You are on page 1of 7

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Quarter 4 Week 6

Pagtulong sa Kapwa, Pagmamahal sa


Dakilang Lumikha

Layunin

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. maipapakita ang iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos

Pag-aralan

Ang buhay na handog sa atin ang pinakamahalagang regalong kaloob ng Diyos.


Ibig ng Diyos gamitin natin ito sa tamang paraan sa ating kapwa sa ganitong paraan higit
kaninoman Siya ang nasisiyahan kapag gumagawa tayo ng mabuti sa kapwa; Patunay
lamang na ibig ng Diyos na ating ibahagi ang buhay para sa ibang, pananagutan nating
mahalin , igalang, at pahalagahan ang bubhay ng bawat isa.Paano natin ito gagawin?

Suriin ang larawan sa ibaba:

1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipinakikita sa larawan?


2. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kanila?
Patunayan
3. Bakit dapat mong pahalagahan ang mga likha ng Diyos ,lalo na ang
ating kapwa?

Mga Gawain

Gawain 1.
Panuto. Sa iyong sagutang papel sagutin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay
ng tsek sa angkop na hanay .

Ako ba ay...... Madalas Minsan Hindi

1. Tinutukso ko ang aking kaklase

2. Pinipintasan ang pananamit na iba

3. Tinatawag ang kapwa tao gamit ang kanilang


pangalan
4. Nakikinig sa opinyon ng iba

5. Nagtatakip ng bibig kapag umuubo, bumabahin, o


naghihikab
6. Nagpapasalamat sa taong pumupuri

2
7. Humihingi n g tawad kapg nakagawa ng pagkakamali

8. Ibinibigay ang upuan sa mga matatanda

9. Nakikinig na mbuti kapag may nagsasalita

10. Nagsasabi ng totoo kahit masaktan ka

Sagutin ang mga tanong:


1. Batay sa mga sagot, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili?
2. Masaya ka ba sa iyong natuklasan?
3. Kung madalas mong ginagawa ang mali, ano kaya ang magiging epekto nito sa
pakikipagugnayan mo sa kapwa?
4. Sa mabubuting bagay na minsan mo lang ginagawa, ano kaya ang maaari mong gawin?
Bakit?
5. Kung hindi mo ginagawa ang nararapat mong gawin, ano kaya ang maaaring maging
bunga nito sa iyo sa pakikitungo mo sa kapwa?

Gawain 2.
Panuto. Isulat ang Tama kung ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtulong sa
kapwa na may pagmamahal sa Diyos at Mali kung hindi.

_______ 1. Palagi kang sumisigaw at nagmamadali kapag nag-uutos sa inyong


kasambahay.
_______ 2. Masiglang-masigla sa pagsali sa isang samahan na mayroong outreach
program para sa mga biktima ng bagyo.
_______ 3. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.
_______ 4. Sinisikap na makatulong sa iba sa abot ng makakaya.
_______ 5. Pinipili ang mga taong tinutulungan sa panahon ng kalamidad.
Gawain 3.
Panuto. Gumupit ng puso sa bond paper.Isipin ang mga taong nakasalamuha mo na iyong
iginalang at pinahalagahan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila. Sa kabilang bahagi ng
puso isulat ang ginawa mo sa taong binigyan mo ng pagpapahalaga. Idikit sa sagutang papel.

3
Gawain 4
Panuto. Gumawa ng isang talata na binubuo ng 5 pangungusap na tumatalakay sa
pagtulong sa kapwa tanda ng pasasalamat sa Diyos.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa iba’t-ibang paraan ng
pasasalamat sa Diyos. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…

1. __________________________________
Bagay na
2. __________________________________
3 natutunan
3. __________________________________

Mga bagay na nakapukaw sa aking interes…


bagay na
naka pukaw 1. __________________________________
2 ng interes 2. __________________________________

4
5
Gawain 1
Ang mga sagot ay maaring magkaiba.
Gawain 2
1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
Gawain 3 at 4
Ang mga sagot ay maaring magkaiba.
Susi sa Pagwawasto
papalito
na nakapag-
1
1. ________________________________ bagay
Kailangan ko pang matutunan ang…
Sanggunian

Aklat:

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon: Batayang Aklat sa dukasyon sa Pagpapakatao 5

May akda: Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta, EdD

Vibal Group, Inc., 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines

https://lessonworksheets.com/concept/grade-5-esp
www.shutterstock.com › search › library+children+read...

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Laila F. Danaque

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)


Manunulat : Roxanne P. Ceniza
Editor : Linda T. Geraldino, Venessa C. Cantojos
Tagasuri : Venessa C. Cantojos; Linda T. Geraldino
Inday Robbie A. Cubillan, Venus M. Alboruto
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Laila F. Danaque
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Venus M. Alboruto
Inday Robbie A. Cubillan
Linda T. Geraldino

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

6
7

You might also like