You are on page 1of 4

ISKOR:

EDUKASIYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG PAMPANAHUNANG PAGSUSULIT
S.Y. 2023 – 2024

Apelyido:_________________________Pangalan:______________________________Seksyon:________________
Panuto: basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Para sa bilang 1-3 a. Isip b. Puso c. Paa d. Kamay at katawan


_______1. Ang lahat ng nakasulat sa pamimilian ay mahalagang sangkap ng tao maliban sa _______?
_______2. Ito ay ang maliit na sangkap ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao?
_______3. Sangkap ng tao na may kapangyarihang manghusga, mangatwiran, magsuri, mag alala at umunawa ng kahulugan ng
bagay.
_______4. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na _______?
a. Isip at loob b. Kilos at Loob c. Kamay at Katawan d. Isip at Puso
_______5. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na?
a. Konsensiya b. Katapatan c. Kamalayan d. Kapangyarihan
_______6. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na _____ na ang ibig sabihin ay with knowledge o may kaalaman.
a. cum scientia b. cun scientia c. com scientia d. cum scien
_______7. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
a. Likas na Batas na Moral c. Likas na Batas
b. Batas na Kalikasan d. Saligang Batas
_______8. Siya ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos?
a. Halaman b. Hayop c. Tao d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 9-12 a. Unibersal b. Obhetibo c. Walang Hanggan d. Di nagbabago
_______9. Likas na Batas Moral na nakabatay sa katotohanan.
_______10. Likas na Batas Moral na sinasaklaw ang lahat ng tao?
_______11. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man).
_______12. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin.
Para sa bilang 13-14 a. Tama b. Mali c. Wala d. wala sa nabanggit
_______13. Uri ng konsensya kung saan nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
_______14. Uri ng konsensya kung saan ang lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong
pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali.
_______15. Ang ________ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa
kaniyang kapwa.
a. Konsensya b. kalayaan c. dignidad d. kilos at loob
_______16. Ang dignidad ay galing sa salitang latin na _______________?
a. Dignidad b. dignitas c. dignitos d. wala sa nabanggit
_______17. Ano ang ibig sabihin ng salitang latin na dignus?
a. Karapat dapat b. kabutihan c. kahalagahan d. wala sa nabanggit
_______18. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao
b. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
c. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
d. Wala sa nabanggit
_______19. Nangingibabaw ang paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino.
a. Dignidad b. kilos at loob c. konsensya d. likas na batas moral
_______20. Ang mga sumusunod ay mga nilikhang may buhay sa mundo: maliban sa
a. Tao b. hayop c. halaman d. bahay
_______21. Sa pamamagitan nito, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang
makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan
a. Isip b. kilos c. katawan d. buhay
_______22. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na
naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ito ay ayon sa paglalarawan ni ______?
a. Santo Tomas b. Santo Tomas de Aquino c. Ninoy Aquino d. Rodrigo Duterte
_______23. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na________?
a. Isip b. kilos-loob c. puso d. lahat ng nabanggit
_______24. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
a. Isip b. kilos-loob c. puso d. lahat ng nabanggit
_______25. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
a. Tama,dahil ang tao lamang ang nilikha na may isip at kilos-loob, kaya kawangis siya ng Diyos.
b. Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.
c. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikha na may buhay.
d. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
