You are on page 1of 10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT


SY 2023-2024

Pangalan: _____________________Baitang at Pangkat: _______ Petsa: ______


Guro: ________________________ Iskor: ________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin ang
titik ng wastong sagot at isulat sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
______1. Sino ang pilosopo na nag wika na ng tao ay binubuo ng ispiritwal at
materyal
na kalikasan?
A. Santo Tomas de Aquino C. Robert Edward Brenan
B. E. Esteban D. Aristotle
______2. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang
maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?
A. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay
ang mga ito.
B. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti.
D. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
______3. Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao?
A. Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan
niya mula sa kaniyang kapanganakan, o magiging sino siya sa kaniyang
paglaki.
B. Siya ay may pinaghahandaang kinabukasan na siya mismo ang lililok para
sa kaniyang sarili.
C. Patuloy ang pagkilos ng bawat tao patungo sa paghahanap ng mga piraso
na makatutulong upang siya ay maging tapos.
D. Lahat ng nabanggit
______4. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala,
at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
A. Kilos-loob C. Gawi
B. Isip D. Lahat ng nabanggit
______5. Ito ay isang makatuwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa mabuti
at
lumalayo sa masama.
A. Kilos-loob C. Gawi
B. Isip D. Lahat ng nabanggit

______6. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama
ba o mali ang pahayag?
A. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang
impormasyong naihahatid dito.
B. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama at kakayahan ng isip.
C. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama.
D. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.
______7. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes,
pagmamataas, katamaran at iba pang negatibong paag-uugali?
A. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong pag-uugali.
B. Nag-iiwan to ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao
C. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganiotng katangian.
D. Nakasentro lamang siya sa kanyang sarilj kaya hindi makakamit ang
kalayaan
______8. Mayroong suliranin ang iyong kamag-aral sa kanyang mga magulang. Lagi
na lamang namumugto ang kanyang mga mata. Ano ang gagawin mo sa
pagkakataong ito?
A. Anyayahan siyang magliwaliw upang maibsan niya ang kanyang
emosyon.
B. Hayaan siyang umiyak upang mailabas niya ang kanyang emosyon.
C. Pagsabihan siyang lumayo muna sa kanyang mga magulang
D. Paliwanagan siya ng mga wastong hakbang upang makatulong sa
problema ng kanyang mga magulang
______9. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na mabuti?
A. Ang paggamit ni Petra ng Kalayaan nang tama at ayon sa inaasahan
B. Ang pagiging Malaya ni Greg mula sa bilangguan
C. Ang kakayahan ni Juliana na pumili ng maabuti
D. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapawa nin John
______10. Si Rocel ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit sa
ngipin naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit
gustong-gusto niya nito. Bakit kaya ni Rocel na kontrolin ang sarili at ang
udyok ng kanyang damdamin?
A. May kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
B. May kakayahan ang taong mangatuwiran
C. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
D. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
______11. Ano ang tatlong kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao ayon
kay Robert Edward Brenan?
A. Pandama, pagkagusto, pagkilos C. Pagkilos, paggalaw, emosyon
B. Paggalaw, pakiramdam, kaalaman D. Paggalaw, pagkilos, kaalaman
______12. Ito ay walang direktang ugnayan sa reyalidad kaya’t dumidepende
lamang
ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama.
