You are on page 1of 3

Asignatura HOMEROOM GUIDANCE Baitang 8

W2 Markahan IKAAPAT Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN PAGTULONG SA KOMUNIDAD
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Nakapagbibigay ng puna o mungkahi para sa ikabubuti ng pamayanan.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Give comments or suggestions for the welfare of the community) HGJA-IVb-4
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nalilinang ang mga kasanayang pang-akademiko upang tumugon sa pag-
unlad ng pamayanan batay sa internasyonal na pamantayan
(Develop academic skills to respond to community development based on
international standards)
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Sa nakaraang aralin,nalaman mo kung paano makatulong sa ikakabuti ng komunidad.
Sa pagkakataong ito,mauunawaan mo kung ano ang responsibilidad mo bilang kasapi ng komunidad.
Sa pagtatapos ng aralin,inaasahang makapagbigay ka ng suhestiyon para sa ikakabuti ng iyong pamayanan.

Kapag ikaw ay lumalabas sa iyong tahanan,ano ang iyong nakikita? Kilala mo ba ang ibat-ibang lugar sa iyong
komunidad.
Ang araling ito ay tungkol sa iyong papel sa inyong komunidad. Magsismula ka sa pagkilala nang husto sa iyong
komunidad. Dito makikita mo kung ano ang magagawa mo upang mapanatiling malinis at maayos ang iyong komunidad.
Pagkatapos,magbigay ng mga mungkahi o suhestiyon sa ikakabuti ng iyong komunidad.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras:20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang larawang nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod
sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga tao na nasa larawan?Anong kahalagahan,saloobin o kaugalian ang
kanilang ipinamalas?
2. Kung ikaw ang isang sa mga tao na nasa larawan, ano kaya ang iyong ginagawa? Ipaliwanag ang sagot.
3. Anu-anong mga tungkulin ang iyong gagampanan?
4. Gaano kahalaga ang iyong tungkulin sa komunidad?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Ilang mga halagahan o values, saloobin at kaugalian ang mahalaga upang mapaunlad ang iyong ugnayan sa
mga kasama mo sa iyong komunidad.
Ang bayanihan ay isang sa mga pinakamatandang tradisyon ng mga Pilipino. Ang mga tao sa isang
komunidad ang nagtutulungan at nagkakaisa.Noong unang panahon,ang mga tao sa isang komunidad ay nagtutulungan
at nagkakaisa.Noong unang panahon,ang mga tao ay tumutulong sa isang kasamahan sa komunidad sa paglipat ng
kaniyang bahay kubo.Masaya nila itong ginagawa sapagkat ito ay nakakapagtataguyod ng pagkakaisa at pakiramdam
na bahagi ka ng komunidad..Hinihikayat ang pagkakaroon ng community consciousness o kamalayang pagkakomunidad
at pagkakaroong malasakit sa iba.Ang diwa ng kabayanihan ay mananatiling isang kahangahangang katangian ng mga
kasapi ng isang komunidad.Ang pagtutulungan,lalo na sa mga proyekto ng komunidad ay nakakatulong upang
magpakilala nang husto ang mga kasapi ng komunidad.

Napakahalaga rin batid mo ang mga isyu s inyong komunidad.Isang paraan upang malaman mo ang mga ito ay
sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pulong sa iyong barangay.magkaroon ka ng pagkakataong makisalamuha sa mga
iba pang kasapi ng iyong komunidad at magpalitan ng idea hinggil sa pagpapaunlad ng barangay.Ang paglahok sa mga
pulong sa barangay ay isa ring paraan upang maipapahayag moa ng iyong reklamo o mungkahi at matutuhan ang iba mo
pang responsibilidad bilang kasapi ng komunidad.Magkaroon ka rin ng pagkakataon upang malaman at lumahok sa mga
proyekto para sa kapakanan ng komunidad.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Magbigay ng halimbawa ng isang Gawain sa iyong komunidad na nakapagmalas ng diwa ng bayanihan.


2. Magbigay ng isang pulong sa inyong barangay na iyong nadaluhan.Paano ka lumahok sa pilong na ito?
3. Base sa mga halimbawang larawan na nasa itaas,ano ano pa ang mga programa na puwede mo isuhestiyon
para sa ikakabuti ng iyong komunidad? Magbigay ng limang suhestiyon.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain Pagkatuto Bilang 3: Pagguhit ng Sariling Komunidad. Sa isang malinis na papel ay iguhit ang iyong sariling
komunidad o pamayanan. Sundin ang mga pamamaraan na nakatala sa ibaba.

Pamamaraan:
1. Iguguhit sa sagutang papel ang iyong sarling komunidad.
2. Iguguhit mo na ikaw ay nakatira sa isang komunidad.( Halimbawa: mga tahanan ng mga pamilyang sama-
sama sa isang barangay,mga taong nagtutulungan para sa ikabubuti ng komunidad at iba pa.
3. Magbigay ng tatlo kung ano ang makikita sa iyong komunidad.
4. Ano-ano ang mga programa ang puwede mong isuhestiyon para sa mas ikakaunlad at ikakabuti ng iyong
komunidad.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)




Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito
sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3

VI. SANGGUNIAN Philippines NonFormal Education Project


Bureau of NonFormal Education Culture and Sports pp.22-29.

Inihanda ni: ELOISA D. PUA Sinuri nina: Eunice N, Quilaton

ESTER M. ZUNIGA

You might also like