You are on page 1of 9

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon.

Piliin at isulat ang titik ng tamang


sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi katangian ng tamang paggamit ng isip at kilos-
loob?
A. pagtulong sa kapuwa ng walang hinihintay na kapalit
B. pagkakalat ng mga maling impormasyon sa social media
C. pagbabasa ng mga babasahing may kaugnayan sa pag-alam ng katotohanan
D. pagsunod sa ipinapatupad na ordinansa ng barangay upang maiwasan ang
pagkalat ng sakit.
2. Bago magbahagi ng kaalaman si Jenn sa kaniyang mga kamag-aaral ay tinitiyak muna
niyang tama at makabuluhan ito. Ang sitwasyon ay nagsasaad ng _______ng isip.
A. gamit
B. tunguhin
C. katangian
D. layunin
3. Ito ay isa sa mga kakayahang kaloob ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na gamit
upang makaalam ng mga bagay na totoo.
A. isip
B. puso
C. kilos-loob
D. pagpapasya
4. Ito ay pagpili sa isang bagay na ang patutunguhan ay para sa kabutihang panlahat.
A. kaalaman
B. pagmamahal
C. isip
D. kilos-loob
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong isip at
kilos-loob?
A. Abutan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan.
B. Maging matulungin sa iyong kapwa sa lahat ng panahon.
C. Suriin ang mga artikulong binabasa at gawin ang makabubuti.
D. Palaging makinig sa mga balita mula sa iyong mga kaibigan.

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi sukatan ng tunay na talino?


A. pakikipagkompetensiya sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan
B. paggamit ng tao sa kaniyang talino upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao
C. paggawa ng programa na makatutulong sa mga kabataang tumigil na sa pag-aaral
D. pagbabahagi sa pamayanan ng mga plano at programa upang makatulong sa
pag-unlad
7. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggamit ng isip sa pagpapasya?
A. Pinili ni Rhea na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng hirap ng buhay na
pinagdadaanan nila.
B. Agad naniwala si Joyce sa nabasa niyang mensahe sa social media tungkol sa
lumalaganap na sakit.
C. Si Melvin ay sampung taong gulang pa lamang ngunit lumalabas na ng bahay
kahit ipinagbabawal ng barangay dahil sa lumalaganap na sakit.
D. Minabuti na lamang ni Josep na huminto ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay ng
kaniyang pamilya at magtrabaho na lamang kasama ang ibang kaibigan.
8. Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa kumakalat na sakit, minabuti ni Aling Nina
na pansamantalang itigil ang kanilang negosyong pagtitinda sa palengke. Ang sitwasyon
ay nagsasaad ng ______ ng isip.
A. gamit
B. layunin
C. katangian
D. tunguhin
9. Bakit mahalaga na pag-isipang mabuti ang gagawing pagpapasya bago mo ito gawin?
A. dahil ito ang magiging pundasyon mo bilang isa tao
B. dahil ito ang makatutulong upang maging mahusay sa iyong napili
C. dahil ito ang magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng tiwala sa sarili
D. dahil ito ay makatutulong upang hindi magkamali sa gagawing pagpapasya
10. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting hangarin sa kapuwa bilang tanda ng may
mabuting asal?
A. dahil ito ang magiging daan upang ikaw ay makilala
B. dahil makatutulong ito para maging basehan na ikaw ay mabuting tao
C. dahil ito ang magiging pamantayan mo sa buhay kung sila ba ay tutulong sa iyo
kapag ikaw ay nangailangan
D. dahil ang pagkakaroon ng mabuting hangarin sa kapuwa ay nakatutulong upang
magkaroon ng magandang ugnayan
11. Bakit mahalaga na mapanatili ang pagtutulungan o bayanihan sa oras ng
pangangailangan katulad ng sakuna o kalamidad?
A. upang ipakilala sa ibang lahi na ganito ang ugali ng mga Pilipino
B. upang maipakita na walang pagkakaisa at pagtutulungan sa oras ng kagipitan
C. upang magkaroon ng utang na loob sa mga taong tumutulong sa oras ng
pangangailangan
D. upang maipagpatuloy natin ang magandang pag-uugali ng mga Pilipino at

