You are on page 1of 6

REVIWER IN ESP 8 (HUWAG IPRINT)

PANUTO: Basahing Mabuti ang mga sumusunod at sagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Nararapat gawin ng tao sa mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa.


A. PagpapasalamatB. Pagmamalaki C. pagbabayad D. pagpapakumbaba

2. Ito ang tamang pagpapakita ng pasasalamat.


A. paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa niya ang trabaho nito D.
pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

3. Ito ay salitang ingles ng pasasalamat.


A. thoughtful B. Humility C. Gratitude D. desiciveness

4. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


A. Si Alona ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan
ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Ronald, marunong pa rin siyang tumingin sa
kaniyang pinanggalingan.
C. Nag-aaral nang mabuti si Ria upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Ruth sa mga taong tumutulong sa kanya kahit hindi bukal sa
kanyang kalooban

5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:


A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa
buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao

6. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Sto. Tomas Aquinas?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

7. Ano ang entitlement mentality?


A. Ito ay paggawad ng título o parangal sa isang tao
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang
kanilang pangangailangan.

8. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?


A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
D. Ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong

9. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:


A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng
makakaya
REVIWER IN ESP 8 (HUWAG IPRINT)

B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso


C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de
edad

10. Ang mga sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
A. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang B. pagtulong sa mga simpleng
Gawain sa bahay
C. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may
pantustos ang mga magulang
D. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kanya

11. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng


A.kalooban B. Isip C. damdamin D. konsensya

12. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?


A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng
depresyon.
B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
C. Nakapanghihina ng katawan dahil lagging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa
katawan.

13. Alin ang hindi antas ng pasasalamat ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihang ginawa ng kapwa
D. pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya

14. Isang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat ay


A. paggawa ng kabutihang loob sa kapwa
B. pagiging masayahin
C. paghingi ng regalo
D. pagtitipid

15. Ang salitang paggalang ay nagmula sa salitang Latin na "respectus" na ang ibig sabihin ay
A. pagsasabi ng po at opo
B. paglingon o pagtinging muli
C. implikasyon ng pagiging palaaway
D. mahirap na bansa

16. Paano mo maipakikita ang paggalang sa may awtoridad?


A. maging matapat
B. maging mabuting halimbawa sa kapwa
C. nagkaroon ng awtoridad
D. maging masunurin

17. Bilang ang pamilya ang nagsisilbing proteksyon sa mga kasapi, duyan ng pagmamalasakit at
pagmamahalan.
A. halaga B. presensya C. hamon D. hiwaga

18. Ang pamilya ay sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at makasaysayang
REVIWER IN ESP 8 (HUWAG IPRINT)

proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral.


A. malapit B. malayo C. nakasentro D. nakahatol

19. Natutunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod,


maliban sa:
A. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin
B. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kanya
C. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod
D. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda

20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing
taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pagaalinlangan kung sila
ay magpapakita pa nga paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting
maipapayo mo sa kanila?
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung
ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na
nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na
kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi
makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.

21. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, "Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at
ng kakayahang magpasakop."
A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinaguutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di
kailangang magpasakop at sumunod.

22. Paano mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa pagkakamali.

23. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


A. Napagtitibay nito ang presensya ng pamilya.
B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
C Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.

24. Hinangaan ni Joseph si David sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si David ang
naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni David ay kanyang sinusunod at ginagawa
nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang sariling
pangangailangan. Ang kilos ni Joseph ay nagpapakita ng
A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop D. pagsunod

25. Nararapat na gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad dahil
A. pagmamahal B. pagtataguyod C. pag-unawa D. pagmamatyag
REVIWER IN ESP 8 (HUWAG IPRINT)

26. Hindi ka iiral at mabubuhay sa mundo kung di dahil sa


A. pagtatagpo ng iyong mga magulang
B. ipinadala ka sa mundong ibabaw
C. pagmamahalan ng iyong mga magulang
D. hulog ka ng langit

