You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: Baitang at Pangkat:


Paaralan: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Ikaanim na Linggo
Mga Aral Mula sa Paglahok sa Gawaing Pangkomunidad:
Gabay Tungo sa Pagkamit ng Tagumpay

I. Panimula
Mayroon tayong natututuhang mga aral mula sa ating paglahok sa mga
programa, proyekto, at aktibidad ng ating komunidad. Sa katunayan,
nagiging pagkakataon natin ito upang malinang pa natin ang iba’t ibang
kasanayan at kakayahan na mayroon tayo.
Pagyamanin natin ang mga aral at kasanayang ito na tiyak na kapaki-
pakinabang din sa ibang aspeto ng ating buhay bilang anak, kapatid, mag-
aaral, at miyembro ng komunidad. Sa gabay ng ating Diyos, nawa’y
manatiling bukas ang ating isip at puso sa mga natatanging aral na ito tungo
sa ating pagtatagumpay.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Natatandaan ang mga aral na natutuhan mula sa pakikibahagi sa
mga aktibidad sa komunidad.
Koda: HGIA-IIIf-14
2. Napagninilayan ang mga natutuhan mula sa iba’t ibang naranasan
sa buhay na magsisilbing gabay sa pagkamit ng tagumpay.
Koda: HGIA-IIIf-15
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. maiisa-isa ang mga aral na natutuhan mula sa pakikilahok sa mga aktibidad
ng komunidad;
2. maikukuwento ang mga aral na natutuhan mula sa pakikilahok sa mga
aktibidad ng komunidad;
3. mapagninilayan ang mga natutuhan mula sa iba’t ibang karanasan na
magsisilbing gabay sa pagkamit ng tagumpay; at
4. mapahahalagahan ang bawat tagumpay na nakakamit sa buhay.

IV. Pagtatalakay
Tayong lahat ay miyembro ng komunidad at mga itinuturing na pag-asa
upang ang pamayanang ating kinabibilangan ay umunlad at
magtagumpay. Nagsisimula ito sa ating masiglang pakikiisa sa mga gawaing
pangkomunidad na tulad na lamang ng paglilinis sa barangay, pagtatanim
ng mga puno, pangangasiwa ng mga basura, pagsasagawa ng mga
donation drive at relief operations, at marami pang iba.
Kalakip ng ating pakikibahagi sa mga aktibidad pangkomunidad ay ang
mga natatanging karanasan at aral na ating natutuhan mula sa pakikilahok
sa mga ito tulad ng sumusunod:
Nakikilala natin nang higit ang ating mga sarili. Sa ating pakikibahagi sa
iba’t ibang mga gawain, nalalaman natin ang ating mga kalakasan na dapat
nating pagyamanin at mga kahinaang dapat pa nating matugunan.
Natututuhan din natin ang kahalagahan ng teamwork. Ang bawat
gawaing pangkomunidad ay binubuo ng maraming indibiduwal na
gumagalaw tungo sa iisang layunin kaya naman nasasanay tayo kung paano
makipagtulungan sa ating mga kamiyembro sa grupo.
Napauunlad natin ang ating pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Binubuo
man ng magkakaibang indibiduwal na may natatanging kahusayan ang
gawain, natututo at mas nasasanay tayong makihalubilo sa ating kapuwa
nang walang pag-aalinlangan.
Natututo tayong gumawa ng plano at gumawa ng tamang desisyon. Ang
mga miyembro ng grupo ay kasali rin sa paggawa ng plano ng aktibidad.
Dahil dito, natututuhan natin ang proseso ng pagpaplano bago ipatupad ang
isang proyekto. Nasasanay tayo sa paggawa ng mga tama at mabuting
desisyon upang maging mas maayos o mas organisado ang aktibidad.
Nalilinang ang kasanayan nating mamuno sa isang pangkat. Ang ating
aktibong pakikiisa sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng isang
proyekto ay nakatutulong upang magkaroon tayo ng sapat na karanasan,

