You are on page 1of 3

SAINT THOMAS AQUINAS COLLEGE

Concepcion & Bagares Street. Zone IV, Sogod, Southern Leyte


ETel. No. (053)382-2146/2637 Globe: (053) 577-8018

EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA 9
IKAAPAT NA MARKAHANG PASULIT

Pangalan: _______________________________________ Petsa: __________________


Taon/Seksiyon: __________________________________ Iskor: __________________

I. Panuto: Tukuyin ang mga sagot sa mga tanong. Titik lamang ang isulat.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?


a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.
b. Ito ay katulad ng isnag personal na Kredo o motto na nagtataglay ng nais mong mangyari sa
iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
2. Ang personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.
a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa sarili.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay.
3. Ayon kay Stephen Covey, nagkaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:
a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. nagagampanan nang balance ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapwa.
4. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon c. Propesyon
b. Bokasyon d. Tamang Direksiyon
5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a. Bokasyon c. Tamang Direksiyon
b. Misyon d. Propesyon
6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?
a. Sarili, simbahan at lipunan c. Kapwa, lipunan at paaralan
b. Paaralan, kapwa at lipunan d. Sarili, kapwa at lipunan
7. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay,
maliban sa:
a. Suriin ang iyong ugali at katangian c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
b. Sukatin ang mga kakayahan d. Tipunin ang mg impormasyon
8. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa Buhay kinakailangan na gamitin mo itong SMART. Ano ang
kahulugan nito?
a. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Memorable, Attainable, Relevance, Time Bound
9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao.
a. Upang siya ay hindi maligaw c. Upang mayroon siyang gabay
b. Upang matanaw niya ang hinaharap d. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
10. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang
isang tao bilang kabahagi sa mundo ng paggawa maliban sa:
a. Ang kanyang hilig, talent at kakayahan
b. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan
c. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
d. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa.

II. PAGPAPALIWANAG

1. Ano ba ang misyon natin sa buhay?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano ba ang ibig sabihin ng “Begin in the end of mind”?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Submitted by: Approved by:

MARY GRACE A. CABALLES MRS. RESSA A. PIGTE


Filipino Teacher Principal

You might also like