You are on page 1of 6

Diocesan School’s of Urdaneta

ST. PHILOMENA’S ACADEMY

Pozorrubio,Pangasinan

IKALAWANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
(All Sections)

Pangalan: _______________________________________ Iskor: __________

Baiting at Pangkat: ________________
I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
numero.

_____1. Aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapwa dahil sa galit bilang reaksyon sa panloloko
sa kaniya.
A. walang kusang-loob B. kusang-loob C. di kusang-loob D. may kusang-loob
_____2. May narinig ka mula sa umpukan habang ikaw ay naglalakad. Nahihikayat at naengganyo ka sa usapan
tungkol sa kamag-aral mong nahuling humihithit ng marijuana. Lumapit ka sa umpukan, tuluyang
nakihalubilo sa kanila, at nagbigay pa ng iyong reaksyon sa usapan. Aling kilos ang pinakita mo?
A. walang kusang-loob B. kusang-loob C. di kusang-loob D. may kusang-loob
_____3. Kung ang iyong mga magulang ay nagdesisyong maghiwalay nan ang tuluyan, alin sa mga sumusunod
ang nagpapakita ng tamang pagpapasiya at pagkilos?
A. Kasuklaman ang iyong mga magulang.
B. Isaisip na may sarili kang buhay at kaya mong baguhin ito sa pamamagitan ng pagtanggap sa
katotohanan.
C. Makibarkada sa mga taong may bisyo upang makalimutan ang problema.
D. Magtanim ng galit sa mga magulang.
_____4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagpapasiya?
A. Nagmula ka sa isang mahirap na pamilya ngunit nagsumikap kang umasenso at baguhin ang
estado ng inyong pamumuhay.
B. Naghiwalay ang iyong mga magulang at wala kang magawa.
C. Gusto mong makatapos ng pag-aaral ngunit kinakailangan mong bantayan at alagaan ang
iyong kapatid na nakaratay dahil sa mabigat na karamdaman.
D. Nagaway kayo ng mga kaibigan mo at di mo sila pinansin.
_____5. Alin sa mga sumusunod ang higit na nakakatulong sa tamang pagpapasiya?
A. Pagkilala sa nararamdaman
B. Deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa
C. Interes sa pangyayari
D. Kagustuhan sa isang bagay
_____6. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugan ng paghubog ng tamang pagpapasiya?
A. Ginagamit ang emosyon sa pagpapasiya.
B. Ginagamit ang Kalayaan nang may kaakibat na pananagutan.
C. Ginagamit ang kaisipan batay sa personal na paniniwala.
D. Ginagamit ang utak sa pagpapasya
_____7. Paano isinasagawa ang tamang kilos?
A. Malinaw na pag-alam ng tao sa tunay na layunin ng aksyon bago niya ito isagawa.
B. Pag-amin sa maling kilos
C. Paggamit ng Kalayaan ayon sa ninanais na kahihinatnan ng aksyon.
D. Hindi pag-amin sa maling kilos
_____8. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pag-iwas sa bisyo?
A. Pag-alam sa ma perwisyo ng pag-inom at paglalasing
B. Pagpipigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
C. Pagkakaroon ng kaalaman sa mga masasamang epekto ng paninigarilyo.
D. Pagkakaroon ng maayos na trabaho.
_____9. Paano magiging maganda at maayos ang buhay ng tao bunga ng kaniyang pagkilos?
A. Kung sinusunod niya ang sariling paniniwala at pananaw sa buhay
B. Kung isinasaalang-alang at ipinahahayag niya ang kaniyang mga nararamdaman
C. Kung sinusunod niya ang tamang prinsipyo at pamantayan ng moral na pagkilos
D. Kung isinasaalang-alang at hinahayaan ang kaniyang mga nararamdaman.
_____10. Alin ang maaring magpakita ng paglaban sa mga impluwensiya ng kapaligiran para makaiwas sa
maling pagkilos?
A. Kilalanin ang batayan sa paggawa ng tama o mali.
B. Manood ng mga palabas sa telebisyon na nagbibigay kaligayahan.
C. Gumamit ng internet para sa madaling komunikasyon.
D. Pagpigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot
_____11. Kailan masasabi na hindi masama ang pagkilos ng isang tao?
A. Kung ipinahihiwatig niya palagi ang matinding emosyon na nakasasakit sa iba
B. Kung may inggit siya sa kapwa na naging dahilan ng kaniyang sariling pagtatagumpay
C. Kung siya ay may kapangyarihan ngunit may konsiderasyon siya sa kabutihan ng nakararami
D. Kung ipinahihiwatig niya ang matitinding konsierasyon sa masamang bagay
_____12. Alin sa mga sumusunod na salik ang maaring magtulak sa tao tungo sa tamang pagkilos?
A. Kasakiman sa kayamanan at kalasingan sa kapangyarihan
B. Inggit na dulot ng kakulangan sa mga bagay na pag-aari at pandaraya upang makuha ang
mga bagay na kinaiingitan at inaasam.
C. Pagkabahala sa mga nakikitang mali na ginagwa ng kapwa.
D. Kakulangan sa maayos na trabaho at pamumuhay.
_____13. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na halimbawa ng dahas na nakaaapekto sa wastong
pagpapasiya at pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya?
A. Pagpapahirap o torture
B. Pagmamalupit o maltreatment
C. Pagsasabi ng mga biro o jokes
D. Paggawa ng di tamas a kapwa
_____14. Ano ang pagkakaiba ng makataong kilos sa kilos ng tao?
A. Ang makataong kilos na isinasagawa nang may kaalaman, Kalayaan, at kusa, samantalang
ang kilos ng tao ay kilos na likas sa tao kung kaya’t hindi na ginagamitan ng isip at kilos-loob.
B. Ang makataong kilos ay kilos na isinasagawa ng tao para sa kaniyang kapwa, samantalang
ang kilos ng tao ay kilos na isinasagawa ng tao para sa kaniyang sarili lamang.
C. Ang makataong kilos ay hindi naiiba sa kilos ng tao
D. Ang makataong kilos ay naiiba sa kilos ng tao.
_____15. Maliban sa sariling dangal, alin sa mga sumusunod ang mga element na nararapat na isaalang-alang
upang mas mapalalim ang paggawa ng kilos na may kusa?
A. kapwa
B. damdamin
C. kilos
D. kapwa at damdamin
_____16. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Ano man ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling Gawain.
C. Hindi, dahil walang oblisgasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil nakadepende sa mga tao na nakakasalamuha
_____17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng makataong pagkilos?
A. May katapatan sa pag-iisip at gawa at paninindigan sa katotohanan.
B. Maaring gumawa ng kamalian sapagkat maari naming mapawalang sala kung hindi
sinasadya ang krimen.