2
sapat na kaalaman, at sapat na tiwala sa sarili upang maging isang mahusay
na pinuno.
Nagkakaroon tayo nang higit na malasakit sa ating kapuwa at sa ating
kapaligiran. Dahil nakikita natin ang mga isyu at pangangailangang dapat
matugunan para sa ikabubuti ng ating kapuwa at ng ating kapaligiran, mas
lalo tayong nagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa kanila. Mas lalo rin
nating nauunawaan ang kanilang kalagayan at pinagdaraanan.
Mula sa mga natutuhang aral at iba’t ibang karanasan sa buhay,
maaari itong magsilbing gabay sa pagkamit natin ng tagumpay sa pagtupad
sa mga tungkulin, sa pag-abot ng mga pangarap, at sa pagpapaganda,
pagpapabuti, pagpapagaan, at pagpapaangat ng ating kalagayan sa
buhay.
Kabilang sa mga kilalang sangkap ng tagumpay ay ang pananalig sa
Poong Maykapal, sipag, tiyaga, determinasyon, at pagsasabuhay ng mga
mahahalagang aral na ating natututuhan mula sa ating mga karanasan.
Karagdagan pang mahalagang maisagawa natin upang
magtagumpay ay ang pagninilay o pagmumuni-muni .
Kahalagahan ng Pagninilay sa mga Aral mula sa Karanasan sa Buhay
upang magamit ito sa Pagkamit ng Tagumpay
1. Sa ating pagninilay, nalalaman natin ang ating mga pagkakamaling
nararapat lamang na iwasan;
2. Mahalaga rin ang pagninilay sapagkat nakikilala natin ang ating mga
magagandang katangian na dapat panatilihin at pagyamanin;
3. Sa pamamagitan din ng pagninilay ay nasusuri natin ang ating mga
kilos at desisyon upang matiyak kung ang mga ito ba ay makabubuti sa atin;
4. Dahil sa pagninilay, natutukoy natin ang mga ugaling dapat nating
baguhin; at
5. Sa pagsasagawa ng pagninilay o pagmumuni-muni, nasusuri natin
ang ating mga karanasan at mas malinaw nating nakikita ang anomang
positibo at negatibo sa ating mga iniisip, sinasabi, at ginagawa.
Tandaan nating sa pagtahak natin sa daan tungo sa tagumpay,
nariyan ang ating pamilya maging ang ating mga guro upang tayo ay
gabayan.
Ang tagumpay na ating nakakamit at makakamit pa ay magawa rin
sana nating ibahagi sa ating kapuwa.
Ang tagumpay na ating nararanasan sa kasalukuyan at mararanasan
pa sa hinaharap ay maging paraan din sana natin ng pasasalamat sa Poong
Maykapal na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at tagumpay sa ating
buhay.

3
V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Punan ang mga kulang na letra upang makabuo ng salita na
may kinalaman sa araling tinalakay. Basahin ang deskripsiyon upang
matulungan kang malaman ang sagot. Isulat ang nabuong salita sa patlang.
1. T G U P Y ay nangangahulugang katuparan o
kaganapan ng anumang plano, balak, o layunin ng gawain.

2. K R N A N ay pangyayari sa buhay na
nasubukan na o nagawa na at siyang kapupulutan natin ng mga
mahahalagang aral sa buhay.
3. A R L S B A Y ay ang mga natutuhang
kaalaman at kasanayan na maaaring makuha mula sa pag-aaral,
pakikilahok, at iba’t ibang karanasan.

4. P A I K B H I ay tumutukoy sa boluntaryong
pakikiisa o pakikilahok sa mga aktibidad, programa, at proyektong
pangkomunidad na kapupulutan ng aral at panggagalingan ng natatanging
karanasan.

5. P A N I I Y–N A Y o pagmumuni-muni
ay mabisang paraan upang masuri natin ang ating mga karanasan at mas
malinaw nating makita ang anomang positibo at negatibo sa ating mga
iniisip, sinasabi, at ginagawa.
A. 2. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at isulat ang OPO kung ang mga ito
ay nagpapakita ng pagninilay at pagkatuto mula sa karanasan at HINDI PO
naman kung hindi.

1. Natutuhan ni Led ang kahalagahan ng disiplina. Isinasabuhay


niya ito sa lahat ng panahon at pagkakataon.
2. Hindi na inulit ni Viv ang pagpapabaya sa kaniyang mga gawain
sa paaralan sapagkat napagtanto niya ang hindi kanais-nais na epekto nito.
3. Mahirap man ang pinagdaraanang pagsubok ni Miah, hindi siya
pinanghihinaan ng loob sapagkat alam niyang lahat ng problema ay
mayroong solusyon.
4. Hindi pinakikinggan ni Saimond ang mga payo at suhestiyon ng
kaniyang mga magulang sapagkat hindi niya matanggap ang kaniyang
pagkakamali.

5. Dahil sa hindi wastong pamamahala ng oras, hindi na


nagagampanan nang maayos ni Quinna ang kaniyang mga tungkulin. Sa
halip na baguhin ito, patuloy lamang siya sa pag-aaksaya ng oras

4
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B. 1. Panuto: Punan ang talahanayan ng kinakailangang impormasyon. Isulat
ang gawaing pangkomunidad na iyong nasalihan. Sa unang kolum, itala ang
naging bahagi mo sa gawain at sa pangalawang kolum naman ay ang mga
aral na iyong natutuhan.

Halimbawa:

Gawaing Pangkomunidad: Pakikilahok sa Community Pantry


Ang aking naging bahagi sa gawain Mga aral na aking natutuhan

-Nagbahagi ng mga inaning tanim na -Bawat isa sa atin ay mayroong


kamote, kamatis, talong, okra, at sitaw. maibabahagi sa ating komunidad.

