You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

DIAGNOSTIC TEST
QUARTER 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa papel
1. Sa paanong paraan magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud?
A. Ang birtud, ay kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang mga bagay na
pinahahalagahan na nakakabuti lamang sa sarili .
B. Magka-ugnay ang pagpapahalaga at birtud dahil pareho lamang mabubuti ang
nagagawa sa tao.
C. Ang kahalagahan ng birtud ay akma lamang sa pansariling kabutihan.
D. Nagiging mahalaga at kaaya-aya ang buhay dahil sa birtud.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng moral na birtud?
A. Pag[alawak ng sariling kaisipan sa mga panyayari sa paligid.
B. Pagpapakita ng magandang kaugalian sa kapwa nang may katarungan at
katatagan sa pagpasiya.
C. Paghuhusga sa kapwa kahit wala pang sapat na ebidensiya.
D. Pagpapakita ng pagkiling sa may mga mataas na katungkulan sa pamayanan.
3. Alin dito ang birtud na pangunahing malilinang sa tao upang kakagawa siya ng
mga bagay bagay na may angkop na linaw ng pag-iisip tungo sa pagkatuto.
A. Moral na Birtud
B. Birtud ng katatagan
C. Intelektwal na Birtud
D. Birtud ng maingat na paghuhuga.
4. Alin sa mga sumusunod ang dapat alamin upang maisagawa ang maingat na
paghuhusga
A. Pagkalap ng mga tamang datos.
B. Pakikinig sa mga kuro-kuro sa paligid
C. Pag-iwas na makabuo ng angkop na desisyon batay sa katotohanan.
D. Pagkiling sa mga kamag-anak na napasama sa dapat pagpasiyahan.
5. Ito ay ang pinakamataas na uri ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler.
A. Pambuhay
B. Pandamdam
C. Kabanalan
D. Ispiritwal
6. Siya ang nagsulat ng hirarkiya ng pagpapahalaga
A. Manuel Dy
B. Max Scheler
C. Dexter Sy
D. Thomas De Aquino
7. Tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil:
A. Ang puso ng tao ang hindi dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at
isip ang nararapat pairailan
B. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring
hindi nauunawaan ng isip.
C. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na
makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na
panandalian.
D. Lahat ng nabanggit ay nabibigay ng angkop na kahulugan.
8. Si Manuel maagang pag-aasawa at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Tinustusan ng
kanyang mga magulang ang kayang pamilya dahil wala siyang trabaho. Wala siyang
ginagawa kundi ang gumala kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at
magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Darwin?
A. Pambuhay
B. Pandamdam
C. Banal
D.Ispiritwal
9.Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang
kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
A. Pambuhay
B. Pandamdam
C. Ispirital
D. Banal
10.Si Nelson ay labis-labis ang kayamanan ngunit ganoon pa man pinili niya ang
tulungan ang mga batang nasa lansangan at siya ay nagbibigay ng donasyon sa mga
charity. Nasa anong antas ang halaga si Peter?
A. Pambuhay
B. Pandamdam
C. Ispirital
D. Banal
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mataas na antas?
A. Habang dumarami ang nagtataglay nito tumataas ang halaga
B. Mataas ang antas ng halaga kung hindi nababago ng panahon
C. Mataas ang antas depende sa taong nagtataglay nito.
D. Ang pagkaroon ng mataas na antas ay nababatay sa dami ng kaibigan
12. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman mababago
ng panahon.
A. Timelessness or enduring
B. Indivisibility
C. Charisma
D. Unity
13. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa pagpapahalagang pang kabutihan, hindi
lamang sa sarili kundi pati na rin sa nakararami
A, Pandamdam na Pagpapahalaga
B. Pambuhay na Pagpapahalaga
C. Ispiritwal na Pagpapahalaga
D.Banal na Pagpapahalaga
14. Ang pakilala ng sariling kalakasan (strength) ay nakatutulong upang:
A. Maipakita ang kalakasan at hindi mapagsamantalahan ng ibang tao.
B. Gamitin para maipakita ang kakayanan gumawa ng mas mabuti kaysa sa iba.
C. Upang mapagyaman and kakayahan.
D. Makapagbuhat ng mabibigat na bagay.
15. Ang pag-alam natin sa ating sariling kahinaan ay nagpapakita lamang na:
A. Minamaliit natin ang ating sarili.
B. Tanggap natin ito at handa natin itong baguhin o linangin.
C. Para makakuha ng tulong sa ibang tao.
D. Magkaroon ng dahilan upang hindi gawin ang isang bagay.
16. Ano ang pakahulugan ng, “What is not started today is never finished tomorrow.”
A. Ang pagplano ay mahalaga sa anumang gawain.
B. Mahalaga na masimulan ang anumang pinaplano upang ito ay matapos.
C. May magandang kahihinatnan ang mga gawain na may katuturan.
D. Ang pagplano ay kailangan para magtagumpay.
17. Bakit mahalaga ang Career Planning?
A. Upang mailapat ang gustong mangyayari sa buhay.
B. Upang maplano nang maigi ang kursong kukunin at makamtan ang mithiin.
C. Upang magkaroon ng gabay para sa gustong marating sa hinaharap.
D. Lahat ng sagot ay tama.
18. Ang mga tinatawag na auditory learners ay natututo sa _________.
A. mga nakikita
B. naririnig
C. nararamdaman
D. naiisip
19. Mas nagiging makatwiran at matalino ang isang tao kung siya ay __________.
A. Nakapag-aral
B. Palaging nagehersisyo para lumakas
C. Madasalin
D. May magandang hanap-buhay
20. Alin ang isa sa mga gaawain upang mapaunlad ang kasanayan sa pag-aaral?
A. Paglinang ng kasanayan sa pag-aaral sa paglalaro ng Computer.
B. Pagsulat ng takdang aralin sa kwaderno.
C. Ipagawa sa kapatid ang mga takdang aralin.
D. Pagliban sa paggawa ng takdang aralin.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

