You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao - Unang Baitang
Unang Markahan – Ikatlong Linggo
Katawan at Kalusugan, Pangangalagaan Ko

I. Panimula

Sa nakaraang aralin, nakilala mo na nang lubos ang iyong


mga sariling kakayahan at kahinaan. Ang mga bagay na ito ang
humuhubog sa inyong pagkakakilanlan. Ang susunod na
tatalakayin naman natin ay ang pagpapahalaga sa inyong
kalusugan upang lalo pa ninyong mapaunlad ang inyong mga
sarili.
Sa panahon ngayon, maraming tao ang nagkakasakit dahil
sa kanilang istilo ng pamumuhay. Ilan sa mga bagay na
nakakaapekto sa ating kalusugan ay ang pagpili ng tamang
pagkain, sapat na pahinga, ehersisyo, at disiplina. Ang ating
katawan at kalusugan ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay
ang ating buhay. Ayon sa isang kasabihan “Ang Kalusugan ay
Kayamanan,” kaya nararapat lamang na atin itong
pangalagaan bilang pagpapasalamat sa biyaya ng buhay mula
sa Diyos.
II. Kasanayang Pampagkatuto
Nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na maaaring
makasama o makabuti sa kalusugan.
• Nakikilala ang iba’t ibang gawain / paraan na maaaring
makasama o makabuti sa kalusugan
Koda: (EsP1PKP- Id - 3)

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang kahalagahan ng pangangalaga ng
kalusugan, at
2. makikilala ang mga pagkaing makabubuti at makakasama sa
katawan

IV. Pagtalakay

Ikaw ba ay batang malusog? Ano ang pakiramdam ng


batang malusog? Ano ano kaya ang mga paraan upang
mapangalagaan mo ang iyong kalusugan?

Pagmasdan ang larawan ng magkapatid na Lino at Lina.


Pareho silang may angking kakayahan subalit mayroon din silang
pagkakaiba. Ano kaya ang kanilang pagkakaiba?

A B

Lino Lina

2
Isulat ang kanilang pagkakaiba sa ibaba.

1. Si Lino ay ______________________________________________.

2. Si Lina ay ______________________________________________.

Mahalaga na mapangalagaan mo ang iyong katawan at


kalusugan. Narito ang mga paraan upang ikaw ay manatiling
malusog at malakas:

1. Paglilinis ng katawan

2. Pagkain nang tama sa oras at mayaman sa nutrisyon

3. Pag-eehersisyo araw - araw

4. Pagtulog nang maaga at sapat sa oras

Laging isaisip na ang tamang pag-aalaga sa ating


katawan ay nagdudulot ng magandang kinabukasan at
masayang pamumuhay.

V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1. Panuto: Masdan ang mga larawan. Kulayan ng pula ang
mga larawan na nagpapakita ng wastong gawain ng
pagpapahalaga sa kalusugan at berde naman kung hindi.

1. 2.

3
3. 4.

5.

A.2. Panuto: Lagyan ang patlang ng hugis puso ( ) kung ang


pangungusap ay tumutukoy sa wastong pangangalaga sa
katawan at bilog ( ) naman kung hindi wasto.

__________1. Umiinom ng gatas.


__________2. Naliligo araw - araw.
__________3. Naglalaro sa init ng araw.
__________4. Natutulog sa tamang oras.
__________5. Nanonood ng telebisyon magdamag.

4
Gawain 2: Gawaing Pagganap

B.1. Panuto: Gumuhit ng larawan sa kahon na mga pagkaing


makakabuti sa iyong kalusugan at sa bilog naman ang hindi
makakabuti.

Pagkaing Makabubuti Pagkaing Hindi


sa Katawan Makakabuti sa Katawan

RUBRIK SA PAGGAWA NG Comic Strip


ISKOR
Pamantayan
Nakaguhit ng wasto at akma sa aralin. 5

Nakaguhit ngunit hindi kumpleto. 3


Nakaguhit ngunit walang kinalaman sa aralin. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIKS. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain

5
B.2. Panuto: Gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kalusugan. Idikit sa loob ng hugis puso.
(Magpatulong sa nakatatanda sa paggamit ng gunting)

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


ISKOR
Pamantayan

Nakapagbigay at nakapagdikit ng larawan na wasto at 5


akma sa aralin.
Nakapagdikit ng larawan ngunit hindi akma sa aralin. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIKS. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.

6
VI. Pagsusulit
Panuto: Lagyan ang patlang ng arrow-up ( ) kung ang pahayag
ay tama at arrow down ( ) kung hindi.

__________1. Natutulog nang maaga si Nina.


__________2. Mahilig uminom ng softdrinks si Lara.
__________3. Nag-eehersisyo si Nela tuwing umaga.
__________4. Malinis na damit ang isinusuot ni Elena.
__________5. Nagsisipilyo si Joko pagkatapos kumain.

VII. Pangwakas

Panuto: Isulat sa loob ng ulo ang iyong natutunan sa aralin na ito.

Ako si _______________________________

Ako ay mananatiling malusog at


malakas kung ______________________
_____________________________________
_____________________________________

7
VIII. Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.


2020-2021.

X. Susi sa Pagwawasto

Gawain A.1 Gawain A.2 Gawain B.1

Bagamat may
1. kulay pula 1.
iba’t ibang sagot
2. kulay pula 2.
ang mga bata,
3. kulay berde 3. ang bawat sagot
4. kulay pula
4. ay ibabatay sa
5. kulay pula
5. Rubrik

Gawain B.2 Pagsusulit Pangwakas

1.
Bagamat may iba’t Bagamat may iba’t
ibang sagot ang 2. ibang sagot ang
mga bata, ang mga bata, ang
bawat sagot ay 3. bawat sagot ay
ibabatay sa Rubrik ibabatay sa Rubrik
4.

5.

8
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Marrie A. Maristela


Patnugot: Emmanuel C. Reganit, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Joel S. Guileb, EdD
Grace Ann P. Maristela, PhD
Laarnie C. Baribad
Carmela M. Santos
Edlyn F. Villanueva, PhD
Patnugot ng Wika: Allan T. Manalo, PhD
Grupo ng Tagapaglinang: Ronaldo A. Pozon, PhD
Ma. Celina L. Vega, PhD CESE
Paulino D. De Pano, PhD

You might also like