You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jose, Miagao, Iloilo

Quarter 2 First Summative Test sa ESP 7


Pangalan:____________________________________________________________ Petsa:________________
Grade/Section:___________________________________ Iskor:_____________________
I. Pagpipilian: Basahin at intindihin ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isular sa patlang.
_________1. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikhang na may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.
B. Tama, dahil ang tao lamang ang nilikhang may isip at kilos-loob, kaya kawangis siya ng Diyos.
C. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
D. Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.
_________2. Alin ang may kapangyarihang maghusga, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay?
A. Isip B. Kilos-Loob C. Kalayaan D. Dignidad
_________3. Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya, at isakatuparan ang napili?
A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-Loob D. Dignidad
_________4. Bakit patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan?
A. Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
B. May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
C. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
D. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
Bilang 5, 6, at 7. Ang mga sagot sa Bilang 5 hanggang 7 ay makukuha sa talata na nasa kahon.

Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at nauunawaang impormasyon na binibigay ng isip. Pipiliin
lamang nito ang isang bagay o kilos kung ito ay naunawaan ng isip bilang mabuti o makabubuti para sa kaniya.
Pinipili lamang nito ang mabuti at hindi naaakit sa masama.
_________5. Ano ang ibig sabihin ng talata sa kahon?
A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.
B. Kung mali ang impormasyong binigay ng isip, hindi pipili ng kilos ang kilos- loob.
C. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
_________6. Alin ang hindi ipinahahayag ng talata?
A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng isip.
B. Mahalaga ang pag-unawa ng isip sa kabutihan ng isang bagay o kilos upang piliin ito ng kilos-loob.
C. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
_________7. Aling situwasiyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talata?
A. Kahit sobrang lakas na ng ulan at hanging dala ng bagyo, hindi pa rin inalis ni Efren ang mga dahon sa lagusan ng tubig, kaya
pinasok ng baha ang kanilang bahay.
B. Sinigurado ni Joseph kung tama ang impormasyon sa website para sa kanyang sagot sa modyul bago niya isinama ang website sa
kanyang sanggunian.
C. Hindi sinunod ni Arla ang payo ng kaibigan na uminom ng pampabawas ng timbang; bagkus, nag-ehersisyo siya at binawasan ang
kanin sa kanyang diet.
D. Hindi sinagot ni Liza and text message ng taong hindi niya kilala.
_________8. Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangan gamitin ng tao ang pandamdam. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
A. Kailangan ng tao ang pandamdam upang makilala ang mga bagay sa labas ng kanyang isip.
B. Walang kakayahan ang pandamdam na makaalam kaya kailangan ng tao ang isip.
C. Ang pag-unawa ay nagaganap sa pamamagitan ng pandama ng tao.
D. Hindi magkakaroon ng kaalaman ang tao pag wala itong nararamdaman.
_________9. Nahuli ng gising si Julie sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang klase sa paaralan. Napuyat siya sa kanonood sa
telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising nang maaga. Ano ang dapat gawin ni Julie?
A. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng kaniyang ina kung siya ay napuyat.
B. Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising nang maaga.
C. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang paggising sa kaniya.
D. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sa paggising ng huli.
_________10. Ang halaman, hayop at tao ay may pagkakatulad. Subalit ang tao ay nilikha na may kakayahang higit sa ibang nilalang, kaya
tinatawag ang tao bilang obra maestra. Ang tao ay nagtataglay ng isip
kilos-loob. Ano ang buod ng talatang ito?
A. Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikha.
B. Ang tao ay naiiba dahil tao lang ang sinasabing obra maestra.
C. Nakakahigit ang tao dahil walang kakayahan ang mga hayop at halaman mamuhay nang mag-isa.
D. Pantay-pantay ang lahat ng nilikha ngunit may pagkakaiba rin ang bawat nilikha.
_________11. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya sa maraming bagay?
A. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat
B. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
C. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
D. Dahil sa pagiging angat sa iba
_________12. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
A. pagmamalasakit at pag-unawa C. pagkalinga at paggalang
B. pagpapahalaga at paggalang D. pagkilala at pagtulong
_________13. “Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang,“ ayon kay Immanuel Kant. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.
B. Ang tao ay may kakayahang kumilos.
C. Ang tao ay may angking talento at galing.
D. Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kanyang isip at kalayaan.
_________14. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
A. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
B. Ang pagiging bukod-tangi ng tao at pagmamahal.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
D. Maglaan ng panahon pang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
_________15. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapuwa habang nabubuhay?
A. dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay
B. dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa
C. upang makilala sa lipunang ginagalawan
D. upang maging mabuting halimbawa sa kapwa
_________16. Ano ang itinuturing na pagiging moral?
A. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa
B. Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos
C. Ito ay paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na nahuhubog sa Likas Batas Moral
D. Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
_________17. Alin ang situwasiyon na nagpapakita ng moral na pamumuhay?
A. Pagtuturo ng kagandahang asal sa anak
B. Pagbibigay tulong na may hinihintay na kapalit.
C. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi upang makita ng ibang tao.
D. Pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng mga kaibigan.
_________18. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang minamahal at nagmamahal?
A. pagmamahal
B. pagtitiwala
C. pagmamalasakit
D. paggalang
_________19. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi
lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag?
A. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
B. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
C. Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya ay may kakayayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
D. Ang tao ay pantay-pantay.
_________20. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran at magmuni-muni. Dahil rin
sa taglay niyang kilosloob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti. “Kung ang mga ito lamang ang pamantayan sa
paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, paano naman ang mga taong isinilang na may sakit sa isip, mga nawalan ng
katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na hindi namakapag-isip?” Mahalagang tandaan na hindi naaalis o
natatanggal ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay ang dignidad nila bilang tao. Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na
pahalagahan at igalang. Ano ang ipinababatid ng pahayag na ito?
A. Lahat ng tao anoman ang kalagayang pisikal at mental ay may dignidad na nararapat pahalagahan at igalang.
B. Ang tao ay may isip.
C. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
D. Ang tao ay may kilos-loob.

Inihanda ni: Good luck and God bless!


Jessmer J. Niadas
Guro sa ESP 7

You might also like