You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II
Binalonan
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Division Summative Assessment
S.Y. 2022-2023

Pangalan: Petsa:
Paaralan: Marka:

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang bawat pangungusap. Isulat ang TITIK ng tamang
sagot.
_____1. Katangian ito ng Likas na Batas Moral na namamahala sa tao na nakabatay sa katotohanan.
Ito ay nagmula sa mismong katotohanan ang Diyos.
a. Unibersal
b. Obhetibo
c. Eternal
d. Immutable

_____2. Ito ay isang uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng
kaalaman.
a. Moral na Birtud
b. Intelektuwal na Birtud
c. Moral
d. Pagpapahalaga

_____3. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.


a. Kamay
b. Puso
c. Isip
d. Utak

_____4. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na __________ na ang ibig sabihin ay
mayroong kaalaman.
a. Cum scentia
b. Com sciensya
c. Com scientia
d. Com sentia

_____5. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa:


a. Isip
b. Dignidad
c. Kilos-loob
d. Konsensiya

_____6. Maaaring makamit sa loob ng isang semestre, isang taon, limang taon o sampung taon.
a. Pangmatagalang mithiin
b. Pangmadaliang mithiin
c. Pagtitimpi
d. Pagtamo ng Mithiin
_____7. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. Mag-isip
b. Umunawa
c. Magpasya
d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay
_____8. Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
a. Pambuhay
b. Pandamdam
c. Moral
d. Banal

_____9. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo at
musika.
a. Verbal
b. Musical
c. Mathematical
d. Bodily/kinesthetic

_____10. Ang taong nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.


a. Outdoor
b. Musical
c. Artistic
d. Indoor

_____11. Ang mga sumusunod ay mga gabay na tanong sa paglikha ng Personal na Misyon sa
Buhay maliban sa isa.
a. Ano ang layunin ko sa buhay?
b. Ano-ano ang aking mga pinahahalagahan?
c. Ano ang mga nais kong marating?
d. Ano ang gagawin ko?

_____12. Ano ang panaginip?


a. Ang panaginip ay matatapos din ayon sa kagustuhan ng isip.
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog.
c. Ang panaginip ay likha ng malikhaing isip.
d. Ang panaginip ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng taong nananaginip.

_____13. Anong pagpapahalaga ang tumutukoy sa kabutihan, hindi sa sarili kundi sa mas nararami?
a. Pambuhay na Pagpapahalaga
b. Ispirituwal na Pagpapahalaga
c. Pandamdam na Pagpapahalaga
d. Banal na Pagpapahalaga

_____14. Ito ay isang karayom ng iyong Career Compass na nangangahulugang kakayahang


maghusga ng tama at sumunod sa pinakamabuting pagkilos na nakabatay sa kaalaman at
pang-unawa.
a. Kutob
b. Karanasan
c. Karunungan
d. Katarungan

_____15. Ano ang ipinapakita sa panahong ang kabataan ay nagkamali sa napiling desisyon.
a. Kahinaan ng talino
b. Hindi dumaan sa mabuting pagsusuri at proses
c. Kawalan ng kakayahan
d. Kakulungan sa panahon

_____16.Bakit ba kailangang paunlarin mo ang iyong mga hilig?


a. Makakatulong ito sa pagtupad ng tungkulin
b. Makakatulong sa pagsikat
c. Makakatulong sa mabilis na pagyaman
d. Makakahadlang sa hangarin.

_____17. Bakit kailangang umiwas ang tao sa paggamit ng maling konsensiya?


a. para maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. upang masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. makakamit ng tao ang kabanalan
d. magiging masaya ang tao

_____18. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?


a. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
b. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
c. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras
d. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasyahan at kagapan sa iyo
bilang tao.

_____19. Ano ang palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata?


a. Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki.
b. Hindi pa alam kung ano ang tama at mali
c. Laging nakabuntot sa magulang
d. Hindi alam magmemorya

_____20. Ano ang pinaka-epektibong paraan para sa pagtuklas ng hilig?


a. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
b. Siyasatin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
c. Tanungin ang mga mga kaibigan at magulang kung ano ang kinahiligang gawin.
d. Wala sa nabanggit

_____21. Ano ang pakahulugan ng moral dilemma ni Kohlberg na, “Ito ay mga sitwasyong
nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang
magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga.” Ibig sabihin nito ay ____________.
a. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa iba’t-
ibang mga posisyon.
b. Madali lang ang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.
c. Ang pagpapsiya ay nababatay sa ating pagpapahalaga.
d. Ang pagpapasiya ay pagpili ng maraming pamimilian.