DIAGNOSTIC TEST
QUARTER 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa papel.
1. Alin sa mga birtud ang naituro ng ating mga magulang mula pagkabata?
A. Paggalang
B. Pakikipagkapwa
C. Paghahanda sa panahon ng pista
D. Pag-aaruga sa mga kasambahay
2. Ang tawag sa birtud na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga taong
nagpappakita ng kabutihang loob
A. Pakikipagkapwa
B. Paggalang
C. Pasasalamat
D. Pakikipagtalakayan
3. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anuman ang inaasam ng isang tao
ay karapatan niya at dapat bigyan ng pansin o pagkilala
A. Paggalang sa kapwa
B. Entitlement
C. Kabutihan ng loob
D. Pakikipagkapwa
4. Ano ang kahulugan ng “Pro-social lying”
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
B. Pagsisinungaling upang maisalba ang sarili sa kahihihiyan.
C. Pagsisinungaling upang hindi maparusahan.
D. Pagsisinungaling na may hangad na saktan ang kapwa.
5. Ito ay pagtatago ng katotohanan sa pamamagitan nga pagtanggi sa pagsagot ng
mga tanong na maglalabas ng katotohanan.
A. Pagsisinungaling
B. Pananahimik
C. Pag-iwas
D. Pagsisiwalat kahit laban sa loob
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng “entitlement mentality.”
A. Ang hindi pagbayad ng angkop na buwis kapag hindi nakatanggap ng
kapantay na serbisyo.
B. Ang pagkilala ng utang na loob sa magulang.
C. Ang paggawa ng kabutihan sa tao na nakatulong sa panahon ng
Pangangailangan
D. Ang kaisipan na ang pagtulong ng kapwa ay kanilang obligasyon.
7. Paano maipakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Pagsunod sa mga alituntunin na ipinapatupad ng mga taong may
awtoridad.
B. Pag-iwas sa obligasyon na sundin ang mga alituntunin.
C. Pagkutya sa mga ipinatutupad ng taong may awtoridad dahil mababa lang
naman ang kanyang posisyon.
D. Paglabag sa mga batas.
8. Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng pagpapahalaga sa edukasyon?
A. Nakatutulong ito na maiangat ang antas ng pamumuhay.
B. Ito ay natatanging paraan para sa pagkatuto at magkaroon ng maayos na
hanapbuhay.
C. May pangkalahatang epekto sa pag-unlad ng pamayanan at ng bansa.
D. Lahat ng sagot ay tama.
9. Saan ba nagsisimula ang pagkakaroon ng birtud ng pagpapahalaga?
A. Sa mga kaibigan
B. Sa mga kaeskwela
C. Sa pamilya.
D. Sa pamahalaan
10. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng pamahalaan?
A. Pangangalagaan ang kapayapaan at kaayusan ng mga nasasakupan.
B. Hayaan ang local na pamahalaan na magdisiplina ng mga nasasakupan kahit
walang batas na batayan
C. Pagbibigay ng magandang na tirahan sa lahat ng mamamayan.
D. Pagbibigay ng magandang insentibo sa mga dayuhan.
11. Alin dito ang nagpapakita ng magndang kulturang Pilipino?
A. Paglagay sa mga nakakatanda sa tahanang nag-aalaga sa kanila.
B. Paggalang sa mga nakatatanda tulad ng pagmamano.
C. Pag-iwas na alagaan ang mga nakatatanda.
D. Pagbibigay ng ibang klase ng pagkain sa matatanda.
12.May mga bagay-bagay o tao na may malaking impluwensiya sa ating paglaki at
humuhubog sa ating pagkatao, ano o sino sila?
A. Mga kaibigan
B. Ang pamilya
C. Ang mga kamag-anak
D. Lahat ay tama
13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
A. Hindi umuwi kaagad matapos ang klase.
B. Tumatambay sa Computer Shop tuwing may bakanteng oras
C. Uuwi sa bahay at hihingi ng patnugot na maglalaro matapos ang klase.
D. Pabayaan ang magulang na maghanap dahil ginabi sa paglalaro.
14. Ang paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad
ay maayos na matututunan ng mga bata dahil
A. Likas itong natututunan mula pa sa pagkabata mula sa mag-anak.
B. Namamana ang ganitong gawi sa mga nakatatanda.
C. Kung nagpapakita ang bata ng kaniyang interes na matuto.
D. Nalilinang ang pag-uugali mula sa pagtuturo ng iba’t ibang institustyong
panlipunan.
15. Paano maisapuso ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at
may awtoridad?
A. Gumagawa ng mga tula bilang pagkilala sa mga ito..
B. Palagi silang ipinagmamalaki sa mga kaibigan at kaklase.
C. May pagpapahalaga sa mga turo ng magulang at sa mga batas na
ipinatutupad.
D. Masipag sa mga gawaing bahay at mapanatiling malinis ang paligid.
16. Paano naipapakita ang paggalang sa awtoridad ngayong pandemya?
A. Pagpupuna sa kanilang mga batas na ipinapatupad dahil hindi ka
makalabas ng bahay.
B. Hindi pagsusuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay.
C. Pasunod sa mga ipinapatupad na health protocols upang maiwasan ang
pagkalat ng virus.
D. Hindi pinapansin sa mga paalalang ibinibigay dahil hindi ka naman
maaapektuhan nito.
17. Ang pagtawag ng ate o kuya sa mga nakatatandang kapatid ay nagpapakita ng
A. Kabaitan sa mga nakatatandang kapatid.
B. Pagsunod sa utos ng mga magulang.
C. Paggalang at pagmamahal sa nakatatandang kapatid.
D. Pagkilala sa batas ng mag-anak.
18. Paano natin maipamalas ng paggalang sa awtoridad?
A. Ipaglalaban ang dignidad ng pagkatao.
B. Ipahayag ang malayang pakipagtalakayan.
C. Tinutupad nang may kondisyon ang mga kautusan.
D. Pakikiisa at laging sumusuporta sa mga mabubuting programa at proyekto.
19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa mga matatanda?
A. Ipaubaya na lang sila sa DSWD.
B. Hindi nakikialam sa nais nilang gawin.
C. Pagbigay ng mga lumang damit sa mga matatanda.
D. Pag-aalaga mga lolo at Lola na laging nagbibigay ng nag-aalaga sa kaniya.
20. Ano ang pangungusap ang tumutukoy sa papel ng pamilya sa paghubog sa
pagpapahalaga ng tao?
A. Pamilya ang ugat at dito sumisibol ang respeto.
B. Pamilya ang kumakampi kahit mali ang mag-anak
C. Pamilya ang may buong pananagutan sa pagpalaki ng anak.
D. Pamilya ang nagbibigay kasiyahan sa mga mag-anak na bumibisita.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