27. Bakit ang pagkakaroon ng awtoridad ay isang maselang tungkulin?


A. dahil sila ang gabay ng mamamayan
B. dahil nakasalalay ang kapakanan ng nasasakupan
C. dahil sila ang pinagkatiwalaan ng taong bayan
D. dahil mahirap magkaroon ng awtoridad

28. Nag-iisang itinataguyod ni Aleng Conching ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang
ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya
ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga
teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/email kung nasa
malayong lugar.
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa

29. Saan nag-uugat ang tunay na kabutihan o kagandahang loob ng indibidwal?


A. Pag-uugali B. Nakasanayan C. pagkakaroon ng disiplina D. kanyang pagkatao

30. Ito ay tumutukoy sa inner self o real self.


A. Labas B. Loob C. Gilid D. Tabi

31. Ano ang magiging daan ng isang indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti?
A. Inner self B. Real Self C. Self Enhancement D. Transcendent Self

32. Ang kagandahang loob ay hindi patungkol sa sarili lamang, sa halip ito ay patungo sa
A. ibang tao B. kasapi ng pamilya C. mamamayan D. kabutihang panlahat

33.Ang iyong pagkatao ay nagiging patunay ng


A. maayos at di- maayos na pagpapalaki sa iyo
B. pagkakalayo ng bawat miyembro ng pamilya
C. implikasyon ng pagiging palaaway
D. mahirap na bansa

34. Ang kagandahang loob ay likas na kaloob ng Diyos sa tao kaya naman ang tao ay
pinagkalooban ng
A. magandang isip B. ispiritwal na kabutihan C. material na kabutihan D. B at C

35. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban nito.


A. pamahalaan B. Paaralan C. Karangalan D. Katapatan

36. Ito ay uri ng pagsisinungaling na ginagawa ng tao upang isalba ang sarili upang maiwasan
ang mapahiya.
A. Selfish Lying B. Anti-Social Lying C. Prosocial Lying D. Self Enhancement Lying

37. Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang
kahulugan o interpretasyon.
REVIWER IN ESP 8 (HUWAG IPRINT)

A. Silence B. Equivocation C. Evasion D. Mental Reservation

38. Ang lahat ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap sa katotohanan.


A. Decisiveness B. Openness & Humility C. moral authority D. sincerity or honesty

39. Sa taong hindi malawak ang pag-iisip, sasabihin nila na ang kahulugan nito ay pag-amin sa
katotohanan.
A. Silence B. Evasion C. Mental Reservation D. lahat ng nabanggit

40. Ito ay pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kanya upang
ilabas ang katotohanan.
A. Pag-iwas B. Pananahimik C. Equivocation D. Evasion

41. Ito ay isang paraan ng pag-abuso.


A. Pagsisinungaling B. PagsasayaC. Pagdududa D. Pagdiriwang

42. Tawag sa pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.


A. Prosocial Lying B. Self Enhancement Lying C. Selfish Lying D. Anti-Social Lying

Para sa bilang 43-46. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao
sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na
pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan
C. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
D. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

43. Ipinagkalat ni Janna na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo.
Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.

44. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Kurt dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa
paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na
magulang niya.

45. Kilala si Vince sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng
kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang
kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi
siyang kinakausap ng kaklase.

46. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na
hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama.
Kung kaya kinausap ka niya upang magsingungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo
dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak
ang iyong kaibigan.

Para sa bilang 47-50. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang
ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod
na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Pag-iwas
B. Pananahimik
C. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
REVIWER IN ESP 8 (HUWAG IPRINT)

D. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

47. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung
nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Jezreel.

48. Sinabi ni Charis sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi
niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng
mga ito.

49. Hindi tuwirang sinagot ni Charlie si Noel nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay
Lyn. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Noel na mag-isip nang malalim at ang
kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.

50. Iniiba ni Yo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa
kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na
lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang
tunay niyang nararamdaman.

You might also like