You are on page 1of 7

5

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN

GAWAING PAGKATUTO
LINGGO 1
Republic of the Philippines
Department of Education

Pangalan: ___________________________ Paaralan: _________________________

Sekyon:____________________________ Petsa: ____________________________

EsP 5, Gawaing Pagkatuto

Ikaapat na Markahan Linggo 1

I – Panimulang Konsepto

Ang pagpapakita ng malasakit at paggalang sa kapuwa ay tanda ng

pagmamahal sa ating kapuwa. Isa sa mahalagang utos ng Diyos ay ang “Ibigin mo
ang iyong kapuwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” kung saan itinuturo sa atin
na mahalin ang ating kapuwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili.
Ang araling ito ay higit na magpapalalim sa iyong pagmamalasakit sa
kapuwa sa kabila ng pagsubok na kinakaharap natin ngayon. Ang pagmamalasakit
ay ang pagtulong, pakikiramay, at pag-aalala. Ito ay ang pag-aalala sa kapakanan
ng kapuwa at pagganap ng tungkulin mo bilang isang tao. Ginagawa ito sa
panahong higit na kailangan ang tulong, pag-aalaga o pagkalinga at kusang
ibinibigay ng walang hinihinging kapalit at walang pinipiling tao, oras o lugar,
anuman ang estado sa buhay. Ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng pagsasaalang-
alang/malasakit sa ating kapwa ay pagtulong sa nakatatanda at may kapansanan;
pagbibigay tulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad/sakuna; paggalang sa
karapatan nila bilang ibang tao at pagdamay/pagbibigay payo sa kanilang
pinagdadaanan.
Palaging pakatandaan na walang sinuman ang naging mahirap ng dahil sa
siya ay nagbigay. Sa anumang sitwasyon, magbigay lamang ayon sa kakayahan
at bukal sa kalooban. Nawa’y sa nararanasan nating pandemya, isabuhay natin
ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bawat isa.

II- Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapuwa tulad ng:

*Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa at sa kinabibilangang
pamayanan
*Pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
*Pagkalinga at pagtulong sa kapuwa

2
III- Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Sukatin mo ang iyong sarili kung gaano mo isinasaalang-alang ang iyong
kapuwa. Lagyan ng tsek ( / ) ang hanay kung gaano mo kadalas ginagawa ito at
sagutan ang ilan sa mga katanungan ukol dito.
Palagi Paminsan- Hindi
Ako ba ay . . . . . minsan
1. Nagbibigay ng tulong nang bukal sa aking kalooban.
2. Minamahal ang aking kapuwa tulad ng pagmamahal
ko sa Diyos.
3. Hindi man makatulong sa materyal na bagay ay
tumutulong sa pamamagitan ng pagdarasal para sa
kaligtasan ng aking kapuwa.
4. Iginagalang ang karapatan nila bilang ibang tao
5. Laging iniisip ang kapakanan ng aking kapuwa sa isip,
sa salita, at sa gawa.
6. Tumutulong sa aking kapuwa ng walang alinlangan.
7. Nagdedesisyon nang makabubuti sa lahat.
8. Ipinagmamalaki ang nagawa kong tulong sa iba.
9. Hindi humihingi ng kapalit mula sa mga taong
natulungan.
10. Tumutulong ng walang pinipiling oras, tao, at lugar

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Batay sa iyong mga sagot, ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
__________________________________________________________
2. Masaya ka ba sa iyong natuklasan? Bakit?
__________________________________________________________
3. Kung madalas na hindi mo nagagawa ang mga bagay na nasa itaas, ano kaya ang
magiging epekto nito sa iyong relasyon sa Diyos at sa kapuwa?
__________________________________________________________
4. Ano ang maari mong gawin upang mapabuti ito?
__________________________________________________________
5. Bakit kaya mahalaga na isinasaalang-alang natin ang ating kapuwa?
__________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Piliin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang tamang sagot.

1. Ang pakikipagkapuwa ay dapat ipakita sa (kaibigan, lahat).
2. Ang pagtulong sa kapuwa ay kailangang (may hinihinging kapalit, bukal sa
kalooban).

3
3. Ang pagsasaalang-alang sa kapuwa ay nagdudulot ng lubos na (kasikatan,
kasiyahan) sa sarili.
4. (Isaisip, Balewalain) na ang pagdamay sa kapuwa ay lubos na ikinalulugod
ng Diyos.
5. Maraming tao ang (magmamahal, magagalit) sa iyo kung ikaw ay walang
sawang tumutulong sa iba

Gawain 3

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap kung
paano ipinapakita ng mga ito ang pagmamalasakit/pagmamahal sa kapuwa. Isulat ang
sagot sa kahon.
____________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
__.