SDO

maipagmalaki ang ating kultura

Batangas

9 | Assessment Coursework EsP G7


12. Sa iyong palagay, ang pagbuo ba ng pamilya sa murang edad ay tamang desisyon
bilang isang kabataan?
A. Tama ito dahil mahalaga ang pagkakaroon ng katuwang sa buhay.
B. Tama ito dahil dito mo mararamdaman ang pagmamahal at kalinga.
C. Mali ito dahil mahihirapan silang palakihing mabuti ang magiging bunga ng
kanilang pagsasama
D. Mali ito dahil ito ay may kaakibat na mga responsibilidad na dapat ay handa ang
bawat isa bago bumuo ng sariling pamilya.
13. Ang iyong nakababatang kapatid ay nahihirapan sa pagsagot ng gawaing pampaaralan.
Ano ang dapat mong gawin upang siya ay makatapos sa kaniyang gawain?
A. Huwag pansinin ang kapatid.
B. Hayaan ang kapatid na mahirapan sa pagsagot.
C. Ituro sa kaniya ang tamang sagot para hindi na siya mahirapan.
D. Gabayan siya sa pagsasagot at tulungan kung saan siya nahihirapan.
14. Nabasa mo sa social media ang mga panuntunan ng inyong barangay upang mapigilan
ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit. Ano ang dapat mong gawin upang
makatulong sa inyong barangay?
A. Ipagkalat sa iba na ito ay hindi totoo.
B. Hayaan na lamang kumalat ang virus sa barangay.
C. Ipagsawalang-bahala ang nabasang mensahe ng pamunuan ng barangay.
D. Ipaalam sa magulang ang mensaheng nabasa at sumunod sa ipinag-uutos ng

barangay.
15. May bakanteng lote sa inyong bakuran na hindi napakikinabangan. Ano ang tamang
gawin upang maging kapaki-pakinabang ito?
A. Tambakan ng mga basura ang lote.
B. Gawin itong tambayan ng mga kaibigan.
D. Ipagbili ito para mapakinabangan ng iba.
C. Taniman ng mga gulay upang may makain.
16. Nagmamadali kang umuwi sa inyong tahanan dahil may sinusubaybayan kang palabas
sa telebisyon nang biglang may nakasabay kang isang matandang babae na
nahihirapang maglakad dahil sa kaniyang karamdaman. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magmadali sa paglalakad.
B. Tulungan ang matanda sa paglalakad.
C. Huwag pansinin ang matanda sa paglalakad.
D.Tumawag ng ibang tutulong sa matanda sa paglalakad.
17. Pinagsikapan ni Leo na makatapos ng pag-aaral dahil maaga silang nawalan ng mga
magulang na susuporta sa pag-aaral nila. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral
nakaayon ang kilos ni Leo?
A. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.

SDO

D. May likas na kahiligan ang tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.

Batangas

10 | Assessment Coursework EsP G7


18. Ilang araw nang nakararamdam ng pagsakit ng tiyan si Joseph kaya siya ay kumunsulta
na sa malapit na health center ng barangay. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral
nakaayon ang kilos niya?
A. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.
19. Pinigilan ni Teloy ang sarili na kunin ang perang naiwan sa mesa kahit na kailangan niya
ito para ipambili ng gamot ng kaniyang tatay na may sakit. Sa aling prinsipyo ng Likas na
Batas Moral nakaayon ang kilos niya?
A. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.
20. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang pagpapasya na naaayon sa Likas na
Batas Moral?
A. Tinutulungan ni Jenny ang kaniyang mga magulang sa pagtitinda sa palengke.
B. Kinuha ni Joshua ang perang nakita niya sa mesa at ibinili niya ito ng pagkain.
C. Bumibili si Leo ng mga bagay na hindi gasinong kailangan upang maging masaya
sa buhay.
D. Sinamantala ng mga kabataan ang pagkakataon na walang nakabantay sa labas
ng bahay upang maglaro ng basketball kahit may banta ng nakahahawang
sakit.
21. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan?
A. Malaya kong nagagawa ang tama para sa ikabubuti ng lahat.
B. Malaya akong hindi sumunod sa ipag-uutos sa akin ng aking magulang.
C. Malaya akong nakakapag-post sa social media ng kahit anong maisip ko.
D. Malaya akong nakapaglalaro sa labas kahit ipinagbabawal ng barangay na

lumabas.

22. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan


maliban sa:
A. Sinabi ni Melvin sa guro nila ang ginawang pandaraya sa pagsusulit ng kaniyang
matalik na kaibigan. Sinabi niya ito kahit alam niya na magagalit ang kaibigan niya
sa kaniya.
B. Nasaktan ni Merry ang kaniyang matalik na kaibigan dahil sa kaniyang
pagsisinungaling. Dahil ditto, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang
itama ang pagkakamaling nagawa niya.
C. Inilaan ni Joseph ang mahabang panahon sa pag-aaral upang mapalawak ang
kaniyang kaalaman sa pagtuturo. Alam niyang malaking bagay ito upang
matulungan niya ang mga kabataang umaasa sa kaniya.
D. Nakita ni Jenny ang panlolokong ginagawa ng kaniyang kapatid sa kaniyang
magulang. Ang alam ng kaniyang magulang ay pumapasok ito sa paaralan ngunit

SDO

sa halip ay kasama niya ang kaniyang barkada upang maglaro ng basketball sa

Batangas

11 | Assessment Coursework EsP G7


kabilang barangay. Dahil alam niyang labis na magagalit ang kaniyang magulang
ay hindi sinabi ni Jenny ang ginagawa ng kaniyang kapatid.
23. Ang sumusunod na mga halimbawa ay nagpapakita ng pagkakaroon ng kalayaan
maliban sa:
A. ang pumili ng paaralan na papasukan
B. ang piliin ang tama para sa kabutihan ng lahat
C. ang tumulong sa kapuwa sa abot ng kaniyang makakaya
D. ang pumili sa magiging resulta ng kaniyang ginawang maling kilos
24. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ang pahayag ay _____
A. tama, dahil ang tao ay nilikha na may likas na kabutihan.
B. mali, dahil ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghusga ng tao.
C. mali, dahil ang kalayaan ay magkakaroon lamang ng kabuluhan kung malayang
magagawa ng tao ang mabuti at masama.
D. tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naayon sa kabutihan.
25. Nakilahok ang mga kabataan sa isang rally laban sa pamunuan ng barangay. Nangyari
ito dahil hindi umano makatao ang pagtrato ng tauhan ng barangay sa kanila. Dahil dito,
hinuli ang mga kabataang sangkot sa nangyari. Sa sitwasyong ito, nawala ang
kanilang________________.
A. panlabas na kalayaan
B. karapatang pangtao
C. panloob na kalayaan
D. dignidad ng tao
26. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng responsableng paggamit ng kalayaan
ng mga kabataan?
A. palaging paglalaro ng online games
B. pagrebelde sa mga magulang dahil hindi naibigay ang gusto
C. pag-ubos ng pagkain sa mesa kahit may hindi pa kumakain sa pamilya
D. pag-una sa mga gawaing bahay bago maglaro sa labas kasama ang barkada
27. Bago gumawa ng isang pagpapasya si Joseph ay nananalangin muna siya upang
gabayan ng Poong Maykapal ang desisyong gagawin. Anong hakbang sa
pagpapaunlad ng kalayaan ang ginagawa ni Joseph?
A. pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya
B. pagsasabuhay ng moral na panuntunan
C. paghingi ng gabay sa Diyos sa panalangin
D. pag-iisip sa sitwasyon bago magbitiw ng pasya
28. Niyaya ka ni Clara na maligo sa tabing dagat sa oras ng klase. Ano ang gagawin mo
bilang isang kaibigan niya?
A. Sasama ako sa kanya para maligo.
B. Magpapaalam muna ako sa magulang bago sumama.
C. Sasama ako at magyaya ng iba pang kaklase para masaya.

SDO
D. Pagsasabihan ko si Clara na huwag maligo sa dagat dahil oras pa ng klase.