A. Panloob napandama C. Panloob na kilos
B. Panlabas na pandama D. Panlabas na kilos
______13. Ito ay kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang
hindi dumaan sa katwiran.
A. Kamalayan C. Memorya
B. Imahinasyon D. Instinct
______14. Ito ay kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o
karanasan.
A. Kamalayan C. Memorya
B. Imahinasyon D. Instinct
______15. Ano ang nagbunsod sa taong tumulong at maglingkod sa kapwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon C. pagmamahal
B. kamalayan sa sarili D. pagmamalasakit
______16. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama.
Ano ang tawag sa kakayanang ito?
A. Konsensya C. Ideya
B. Moralidad D. Kalooban
______17. Ito ay nangangahulugang “with knowledge” o may kaalaman.
A. Konsensya C. Ideya
B. Moralidad D. Kalooban
______18. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay
nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Anong katangian ng likas
na batas moral ito?
A. Obhektibo C. Walang hanggan
B. Pangkalahatan D. Di-nagbabago
______19. Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan,
walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
A. Obhektibo C. Walang hanggan
B. Pangkalahatan D. Di-nagbabago
Para sa bilang 20 at 21: Suriin ang sitwasyon.
Si Paulo ay isang taci driver. Habnag siya ay naglilinis ng kanyang taxi,
napansin niya ang isang itim na bag. Nang buksan niya ito Nakita niya ang malaking
halaga ng pera at ilang dokumento. Noong oras na iyon ay hindi na mapakali si
Paulo.
______20. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Paulo, ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko isasauli ang pera dahil Malaki na ang ,aitutulong nito sa aking
pamilya.
B. Hahatiin ko ang halaga ng pera upang ibigay sa simbahan at sa mga
namamalimos sa lansangan
C. Ibibigay ko ang pera sa ilang charity foundation upang makatulong sa
mga nangangailangan
D. Pupunta ako sa opisina ng pulisya upang ipagbigay alam at isauli ang
natuklasang pera.
______21. Bakit hindi mapakali o walang kapayapaan si Paulo?
A. Binabagabag siya ng kanyang konsensiya.
B. Binibigyan siya ng payo ng kanyang anino.
C. Naguguluhan ang kanyang kilos-loob.
D. Nagkakaroon ng paghatol sa kanyang isip.
______22. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang
pagkatao ng tao (nature of man). Anong katangian ng likas na batas
moral
ito?
A. Obhektibo C. Walang hanggan
B. Pangkalahatan D. Di-nagbabago
______23. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling
konsiyensiya?
A. Maisasabuhay ang mga moral na alituntunin
B. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
C. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
D. makakamit ng tao ang kabanalan
______24. Paano Maipakikita ang pananagutan sa kilos ng tao?
A. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga
mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes.
B. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral n
sangkot sa isang kilos.
C. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong
isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito.
D. Lahat ng nabanggit
______25. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsiyensiya makabubuting
humingi ng paggabay sa:
A. Sa Diyos gamit ang Kanyang mga salita at halimbawa
B. Sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga
pari, pastor, at iba pang namumuno dito
C. mga taong may kaalaman at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang
moral
D. Lahat ng nabanggit
______26. Ang mga sumusunod ay may ambag sa proseso ng paghubog ng
konsiyensiya maliban sa:
A. Puso C. Kilos-loob
B. Isip D. Ulo
______27. “Ang ating mga pagkabigo ay daan tungo sa ating pag-unlad. Tinatawag
tayo upang maging ganap sa salita at gawa. Kung ano tayo at kung
magiging ano tayo ay nakasalalay sa ating mga moral na gawain. Ang
mga gawaing ito ay humuhubog sa ating pagkatao, pag-uugali at buong
buhay.” Ito ay hango sa:
A. Aklat na Konsiyensiya C. Aklat ng Puso
B. Aklat ng Kilos-loob D. Aklat ng Isip