_______26. Alin sa sumusunod ang may kapangyarihang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan
ng mga bagay?
a. Dignidad b.Kalayaan c. Isip d. Kilos-Loob
_______27. Nahuli ng gising si Jhonny sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang klase sa paaralan. Napuyat siya sa
kalalaro ng ML. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising nang maaga. Ano ang dapat gawin ni Jhonny?
a. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng kaniyang ina kung siya ay napuyat.
b. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sa paggising ng huli.
c. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin ng mas maaga sa kaniyang ina ang paggising sa kaniya.
d. Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising nang maaga.
_______28. “It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Jason sa buhay niya. Ito ang dahilan kung bakit
tuwing may pagsusulit, gumagamit siya ng kodigo. Ayaw niyang umulit ng taon sa kaniyang baitang at ayaw niyang
mabigo sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Ano ang dapat niyang isipin?
a. Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan-minsan lang dapat ito ginagawa.
b. Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang kung makakatapos siya ng pag-aaral.
c. Isipin niya na hindi siya lubos na matututo bagamat siya ay nakakapasa sa pagsusulit.
d. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
_______29. Hindi nakapag-aral sa science si Paul dahil napuyat siya sa paggawa ng ibang takdang-aralin. Nagkaroon sila ng
biglaang pagsusulit sa klase. Nakita niya ang kaniyang mga kaklase na nagkokopyahan. Inaalok siya na kumopya sa
kanila. Ano ang dapat gawin ni Paul at bakit?
a. Hindi niya tatanggapin ang alok ng kaklase at sasagutan niya ang pagsusulit dahil mas mabuting masukat ang
kaniyang nalalaman nang hindi kumokopya sa iba.
b. Kokopya siya at sa susunod ay sila naman ang pakokopyahin niya dahil dapat siyang tumanaw ng utang na
loob sa kaniyang mga kaklase.
c. Kokopya siya sa kaklase dahil mapapagalitan siya ng kaniyang guro kapag hindi siya pumasa sa pagsusulit
d. Ipapasa niya ang kaniyang papel nang walang laman dahil hindi tama ang pagkopya.
_______30. Sobra ang sukli sa iyo ng tindera ng bumili ka ng pagkain sa tindahan. Naalala mo na may babayaran ka sa iyong
kaklase para sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo at bakit?
a. Isasauli ko ang sobrang sukli dahil magiging kawawa ang tinderang nagkamali dahil siya ang magbabayad ng kulang.
b. Ibabayad ko sa kaklase ko ang sobrang sukli dahil mas makakatipid ako kaysa humingi ng pera sa aking magulang.
c. Sasabihin ko sa kaibigan ko ang nangyari at paghahatian namin ang pera.
d. Hindi ko isasauli dahil hindi naman ako ang nagkamali.
____31. Ang halaman, hayop at tao ay may pagkakatulad. Subalit ang tao ay nilikha na may kakayahang higit sa ibang
nilalang, kaya tinatawag ang tao bilang obra maestra. Ang tao ay nagtataglay ng isip at kilos-loob. Alin sa sumusunod
ang buod ng talatang ito?
a. Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao kaysa sa ibang nilikha.
b. Ang tao ay naiiba dahil tao lang ang sinasabing obra maestra.
c. Nakahihigit ang tao dahil walang kakayahan ang mga hayop at halaman na mamuhay nang mag-isa.
d. Pantay-pantay ang lahat ng nilikha, ngunit may pagkakaiba rin ang bawat isa.
_______32. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa isang kamag aral. Hinikayat niyang
kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-aralin. Sinasabi sa iyo ng iyong konsensiya na dapat maging tapat ka sa
mga gawain pang-akademiko sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
a. Makikinig saiyong konsensya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.
b. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo din siya sa susunod.
c. Susundin mo ang iyong konsensya at gagawa ka ng sariling takdang- aralin upang maging tapat ka sa paggawa ng
takdang aralin.
d. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang ang susunod na takdang-aralin.