Batangas

12 | Assessment Coursework EsP G7


II. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T sa iyong sagutang papel

kung ito ay tama at M naman kung mali.

29. Bago maglaro si Joseph sa labas ng kanilang tahanan kasama ang kaniyang mga
kaibigan ay sinisikap muna niyang tapusin ang mga gawaing pampaaralan.
30. Tumatakas si Ken sa mga gawaing bahay para siya ay makapaglaro.
31. Nag-aral nang mabuti si Joseph para makakuha siya ng mataas na parangal sa kanilang
paaralan.
32. Masayang naglalaro ng volleyball si Apple kasama ang kaniyang mga kaibigan nang
biglang dumating si Alice at inagaw ang bola ng walang dahilan.

33. Pinili ni Jean na kunin ang pagkain sa lamesa kahit alam niya na mayroong nagmamay-
ari nito.

34. Mas pinili ni Juvy na tumulong sa iba ng walang hinihintay na kapalit.


35. Dahil sa panganib na dala ng COVID-19 ay mas pinili ni Janella na mag-aral na lamang
sa halip na lumabas ng tahanan.
36. Dahil matalik na kaibigan ni Jenn si Ayessa ay minabuti niyang pagtakpan ang kaniyang
pagkakamali.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot

sa iyong sagutang papel.

1. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng tamang paggalang sa dignidad ng tao


maliban sa ___.
A. maling pakikitungo sa kapuwa tao
B. paggalang ang sariling buhay at kapuwa
C. pagsasaalang-alang ng kapakanan ng kapuwa bago kumilos
D. pakikitungo ng kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo

2. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


A. Piliin ang taong pakikisamahan.
B. Pahalagahan ang mga taong may malaking naitulong sa iyong tagumpay.
C. Ipakita sa social media ang mga larawan na ikaw ay tumutulong sa kapuwa.
D. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapuwa at sa pakikitungo sa mga ito.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa


dignidad ng kapuwa?
A. Mahalin mo ang tao nang walang pag-aalinlangan.
B. Pahalagahan mo ang tao nang batay sa pinag-aralan.
C. Mahalin mo ang kapuwa gaya ng pagmamahal mo sa sarili.
D. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapuwa habang may pagkakataon.
4. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Tama ba o mali ito?
A. Tama, dahil ang Diyos ay walang kinikilingan.
B. Mali, dahil lahat tayo ay nilikha ng Diyos na magkakaiba ang ugali.
C. Mali, dahil nakasalalay ito sa dami ng nagawa mong kabutihan sa kapuwa.
D. Tama, dahil nilikha niya ang tao na magkakaiba ang pag-unawa sa tama at mali.
PAGSUSULIT

SDO Batangas

8 | Assessment Coursework EsP G7


5. Hindi ipinagkakalat ni Lea ang mga negatibong sinasabi ng kaniyang kaibigan sapagkat
alam niya na hindi ito makatutulong sa ugnayan ng bawat isa. Anong obligasyon sa kapuwa
ang isinaalang-alang ni Lea?
A. pagpapahalaga sa ugnayan
B. paggalang sa sariling buhay at ng kapuwa
C. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa bago kumilos
D.pakikitungo sa kapuwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo

6. Ayaw ni Jorge na sundin ang buyo ng kaibigan na hamunin ng away ang bagong
kapitbahay. Anong obligasyon sa kapuwa ang ipinakikita ni Jorge?
A. pagpapahalaga sa ugnayan
B. paggalang sa sariling buhay at ng kapuwa
C. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa bago kumilos
D.pakikitungo sa kapuwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo

7. Nakita mo na may bago kayong kamag-aral na nagmula sa ibang tribo. Nagpakilala siya
sa harap ng klase at siya ay pinagtawanan ng iyong kamag-aral. Anong obligasyon sa
kapuwa ang dapat mong ipakita?
A. pagpapahalaga sa ugnayan
B. paggalang sa sariling buhay at ng kapuwa
C. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa bago kumilos
D.pakikitungo sa kapuwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
8. Pinag-iisipang mabuti ni Joel ang kaniyang gagawing pagpapasya nang sa ganoon ay hindi
siya magsisi sa bandang huli. Alin sa sumusunod ang kaniyang isinasabuhay?
A. pagsunod sa dikta ng kanyang isipan
B. pagsasabuhay ng mga natutuhan sa paaralan
C. pagtitiwala na hindi magkakamali sa bawat desisyon na gagawin
D. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