C. Isinasaalang-alang ang sariling Kalayaan sa makataong pagkilos.
_____18. Malaki ang naging pagsisisi ni Mariel nang napagtanto niyang nasa kulungan na pala siya sapagkat
napasama siya sa isang raid nang nasa impluwensiya siya ng droga. Ano ang implikasyon ng
kaniyang pagsisisi?
A. Hindi niya pinag-isipang mabuti ang kahihinatnan ng kaniyang kilos.
B. Nakatuon siya sa kaniyang layuning maging masaya sa piling ng kaniyang mga barkada.
C. Ang paggamit ng droga ang kaniyang naging paraan upang makaiwas sa masalimuot na
buhay.
D. Ang paggamit ng droga ay may magandang epekto sa kanyang katawan at kanyang
pamumuhay.
_____19. Nagmula si Divine sa isang broken family. Paano niya isasabuhay ang pagsasaalang-alang sa mga
salik na nakaaapekto sa makataong pagkilos sa kaniyang sitwasyon?
A. Hindi na lamang siya mag-aasawa para hindi maranasan ng kaniyang magiging anak ang
pagkakaroon ng broken family.
B. Pipiliin niyang makipagrelasyon ngunit hindi siya makikipag-komit upang Madali lang
siyang makakalas sa kaniyang kasintahan kung kinakailangan.
C. Susuriin niyang mabuti ang magiging karelayson niya at saka lang siya magpapakasal sa
panahong hand ana siya.
D. Pipili nalang siya ng makakarelasyon niya basta basta sa mga nakakasama niya.
_____20. Nais mong maging isa sa mga opisyal sa inyong barangay ngunit hindi maganda ang imahe mo sa
inyong mga kabarangay dahil sa negatibong family background mo. Ano ang nararapat mong gawin
upang baguhin ito?
A. Lumipat sa ibang barangay kung saan hindi ka kilala at doon magsimula ng bagong buhay.
B. Itakwil ang sariling pamilya
C. Sikaping makiisa sa ano mang palatuntunan o programa ng inyong barangay upang makita at
matuklasan ng inyong mga kabarangay ang iyong pagkakaiba sa mga tiwaling kasapi ng
iyong pamilya.
D. Pabayaan na lamang ang mga ibang tao at mamuhay ng payapa.
_____ 21. Ito ay tumutukoy sa mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
A. kilos ng tao B. makataong kilos C. malayang kilos D. kilos ng loob
_____ 22. Ito ay tumutukoy sa mga kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
A. kilos ng tao B.makataong kilos C. malayang kilos D. kilos ng loob
_____ 23. Ito ay ito ay uri ng kilos ayon sa kapanagutan na kung saan ang kilos na may kaalaman at pag sang-
ayon.
A. di kusang-loob B.kusang-loob C. walang kusang-loob D. utang na loob
_____24. Ito ang uri ng kilos ayos sa kapanagutan na kung saan dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang
ang pag sang-ayon.
A. di kusang-loob B.kusang-loob C. walang kusang-loob D. utang na loob
_____25. Ito ay uri ng kilos ayon sa kapanagutan na kung saan dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos.
A. di kusang-loob B.kusang-loob C. walang kusang-loob D. utang na loob
_____26. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
A. kahinaan B. kamangmangan C.katalinuhan D. kaduwagan
_____27. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit
B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag- D. Ang pag-ilag ni MannyPacquiao sa suntok
oopera
_____28. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
A. Ang pagkilos ay nagpapakita ng kaalamn tingkol sa gawain at pagsang-ayon
B. Ang kilos ay hindi isinasagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
C. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa nito
D. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
_____29. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. di kusang-loob B.kusang-loob C. walang kusang-loob D. utang na loob
_____30. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil
katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ng kilos ayon
sa kapanagutan
A. di kusang-loob B.kusang-loob C. walang kusang-loob D. utang na loob
II. TAMA O MALI
Panuto: Basahin ng Mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang Tama kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng wastong ideya at Mali kung hindi. (2 puntos)
______1. Ang kinagawian ay tumutukoy sa ano mang pisikal na puwersa na ginagamit ng isang tao upang
pilitin at takutin ang isa pang tao na kumilos laban sa kaniyang kalooban.
______2. Ang kilos na ginagawa nang may pangamba ay kilos na mayroon buong kaalaman at Kalayaan, isang
ginustong gawa.
______3. Ang torture at maltreatment ay mga halimbawa ng kamangmangan.
______4. Ang masidhing damdamin ay maituturing na hindi Mabuti at hindi rin masama.
______5. Ang kilos na isinagawa bunga ng hindi maiwasang kamangmangan ay hindi kusa.
______6. Ang kilos na ginawa nang may pangamba ay kusa at mula sa kalooban.
______7. Sa bawat kilos na ating isinasagawa, kailangang isapuso ang kabutihan ng kapwa.
______8. Hindi kinakailangang pairalin ang takot o hiya, bagkus patatagin ang loob upang maisagawa ang
bagay na alam mong tama at nabubuti sa kapwa.
______9. Kunng ang mga bagay na gusto natin ay hindi natin nakukuha, kailanagan daanin sa dahas upang
makamatan ang mga ito.
______10. Ang pagsunod sa emosyon o passion ay tanda ng mapanagutang pagpapasiya.
______11. Binigyan ni Letty ng pagkain ang kamag-aral niyang walang baon dahil binabalak niyang
magpagawa dito ng poster ng kanilang grupo para sa kanilang proyekto.
______12. Gustong-gusto ni Kenrick na mag-alaga ng pus kung kaya’t kahit na may allergy ang kaniyang
nakababatang kapatid sa balahibo ng kaniyang alaga ay ipinapasok parin niy ito sa loob ng kanilang
bahay.
______13. Inalok ni Joyce ang kaniyang kapitbahay na si Jane na magpart-time job sa kaniyang coffee shop
bilang cashier nang mabalitaan niyag wala itong perang pangmatrikula sa kolehiyong pinapasukan
nito.
______14. Kahit alam n ani Von na ampon lamang ang nakababata niyang kapatid na si Zade, hindi nagbago
ang pagmamahal niya rito at itinuturing niya pa rin itong parang tunay na kapatid.
______15. Hindi napabilang si Ana sa honor roll noong siya ay nagtapos ng high school kung kaya’t
ipinangako niya sa sarili na mas pagbubutihin niya ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.

