You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN

Pangalan: _________________________ Seksyon: __________________ Petsa: ______________


Quarter: 3 Week: 6 Day: 1 Activity No.: 11
Pamagat ng Gawain: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Kompetensi: Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong
gawain na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang
umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng
pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang mithiin
EsP9KP-IIIb-11.3
Layunin: Nabibigyang-halaga ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid
at wastong pamamahala sa naimpok.
Sanggunian: Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials

KONSEPTO:
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na
mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian
tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na
kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa
kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan.
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o
mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito
ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay
patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin.
Ang pagtitipid ay ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao
na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na
makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay.
Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.
Ang pag-iimpok ay paraan upang makapag save o makapag-ipon ng salapi, na siyang
magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.

Pagsasanay:

1. Ibigay ang kahalagahan ng mga sumusunod:


a. kasipagan at pagpupunyagi sa paggawa
b. pagtitipid at pag-impok

2. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung hindi niya pinagsikapan na linangin ang kasipagan,
pagpupunyagi, pagtitipid at pag-iimpok?

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN
Pamagat ng Gawain:
Quarter: 3 Kasipagan,6Pagpupunyagi,
Week: Day: Pagtitipid,
2 at Wastong
Activity No.: 12
Pamamahala sa Naimpok
Kompetensi: Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang
matupad ang itinakdang gawain nang may kasipagan at
pagpupunyagi EsP9KP-IIIb-11.4
Layunin: Nabibigyang-halaga ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid
at wastong pamamahala sa naimpok.
Sanggunian: Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials

Panuto:
Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung ito ay natutupad ng may kasipagan
at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung paano mo ito isasagawa.

Mga Itinakdang Gawain Paano ito natutupad? Hakbang kung paano ito
sa Araw-araw KASIPAGAN PAGPUPUNYAGI isasagawa

Gawain: Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang indibidwal o pangkat sa inyong komunidad na nagging
matagumpay ang pamumuhay dahil sa kakaibang paglilingkod, produkto, o gawaing isinasagawa niya/nila. Gumawa
ng isang artikulo na naglalahad ng kinalabasan ng iyong panayam.

IKATLONG MARKAHANG PASULIT SA EsP 9


Pangalan: ________________________________ Seksyon: __________________ Petsa: _______________

Panuto: basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik nito.
1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabibili ang mga ito lalo na
iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan
ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
c. Nagkaroon ng pagkakataon ang tao na magsam-sama sa mithiin ng lipunan
d. Nagkaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
2. Inilunsad ng isang kilalang kompanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw
ang dala nito” upang makaipon ng maraming lata na ibibgay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay
tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kompanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad
at nakikibahagu sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa sumusunod ang dapat
mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumaw ng produktong makakatulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karindirya pero hindi siya
nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyagn tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyangtungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho
c. Ang kaganapan nang kaniyang pagigng Mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
4. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepsiyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang
pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito , binigyan din siya nang plake nga pagkilala bilang natatanging manggagawa
ng pabrika. Palantadaan ng kagalingan niya sa paggawa ng pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro
bilang bahagi nang kanyang Karapatan bilang isang manggagawa.
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggawang hindi nararapat
bigyan o gawaran nito.
d. Hindi, binigyan lang ang parangal upang maging masay si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.
5. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa Negosyong
kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto o hilig. Ano ang katangian
mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte, at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalag sa sarili, kapwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili
6. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta, ano ang magandang
motibasyon na dapat isaalng-alang nang gumawa ng mga ito?
a. Material na bagay at pagkilala ng lipunan
b. Personal na kaligayahan na makukuha mula dito
c. Pag-unlad ng sarili, kapwa, at bansa
d. Kaloob at kagustuhan ng Diyos
7. Pinalitan ni Leslie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya kayang higitan ang
kabutihang nagawa at tagumpay na narrating ng huli. Alin sa sumusnuod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na
siya ay karapat-dapat sa posisiyong ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punog-guro.
b. Gamitin ang ganda, angking karisma, talion at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito
8. Bata pa lang si Juan Daniel, pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod
ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali s kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng
kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, mapagpunyaig at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
9. Hindi nagging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan pa rin
niya ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
a. Itinuturing niya itong hamon na kailangan malampasan
b. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
c. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
d. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
10. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas n Pandama?
a. Lagging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pang musika si Roberto del Rosario, imbentor ng
karaoke
b. Gumugugol ng maraming oras si Leonardo Da Vinci upang pag masdan ang mga ibong lumilipad at
hugis ng bulaklak at dahoon.
c. Pinauunlad ng mga magsasakang hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan
dahil nahihinuha nila ang kaugnay ng malusog na isda sa malusog na ecosystem
d. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon
tungkol dito
11. Mula sa saknong ng isang tula “ marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, araw-araw ay paggawang tila rin
walang humpay; datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay”
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan ng magtiis
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ang dapat na maging marangal
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag
d. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa
12. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusiin ang isang Gawain na mayroong kalidad.\
b. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusiin ang isang Gawain na mayroong kalidad.
c. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang Gawain
d. Nakakatulong ito sa kanyang pakikipagrelasyon sa kaniyang Gawain, kapwa, at lipunan
e. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensya, katapatna, at desiplina.
13. si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali s kaniyang mga Gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang
kalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Ron?
a. Hindi umiiwas sa ano mang Gawain
b. Ginagawa ang Gawain nanag may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
14. Ang isa sa palatandaan ng taong natataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang Gawain. Alin sa mga halimbawa ang
nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kanyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa
nang mayroong pagkukusa
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kanyang malasakit sa anumang Gawain na ipinapagawa sa kaniy
ng kanyang ina
c. Masipag mag-aral si Hans; sa tuwing siya ay nag-aaral ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras
dito nang buong husay.
d. Sa tuwing gumawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang
makatapos, kundi nagahahanap siya ng perpeksiyon dito.
15. Ito ay pagtityaga na maabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a. Kasipagan
b. Katatagan
c. Pagsisikap
d. Pagpupunyagi
16. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbibigay sa iba.
a. Pag-iimpok
b. Pagtitipid
c. Pagtulong
d. Pagkakawanggawa
17. Ano ang naglalarawan sa pinkaamahalagang paraan ng pagtitipid?
a. Maging magpakumbaba at matutong makuntento
b. Maging mapagbigay at matutong tumulong
c. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. Maging masipag at matutong maging matyaga
18. Ano ang sinasabi ng teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, tungkol sa pera?
a. Ang pera ay
b. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan
c. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
d. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang segruridad sa buhay lalo na sa
hinaharap
19. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay
c. Para maging inspirasyon sa buhay
d. Para sa proteksyon sa buhay
20. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangugnusap ay nagbibigay ng kahulugan nito
maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang Gawain , hanapbuhay, o trabaho.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay matagumpay
c. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan
d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay

You might also like