You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo
Pamilya Ko, Kaagapay Ko sa Pangangalaga sa Sarili Ko!

I. Panimula:
Mula ng ikaw ay bata, laging nariyan ang iyong mga
magulang at kamag-anak upang gabayan ka sa iyong paglaki.
Sila ang nag-aalaga kapag maysakit ka at nagbibigay ng iyong
mga pangangailangan hanggang sa iyong pagtanda.
Habang ikaw ay nasa piling ng iyong mga magulang sila pa
rin ang magtuturo o gagabay sa iyo upang mapangalagaan mo
ng mabuti ang iyong sarili at ng iyong kapuwa.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nakikilala ang mga taong makatutulong sa pangangalaga
sa sarili at kapuwa.
Koda: HGS-IIId-5

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga paraan ng pangangalaga sa sarili, at
2. makikilala ang mga taong makatutulong sa pangangalaga sa
sarili at kapuwa.
IV. Pagtalakay
(Basahin ang tula sa patnubay ng magulang pagkatapos sagutin ang mga
tanong.)

Ang Bilin ni Inay


Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Ang bilin ni inay, kumain ng prutas at gulay,


Pampalakas at pampahaba ng buhay.

Ang bilin ni inay, maligo araw-araw,


Upang hindi magkaroon ng bungang-araw.

Ang bilin ni inay, magsipilyo tatlong beses sa isang araw,


Upang sakit na dulot ay maiwasan

Ang bilin ni inay, ang pag-eehersisyo’y ugaliin,


Upang sumiglang tunay ang katawan natin.

Ang bilin ni inay, uminom ng walong basong tubig araw-araw,


Upang malinis ang buong katawan

Iyan ang mga bilin ni inay,


Na aking isasabuhay.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Tungkol saan ang tula?
a. Ang bilin ni inay b. Ang bilin ni lola c. Ang bilin ni tatay

2. Ano ang bilin ni inay upang lumakas at humaba ang buhay?


a. mag-ehersisyo b. kumain ng prutas at gulay c. maligo

3. Susundin mo ba ang mga bilin ni inay?


a. Opo b. Hindi po c. hahayaan lang po

4. Bakit kailangan mong sundin ang bilin ni inay?


a. para mapahamak ako
b. para maging hindi ako kanais-nais
c. para sa ikabubuti ko

2
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain ( Patnubay at gabay ng magulang
ay kailangan )
A.1 Panuto: Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng
pangangalaga sa sarili at ikahon naman ang hindi.

A. 2 Panuto: Lagyan ng tsek / ang kahon kung ang pahayag ay


tungkol sa kalinisan at ekis X naman kung hindi.

1. Si Erika ay araw-araw naliligo.

2. Naglilinis ng kaniyang paa si Akisha bago matulog.

3. Si Ken ay nagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

4. Si Vin ay naliligo lamang kapag mainit ang panahon.

5. Si Mon-Mon ay naghuhugas ng kamay bago at


pagkatapos kumain.

3
Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang
kinakailangan)
B.1 Panuto: Gumawa ng islogan na nagsasaad kung paano
mapananatiling malinis ang katawan sa tulong ng iyong mga
kasambahay. Gawin ito sa malinis na bond paper.
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan

Maayos, malinis at akma sa paksa ang gawa. Bata ang may gawa. 5

Hindi masyadong maayos, malinis at akma sa paksa ang gawa. Bata ang may
3
gawa.
Maayos, malinis at akma sa paksa ang gawa. Hindi bata ang may gawa. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Iguhit ang mga taong tumutulong sa pangangalaga sa


iyong sarili.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan

Sariling gawa ng bata ang iginuhit. Malinis, maayos at akma sa aralin. 5

Sariling gawa ng bata ang iginuhit. Hindi malinis at maayos ngunit akma sa aralin. 3
Hindi gawa ng bata ang iginuhit at isinulat. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

4
VI. Pagsusulit
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay
pangkalusugang gawain at naman kung hindi.
__________1. Pagligo araw-araw.
__________2. Pagsipilyo kung kailan mo gusto.
__________3. Pagkain ng masustansiyang pagkain.
__________4. Hindi paghugas ng kamay bago kumain.
__________5. Palagiang paggupit ng kuko kung kailangan.

VII. Pangwakas
Panuto: Isulat ang mga nawawalang salita upang mabuo ang
konsepto ng aralin. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

1. Sila ang gumagabay sa akin upang pangalagaan ang aking


sarili. ____________________
2. Ang pagkain ng masustansiyang ____________________ ay
nakakatulong upang humaba ang ating buhay.
3. Ugaliing __________________ upang sumigla ang ating katawan.

magulang prutas at gulay maglaro mag-ehersisyo

VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.
2020-2021.

5
IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain # 1 Gawain # 2
A.1 1. O 2. 3. O 4. O 5. O
A.1 at A.2. Maaaring magkaka-
A.2 1. / 2. / 3 / 4. X 5. / iba ang sagot

Pagsusulit Pangwakas

1. 2. 3. 1. pagpapasya
2. kamag-anak
3. kapamilya
4. 5. 4. desisyon
5. sarili

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like