III. Enumeration

1-3. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan

1.
2.
3.

4-7. Mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya

4.
5.
6.
7.

8-9. Mga elemento na nararapat isaalang-alang sa pag-unlad ng makataong kilos

8.
9.
10
IV. ESSAY. Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat isa.

1. Paano masasabing may pagkukusa ang isang makataong kilos at may pananagutan sa kawastuhn o kamalian
nito ang taong nagsasagawa ng kilos?
__________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang mga kilos at
pasiya? Paano nakaaapekto ang mga ito sa pananagutan ng tao?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang deliberasyon ng isip at kilos-loob sa bawat yugto ng makataong kilos?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

4. Paano nagsisilbing batayan ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon ang
layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

5. Paano nagsisilbing gabay sa pagpili ng moral n psiya at kilos sa gitna ng mga isyung moral at impluwensiya
ng kapaligiran ang konsepto ng moralidad ng kilos?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
V. REFLECTION. Basahin ang katanungan. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Paano mapatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali sa
pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos?

__________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

Prepared by: Checked by:

ANGELICA B. NACIS RICA JANE C. MONTEFALCO

Subject Teacher JHS Coordinator

Counterchecked by

ARMANDO C. ESPIRITU
Asst. Principal

Certified Correct/Approved

MAYFLOR O. CAYETANO, EdD

Principal

You might also like