_____22. Anong tulong ang maibibigay ng inyong mga magulang upang matupad ang inyong mga
pangarap?
a. Pagganyak sa kaniyang pangarap
b. Disiplina sa araw araw
c. Gabay sa pagtupad ng pangarap
d. Kakayahang iakma ang sarili

_____23. Ayon sa iyong pang-unawa, alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng
mithiin?
a. Isulat ang tinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan.
b. Sabihin ang mga tinakdang mithiin sa mga kaibigan.
c. Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin.
d. Isulat ang mga mithiin araw-araw.

_____24. Masusing tumatalima si Marvin sa kautusan na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang


paglabas ng mga kabataan at mga matatanda na may edad 65 pataas dahil sa panganib
na dala ng Covid-19. Anong uri ng pagpapahalaga ang ipinakita ni Marvin?
a. Pagkamaingat
b. Pagkamatapat
c. Pagkamasunurin
d. Pagkamatapang

_____25. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?


a. Upang matuto tayo sa pagpapakumbaba at pagpapaubaya
b. Upang mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at
kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
c. Upang makilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong
magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao
d. Upang maunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapuwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at isprituwal.

_____26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao?


a. Tumutulong ako sa gawaing bahay kahit hindi ako inuutusan ng aking magulang.
b. Lalabas ako ng bahay kahit pinagbabawalan ako ng aking mga magulang.
c. Gagawin ko lamang ang pinag-uutos sa akin kung may kapalit.
d. Wala sa nabanggit

_____27. “Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng mabuti.” Ang pangungusap ay nagpapahiwatig na:
a. Ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa naayon sa
kabutihan.
c. Magkakaroon ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at
masama
d. Makakamit ang kalayaan kapag nakagawa ng kabutihan.
_____28. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ag kaniyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.
c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kaniyang nais.
d. Lahat ng nabanggit

_____29. Bakit sinasabing ang banal na pagpapahalaga ang pinakamataas sa lahat ng antas ng
pagpapahalaga?
a. Dahil ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang kailangan ng tao sa kanyang kaganapan
upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
b. Dahil ito ay may kinalaman sa pagsasabuhay ng mga birtud na kinakailangan sa pagharap
ng tao sa Diyos.
c. Dahil ito ay may kaugnayan sa paggawa ng salita ng Diyos.
d. Dahil ito ay nagsasaad ng pananampalataya ng tao sa Diyos.

_____30.Ginawa ni Pedro kung ano ang tama noong ilapat niya sa pagkilos ang karunungang
mayroon siya. Anong uri ng intelektuwal na birtud ang taglay niya?
a. Pag-unawa
b. Agham
c. Maingat na Paghuhusga
d. Sining

_____31. Nahihirapan sa pagsusulit ang iyong kaibigan. Alam mong mahalaga sa kaniya ang
pagsusulit na ito dahil maaaring ulitin niya ang asignatura kapag hindi niya ito naipasa.
Sinenyasan ka niya para humingi ng tulong sa mga tamang kasagutan. Isa kang honor
student at huwaran sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ano ang gagawin mo?
a. Pakopyahin ko siya dahil matalik kaming magkaibigan.
b. Hindi ko siya papakopyahin dahil baka mahuli ako ng aking guro.
c. Tutulungan ko siya dahil hindi kaya ng aking konsensiya na siya ay bumagsak.
d. Hindi ko siya tutulungan sa pagsusulit dahil ang pangungopya ay paraan ng pagnanakaw
ng kaalaman at ang pagpapakopya ay pagkunsinte sa maling gawain.

_____32. Maraming humuhusga sa iyong kaibigan dahil sa pisikal nitong kaanyuan. Sinasabing
nakikita itong umiinom at nagtutulak ng droga. Ano ang dapat mong gawin?
a. isuplong sa mga awtoridad upang mahuli
b. kausapin ng masinsinan at tanungin kung paano mo siya matutulungan
c. hayaan lang siyang malulong sa pag-iinom at paggamit ng droga
d. wala sa nabanggit.

