You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: Baitang at Pangkat:


Paaralan: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Ikaanim na
Linggo
Mga Aral Mula sa Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay Tungo sa Pagkamit ng
Tagumpay

I.Panimula
Mayroon tayong natututuhang mga aral mula sa ating paglahok sa
mga programa, proyekto, at aktibidad ng ating komunidad. Sa katunayan,
nagiging pagkakataon natin ito upang malinang pa natin ang iba’t ibang
kasanayan at kakayahan na mayroon tayo.
Pagyamanin natin ang mga aral at kasanayang ito na tiyak na
kapaki- pakinabang din sa ibang aspeto ng ating buhay bilang anak,
kapatid, mag- aaral, at miyembro ng komunidad. Sa gabay ng ating
Diyos, nawa’y manatiling bukas ang ating isip at puso sa mga natatanging
aral na ito tungo sa ating pagtatagumpay.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Natatandaan ang mga aral na natutuhan mula sa pakikibahagi sa
mga aktibidad sa komunidad.
Koda: HGIA-IIIf-14
2. Napagninilayan ang mga natutuhan mula sa iba’t ibang naranasan
sa buhay na magsisilbing gabay sa pagkamit ng
tagumpay.
Koda: HGIA-IIIf-15
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1.maiisa-isa ang mga aral na natutuhan mula sa pakikilahok sa mga
aktibidad ng komunidad;
2. maikukuwento ang mga aral na natutuhan mula sa pakikilahok sa mga
aktibidad ng komunidad;
3. mapagninilayan ang mga natutuhan mula sa iba’t ibang karanasan na
magsisilbing gabay sa pagkamit ng tagumpay; at
4. mapahahalagahan ang bawat tagumpay na nakakamit sa buhay.