______28. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng
konsiyensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
B. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging
manhid dahil sa patuloy na pagsasanay.
C. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensya ng tao sa pagkakataon na
ito ay kailangan.
D. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
______29. “Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan
ng tao”. Ano ang kahulugan nito?
A. Ang tao ay may tgalay na kabaitan mula sa kapanganakan
B. Ang memorya ng tao ang nagbibigay kaalaman sa isip ng tao.
C. Magkakaroon lamang ng kaalaman ang tao sa pamamagitan ng panlabas
na pandama
D. Sa tulong ng imahinasyon, nagkaroon ng kaalaman ang tao.
______30. Anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang tinutukoy ng pahayag?
“Mula
sa pagsilang ng tao, naktatak na ito sa kanyang isip at nakikilala ang
Mabuti at masama’.
A. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamain
ang katotohanan.
B. Gawin ang Mabuti, iwasan ang masama.
C. Kasama ang lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan
ang kayang buhay.
D. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri.

______31. “Ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang


kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang
paraan upang makamit ito.” Ang mga katagang ito ay wika ni:
A. Santo Tomas de Aquino C. Scheler
B. Aristotle D. B. Aquino
______32. Ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa
pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang
makamit.
A. Santo Tomas de Aquino C. Scheler
B. Aristotle D. B. Aquino
______33. Ano ang dalawang aspekto ng Kalayaan?
A. Kalayaan mula sa, Kalayaan para sa
B. Malayang pagpili, fundamental option
C. Vertical freedom, freedom for
D. Fundamental option, Freedom from
______34. Sa mga kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino sa kalayaan ano
ang itinuturing na kakambal nito?
A. Responsibilidad C. Konsensiya
B. Kilos-loob D. pagmamahal
______35. Sa kabila ng kahirapan, nagagawa pa rin ni Nora na tulungan na
maibahagi
niya ang kanyang baon sa kanyang klase. Ano ang nagtulak kay Nora na
gawin ito?
A. Malasakit C. Utang na loob
B. Pagmamahal D. Paglilingkod
______36. Bakit kaya sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang may
kakayahang kumilos ayon sasariling kagustuhan at ayon sa
pagdedesisyon kung ano ang gagawin?
A. Dahil tanging ang tao ang may kakayahang pag-isipan ito
B. Sapagkat ang tao ay may malayang kilos-loob.
C. Ang likas na batas moral ang gumagabay sa kaniya.
D. Ang tao ay may kakayahang gamitin ang kaniyang konsensiya.
______37. Ayon kay Johann ano ang fundamental option ng pagmamahal?
A. inner peace C. inner care
B. inner freedom D. inner love
______38. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng
kalayaan maliban sa:
A. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
B. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya.
C. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
D. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral.
______39. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng isang tao?
A. Upang makilala ng tao ang katotohanan at magamit nang tama ang
kanyang Kalayaan
B. Upang mas piliin ang paggawa ng tama kaysa mali.
C. Upang palaging tama ang magiging desisyon ng isang tao
D. Upang matiyak na hindi na magkamaling muli
______40. Ano ang kabaliktaran ng pagmamahal sa tunay na kahulugan ng
kalayaan?
A. Responsible C. Pagkamakasarili
B. Matulungin D. Pagkamapagbigay
______41. Bakit kaya sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang may
kakayahang kumilos ayon sasariling kagustuhan at ayon sa
pagdedesisyon kung ano ang gagawin?
A. Dahil tanging ang tao ang may kakayahang pag-isipan ito
B. Ang tao ay may kakayahang gamitin ang kaniyang konsensiya
C. Sapagkat ang tao ay may malayang kilos-loob
D. Ang likas na batas moral ang gumagabay sa kaniya
______42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang kakikitaan ng isang
depektibong
pandama?
A. Naamoy ni Shane ang tila nasusunog na sinaing na kanin kaya pumunta
siya sa kanilang pinaglulutuan.
B. Tinikman ni Pablo ang nilulutong adobo at napansin niyang kulang sa alat
kaya dinagdagan niya ito ng asin.
C. Nakita ni Rhea ang maitim na kalangitan kaya siya nagdala ng paying.
D. Narining ni Analito ang kanyang kapitbahay na sumisigaw ng bomba, kaya
nilapitan niya ang itim na bag na hinihinalang pinaglagyan nito.
______43. Sa mga sumusunod na sitwasyon alin ang nagpapakita ng tunay na
kalayaan?
A. Buong araw nagtratrabaho, tinulungan pa rin ni Jay ang kapitbahay na
nasiraan ng sasakyan.
B. Palakaibigan si Daniel kaya nasasabi niya ang kaniyang mga gustong
sabihin.
C. Tinanggap ni Angel ang kaniyang pagkakamali at nagsimulang magbago.
