You are on page 1of 4

Department of Education

Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
PAOAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. 20 Paratong, Paoay, Ilocos Norte (077) 600-0633 / paoaynhs@yahoo.com

SUMMATIVE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Sa anong laro inihalintulad ang mabuting pagpapasya na kung saan pinag-aaralan munang mabuti ang
bawat
galaw upang maging batayan ng gagawing tira at may tuntunin na tinatawag na “touch-move”,
nangangahulugan ito na kapag hinawakan mo ang isang piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira, hindi na
maaaring magbago ng isip kung kaya mahalagang sigurado na sa tira bago ito hawakan.
a. Larong Chess b. Larong Basketbol c. Larong Sipa d. Larong Badminton
2. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya maliban sa isa.
a. Magkalap ng kaalaman c. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya
b. Magnilay sa mismong aksiyon. d. Nadarama ang agarang pagpapasya sa sarili
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa mabuting pagpapasya?
a. Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso upang malinaw na makilala ng isang tao ang
pagkakaiba ng bagay-bagay
b. Ang mabuting pagpapasya ay isang mahalagang pagpili na nangangailangan ng panahon
c. Ang mabuting pagpapasya ay hindi nangangailangan ng mahabang panahon
d. Ang mabuting pagpapasya ay pagsasaalang-alang sa magiging kahihinatnan ng pagpili
4. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay-bagay.
a. Kilos-loob b. Mabuting pagpapasya c. Pagpapahalaga d. Mithiin
5. Ang higher good ay tumutukoy sa _______.
a. Kagandahang loob sa bawa’t isa c. Ikabubuti ng mas nakararami
b. Kabutihang panlahat d. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
6. Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasya ay _______.
a. Panahon b. Pagpapahalaga c. Isip d. Kilos-loob
7. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa
iyong pasiya, kailangan mong ___________.
a. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
b. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
c. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
d. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
8. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip, “sa mga mahalagang
pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito ay _______.
a. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
b. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
c. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya
d. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
9. Nakita mo na nahulog ng iyong kaibigan ang kanyang cellphone. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan na lang na may makapulot na iba sa kanyang cellphone.
b. Magkukunwaring hindi mo nakitang nahulog ang kanyang cellphone.
c. Pupulutin ito at agad na itatago
d. Sasabihin sa kaibigan na nahulog niya ang kanyang cellphone.
10. Niyaya ka ng iyong kaibigan na lumiban sa inyong klase at mamasyal na lamang sa mall. Ano ang iyong
magiging pasya?
a. Sasama na lang sa kaibigan dahil masaya ang iyong pupuntahan
b. Tatanggi sa kaibigan at sasabihing mali ang lumiban sa klase
c. Isusumbong ang kaibigan sa inyong guro
d. Tatawagin ang ibang kaklase na sumama sa lakad ninyo
11. Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon?
a. sa nais na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit.
b. sa sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa.
c. sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan
d. sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao
12. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatakda at pagsasagawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?
a. Nagkakaroon ng pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.
b. Nahuhubog ang pagiging mapanagutan sa pagkamit ng mithiin para sa sarili, pamilya at kapwa.
kabutihang panlahat at pag-iral nito sa mundo.
c. Nakapag-iisip ng paraan upang maging mas kilala sa inyong lugar.
d. Nakapipili ng makakasama sa pagkamit ng misyon
13. Sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay kailangan isaalang-alang ang kraytiryang
SMARTA. Ang ibig sabihin nito ay ________________.
a. Specific, Measurable, Activities, Relevant, Time-bound, Action taken
b. Specific, Materials, Achievable, Related, Time-bound, Action-oriented
c. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action-oriented
d. Specific, Mandate, Attainable, Resources, Time-bound, Action-oriented
14. Bakit dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa
buhay?
a. Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon.
b. Ito ang magbibigay sayo ng seguridad, gabay, karunungan, at kapangyarihan upang isakatuparan
ang misyon.
c. Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa buhay.
d. Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar
15. Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
a. Mayroong kaugnayan sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang
tao.
b. Nagagamit at naibabahagi nang tama at may kahusayan bilang pagapahayag na ating pagka-bukod
tangi.
c. Nagagampanan nang may balance ang mga tungkulin sa pamilya, trabaho, pamayanan, at iba pa.
d. Lahat ng nabanggit.