Para sa bilang 33-34 a. Bago ang kilos c. Habang iniisip ang kilos
b. Pagkatapos gawin ang kilos d. Habang isinasagawa ang kilos
_______33. Pagkatapos ng kaniyang klase sa hapon,niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase na manood ng sine at kumain sa
isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at
mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin.
Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Rabiya?

_______34. Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika.Sa oras ng pagsusulit, nakaramdam siya
ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masamang gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa
anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jacqueline?
Nakita mo sa ibabaw ng mesa ng iyong guro ang isang papel. Ito pala ay susi sa pagwawasto ng inyong
pagsusulit para bukas. Marahil, nahulog ito mula sa bag ng iyong guro sa kaniyang pagmamadali. Walang
tao sa silid-aralan ninyo at walang nakakaalam na nakita mo ang papel.

_______35. Kung maharap ka sa sitwasyong nasa kahon, anong kilos ang nagpapakita ng Kalayaan.
a. Itatago ko ito at ibibigay sa aming guro. Sasabihin ko sa kaniya na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito makita
ng mga mag-aaral na tulad ko. Mas malaya ako kapag ginawa ko ang kabutihan.
b. Imumungkahi ko sa aming guro na palitan niya ang mga tanong sa pagsusulit.
c. Itatago ko ito at ibibigay sa aming guro. Sasabihin ko ito sa aking guro na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito
makita ng mga mag- aaral na tulad ko. Mahalagang pag-ingatan ang mga maselang gamit sa pagtuturo tulad
ng susi sa pagwawasto.
d. Sasabihin ko ito sa aking guro na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito makita ng mga mag-aaral na tulad ko.
_______36. “Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tungkulin ay hindi nagtatapos”. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan.
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga.
d. Mali, dahil kapag naabot ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin.
_______37. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya
lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito sa kanya. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang
kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang pagkakamali.
c. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit.
_______38. Ang sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
_______39. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip b. magpasya c. umunawa d. mangatwira
_______40. Ang tao ay tinatawag, “The most wonderful” sa lahat ng mga likha ng Diyos. Binigyan siya ng karapatan at
kakayahang palaguin ang buhay gamit ang isip at karunungang bigay ng Maykapal sa kanya. Alin sa mga pahayag ang
hindi tama ayon sa nagpapabukod-tangi sa tao mula sa hayop?
a. Malaya niyang abutin ang bawat minimithi sa buhay.
b. May kalayaan ang tao na mamuhay sa desenting paraan.
c. Magagawa niyang produktibo at makabuluhan ang buhay.
d. Nailalapat niya ang mga kakailanganing pagpapasya sa nais humingi nito.
_______41. Alin sa sumusunod ang may kakayahang maghusga, mangatuwiran, magsuri, at umunawa sa kahulugan ng isang bagay?
a. Puso b. Katuwiran c. Isip d. Konsensya
_______42. Nilikha ng Diyos ang tao na __________ sa kanya.
a. Kakaiba b. Kawangis c. Katumbas d. Kapareho
_______43. Ang tao ay binigyan ng Diyos ng _________ para maiba sa hayop
a. Isip b. Hininga c. Pandama d. Katawan
_____44. Hindi ka nakatulog dahil sa magdamag na kantahan ng iyong kapitbahay sa ginawa nilang salu-salu. Ano ang gagawin mo?
a. Babatuhin sila nang tumigil c. Pakiusapan sila ng maayos kinaumagahan
b. Tatawag sa Barangay Hall d. Putulin ang linya ng kuryente nila sa may poste
_______45. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. pagmamalasakit c. pagmamahal
b. kakayahang mag-abstraksiyon d. kamalayan sa sarili
_______46. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng isip at kilos loob ng bawat tao?
a. Hadlangan ang isip at kilos loob c. Ipamahagi ang isip at kilos loob
b. Sasanayin ang isip at kilos loobd. Ipagkaloob ito sa mga kaanak
_______47. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang ________________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
_______48 . Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isip ng tao?
a. Ang isip ay may kakayahang mag-alaala. b. Ang isip ay may kakayahang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kakayahang maglapat ng mga pagpapasya. d. Ang isip ay may kakayahang umunawa sa kahulugan ng buhay.
_______49. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
_______50. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang ________.
a. Isip b. Dignidad c. Kilos-loob d. Konsensya
_______51. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan. Nangyari ito dahil sa
hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil, dito siya at ang ilan pang mga kasama
na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang ________.
a. Karapatang pantao c. Panloob na kalayaan
b. Dignidad bilang tao d. Panlabas na kalayaan
_______52. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at
hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang ng magabayan ang kanyang anak patungo
sa tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila
matututo ng mahalagang aral.
_______53. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao.
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
_______54. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
a. Isip b. Konsensya c. Batas Moral d. Dignidad
_______55. “Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos”. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.
c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaarng mamili batay lamang sa kanyang nais.
d. Lahat ng nabanggit.
_______56. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matuto tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa batas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad
ng ating pagkatao.
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga
pangangailangan material at ispiritwal.
_______57. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
_______58. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
_______59. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyedo na tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d. Isang taong may pandama at pag-unawa sa damdamin ng iba
_______60. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
a. pagmamalasakit at pag-unawa b. pagpapahalaga at paggalang
c. pagkalinga at paggalang d. pagkilala at pagtulong

Inihanda nina:

ROBELYN M. DELOS REYES GEOANA JOY G. BORROMEO


Guro sa ESP 7 Guro sa ESP 7

Sinuri ni: Pinagtibay ni:

FEVELYN S. PALPALLATOC, EdD DENNIES M. LINTAO, EdD


Ulungguro III Punongguro IV

You might also like