DIAGNOSTIC TEST
QUARTER 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang nakikitaan ng paglabag sa katarungang
panlipunan?
A. Magtanggap sa trabaho batay sa kakayanan.
B. Pagkuha ng lisensiya ayon sa binuong patakaran kahit natagalan.
C. Palakasan o Padrino System
D. Maayos na pumipila sa bilihan ng gamut o pagkain.
2. Bakit kailangan ng mga batas?
A. Para matakot ang mga mamamayan.
B. Para magkaroon ng kapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan.
C. Para magkaroon ng kaayusan at kapayapaan ang mamamayan.
D. Para makapapataw ng angkop na buwis.
3. Bakit hindi natin dapat paagtatawanan ang mga taong may kakulangan sa
pag-iisip na nasa lansangan.
A. Sapagkat kahit may kakulangan sila sa pag-iisip, sila ay may karapatan
din.
B. Kailangan ang maayos na pag-iisip upang malaman ang tama o mali.
C. Pwedi lang, wala naman sila sa tamang pag-iisip.
D. Walang pakialam sa kanila ang pamahalaan
4. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang
kahulugan ng pahayag na ito.
A. Nakatakda na ang mga batas na kailangan sundin ng mga tao habang
siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng lahat ng tao kaya dapat
niyang sundin lahat ng mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin
niya ang mga itinakda na batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at
hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.
5. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng mga magulang para sa ganap na
paghubog ng mga anak?
A. Pinabayaan ang anak na gawin ang anumang gusto nito.
B. Ginagabayan ang anak upang hindi makagawa ng hindi makatarungan.
C. Sinusuportahan ang anak sa mga gawain kahit bawal.
D. Binibili ang anumang gusto ng anak kahit nahihirapan.
6. Paano makamtan ng mamamayan ang kapayapaan ?
A. Ang kapayapaan ay makakamtan kapag matapang ang namumuno.
B. Ang pagsunod sa nagpapatupad ng batas ay nagdudulot ng pagkakaisa.
C. Ang kapayapaan ay makakamtan kung may pagkakaisa ang lahat.
D. Ang mamamayan ay may kanya-kanyang pag -iisip batay sa kanyang
paniniwala.
7. Alin sa sumusunod ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Pakikisalamuha lamang sa kapwa mayayaman
B. Paglilingkod sa karapatan ng naaapi
C. Pakikipagtulungan sa mga mayayaman at mga mahihirap
D. Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan anuman ang antas sa lipunan.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang gawain?


A. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aaral na hindi
nakakatupad sa kinakailangan sa klase.
B. Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.
C. Ang pagkulong sa mga nahuling tagadala ng droga.
D. Ang pagsang-ayon sa maling pasya ng kaibigan
9. Paano masasabi na ang tao ay may dignidad?
A. Dahil sa malawak niyang pag-aari
B. Dahil sa kanyang impluwensya sa lipunan.
C. Dahil ang tao ay may angking dignidad mula pagkasilang.
D. Dahil sa nakamit niyang mataas na ants ng edukasyon.
10. Tungkulin ng bawat isa na tumulong sa mga nangangailangan. Ito ay _____
A. Pansariling ideya lamang ito.
B. Walang batayang moral o legal.
C. Bilang tao, maroon tayong obligasyon na tumulong sa ating kapwa
D. Hindi tunay dahil nasa konteksto lamang
11.Bakit nagkakaroon ng katiwalian o korapsyon sa pamahalaan ang ilang opisyal
A. Kawalan ng malasakit sa mga mamamayan
B. Pagsasawalang kibo ng mga mamamayan sa anomalyang nakita
C. Pagtanggap ng mga tao ng pera tuwing eleksyon
D. Lahat ng sagot ay tama.
12. Ang kasipagan ay tumutugon sa
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
Kalidad at kasiyahan.
B. Minamadali ang gawain upang makakuha kaagad ng bayad
C. Mabilis ang paggawa upang marami ang mailabas na proyekto.
D. Ginagawa lamang ang kung malaki ang bayad.
13. Ito ay naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung anong
mayroon.
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong sa kapwa.
C. Maging maingat sa paggastos at maging simple sa pamumuhay.
D. Maging masipag at matutong gumawa at may tiyaga sa mga gawain.
14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtitipid?
A. Pahahanda ng magarbo tuwing pista.
B. Pagpapakain sa Buffet Restaurant kapag birthday.
C. Pagbili ng mga kagamitan na nauuso.
D. Pagbabaon ng pagkain sa opisina o klase.
15. Bakit dapat magiging masinop sa mga kinikita at matutong mag-impok?
A. Para may madudukop sa panahon ng pangangailangan o pagreretiro.
B. Para may maipahiram sa kamag-anak o kapitbahay.
C. Para may maipangshopping.
D. Para may maipagmalaki sa kapwa.
16. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao
ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
A. Pagreretiro
B. Mga hangarin sa buhay
C. Mga kamag-anak na walang hanapbuhay
D. Proteksyon sa buhay
17. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paraan ng
pagtitipid?
A. Sa tuwing nanonood ng teleserye si Rosa, inoorasan niya ang
paggamit ng TV.
B. Si Victor ay gumagamit ng tabo at timba sa tuwing siya ay naliligo.
C. Nag-iipon si Rommel ng pera upang mabili niya ang imported na
laruan na gusto niya.
D. Ginagamit lamang ni Pilar ang data load sa cellphone niya tuwing may
kailangang isaliksik na aralin sa internet.