Nais kong maging isang magaling na inhinyero, mabuting anak, magaaral, at kasapi ng pamayanan.
Mag-aaral ako ng mabuti upang matupad ko ito, makatulog sa aking mga magulang at sa lipunan. Susunod ako
sa mga patakaran ng paaralan upang maging isang modelo sa aking kapwa mag-aaral. Magsasaliksik at mag-
aaral nang mabuti upang matutuo at makakuha ng mataas na marka. Makikiisa sa mga gawain at programa ng
barangay at susunod sa mga alituntunin ng barangay.
16. Nasa itaas ba na halimbawa ng misyon sa buhay ay masasabing action-oriented?
a. Oo, dahil gumamit ito ng pangkasalukuyang kilos tulad ng mag-aaral, susunod, magsasaliksik, at
makikiisa.
b. Hindi, dahil hindi kayang abutin ito at hindi sapat ang oras sa pagtupad nito.
c. Oo, dahil madali lamang gawin ang mga ito sa loob ng isang taon.
d. Hindi, dahil walang nakasaad na takdang oras o panahon sa pagsasagawa nito.
17. Alin sa mga sumusunod na pamantayan ng pahayag ng personal na misyon sa buhay ang kinakailangan
upang magkaroon ng mas malinaw na pagtatakda ng kung ano ang mga mithiin at nais marating sa
buhay?
a. Tiyak (Specific) c. Naabot (Attainable)
b. Nasusukat (Measurable) d. May takdang panahon (Time-Bound)
“(1) Magsasaliksik ng mga bagong kaalaman araw-araw sa aignaturang EsP sa mga
mapagkakatiwalaang aklat at website.(2) Makikipagtulungan sa kasamang guro upang maging madali
ang pagkatuto at pagsasagawa ng gawain. (3) Mag-aaral ng master’s degree tuwing araw ng lingo
upang madagdagan ang kaalaman sa loob ng 3 taon.”
18. Ang halimbawa na pahayag ng personal na misyon sa buhay ay may takdang panahon ng pagkakamit
nito.
Bakit kailangan na may nakatakdang panahon sa pagkamit nito?
a. Dahil ito ang magsasabi sayo kung ang iyong pahayag ng personal na misyon sa buhay ay
natupad.
b. Dahil kagustuhan mo lang ilagay sa iyong ginawang misyon sa buhay.
c. Dahil ito ang nakasaad sa ginawang pahayag ng personal na misyon ng iyong mga kaibigan.
d. Dahil ito ang sinabi sa iyo ng iyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakataon
19. Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiyang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa
buhay?
a. Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa.
b. Upang maging malinaw at tiyak sa iyong tatahakin na buhay.
c. Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao.
d. Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong buhay
20. Ito ay katangian ng kraytiryang SMART-A na tumukoy sa pagiging makabuluhan ng pahayag ng
personal
na misyon sa buhay na may pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
a. Tiyak (specific) c. May takdang panahon (time-bound)
b. Angkop (relevant) d. Nasusukat (measurable)

Ang aking Pahayag ng Personal na M i syon sa Buhay Bilang isang mag-aaral na may pangarap na
maging isang matagumpay na Architect ay gagawa ako ng paraan upang maitawid ang pinapangarap sa buhay
maging sa pagtulong sa pamilya at sa lipunan. Ako’y magiging masipag at magiging isang modelo sa mga
kabataan. Hinding hindi kakalimutan ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pananampalataya,
ihahayag ko ang mga salita ng Diyos. Isasapuso ko ang lahat ng mga aral na aking natutuhan. Maging sa mga
gawain ay kailangang may puso at pinag-iisipan. Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasagawa ng kabutihan sa
kapwa at higit sa lahat, ang gabay ng Diyos ay isa sa mga hakbang upang maging matagumpay at umunlad ang
buhay sa balang araw. -Misyon sa Buhay ni Kaye Yra A. Espinosa
21. Ano ang pangarap ni Kaye Yra?
a. Architect b. Doktor c. Nurse d. Maging isang matagumpay na mag-aaral
22. Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay?
a. Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya at lipunan.
b. Maging isang modelo sa kabataan.
c. Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan.
d. Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa.
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pamamaraan ni Kaye Yra upang matupad ang kaniyang misyon sa
buhay?
a. Patibayin ang pananampalataya sa Diyos
b. Mag-aral nang mabuti.
c. Gumawa ng mabuti sa kapwa.
d. Maging aktibo sa mga gawain sa paaralan at patimpalak
24. Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay upang _____.
a. mapanatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay.
b. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay.
c. maging gabay sa ating mga pagpapasiya.
d. lahat ng nabanggit.
25. Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang
punong
malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago.
b. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa buhay.
c. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal.
d. Wala sa nabanggit

You might also like