_____33. Pangarap ng kaklase mong maiahon sa kahirapan ang kanilang buhay ngunit hindi naman
siya pumapasok sa lahat ng klase niyo. Alin sa sumusunod na kilos ang angkop na kilos
upang siya ay matulungan?
a. Isumbong agad-agad sa guro at magulang ang ginagawa.
b. Kakausapin ko siya dahil kaklase mo lang naman siya at hindi kaibigan.
c. Sasabihin sa kaklase ang lahat ng mga bunga o kahihinatnan ng kanyang ginawa.
d. Sasabihin sa magulang ang ginagawa para mapagalitan siya.

_____34. Isa sa mga kamag-aral mo ang lagi kang inaasar sa klase araw-araw. Walang araw na
hindi ka niya inasar. Paano mo maipapakita ang paghubog mo ng mga birtud at moral na
pagpapahalaga?
a. Aasarin ko rin siya gaya ng pang-aasar niya sa akin.
b. Kakausapin ko siya ng masinsinan para tanungin kung ano ang dahilan ng pang-aasar niya
sa akin.
c. Isusumbong ko siya sa aming guro at sa Guidance Counselor.
d. Wala sa nabanggit

_____35. Upang magkaroon ka ng mataas na marka sa eskwela ay kinakailangan mong mag-aral


nang mabuti. Alin sa mga sumusunod ang kinakailangang mong gawin upang malinang
ang kabutihang-loob?
a. Sanayin at linangin ang isip at kilos loob sa paggawa ng tama at iwasan ang mali.
b. Pag-aralang mabuti ang Sampung Utos ng Diyos.
c. Magsimba araw-araw upang ipakita na ikaw ay mabait.
d. Alamin ang mga batas ng lipunan.

_____36. Dahil sa kawalan ng pera hindi ka nabigyan ng iyong mga magulang ng baon papuntang
paaralan. Sa daan ay nakapulot ka ng pitaka na naglalaman ng pera at may nakalagay na
pangalan dito. Ano ang gagagwin mo?
a. Kukunin at ibibigay sa malapit na barangay upang maisauli ang pitaka.
b. Aangkinin lang ang pitaka dahil wala akong pera.
c. Huwag isauli ang pitaka.
d. Manlilibre dahil nagkaroon ng maraming pera.

_____37. May napansin kang kakaibang pakikitungo sa iyo ng matalik mong kaibigan na kapareho
mo ng kasiraan. Medyo “romantiko” siya sa iyo at mukhang gusto kang ligawan. Ano ang
mabuti mong gawin?
a. Hindi na papansinin at lalayuan
b. Pahiyain sa klase sa ginawa niya sa iyo.
c. Kakausapin at bigyan ito ng payo
d. Sigawan ng bastos

_____38. Mababa ang marka ni Kathy sa Mathematics dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging
Mababa ang kaniyang marka sa mga pagsusulit. Isa ka sa mga magagaling sa Math sa
klase. Ano ang maari mong gawin?
a. Papakopyahin na lang ng mga sagot sa aming pagsusulit at mga takdang aralin.
b. Turuan siya sa bakanteng oras naming upang tumaas ang kanyang marka.
c. Ako na mismo ang sasagot sa mga pagsusulit at mga takdang aralin.
d. Wala akong paki kung mababa ang kanyang grado.

_____39. Mahilig magkumpuni ng sirang gamit si Leo. Anong larangan ng hilig ito?
a. Outdoor
b. Mechanical
c. Computational
d. Scientific

_____40. Paano mo mapatataas ang iyong tiwala sa sarili at magkakaroon ng positibong pananaw at
damdamin tungkol sa iyong sarili?
a. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili
b. Laging isipin ang takot at kabiguan
c. Kapag nagkamali o nabigo, huwag ng paunlarin ang kakayahan
d. Umiyak at magmukmok sa gilid

_____41. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin ng isang inaasahang kakayahan at kilos sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.
b. Nagsisilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ang inaasahan sa kaniya ng lipunan.
c. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.
d. Nagtuturo sa isang nagdadalaga at nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa
kanilang edad.

