You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo
Sarili ay Protektahan dahil Kalusugan ay Kayaman!

I. Panimula
“Ang Kalusugan ay Kayamanan” iyan ang mga katagang
dapat tandaan upang mapangalagaan ang iyong katawan.
Ang mga paraan ng pagpapahalaga sa kalusugan lalo na
sa panahon ngayon ay napakahalagang matukoy upang maka-
iwas sa kumakalat na virus.
Mahalagang maibahagi ang mga karanasan sa
pagpapahalaga ng kalusugan upang maprotektahan ang iyong
sarili, pamilya at kapuwa.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naibabahagi ang mga karanasan at mga katangian na may
kaugnayan sa pagprotekta sa sarili at kapuwa sa tahanan at
paaralan.
Koda: HGS-IIId-6
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga paraan upang maprotektahan ang sarili at
kapuwa sa tahanan at paaralan.

IV. Pagtalakay
Mga Paraan upang protektahan ang sarili laban sa Virus

Ugaliin ang maghugas ng kamay

gamit ang tubig at sabon

Maligo araw-araw

Ugaliin ang pagsuot ng facemask

2
makipag-usap sa ibang tao na may isang metro ang layo

Ang pagsunod sa mga alituntunin tulad nito ay mahalaga

upang maprotektahan ang sarili at ang iyong kapuwa laban sa
banta ng Covid-19 virus.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang
kailangan)
A.1 Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang larawan ay
nagpapakita ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang
sarili.

3
A. 2 Panuto: Iguhit ang hugis puso sa patlang kung ang
sitwasyon ay nagpapahayag ng pagprotekta sa sarili at kapuwa.
_______ 1. Gawain ng pamilya Santos na i-disinfect ang mga
pinamili bago ipasok sa loob ng bahay.
_______ 2. Hindi na nagsuot ng facemask si Lito dahil sa tindahan
lamang pupunta ito.
_______ 3. Nakikipag-usap si Liza sa ibang tao na may isang metro
ang layo.
_______ 4. Araw-araw naliligo si Bea upang makaiwas sa sakit.
_______ 5. Kumakain si Mira ng hindi naghuhugas ng kamay.

Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang

ay kailangan)

B.1 Panuto: Gawing islogan ang mga katagang “ANG KALUSUGAN

AY KAYAMANAN.” Gawin ito sa malinis na bond paper at kulayan
ng pula.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Puntos
Pamantayan

Naisagawa nang malinis at maayos ang islogan. Bata ang may gawa. 5

Maayos na naisagawa ngunit hindi malinis ang islogan. Bata ang may gawa. 3
Naisagawa nang malinis at maayos ang islogan. Hindi bata ang may gawa. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Kopyahin ang pangako sa ibaba, pagkatapos basahin

sa harap ng magulang.

Ang aking Pangako

Ako si ________________________________________
nangangakong isasagawa ng buong puso ang mga
alituntunin upang makaiwas sa nakakahawang sakit alang-
alang sa aking sarili, pamilya at kapuwa.

____________________ ___________________
Lagda ng bata Lagda ng magulang
4
____________________________________________
________________________________________________________________

Nasunod nang tama ang lahat ng panuto at maayos ang pagkakasulat.
5
Bata ang may gawa.
Nasunod lahat ang panuto ngunit hindi maayos ang pagkakasulat.
3
Bata ang may gawa.
Nasunod nang tama ang lahat ng panuto at maayos ang pagkakasulat.
1
Hindi bata ang may gawa.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
__________1. Ang pagpapahalaga sa kalusugan ay kayamanan.
__________2. Ugaliing gumamit ng alcohol bilang proteksiyon sa
germs.
__________3. Ayos lang na hindi maligo araw-araw dahil hindi
naman lumalabas ng bahay.
__________4. Ang pagsunod sa alituntunin upang protektahan ang
sarili ay nakakabuti rin sa iba.

5
__________5. Nakakatulong ang pagkain ng prutas at gulay upang
lumakas at sumigla ang katawan.

VII. Pangwakas
Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutin ang sumusunod na
tanong.

1. Sinabihan ang mga mag-aaral sa unang baitang na sundin ang

mga alituntunin upang makaiwas sa sakit. Si Cj ay masunurin sa utos
ng guro samantalang si Resty ay walang pakialam. Hanggang
isang araw nagkasakit si Resty dahil nakakain siya ng maduming
pagkain. Napag-alaman ng guro na hindi pala naghuhugas ng
kamay si Resty bago kumain kaya ito nagkasakit. Mula noon natuto
na si Resty na sumunod sa mga alituntunin ng paaralan.

a. Sino ang batang masunurin? _________________________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
b. Ano ang maaring mangyari sa batang hindi marunong
sumunod? _____________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
c. Mahalaga ba na sundin ang alituntunin? Bakit? _______________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

IX. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12
S.Y. 2020-2021.

6
IX. Susi sa Pagwawasto
Gawain # 1 Gawain # 2
5. 4. 3. 2. A.2 1.
iba ang sagot
5. / 4. / 3. / A.1 1. / 2. B.1 & B. 2. Maaaring magkaka-

Pagsusulit
TAMA 5.
TAMA 4.
MALI 3.
TAMA 2.
TAMA 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto
Manunulat: Laura G. Del Rosario
Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Melchora E. Aduca
Ruby Ann C. Soliven
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like