D. Nakakapunta ng mall anumang oras gustuhin ni Samantha.
______44. Ano ang kahulugan ng kalayaan para sa (freedom for)?
A. Ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng
kaniyang ninanais.
B. Malaya ang tao kapag walang nakakahadlang sa kaniya upang kumilos o
gumawa ng mga bagay- bagay.
C. Tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa
kaniya (goods).
D. Karaniwang binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng
hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais.
______45. Kailan mapapatunayan na hindi naging wasto ang paggamit ng isang tao
sa kaniyang kalayaan?
A. Kung isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
B. Nagagawa ang lahat ng bagay na naisin
C. Kung ang mga naging kilos ay kaugnay sa batas
D. Kapag may hanggan ang kilos
______46. Ito ay ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat-dapat”.
A. Dignidad C. Kalooban
B. Kilos-loob D. Konsensiya
______47. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. Dignidad C. Respeto
B. Kilos-loob D. Konsensiya
______48. “May karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon
sa
inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin
din
kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan...”. Ang mgang
katagang ito ay wika ni:
A. Papa Juan Pablo C. Scheler
B. Propesor Patrick Lee D. Bernadette Surban
______49. Paano mo isasabuhay ang “Gintong Aral”?
A. Huwag manira ng kapwa ng walang basehan
B. Palagiing magbigay ng tulong sa kapuwa
C. Ipagyabang ang iyong katayuan sa buhay
D. Pipiliin mo ang taong kakaibiganin o pakikisamahan
______50. Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung
bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.
D. Wala sa nabanggit
______51. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong sarili?
A. Ang maging pasaway sa loob ng paaralan upang maging sikat.
B. Pagsagot-sagot sa mga magulang at nakatatanda.
C. Igalang ang sarili at kumilos ng tama para maging karapat-dapat sa mata
ng Diyos at tao.
D. Pagsusuot ng maiikling damit sa loob ng simbahan.
______52. Sa iyong palagay ano ang ginawang basehan kung saan nakabatay ang
dignidad ng tao?
A. Saligang Batas ng Pilipinas C. Mamayan
B. Diyos D. Pananampalataya
______53. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap:
A. Isip, puso, kamay C. katawan, kamay, isip
B. Isip, katinu-an, galaw D. kamay, paa, kalooban
______54. Ano ang pinakatanyag na Gintong Aral na kapupulutan ng leksiyon
hanggang sa kasalukuyang henerasyon?
A. Dignidad ko, pahahalahagan ko.
B. Ang di marunong lumingon sa pinanggagalingan ay di makakarating sa
paroroonan.
C. Kapwa Mo, Mahal Mo.
D. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
______55. Nagagawang paayuhan ni Carl ang kaibigan niyang si Jessie na
dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Ano ang tawag sa
pagtugon
ni Loisa sa ganitong sitwasyon?
A. Paglilingkod C. Respeto
B. Pagmamahal D. Hustiya
______56. Ang leksiyon ng kanilang guro ay hindi maunawaan ni Gabi at
nakababagot
sa pakiramdam kaya nawalan siya ng interes dito. Dahil dito ay wala
siyang
natutunan sa itinuturo ng kanyang guro, at sinisi pa niya ito. Sang-ayon
ka
ba kay Liza?
A. Sang-ayon dahil responsibildad ng iyong guro ang mapaunawa sa mga
mag-aaral ang leksiyon
B. Sang-ayon dahil kailangang mapaghandaan ang leksiyon para hindi
nakababagot sa mag-aaral.
C. Dahil may kakayahan akong pumili ng aking kilos kaya di ako sumasang-
ayon
D. Dahil may pananagutan ako sa aking kilos bilang tao kaya di ako
sumasang-ayon.
______57. Sa iyong palagay, bakit hindi pantay-pantay ang kalagayan ng tao?
A. Mag-aral, ito ang susi ng magandang kinabukasan
B. Kapalaran ang nagdidikta kung anong gagawin mo sa iyong buhay
C. Dahil sadyang may mga ipinanganak na mayaman at mahirap
D. Para magsikap ang bawat tao na paunlarin ang kanyang buhay
______58. Dahil sa umiiral na lockdown sa buong bansa, ang mga tao ay nag
kanya-
kanyang diskarte upang kumita. Alin sa mga sitwasyon/Gawain ang
nagpababa sa dignidad ng tao?
A. Boluntaryong tumutulong sa paghuli ng mga violators lalo na kung gabi
B. Magnakaw para may maipakain sa pamilya
C. Online selling ng iba’t ibang items
D. Gumawa ng home made kakanin upang ibenta
______59. Nakikita mong masyadong abala ang iyong guro at halos lahat ng iyong
kaklase sa pagpapaganda ng inrong silid-aralan. Ano ang nararapat
mong
gawin sa pagkakataong ito?
A. Hahayan silang maging abala at iiwasan mong makipagtulungan
B. Sisikapin mong makilahok at makipagtulungan
C. Magsasawalang-kibo ka na lang
D. Gagawa ng maling kilos upang mapansin ng guro
______60. Ano ang batayan sa pagkakapantay ng tao?
A. Sa Gintong Aral ni Confucious
B. Sa aklat ng „Common Good” ng mga obispo
C. Sa batas ng Karapatang Pantao
D. Sa Bibliya na nagsasabing ang tao ay nilikha ng Diyos

You might also like