18. Ayon kay Francisco Colayco, “kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na


isang obligasyon”. Ito ay nangangahulugang...
A. Opsiyonal lamang ang pag-iimpok.
B. Gawing kaligayahan ang pag-iimpok.
C. Kailangang ang determinasyon sa pag-iimpok.
D. Ang pag-impok ay isang malaking hamon sa buhay.
19. Bakit dapat nating iwasan ang pagiging tamad sa anumang gawain?
A. Nagigigng dahilan ito ng hindi pag-angat sa buhay.
B. Ito ay nagdudulot ng masaganang pamumuhay.
C. Nagiging masigla ang kalakalan.
D. Ang anumang gawain ay maagang natatapos.
20. Ano ang gagawing kapag nahaharap sa balakid o problema sa anumang
sitwasyon ng buhay?
A. Hayaan na lamang ang mga pangyayari, mabuti man o nakasasama.
B. Magiging mahinahon at magpapakatatag at harapin ang pagsubok.
C. Umiwas sa pagharap sa mga hamon o problema.
D. Humanap ng mga taong may impluwensya at humingi nga pabor.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

DIAGNOSTIC TEST
QUARTER

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem, piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa papel.
1. Ang pagmamahal ng Diyos ang nakahihigit sa lahat ng uri ng pagmamahal. Alin
sa mga sumusunod na saloobin ang patunay nito?
A. Ito ay dalisay at walang kapantay o walang hinihingi na kapalit.
B. Siya ay Panginoon ng Awa at tagapagbigay ng Awa.
C. Ang pag-ibig ng Panginoon ay walang kapantay kaya nagawa niyang ibigay
ang kanyang anak upang mailigtas ang sangkatauhan.
D. Lahat ng sagot ay tam.
2. Sa panahon ng pandemya, marami ang namatay, mga kapamilya, kaibigan at
kakilala, Bakit hindi nawala ang paniniwala sa Poong Maykapal?
A. Dahil sa tindi ng pananalig sa Poon.
B. Dahil ang pandemya ay lilipas din.
C. Dahil namamatay din naman ang tao.
D. Dahil umiiwas din ang mga tao na mahawa.
3. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaisip na gusto ng Diyos na maipaalam sa
lahat?
A. Ang ating kasalanan ay dapat isamo natin para makamit ang kapatawaran
B. Ang paulit-ulit na pagsambit ng patawad sa mga kasalanan ay nakatutulong.
C. Pinapatawad tayo ng Panginoon anuman kabigat ang ating kasalanan.
D. Tinitingnan ng Panginoon kung gaano kalaki ng paniniwala ng tao bago
patawarin.
4. Paano natin magagawang mahalin ang mga tao sa kabila ng kanilang mga
kasalanan at pagkakamali?
A, Kapag ang pag-big sa kapwa ay nagmula sa puso.
B. Kapag may ibang layunin ang pagtulong.
C. Kapag ang pagtulong ay pakitang tao lamang.
5. Sa I Corinto 13: 4-8 mababasa ang, "Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong
gawin nila sa'yo." Ito ay tinatawag din na
A. Silver Lining
B. Golden Rule
C. Ultimate Love
D. Endless Love
6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay
na biyaya ng Diyos lalo na sa panahon ng pandemya?
A. Paglabas-labas dahil humihina na ang pandemya.
B. Pakain sa labas kasama ang mga kaibigan.
C. Panatili sa bahay upang makaiwas sa pagkahawa ng virus.
D. Pagtangap ng bisita sa bahay.
7. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na
gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan?
A. Magdasal para sa pagtaas ng ekonomiya ng bayan.
B. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang
makatulong ng malaki sa pamayanan.
C. Linisin ng mag-isa ang malawak na ilog na marumi at sasali sa mga
proyektong lilikom ng pondo para sa ilog.
D. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kaya at kailangan ang iyon
tulong lalo na sa paglilinis ng kapaligiran.