Gawain 4

Panuto. Suriin ang larawan sa susunod na pahina. Isulat ang iyong naging reaksiyon
ukol dito.

4
Gawing gabay ang sumusunod na tanong sa pagbibigay ng reaksiyon:

Para saan ang community pantry? Paano ito nakatulong ngayong kinakaharap
natin ang pandemya? Bilang mag-aaral sa ikalimang baitang, sa paanong paraan ka
makatutulong sa iyong kapuwa sa panahon ng pandemya?

_____________________________________________________________________

IV- Rubrik sa Pagpupuntos

Gawain 3

Pamantayan Puntos
Malinaw na naipaliwanag ang ideya/kaisipan 2
Magkakaugnay ang mga ideya 2
Wasto ang mekaniks sa pagsulat 1
Kabuuan 5
Gawain 4
Pamantayan Napakahus Mahusay Hindi Kailangan Mark
ay Gaanong g a
Mahusay magsanay
(3)
(2) pa
(4)
(1)
Maayos na
nailahad ang
idea/kaisipan sa

5
bawat
pangungusap
Magkakaugnay
ang mga idea
Gumamit ng
wastong bantas at
isinulat ng may
indensiyon
Malinis na
naisulat ang talata.

V- Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
Maaring iba-iba ang sagot ng mga bata. 1. lahat
Nasa guro ang pagpapasya ng 2. bukal sa kalooban
pagwawasto ng sagot. 3. kasiyahan
4. isaisip
5. magmamahal
Gawain 3
 Maaring iba-iba ang sagot ng mga Gawain 4
bata  Maaring iba-iba ang sagot
 Gawing basehan ang rubrik sa ng mga bata
pagpupuntos  Gawing basehan ang rubrik
sa pagpupuntos

VI- Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, (Batayang Aklat) mga pahina
167-171
Ylarde, Zenaida R., Peralta Gloria A. EdD 2016
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, (Manwal ng Guro) mga pahina
48-49
Ylarde, Zenaida R., Peralta Gloria A. EdD 2016
Kontekstwalisadong Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 5
Kwarter 4 pp. 1-21
https://www.google.com/search?q=community+pantry+in+the+philippines&so
urce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiT0uCvra_wAhXQ3mEKHV1Z
AwoQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1401&bih=570#imgrc=_05b0_DqDltbLM
https://www.google.com/search?q=pagtulong+sa+matandang+tumatawid&tbm
=isch&ved=2ahUKEwjArJy7krHwAhUH0ZQKHWZmAikQ2-
cCegQIABAA&oq=pagtulong+sa+matanda&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgII
ADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoEC

6
AAQQzoHCAAQsQMQQzoFCAAQsQNQrIYFWL_PBWCB4AVoAnAAeA
CAAX6IAf0OkgEEMTUuNZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&scli
ent=img&ei=49ORYICvEoei0wTmzInIAg&bih=570&biw=1382&hl=en#imgr
c=wQ0h0XeYOoGsxM
https://www.google.com/search?q=pagtulong%20sa%20nasalanta%20ng%20b
agyo%20drawing&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=0CB8QtI8BKAFqFwoTCNi
HkLeSsfACFQAAAAAdAAAAABAH&biw=1382&bih=570#imgrc=gFMQL
a5vM1YMRM
https://www.google.com/search?q=pagbibigay+ng+relief+goods+drawing&tb
m=isch&ved=2ahUKEwjNsY2ykrHwAhUK5JQKHReiDuUQ2-
cCegQIABAA&oq=pagbibi&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIABBDMgcIAB
CxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMg
QIABBDMgQIABBDMgIIAFCF0wJYnd0CYKDrAmgAcAB4AIABuAGIAb
wGkgEDMS42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei
=0NORYM2JC4rI0wSXxLqoDg&bih=570&biw=1382&hl=en#imgrc=cJXNF
zBdWAPU3M
https://www.google.com/search?q=batang+nagdarasal&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjG1aiwl7HwAhWLSJQKHc-kBIgQ2-
cCegQIABAA&oq=batang+nagdarasal&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzo
HCAAQsQMQQzoFCAAQsQM6AggAOggIABCxAxCDAVCQJVjrO2DbQ
WgAcAB4AIABaYgBtwuSAQQxNS4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWf
AAQE&sclient=img&ei=CtmRYMaoJYuR0QTPyZLACA&bih=570&biw=13
82&hl=en#imgrc=dp2KZ94UOoUZaM

Inihanda ni:

Inihanda ni:
PENNY FLOR G. CIOCO
Polot Elementary School
Mobo South District

You might also like