-Nagbigay ng maliit na cash donation


-Bawat maliit o simpleng pamamaraan
upang ipambili ng groceries. ng pagtulong ay magiging
napakalaking hakbang kung ang mga
-Hinihimok ang mga kabarangay na ito ay ating pagsasama-samahin.
magbigay base sa kakayanan at
kumuha lamang batay sa -Tinuturuan din nito ang mga
pangangailangan. pumupunta sa community pantry sa
kahalagahan ng pagbibigayan at
pagkuha lamang ayon sa kailangan, at
ng pagbabahagi ng kung anoman
kung nakaluluwag sa buhay.

Gawaing Pangkomunidad:

Ang aking naging bahagi sa gawain Mga aral na aking natutuhan

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang impormasyong hinihingi sa
talahanayan.
BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4
kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga 2


sagot sa talahanayan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2. Panuto: Gamit ang akrostik na GABAY, bumuo ng plano o magbahagi ng


natutuhan mula sa iba’t ibang karanasan na magsisilbing patnubay mo sa
pagkamit ng tagumpay. Ang una ay halimbawa.
G-awin ang pagninilay sa mga karanasan at gamiting aral ang mga ito upang
maabot ang inaasam na tagumpay
A-

B-

A-

Y-

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
KAANGKUPAN NG Angkop na angkop ang mga 2
SALITANG GINAMIT saltang ginamit

KAWASTUHAN NG Wastong-wasto ang lahat ng 2


SALITANG GINAMIT ginamit na salita.

KAUGNAYAN NG Magkaugnay na magkaugnay 4


PAHAYAG SA BINUONG ang mga pahayg na ginamit
AKROSTIK sa akrostik
KALINISAN AT KAAYUSAN Napakalinis at napakaayos ng 2
NG PAGKAKAGAWA O pagkakagawa o pagkakasulat
PAGKAKASULAT
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

6
VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagkakaroon muna ng pagpupulong ang mga miyembro ng isang grupo
bago magkaroon ng isang proyekto. Ano ang maaaring matutuhan dito?
A. paggawa ng plano

B. pagbuo ng desisyon

C. parehong titik A at titik B

2. Ang bawat gawaing pangkomunidad ay binubuo ng maraming


indibiduwal na nagkakaisa at nagtutulungan tungo sa isang layunin. Ano ang
maaaring matutuhan dito?
A. teamwork
B. competition
C. paggawa ng plano

3. Sa paglahok sa mga gawain, nakikita at nauunawaan natin ang mga


pangangailangan ng ating pamayanan na kailangang matugunan. Ano ang
maaaring matutuhan dito?
A. kasipagan

B. pagmamalasakit
C. pagsasawalang-bahala
4. Sa pagsasagawa ng isang aktibidad, bawat segundo ay mahalaga. Ang
nasayang na panahon dahil sa pagpapabaya ay hindi na maaaring balikan
pa. Ano ang maaaring matutuhan dito?
A. pagiging tamad

B. paggawa ng desisyon
C. wastong pamamahala ng oras

5. Sa ating pakikibahagi sa iba’t ibang gawain, nalalaman natin ang ating


sariling kalakasan na dapat pagyamanin at sariling kahinaang dapat
matugunan. Ano ang maaaring matutuhan dito?

A. pagsalungat
B. pakikipag-ugnayan sa kapuwa

C. pagkilala at pag-unawa sa sarili

7
VII. Pangwakas
Panuto: Magbigay ng sariling kasabihan na may kaugnayan sa iyong
natutuhan mula sa paksang “Mga Aral Mula sa Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay Tungo sa Pagkamit ng Tagumpay.”

Halimbawa:
“Upang magtagumpay, kailangan muna nating paniwalaan na kaya nating
magtagumpay. Pagkatapos, anomang tagumpay na ating nakamit, sikapin
nating magawa na ibahagi ito sa ating kapuwa dahil nagiging higit na
makabuluhan ang ating tagumpay kung ito ay nagdudulot din ng kabutihan
hindi lamang sa ating sarili kundi maging sa ating kapuwa.”

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
KAWASTOHAN AT Wasto, naaayon, at 5
PAGKAMAKATOTOHANAN makatotohanan ang
kasabihang ibinigay ukol sa
paksang “Mga Aral Mula sa
Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay Tungo
sa Pagkamit ng Tagumpay.”
KAPUPULUTAN NG ARAL Ang kasabihang ibinigay ukol sa 5
paksang “Mga Aral Mula sa
Paglahok sa Gawaing
Pangkomunidad: Gabay Tungo
sa Pagkamit ng Tagumpay” ay
kapupulutan ng aral.
Kabuuang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

You might also like