You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo
Pamilya Ko, Kaagapay Ko sa Pagdedesisyon!

I. Panimula:
Ang pagpapasya o pagdedesisyon para sa iyong sarili ay
mahalaga upang mahubog ang iyong pagkatao. Ito ay isang
gawain habang ikaw ay lumalaki at nagkakaisip.
Mula sa pagpapasya na kung ano ang pipiliin mong isuot sa
pagpunta ng simbahan. Ang pagpapasya kung nais mong
maglaro o hindi. Ang mga ito ay halimbawa lamang ng mga
bagay na pagpapasya para sa iyong sarili.
Sa modyul na ito matutukoy ang mga taong makakatulong
sa pagbuo ng desisyon.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nailalahad ang iba’t ibang dahilan sa pagdedesisyon.
Koda: HGPS-IId-4

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga taong makatutulong sa pagbuo ng
desisyon, at
2. makagagawa ng mabuting pagpapasya para sa sariling
kabutihan.

IV. Pagtalakay
(Basahin ang kwento sa patnubay ng magulang pagkatapos sagutin ang
mga tanong.)

Ang Aking Kaarawan


Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Sa darating na Linggo ay sasapit ang


ika-walong kaarawan ni Bea. Hindi na
makapaghintay si Bea para sa araw na iyon
dahil sabik na siyang makita at maimbitahan
ang kaniyang mga kaibigan.
Sinabi ni Bea ang kaniyang plano sa
kaniyang mga magulang. Ipinaliwanag naman ng mga
magulang ni Bea ang sitwasyon ng kanilang lugar dahil sa marami
ang kaso ng Covid-19 virus, naka lockdown ang kanilang lugar at
may mga alituntunin na dapat sundin.
Naunawaan naman ito ni Bea kaya naman sinabi niya na
ipagpaliban nalang ang party para sa kaniyang kaarawan, at
maghanda na lamang ng simple para sa kanilang mag-anak para
sa ikabubuti ng lahat.

2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Tama ba ang naging desisyon ni Bea? Bakit?___________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Bea kung sakaling ikaw ang


nasa kalagayan niya? Bakit? _____________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Sino-sino ang maari mong lapitan upang makatulong sa iyong


pagdedesisyon?_________________________________________________
_________________________________________________________________

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain ( Patnubay at gabay ng magulang
ay kailangan )
A.1 Panuto: Bilugan ang mga larawan ng taong maaring
makatulong sa iyong pagdedesisiyon.

pamilya
kapatid

guro

3
A. 2 Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Kanino mo gustong
humingi ng tulong? Piliin ang iyong sagot sa kahon.

nanay tatay ate kuya


tita tito guro

1. Gusto mong magluto.

2. Gagawa ka ng iyong asignatura.

3. Nais mong matuto sa pagbibisekleta.

4. Hindi mo maintindihan ang inyong aralin.

5. Pinapagawa kayo ng poster ng inyong guro.

Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang


kinakailangan)
B.1 Panuto: Buuin ang talata upang makabuo ng isang pangako.

Ako si ___________________________________________
nangangakong ______________________ ko ang payo ng aking
kapamilya, kamag-anak at _____________________ para sa
ikabubuti ng aking _____________________.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan

Nabuo ang talata at naisulat lahat ang tamang sagot na hinihingi. 5

Nabuo ang talata ngunit hindi nakuha ang lahat ng tamang sagot. 3

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

4
B.2 Panuto: Iguhit ang taong nais mong tumulong sa iyong
pagpapasya kung ikaw ay nahihirapan sa pag-aaral. Isulat ang
dahilan kung bakit siya ang nais mo?

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan

Sariling gawa ng bata ang iginuhit. Malinis, maayos at akma sa aralin. 5

Sariling gawa ng bata ang iginuhit. Hindi malinis at maayos ngunit akma sa aralin. 3

Hindi gawa ng bata ang iginuhit at isinulat. 1


*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

5
VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto
at MALI naman kung hindi.
__________1. Huwag pansinin ang payo ng iyong mga kapatid.
__________2. Ipaglaban ang nais sa magulang kahit hindi tama.
__________3. Ang tamang pagpapasya ay para sa ikabubuti ng
sarili.
__________4. Huwag mahiyang magtanong sa guro kung
nahihirapan sa aralin.
__________5. Upang lalong mapabuti ang iyong pagpapasya
humingi ng tulong sa iyong kapamilya.

VII. Pangwakas
Panuto: Isulat ang mga nawawalang salita upang mabuo ang
konsepto ng aralin. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Ang ____________________ ay lalong napapabuti sa tulong ng

____________________, ____________________, at guro.

Ugaliing pag-isipang mabuti ang mga ____________________

bago ito gawin para sa ikabubuti ng iyong ____________________ at

ng nakararami.

pagpapasya kamag-anak sarili


desisyon kapamilya

6
VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.
2020-2021.
Department of Education. Homeroom Guidance Grade 1 Self-
learning Module 4: Make Good Choices. Manila: Department of
Education Central Office, 2020

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain # 1 Gawain # 2

A.1 Lahat ay tamang sagot. A.1 at A.2. Maaaring magkaka-


iba ang sagot
A.2 Lahat ng sagot ng bata ay
tama.

Pagsusulit Pangwakas

1. MALI 1. pagpapasya
2. MALI 2. kamag-anak
3. TAMA 3. kapamilya
4. TAMA 4. desisyon
5. TAMA 5. sarili

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like