8. Ang mga sumusunod ay tamang pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.


A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
C. Gamitin muli ang mga hindi nabubulok
D. Gawing compost ang mga nabubulok.
9. Ano ba ang kahulugan ng “Pro-Life.”
A. Ang pagpapanatili sa buhay na nasa sinapupunan ano man ang
sirkumstansya.
B. Ang paggamit ng bawal na gamot na dahilan ng pagkalaglag ng bata.
C. Ang pagkitil sa buhay na nasa sinapupunan dahi biktima ng rape ang ina.
D. Ang pagpa-abort dahil hindi pa handa ang babae na maging ina.
10. Bakit dumadami ang isyu ng pagpatiwakal o suicide?
A. Dahil sa “Depression.”
B. Kawalan ng pag-asa sa buhay
C. Pakiramdam nila ay wala na silang halaga
D. Lahat ay tama
11. Bakit dapat iwasan ng mga kabataan ang paninigarilyo?
A. Wala itong epekto sa ekonomiya ng pamilya?
B. Nagdudulot ito ng Cancer sa baga.
C. Napadudulot ito ng mahabang kaligayan.
D. Wala itong epekto sa sa kalusugan.
12. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. pinagkopyahan at pinagbasehan
B. pinagmulan o pinanggalingan
C. kabayanihan at katapangan
D. katatagan at kasipagan
13. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya.
B. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng
pagkakataon.
C. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
D. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
14. Ito ay pasasabuhay ng pagmamahal sa bayan.
A. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa. Magssabi ako
ng totoo sa bawat oras.
B. Hayaan ko na lang ang mga katiwalian na nangyayari sa paligid ko.
C. Magsawalang-kibo ako para maiwasan ko ang gulo.
D. Itapon ko ang basura sa paligid dahil may kukuha naman dito..
15. Ang hindi pagkopya o pagpakopya ng mga sagot sa leksyon ay nagsasabuhay ng
A. Patriyotismo
B. Nasyonalismo
C. Pagkamatapat
D. Pakikipagkapwa
16.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Nasyonalismo?
A. Pagbili ng mga produktong imported.
B. Pagsusuporta sa pamamagitan ng pagbili ng produktong local
C. Pag-angkat ng mga gawang ibang bansa.
D. Pagmamalaki na napadalhan ng imported goods sa pagpost sa social media.
17. Ang patuloy na pagpapatayo ng naglalakihang gusal, condominium units at iba
pa, paggawa ng kalye sa mga bayan o siyudad o anumang ginagawang
pagpapaunlad sa lugar ay nagdudulot kung minsan sa pagputol ng mga kahoy.
Alin ang epekto nito sa ating buhay?
A. Paglilindol
B.Pagkasunog ng mga pamamahay
C. Malawakang pagbabaha
D. Ibat-ibang polusyon
18. Ipinakaloob ng Panginoon sa tao ang kapanyarihan na pangalagaan ang
kalikasan na kanyang nilikha. Ano naman angkop nating gawin sa ating
kalikasan?

A. Hayaan ito na baguhin ng pagbabago ng kabihasnan.


B. Ipalaban ang paglingap sa kalikasan at tumulong sa pangangalaga dito.
C. Ipamalaki ang mga pagbabagong nagaganap sa bansa.
D. Nakatutulong sa kita ng pamahalaan ang mga paglilipanang malamking malls.
19. Ang patuloy na pagtaas ng temperature bunga ng pagdami ng tinatawag na green
house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera . ito ay may masamang
epekto sa kalikasan at tao na dapat nating iwasan
A. Natutunaw ang nga nyebi o yelo sa Polar regions
B. Tumataas ang tubig at bumababa ang mga lupain.
C. Nagiging abnormal ang lakas ng bagyo na dumarating na nagdudulot ng
malawakang pinsala.
D. Lahat ay tama kaya dapat nating paghandaan.
20. Ang kalikasan ay parang sarili natin na dapat
A. Pabayaan kung nagkakasakit
B. Pangalagaan upang mapanatili ang kalusugan nito.
C. Gumamit ng mga gamot na naabuso
D. Gumamit ng mga gamot na hindi tiyak ang kaligtasan.

You might also like