IV.Pagtatalakay
Tayong lahat ay miyembro ng komunidad at mga itinuturing na pag-
asa upang ang pamayanang ating kinabibilangan ay umunlad at
magtagumpay. Nagsisimula ito sa ating masiglang pakikiisa sa mga
gawaing pangkomunidad na tulad na lamang ng paglilinis sa barangay,
pagtatanim ng mga puno, pangangasiwa ng mga basura, pagsasagawa ng
mga donation drive at relief operations, at marami pang iba.
Kalakip ng ating pakikibahagi sa mga aktibidad pangkomunidad ay
ang mga natatanging karanasan at aral na ating natutuhan mula sa
pakikilahok sa mga ito tulad ng sumusunod:
Nakikilala natin nang higit ang ating mga sarili. Sa ating pakikibahagi
sa iba’t ibang mga gawain, nalalaman natin ang ating mga kalakasan na
dapat nating pagyamanin at mga kahinaang dapat pa nating matugunan.
Natututuhan din natin ang kahalagahan ng teamwork. Ang bawat
gawaing pangkomunidad ay binubuo ng maraming indibiduwal na
gumagalaw tungo sa iisang layunin kaya naman nasasanay tayo kung
paano makipagtulungan sa ating mga kamiyembro sa grupo.
Napauunlad natin ang ating pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Binubuo
man ng magkakaibang indibiduwal na may natatanging kahusayan ang
gawain, natututo at mas nasasanay tayong makihalubilo sa ating kapuwa
nang walang pag-aalinlangan.
Natututo tayong gumawa ng plano at gumawa ng tamang desisyon.
Ang mga miyembro ng grupo ay kasali rin sa paggawa ng plano ng
aktibidad. Dahil dito, natututuhan natin ang proseso ng pagpaplano bago
ipatupad ang isang proyekto. Nasasanay tayo sa paggawa ng mga tama
at mabuting desisyon upang maging mas maayos o mas organisado ang
aktibidad.
Nalilinang ang kasanayan nating mamuno sa isang pangkat. Ang
ating aktibong pakikiisa sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng
isang proyekto ay nakatutulong upang magkaroon tayo ng sapat na
karanasan,
2
sapat na kaalaman, at sapat na tiwala sa sarili upang maging isang
mahusay na pinuno.
Nagkakaroon tayo nang higit na malasakit sa ating kapuwa at sa
ating kapaligiran. Dahil nakikita natin ang mga isyu at pangangailangang
dapat matugunan para sa ikabubuti ng ating kapuwa at ng ating
kapaligiran, mas lalo tayong nagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa
kanila. Mas lalo rin nating nauunawaan ang kanilang kalagayan at
pinagdaraanan.
Mula sa mga natutuhang aral at iba’t ibang karanasan sa buhay,
maaari itong magsilbing gabay sa pagkamit natin ng tagumpay sa
pagtupad sa mga tungkulin, sa pag-abot ng mga pangarap, at sa
pagpapaganda, pagpapabuti, pagpapagaan, at pagpapaangat ng ating
kalagayan sa buhay.
Kabilang sa mga kilalang sangkap ng tagumpay ay ang pananalig sa
Poong Maykapal, sipag, tiyaga, determinasyon, at pagsasabuhay ng mga
mahahalagang aral na ating natututuhan mula sa ating mga karanasan.
Karagdagan pang mahalagang maisagawa natin upang
magtagumpay ay ang pagninilay o pagmumuni-muni .
Kahalagahan ng Pagninilay sa mga Aral mula sa Karanasan sa Buhay
upang magamit ito sa Pagkamit ng Tagumpay
1. Sa ating pagninilay, nalalaman natin ang ating mga
pagkakamaling nararapat lamang na iwasan;
2.Mahalaga rin ang pagninilay sapagkat nakikilala natin ang ating
mga magagandang katangian na dapat panatilihin at pagyamanin;
3. Sa pamamagitan din ng pagninilay ay nasusuri natin ang ating
mga kilos at desisyon upang matiyak kung ang mga ito ba ay makabubuti
sa atin;
4. Dahil sa pagninilay, natutukoy natin ang mga ugaling dapat
nating baguhin; at
5. Sa pagsasagawa ng pagninilay o pagmumuni-muni, nasusuri
natin ang ating mga karanasan at mas malinaw nating nakikita ang
anomang positibo at negatibo sa ating mga iniisip, sinasabi, at ginagawa.
Tandaan nating sa pagtahak natin sa daan tungo sa tagumpay,
nariyan ang ating pamilya maging ang ating mga guro upang tayo ay
gabayan.
Ang tagumpay na ating nakakamit at makakamit pa ay magawa rin
sana nating ibahagi sa ating kapuwa.
Ang tagumpay na ating nararanasan sa kasalukuyan at
mararanasan pa sa hinaharap ay maging paraan din sana natin ng
pasasalamat sa Poong Maykapal na Siyang pinagmumulan ng lahat ng
biyaya at tagumpay sa ating buhay.
3
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Punan ang mga kulang na letra upang makabuo ng salita na
may kinalaman sa araling tinalakay. Basahin ang deskripsiyon upang
matulungan kang malaman ang sagot. Isulat ang nabuong salita sa
patlang.
1. T G U P Y ay nangangahulugang katuparan o
kaganapan ng anumang plano, balak, o layunin ng gawain.
2. K R N A N ay pangyayari sa buhay na
nasubukan na o nagawa na at siyang kapupulutan natin ng mga
mahahalagang aral sa buhay.
3. A R L S B A Y ay ang mga natutuhang
kaalaman at kasanayan na maaaring makuha mula sa pag-aaral,
pakikilahok, at iba’t ibang karanasan.
4. P A I K B H I ay tumutukoy sa boluntaryong
pakikiisa o pakikilahok sa mga aktibidad, programa, at proyektong
pangkomunidad na kapupulutan ng aral at panggagalingan ng
natatanging karanasan.
5. P A N I I Y–N A Y o pagmumuni-
muni ay mabisang paraan upang masuri natin ang ating mga karanasan
at mas malinaw nating makita ang anomang positibo at negatibo sa ating
mga iniisip, sinasabi, at ginagawa.
A. 2. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at isulat ang OPO kung ang mga
ito ay nagpapakita ng pagninilay at pagkatuto mula sa karanasan at
HINDI PO naman kung hindi.