9. May bisita ka sa inyong bahay. Hiniram mo ang cellphone ng tatay mo para iyong
magamit sa pagkuha ng iyong larawan at sa hindi inaasahang pangyayari ay nabitiwan
mo ito at nabasag. Ano ang gagawin mo?
A. Isisi sa iyong bisita ang nangyari.
B. Ipagsawalang bahala ang nangyari.
C. Sabihin sa tatay ang totoong nangyari at humiingi ng tawad.
D. Sabihing inagaw ng kaibigan mo ang cellphone kaya nahulog.

10. Umalis sandali ang iyong guro kaya nag-iwan siya ng gawain sa EsP. Bilang mag-aaral,
ano ang nararapat mong gawin?
A. Mag-iingay ako sa klase.
B. Gagawin ko ang ipinapagawa ng guro.
C. Ipagsasawalang bahala ko ang gawaing iniwan ng aking guro.
D. Isasama ko ang aking kaibigan sa labas para bumili ng pagkain.

11. Kasama mo ang iyong kaibigan at niyaya ka nito na huwag nang pumasok sa sunod na
klase para maglaro sa labas ng paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Pag-iisipan ko kung sasama ako sa aking kaibigan.
B. Sasama ako dahil kaibigan ko ang nagyaya sa akin.
C. Sasama ako dahil baka magalit sa akin ang kaibigan ko kapag hindi ako sumama.
D. Ipapaliwanag ko sa kaibigan ko na hindi ako sasama dahil hindi maganda ang
pagliban sa klase.

12. Sobra ang sukli na iyong natanggap sa pagbili mo ng gulay sa palengke. Ano ang
gagawin mo?
A. Ibibili ko ito ng tinapay dahil nagugutom ako.
B. Ibibilii ko ito ng bagong laruan para sa kapatid ko.
C. Itatago ko ito dahil wala namang nakakita sa nangyari.
D. Ibabalik ko ang sobrang sukli sa tindera ng gulay sa palengke.

13. Oras na para pakainin mo ang mga alagang hayop sa inyong bakuran. Ngunit mas inuna
mo pa ang paglalaro ng online games. Nagalit ang nanay mo dahil walang nagpakain
ng hayop sa bakuran. Ano ang gagawin mo?
A.Ipagsawalang bahala ang nangyari.
B. Umalis sandali at hintaying mawala ang galit ng nanay.
C. Sabihin ang totoong nangyari at humingi ng tawad sa nanay.
D. Pagalitan ang kapatid dahil hindi ka sinabihan na oras na para magpakain ng mga
alagang hayop.

SDO Batangas

10 | Assessment Coursework EsP G7


14. May ipinapagawang takdang-aralin sa inyo ang inyong guro. Hindi mo ito nagawa dahil
nanood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan na lamang na walang sagot ang takdang-aralin.
B. Pumasok nang maaga sa paaralan upang mangopya ng sagot sa kaklase .
C. Magkunwaring nagkasakit kaya hindi nasagutan ang takdang aralin na
ipinapagawa ng guro.
D. Ipaliwanag sa guro ang totoong dahilan para mabigyan ng ikalawang pagkakataon
na makagawa.

15. Maibibigay mo ang halaga ng dignidad ng kapuwa mo sa pamamagitan ng ________.


A. pagkakait ng pag-unawa
B. pagkalinga sa gusto mo lamang
C. pagpapahalaga at paggalang
D. pagkilala at pagtulong sa malalapit sa iyo
16. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?
A. ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang
B. ang kakayahang mag-isip at pagiging malaya
C. ang katapatan sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapuwa
D. ang paglalaan ng panahon upang iparamdam sa kapuwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga

17. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapwa habang nabubuhay?


