaya Ko!

Tala para sa Mag-aaral: Ang gawaing ito ay para sa iyo lamang. Ang tulong
ng guro o magulang ay hindi na kailangan.

Pangalan:______________________________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________________

Isulat nang wasto ang mga pangungusap na ginamit sa kuwentong binasa.


1. manatili sa loob ng ating tahanan

2. bakit po ba bawal lumabas ng bahay?

3. ang covid-19 ay sakit na mabilis makahawa

4. mahal ko po kayo ni tatay

5. hindi na po ako lalabas ng bahay

8
Isaisip

Lapis,papel,krayola at bolpen
Sa piling ni nanay,tatay,kuya at ate
Sa poster making, ako ay gumaling
Guhit ay gumanda sa inyong mga mata.

Aking naramdaman ang tunay na saya


Kayang kaya ko pala na sa lahat ipadama
Ako ay magaling, malinis at maganda
Poster Making,kayang kaya ko na.

Isagawa
Pangalan: ___________________________________________________
Baitang at Pangkat: ___________________________________________
Lagyan ng tsek (✓) ang mga gamit sa paggawa ng poster.

9
Tayahin

+ Pangalan:_________________________________________
Baitang at Pangkat:________________________________
Punan ng detalye ang Character Profile bilang isang
halimbawa ng poster hinggil sa pagpapakilala sa sarili.

Kahanga-hanga!
Natutuhan mo ang
iyong aralin.

10
Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang nais ipabatid ng poster. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang mensaheng ipinababatid ng poster?

11

You might also like