1. Natutuhan ni Led ang kahalagahan ng disiplina. Isinasabuhay


niya ito sa lahat ng panahon at pagkakataon.
2. Hindi na inulit ni Viv ang pagpapabaya sa kaniyang mga
gawain sa paaralan sapagkat napagtanto niya ang hindi kanais-nais na
epekto nito.
3. Mahirap man ang pinagdaraanang pagsubok ni Miah, hindi
siya pinanghihinaan ng loob sapagkat alam niyang lahat ng problema ay
mayroong solusyon.
4. Hindi pinakikinggan ni Saimond ang mga payo at suhestiyon
ng kaniyang mga magulang sapagkat hindi niya matanggap ang kaniyang
pagkakamali.
5. Dahil sa hindi wastong pamamahala ng oras, hindi na
nagagampanan nang maayos ni Quinna ang kaniyang mga tungkulin. Sa
4
halip na baguhin ito, patuloy lamang siya sa pag-aaksaya ng oras

5
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B. 1. Panuto: Punan ang talahanayan ng kinakailangang impormasyon.
Isulat ang gawaing pangkomunidad na iyong nasalihan. Sa unang kolum,
itala ang naging bahagi mo sa gawain at sa pangalawang kolum naman ay
ang mga aral na iyong natutuhan.
Halimbawa:

Gawaing Pangkomunidad: Pakikilahok sa Community Pantry


Ang aking naging bahagi sa gawain Mga aral na aking natutuhan

-Nagbahagi ng mga inaning tanim na -Bawat isa sa atin ay mayroong


kamote, kamatis, talong, okra, at maibabahagi sa ating komunidad.
sitaw.
-Bawat maliit o simpleng pamamaraan
-Nagbigay ng maliit na cash donation ng pagtulong ay magiging
upang ipambili ng groceries. napakalaking hakbang kung ang mga
ito ay ating pagsasama-samahin.
-Hinihimok ang mga kabarangay na
magbigay base sa kakayanan at -Tinuturuan din nito ang mga
kumuha lamang batay sa pumupunta sa community pantry sa
pangangailangan. kahalagahan ng pagbibigayan at
pagkuha lamang ayon sa kailangan, at
ng pagbabahagi ng kung anoman
kung nakaluluwag sa buhay.

Gawaing Pangkomunidad:

Ang aking naging bahagi sa gawain Mga aral na aking natutuhan

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang impormasyong hinihingi sa
talahanayan.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.
KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng 2
mga sagot sa talahanayan.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2. Panuto: Gamit ang akrostik na GABAY, bumuo ng plano o magbahagi


ng natutuhan mula sa iba’t ibang karanasan na magsisilbing patnubay mo
sa pagkamit ng tagumpay. Ang una ay halimbawa.
G-awin ang pagninilay sa mga karanasan at gamiting aral ang mga ito upang
maabot ang inaasam na tagumpay
A-

B-

A-

Y-

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
KAANGKUPAN NG Angkop na angkop ang mga 2
SALITANG GINAMIT saltang ginamit

KAWASTUHAN NG Wastong-wasto ang lahat ng 2


SALITANG GINAMIT ginamit na salita.

KAUGNAYAN NG Magkaugnay na magkaugnay 4


PAHAYAG SA ang mga pahayg na ginamit
BINUONG AKROSTIK sa akrostik
KALINISAN AT KAAYUSAN Napakalinis at napakaayos ng 2
NG PAGKAKAGAWA O pagkakagawa o pagkakasulat
PAGKAKASULAT
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

7
VI.Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagkakaroon muna ng pagpupulong ang mga miyembro ng isang grupo
bago magkaroon ng isang proyekto. Ano ang maaaring matutuhan dito?
A. paggawa ng plano
B.pagbuo ng desisyon

C. parehong titik A at titik B

2. Ang bawat gawaing pangkomunidad ay binubuo ng maraming


indibiduwal na nagkakaisa at nagtutulungan tungo sa isang layunin. Ano
ang maaaring matutuhan dito?
A. teamwork
B.competition