A. upang makilala sa lipunang ginagalawan
B. upang maging mabuting halimbawa sa kapuwa
C. dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay
D. dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at sa kapuwa
18. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng moral na pamumuhay?
A. pagtuturo ng kagandahang asal sa anak
B. pagbibigay ng tulong na may hinihintay na kapalit
C. pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng maraming tao

SDO Batangas D. pagbabahagi sa social media ng larawan habang tumutulong sa kapwa

11 | Assessment Coursework EsP G7


19. Alin sa sumusunod na pagmamahal ng anak sa magulang ang dapat mong ipakita?
A. hindi pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
C. pagmamahal na nakabase sa materyal na bagay na ibinibigay sa iyo
D. pagpapakita ng pagmamahal sa magulang kapag may bisita lamang

20. “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.” Ano ang kaisipang nakapaloob sa
pahayag?
A. Huwag kang magpapalamang sa iyong kapuwa.
B. Maging maingat sa pagpili ng kaibigan pakikisamahan.
C. Ipakita sa kapuwa ang tama at suklian ng kabutihan ang masamang gawi.
D. Laging maging handa sa mga problema na gagawin sa iyo ng iyong kapuwa.
21. Ang lalawigan nina Mandy ay nakaranas ng malakas na lindol. Maraming bahay at mga
gusali ang nasira. Bilang isang kabataan, ano ang dapat mong gawin upang matulungan
ang mga nangangailangan sa lugar na ito?
A. Ipagsawalang bahala ang pangyayari.
B. Gamitin ang sakuna na naranasan ng lalawigan upang makapanglamang sa ibang
tao.
C. Mag-ipok ng pagkain at salapi upang hindi matulad sa nararanasan ng mga tao sa
lugar na ito.
D. Gumawa ng programa na makahihikayat ng maraming tao na tumulong sa mga
apektado ng mga sakuna.
22. Maraming mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ang iba sa
kanila ay hindi na sapat ang pagkain para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alin sa
sumusunod ang tunay na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa?
A. Ipagsawalang bahala ang nararanasan nilang hirap.
B. Ibigay sa mga kababayan ang mga pagkain malapit nang masira.
C. Magkusang loob na tulungan ang mga kababayan sa abot ng makakaya.
D. Hayaan na gumawa ng paraan ang mga mamamayan upang makakain sila sa
araw-araw.

23. Kapos sa buhay ang pamilya ni Jennifer dahil sa hirap ng buhay ay sumama siya sa

kaibigan niya upang magbenta ng ipinagbabawal na gamot upang matustusan ang pang-
araw-araw na gastusin sa bahay. Ano kaya ang kahihinatnan ng pagsama niya sa kaibigan

niya?
A. Mas darami ang kaibigan ni Jennifer.
B. Mananatiling matatag ang pamilya ni Jennifer.
C. Maitataguyod niya ang pamilya kahit hindi tama ang kanyang ginagawa.
D. Mas magiging mahirap ang buhay ni Jennifer dahil masama ang kanyang ginagawa.

24. Alin sa sumusunod ang hindi tamang pagpapakita ng paggalang at pagmamalasakit sa


kapuwa?
A. pagrespeto sa kanilang katayuan sa buhay
B. pagbibigay ng tulong na may hinihintay na kapalit
C. pagbibigay ng relief goods para sa mga kapos-palad
D. pagbabahagi ng kaalaman sa kapuwa na siyang gagamitin upang mapaunlad ang
kanilang pamumuhay

25. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI tamang obligasyon ng tao sa kaniyang
kapuwa?
A. Mahalin ang tao bilang tao.
B. Tingnan ang tao sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kaniya.
C. Gumawa ng mga bagay na ikasisira ng kapuwa para ikaw ay umangat.
D. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapuwa habang may pagkakataon.
26. Kung ikaw ay pinagmalasakitan ng iyong kapuwa, ano ang dapat mong gawin sukli?
A. Umasa na lamang sa tulong nila lagi.
B. Magreklamo dahil hindi sapat ang naging tulong nila sayo.
C. Magpasalamat sa kabutihang ginawa nila malaki man ito o maliit.
D. Tumanggi sa kanilang tulong kahit alam mong kailangan mo ng tulong nila.

You might also like