_____42. Alin sa mga birtud ang binibigyang halimbawa sa makabagong katagang, “Think before you
click”?
a. Katatagan
b. Pagtitimpi
c. Maingat na paghuhusga
d. Pamamalasakit

_____43. Si Margarita ay nagdadalaga na, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa


kaniyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong
kailangang gawin kasama ang kaniyang mga kaklase. Alin ang mga sumusunod ang dapat
ikikilos ni Margarita?
a. Kausapin nang mabuti ng kaniyang magulang upang siya ay papayagan.
b. Mag-isip ng ibang dahilan.
c. Ipagpaliban nalang ang paggawa ng proyekto.
. d. Sabihin sa kamag-aral na ipagpaalam siya.

______44. Mula pa pagkabata, hilig na ni Regine Velasquez ang pag-awit kung kaya naman siya ang
pinakasikat na babaeng singer sa Pilipinas at binansagang “the song bird”. Ano ang
larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
a. Outdoor: bagay
b. Mechanical: datos
c. Literary: ideya
d. Musical: tao

_____45. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa:
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad.
b. Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae at lalaki.
c. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.
d. Pagkakaroon ng pagpapahalaga (values) na bagay sa mabuting pagpapasiya.

_____46. Alin sa mga sumusunod ang mga pinakamakatuwirang dahilan kung bakit mahalagang
magkaroon ng pangarap?
a. Upang makilala
b. Upang maging masaya at maging sikat
c. Upang yumaman
d. Upang makatapos ng pag-aaral at maging tagumpay

_____47. Isa sa mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga


ay ang pagiging sensitibo sa paggawa ng masama. Ang mga sumusunod ay halimbawa
nito, maliban sa:
a. Sinagutan ni Nena ng buong katapatan ang pagsusulit kahit hindi siya lubos na nakapag-
aral.
b. Pinili ni Jessa na pumasok sa klase kaysa sumama sa kanyang mga kaibigan para
mamasyal.
c. Kinuha ni Jojo ang dalawangpung piso ni Marvin dahil alam niyang mayaman at maraming
baon ito.
d. Bagamat malubha ang sakit ng kaniyang may bahay, ipinagbigay alam ni Mang Cardo sa
mga pulis ang naiwang bag sa kaniyang taxi na naglalaman ng isang daang piso.

_____48. Ang pangunahing layunin ng konsensiya sa buhay ng isang tao ay;


a. Mapalaganap ang kabutihan sa kapuwa
b. Makamit ng tao ang tagumpay sa buhay
c. Maabot ang kaniyang kaganapan sa buhay
d. Lahat ng nabanggit.

_____49. Piliin ang tamang plano sa paghubog ng iyong aspetong pangkaisipan bilang isang
nagdadalaga/pagbibinata.
a. Sumangguni lagi sa magulang sa pagdedesisyon sa buhay.
b. Laging magbasa ng libro at sundin lahat ng nakasaad dito.
c. Isipin ng mabuti lagi ang magiging resulta or kahihinatnan ng mga gagawing pagpapasiya.
d. Lahat ng nabanggit
_____50. Ayon kay Professor Patrick Lee, ang dignidad ay may tatlong pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao na sundin ang mga sumusunod.
a. Igalang ang sariling buhay maging ang kapwa, isaalang alang ang kapakanan ng kapuwa at
pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
b. Igalang ang karapatan ng buhay, pag ingatan ang kapakanan ng pamilya at pakitunguhan
ang mga matatanda.
c. Pahalagahan ang buhay maging sa pamilya, pag ingatan ang reputasyon at pakitunguhan
ang kapwa.
d. Ingatan ang sariling buhay, igalang ang karapatan ng kapwa, pakitunguhan ng maayos ang
sarili.

Inihanda nina:

SUNSHINE CAMAY G. FABRO REZALYN V. SORIANO


TEACHER-I TEACHER I

Sinuri nina:

MARIA ELENA ESTEFANIA L. RODILLAS


HT-III, MPJCL

FILIPINAS L. ASUNCION
HT-III, Bautista NHS

OLIVIA P. FERNANDEZ VIGILIA C. QUIBILAN


HT-III, DRECMNHS HT-III, APVNHS

Pinagtibay nina:

FERDINAND T. AUSTRIA, PhD EMETERIO F. SONIEGA, JR., EdD


Principal III EPS, Incharge of EsP/Guidance

You might also like