You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALAN NG PARTIDA

Partida, San Miguel, Bulacan

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagkatao 8

Pangalan: ___________________________ Petsa: ________


Antas : ___________________________ Iskor: ________

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga talata, pangungusap, saitwasyon at tanong sa bawat bilang.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sap atlang bago ang bawat bilang.

___1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


a. Si Ana ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga
mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Juan, Marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang
pinanggalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d. Lagging nagpapasalamat si Jean sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang
kalooban.
___2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?
a. Ang marapat na pagsunod ay naipakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangan sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga pinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangan sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangan
magpasakop at sumunod.
___3. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Nanghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagakakaroon ng
mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakakapanghina ng katawan dahil lagging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas ang antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
___4. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa
iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang proyekto at programa.
___5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pakakaroon ng kagalakasn dahil sa kinikilalamo ang kabutihang kaloob ng kapwa
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhay sa ibang tao
___6. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at
kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi upang masisi,
maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kailangan lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang
iyong nilikhang kwento.
___7. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. kalooban c. damdamin
b. isip d. konsensiya
___8. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalaamt ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
___9. Kilala ng pamilya si Anna sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang
ay hindi nakatapos ng pag-aar;a, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na mgakapatid. Ngunit siya ay
kinakitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaan ng
marka nito sa iba-t-ibang asignatura. At kapag pinagpapahalagahan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging
maganda ang rekasyon ni Anna. Ano ang nararapat gawin ng mga kasapi ng pamilya sa agnitong sitwasyon?
a. Ipaunawa ky Anna ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Anna at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang
pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Anna. Kumilos nang naayon sa
mga natuklasang dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakayahan at pagiging bukod-tangi ni Anna. Tanggapin siya kung ano siya nang
walang pagtanggi.
___10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kwalan ng pasasalamat maliban sa:
a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
b. Pasasalamat nang hindi bukal sa puso
c. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. Pahingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangapnagilangan dahil menor de edad
___11. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pagsulat at pagsusulit. Minsan nahuli siyang
may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ay kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaring ibunga nit okay
Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
b. Mas malakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
c. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
___12. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong gingawa lang niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
___13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. Nagpapatibay nito ang presensiya ng pamilya.
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
___14. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay paggawad ng titulo o parangal ng isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay pag-aabuso ng mga mamayan sa kakayahan ng pamahalaan ng tustusan ang kanilang
pangangailangan.
___15. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
___16. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang
bata, ang bata ay_____________:
a. Madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
b. Nagkaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
c. Nagkakaroon ng pang-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda.
d. Kumikilos ayon sa mga ipinatutupad n autos ng kaniyang mga magulang.
___17. Hinahangaan ni Jan si Dan sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Dan ay naging lider ng
kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Dan ay kaniyang sinusunod at gingawa nang walang pagtutol, kahit pa
minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pngangailangan. Ang kilos ni jan ay ngpapakita ng
________________:
a. katarungan c. pagpapasakop
b. kasipagan d. pagsunod
___18. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fe ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga
anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya nag mga ito nang maaayos.
Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang
kanilang samahan sa pamamagitan ng _____________:
a. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
b. Pagkakamustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/email kung nasa malayong
lugar.
c. Pagkakaroon ng mgaa alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi ng maaga.
d. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim sa pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
___19. Ano ang halimbawa ng entitlement mentality?
a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong
___20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakikitaan mo ng mga gawaing taliwas sa
dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay
magpapakita pa nga paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundi at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawing kung ano ang
inaasahaan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nag may pag-aaalinlangan. Sumangguni sai bang may awtoridad na nabubuhay
nang mabuti at kumilos ayos sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawaa ng pagkakamali, lalo na kung
hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na
ang nagpapatupad sa batas ay isang lumalabag ditto.
___21. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng _________________.
a. Pakikibahagi ng mga gawain nakasanayan.
b. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
Para sa bilang na 22-25. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang ttitik
ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ng ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protkatahan ang sarili kahit pa makapinasala ng ibang tao
___22. Ipagkakalat ni Flora na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi
siya rito dahil maraming tao ang nais makipagkaibigan sa huli.
___23. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni joel dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa
takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.
___24. Kilalal si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal na klase. Madalas na nahuhuli siya ng kanyang
guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase.kapag siya ay
nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
___25. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang iyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa
kaniyang pakikipagkwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagpapagalitan
siya ng kanyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap kaniya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin
na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak
ang iyong kaibigan.
___26. Ang sumusunod na Gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
c. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pangtustos
ang mga magulang
d. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumutulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kaniya
Para sa bilang ng 27-30. Tukuyin kung naong paraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita sa sumusunod
na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
a. Pang-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping Pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
___27. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nsaan ang
kaniyang ama ay hindi pa rin nagsasalita si Alvin.
___28. Sinasabi ni Joan sa kaniyang ina pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi siya sinasabi
rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
___29. Hindi tuwirang sinasagot ni Romel si Roel nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Camille. Sa
halip ay sinagot niya ito na magdadala ky Roel na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaring
mayroong dalawang kahulugan.
___30. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga
magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam lamang niya rito na siya ay
nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sasabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.

II. Tama o Mali


___31. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o
maparusahan.
___32. Ayon kay Aristole, “Ang ultimate end” o huling layunin ng tao ay kaligayahan.
___33. Ang isang natatanging ugali ng birtud ang magpakita ng kagandahang-loob sa kabila ng sakit na
nararamdaman.
___34. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay nagiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba.
___35. Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino ay indibidwal na maaring tumindig sa sarili
niya dahil sa kaniyang kakayahan.

Ang Pasasalamat
Ang pasasalamat ay (36.)________ng isang taong mapagpasalamat;
Ang pagiging handa sa pagmamalas ng (37.)______________sa taong
gumawa sa kaniya ng (38.)________________.

Ang pasasalamat sa salitang ingles ay gratitude, na nagmula sa


salitang latin na (39.)__________(nakalulugo) (40),_________
(pagtatangi o kabutihan) at (41)__________(libre o walang bayad).
IV. Ibigay ang mga hinihingi.

42-45 Apat na pamamaraam sa pagtatago ng katotohanan ayon kay Vitaliano Gorospe


46-50 Mga gawain kung paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang.

You might also like