You are on page 1of 4

John B. Lacson Foundation Maritime University (Molo), Inc.

JUNIOR HIGH SCHOOL


M. H. del Pilar St., Molo, Iloilo City

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
A.Y. 2023 – 2024
Pangalan: ___________________________ Iskor: __________
Taon at Pangkat: _____________________ Petsa: __________

Panuto: Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong.

I. MARAMING PAGPIPILIAN. Piliin at isulat ang letra ng pinakamahusay tamang sagot sa patlang.

________1. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil ang tao lamang ang nilikhang may isip at kilos-loob, kaya kawangis siya
ng Diyos.
B. Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.
C. Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.
D. Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
________2. Alin sa sumusunod ang may kapangyarihang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay?
A. Dignidad C. Kalayaan
B. Isip D. Kilos-Loob

Para sa bilang 3-5, ang mga sagot ay makukuha sa talata na nasa ibaba.

Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at nauunawaang impormasyon na binibigay


ng isip. Pipiliin lamang nito ang isang bagay o kilos kung ito ay naunawaan ng isip bilang mabuti
para sa kaniya. Pinipili lamang nito ang mabuti at hindi naaakit sa masama.

________3. Alin sa sumusunod na pahayag ang ibig sabihin ng talata?


A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng
isip.
B. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
C. Kung mali ang impormasyong binigay ng isip, hindi pipili ng kilos ang kilos-loob.
D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob.
________4. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi ipinahahayag ng talatang binasa?
A. Hindi gugustuhin ng kilos-loob ang isang bagay o kilos na hindi alam o nauunawaan ng
isip.
B. Mahalaga ang pag-unawa ng isip sa kabutihan ng isang bagay o kilos upang piliin ito ng
kilos-loob.
C. Mahalagang maunawaan ng isip ang lahat ng bagay upang gabayan ang kilos-loob.
D. Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob
________5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapahayag ng mensahe ng talatang nabasa?
A. Kahit sobrang lakas na ng ulan at hanging dala ng bagyo, hindi pa rin inalis ni Efren
ang mga dahon sa lagusan ng tubig, kaya pinasok ng baha ang kanilang bahay.
B. Sinigurado ni Joseph kung tama ang impormasyon sa website para sa kanyang sagot sa
modyul bago niya isinama ang website sa kanyang sanggunian.
C. Hindi sinunod ni Arla ang payo ng kaibigan na uminom ng pampabawas ng timbang
bagkus, nag-ehersisyo siya at binawasan ang kanin sa kanyang diet.
D. Hindi sinagot ni Liza and text message ng taong hindi niya kilala.
________6. Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?
A. Batas panlipunan C. Mga turo sa simbahan
B. Likas na Batas Moral D. Mga aral ng magulan
.
________7. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa Konsensya?
A. Ito ang nagsasabi sa atin nang malinaw kung ano ang dapat nating gawin o hindi gawin.
B. Ito ay ang kilos ng isip na maghusga kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama.
C. Ito ay ang batayan ng kilos-loob sa paghuhusga ng mabuti o masama.
D. Ito ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
________8. Mayroong dalawang elemento ang konsensya: una, ang pagninilay upang maunawaan ang
mabuti at masama sa isang sitwasyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay
mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti. Ito ay nangangahulugang
ang pangunahing gamit ng konsensiya ay:
A. makinig sa pakiramdam na piliin ang mabuti.
B. pagnilayan ang kalalabasan ng pasiya o kilos.
C. tukuyin ang dapat gawin sa isang sitwasyon.
D. kilalanin ang mabuti at masama sa isang sitwasyon.
________9. Ano ang magandang epekto sa konsensya kung gagamitin nitong gabay ang Likas na Batas
Moral?
A. Matutukoy ng konsensiya ang mabuti o masama at magagabayan ang ating mga pasiya at
kilos.
B. Magkakaroon ng pamantayan ang ating konsensiya sa pagtukoy ng ating mga pangarap
C. Magiging handa tayo sa mga mahihirap na sitwasyon na darating sa ating buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali sa mahirap na sitwasyon.
________10. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa isang kamag-
aral. Hinikayat niyang kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-aralin. Sinasabi sa iyo ng
iyong konsensiya na dapat maging tapat ka sa mga gawain pang-akademiko sa paaralan. Ano
ang iyong dapat gawin?
A. Makikinig sa iyong konsensya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.
B. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo na lang siya sa
susunod na ikaw naman ang may ginawang takdang-aralin.
C. Susundin mo ang iyong konsensya at gagawa ka ng sariling takdangaralin upang magin
tapat ka sa paggawa ng takdang aralin.
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang ang
susunod na takdang-aralin
________11. Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
A. Kalayaang tumukoy C. Kalayaang gumusto
B. Panlabas na kalayaan D. Panloob na Kalayaan
________12. “Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
A. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
B. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
C. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
D. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako
________13. “Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
A. Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
B. Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
C. Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
D. Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.

Ang kalayaan ay maihahalintulad sa isang pana o palaso. Ang pana o palaso ay walang direksiyon
kung ito ay walang aasintahin o target. Ito ay walang patutunguhan o maaaring tamaan ang kahit sino lang.