C. paggawa ng plano
3. Sa paglahok sa mga gawain, nakikita at nauunawaan natin ang mga
pangangailangan ng ating pamayanan na kailangang matugunan. Ano ang
maaaring matutuhan dito?
A. kasipagan

B.pagmamalasakit
C. pagsasawalang-bahala
4. Sa pagsasagawa ng isang aktibidad, bawat segundo ay mahalaga. Ang
nasayang na panahon dahil sa pagpapabaya ay hindi na maaaring balikan
pa. Ano ang maaaring matutuhan dito?
A. pagiging tamad

B.paggawa ng desisyon
C. wastong pamamahala ng oras

5. Sa ating pakikibahagi sa iba’t ibang gawain, nalalaman natin ang ating


sariling kalakasan na dapat pagyamanin at sariling kahinaang dapat
matugunan. Ano ang maaaring matutuhan dito?

A. pagsalungat
B.pakikipag-ugnayan sa kapuwa

C. pagkilala at pag-unawa sa sarili

8
VII. Pangwakas
Panuto: Magbigay ng sariling kasabihan na may kaugnayan sa iyong
natutuhan mula sa paksang “Mga Aral Mula sa Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay Tungo sa Pagkamit ng Tagumpay.”

Halimbawa:
“Upang magtagumpay, kailangan muna nating paniwalaan na kaya nating
magtagumpay. Pagkatapos, anomang tagumpay na ating nakamit, sikapin
nating magawa na ibahagi ito sa ating kapuwa dahil nagiging higit
na makabuluhan ang ating tagumpay kung ito ay nagdudulot din ng
kabutihan hindi lamang sa ating sarili kundi maging sa ating kapuwa.”

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
KAWASTOHAN AT Wasto, naaayon, at 5
PAGKAMAKATOTOHANAN makatotohanan ang
kasabihang ibinigay ukol sa
paksang “Mga Aral Mula sa
Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay
Tungo
sa Pagkamit ng Tagumpay.”
KAPUPULUTAN NG ARAL Ang kasabihang ibinigay ukol 5
sa paksang “Mga Aral Mula sa
Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay Tungo
sa Pagkamit ng Tagumpay” ay
kapupulutan ng aral.
Kabuuang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

9
VIII. Sanggunian
Gacias, Czarina S. (2021). Script- LAS - MAY 7 - HGP 5. Retrieved from
https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1vk7B6nz5YZB5K8CBs3PC0jJ
mptR8hqI6?fbclid=IwAR2HBJHGyf1SMBGPcGt2hefwpAdD1ZoI26P2xC1Zk
y8_fs0zNOpQHMA_SW8
Gacias, Czarina S. (2021). Script- LAS - MAY 14 - HGP 5. Retrieved from
https://drive.google.com/drive/u/0/folders/1vk7B6nz5YZB5K8CBs3PC0jJ
mptR8hqI6?fbclid=IwAR2HBJHGyf1SMBGPcGt2hefwpAdD1ZoI26P2xC1Zk
y8_fs0zNOpQHMA_SW8
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes.pdf. Retrieved from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf

IX.Susi sa Pagwawasto
Mga Gawain Pagsusulit

sa ibaba. 5. Hindi po 5. pagninilay-nilay

Tsek ang rubrik 4. Hindi po 4. pakikibahagi 5. C


ang sagot. 3. Opo 3. aral sa buhay 4. C
magkaiba 2. Opo 2. karanasan 3. B
Maaaring 1. Opo 1. tagumpay 2. A
B.1 at A. A.1 1. C
B.2 2
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Carmela M.
Patnugot: Santos Jessa G.
Tagaguhit: Porlucas Eric R.
Tagapagsuri ng Tangonan Evelyn
Nilalaman: A. Ramos Jaymie
Lou D. Ruiz
Czarina S. Gacias
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Editha C. Mayo
Tagapaglinang:

1
0

You might also like