________14. Anong konsepto ang mabubuo mula sa pahayag na ito?


A. Kung walang aasintahin o target na kabutihan, walang patutunguhan ang mga pinipiling
kilos natin.
B. Ang aasintahin o target ng tao ay maging malaya sa pagpili ng kaniyang kilos.
C. Ang kalayaan ay parang pana o palaso dahil malawak anghangganan nito.
D. Sayang ang pana kung wala itong target.
Nakita mo sa ibabaw ng mesa ng iyong guro ang isang papel. Ito pala ay susi sa pagwawasto
ng inyong pagsusulit para bukas. Marahil, nahulog ito mula sa bag ng iyong guro sa kaniyang
pagmamadali. Walang tao sa silid-aralan ninyo at walang nakakaalam na nakita mo ang papel.

________15. Kung maharap ka sa sitwasyong nasa kahon, anong kilos ang nagpapakita ng Kalayaan.
A. Itatago ko ito at ibibigay sa aming guro. Sasabihin ko sa kaniya na naiwan niya ito dahil
hindi dapat ito makita ng mga mag-aaral na tulad ko. Mas malaya ako kapag ginawa ko
ang kabutihan.
B. Imumungkahi ko sa aming guro na palitan niya ang mga tanong,sa pagsusulit.
C. Itatago ko ito at ibibigay sa aming guro. Sasabihin ko ito sa aking guro na naiwan niya ito
dahil hindi dapat ito makita ng mga mag-aaral na tulad ko. Mahalagang pag-ingatan ang
mga maselang gamit sa pagtuturo tulad ng susi sa pagwawasto.
D. Sasabihin ko ito sa aking guro na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito makita ng mga mag-
aaral na tulad ko.
________16. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at
isakatuparan ang napili?
A. Dignidad C. Kalayaan
B. Isip D. Kilos-Loob
________17. Nahuli ng gising si Julie sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang klase sa paaralan.
Napuyat siya sa kanonood sa telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising
nang maaga. Ano ang dapat gawin ni Julie?
A. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at hindi kasalanan ng
kaniyang ina kung siya ay napuyat.
B. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sa
paggising ng huli.
C. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang
paggising sa kaniya.
D. Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising nang maaga.
________18. “It’s better to cheat than to repeat!” Ito ang pinaniniwalaan ni Jason sa buhay niya. Ito ang
dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, gumagamit siya ng kodigo. Ayaw niyang umulit
ng taon sa kaniyang baitang at ayaw niyang mabigo sa kaniya ang kaniyang mga magulang.
Ano ang dapat niyang isipin?
A. Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo at paminsan-minsan lang dapat
ito ginagawa.
B. Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang kung makakatapos
siya ng pag-aaral.
C. Isipin niya na hindi siya lubos na matututo bagamat siya ay nakakapasa sa pagsusulit.
D. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
________19. Hindi nakapag-aral sa science si Pol dahil napuyat siya sa paggawa ng ibang takdang-aralin.
Nagkaroon sila ng biglaang pagsusulit sa klase. Nakita niya ang kaniyang mga kaklase na
nagkokopyahan. Inaalok siya na kumopya sa kanila. Ano ang dapat gawin ni Pol at bakit?
A. Hindi niya tatanggapin ang alok ng kaklase at sasagutan niya ang pagsusulit dahil mas
mabuting masukat ang kaniyang nalalaman nang hindi kumokopya sa iba.
B. Kokopya siya at sa susunod ay sila naman ang pakokopyahin niya,dahil dapat siyang
tumanaw ng utang na loob sa kaniyang mga kaklase.
C. Kokopya siya sa kaklase dahil mapapagalitan siya ng kaniyang guro kapag hindi siya
pumasa sa pagsusulit
D. Ipapasa niya ang kaniyang papel nang walang laman dahil hindi tama ang pagkopya.
________20. Sobra ang sukli sa iyo ng tindera ng bumili ka ng pagkain sa kantina ninyo. Naalala mo na may
babayaran ka sa iyong kaklase para sa inyong proyekto. Ano ang gagawin mo at bakit?
A. Isasauli ko ang sobrang sukli dahil magiging kawawa ang tinderang nagkamali dahil siya
ang magbabayad ng kulang.
B. Ibabayad ko sa kaklase ko ang sobrang sukli dahil mas makakatipid ako kaysa humingi
ng pera sa aking magulang.
C. Sasabihin ko sa kaibigan ko ang nangyari at paghahatian naming ang pera.
D. Hindi ko isasauli dahil hindi naman ako ang nagkamali.
II. TAMA O MALI. Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.

________21. Tungkulin ng bawat isa sa atin ang sanayin, linangin at gawing ganap ang ating isip at kilos-
loob.
________22. Sa lahat ng nilikhang may buhay, bukod-tangi ang hayop.
________23. Ang hayop ay walang pandamdam, pagkagusto at pagkilos o paggalaw.
________24. May kakayahan kakayahan ang halaman na mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
________25. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature
of man)
________26. Mabuti ang pag-iwas sa pag-inom ng alak dahil isang paraan ito ng pangangalaga sa kalusugan
ng utak.
________27. Sa ating pagsunod sa Likas na Batas Moral, gumagawa tayo ng masama at napauunlad natin
ang ating pagkatao.
________28. Nakapaloob sa politikal na kalayaan ang kalayaang pumili ng sasalihang samahang politikal,
bumoto, o pumili ng taong mamumuno.
________29. Ang batayan ng ating konsensiya sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng ating kilos ay
ang Likas na Batas Moral.
________30. Ang kalayaan ng tao ay walang kaakibat na tungkulin.

Para sa bilang 31-40. Ihambing ang mga larawan sa tatlong kahon. Isulat ang sagot sa bawat tanong gamit
ang tsart sa ibaba.

Inihanda ni:

GNG. APRIL JOY D. TAYAM

You might also like