You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Ikatlong Markahang Pagsusulit


S.Y. 2022 - 2023

Pangkalahatang Panuto:
a. Ito ay Maramihang Pagpipilian na binubuo ng 50 na aytem. Ito ay sumasaklaw sa Kasanayang
Pampagkakatuto na tinalakay sa ikatlong markahan.
b. Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.
Itiman ang bilog na katapat ng iyong sagot sa sagutang papel na ibibigay ng guro.
c. Huwag sulatan ang Test Paper.

1. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagpapakita ng pasasalamat sa bawat taong pinasasalamatan?


A. Pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pakikitungo sa ating kapwa.
B. Pagbibigay halaga sa natanggap
C. Pagkakaroon ng maraming biyaya
D. Pagrespeto sa sarili

2. Ano ang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng
dagliang pansin?
A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kawalan ng pasasalamat na nakapagpapababa ng pagkatao?


A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkilala at pagpapahalaga sa kabutihang ginawa ng kapwa?
A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

5. Ayon kay Marcus Tulis Cicero, ito ay hindi lamang pinakadakilang birtud, ito rin ay ina ng mga birtud.
A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

6. Isang halimbawa nito ay iniaasa ng isang tao sa pamahalaan ang pagsustento sa kaniyang pang-araw-araw
na gastusin.
A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

7. Ito ay ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding
pangangailangan.
A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

8. Ito ay ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng kabutihan.
A. entitlement B. ingratitude C. pasasalamat D. utang na loob

9. Paano mo mababago ang pagiging self-entitled mo?


A. Kailangan kong makisama sa lahat ng tao kahit na may galit ako sa kanila.
B. Kailangang maintindihin ng tao na may pagtanaw na utang na loob ako sa kanila.
C. Kailangan kong alamin ang mga bagay na wala ako at pagsisikapan ko para makamit.
D. Kailangan kong ipaglaban ang nararapat para sa akin para maging matagumpay ako.

10. Ano ang dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan sa tao ang pasasalamat?
A. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.
B. Nagpapataas ng ilang sandali ng halaga sa sarili.
C. Sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
D. Tumutulong upang masanay sa pagkahilig sa mga materyal na bagay.

11. Saan nagmumula ang birtud o virtue ng pasasalamat?


A. damdamin B. isip C. kalooban D.konsensiya

12. Ito ay isang pamamaraan ng pasasalamat ng mga Muslim na kanila namang ipinagdiriwang.
A. Ati-atihan B. Dinagyang C. Kanduli D. Pahiyas

13. Isang pagdiriwang ng pasasalamat kay San Isidro Labrador para sa magandang ani.
A. Bacao B. Kanduli C. Pahiyas D. Sinadya sa Halaran

14. Isang paraan ng pasasalamat, ito ay idinadaan sa pamamagitan ng isang simpleng sulat na
nagpaparamdam ng malalim na pasasalamat.
A. liham B. quotations C. regalo D. tapik sa balikat
15. Ito ay pagbaluktot sa katotohanan.
A. katapatan B. paggalang C. pagsisinungaling D. pananagutan

16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang taong hindi mapagpasalamat?
A. Pagiging mabuti sa lahat ng tao.
B. Paghingi ng kapalit sa tulong na iyong ibinahagi.
C. Pagyakap sa mga taong hindi mapagpasalamat.
D. Pagkakaroon ng galit sa mga taong hindi mapagpasalamat.

17. Paano mo maipakikita sa iyong mga magulang na nagpapasalamat ka sa kanila?


A. Gagawin ko lahat ng trabaho sa loob ng bahay.
B. Magtatrabaho ako para hindi ako hihingi sa kanila ng pera.
C. Pagbubutihan kong mag-aral para maging matagumpay ako sa buhay.
D. Yayakapin ko sila araw-araw.

18. Alin sa mga sumusunod ang taong may tunay na pasasalamat sa kapwa, sarili
at Diyos?
A. Sila ang mga taong handang tumulong sa mga kaibigan lang nila.
B. Sila ang mga taong mapagpakumbaba at nagbabago para sa kabutihan.
C. Sila ang mga taong nagsisimba palagi pero hindi nakikita ang kabutihan sa kanilang
kilos o gawa.
D. Sila ang mga taong matagumpay sa buhay at pinapatunayan sa iba na walang
makatatalo sa kanila.

19. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa “inner self” kung saan naroon ang tunay na kahalagahan o silbi
ng isang tao?
A. kabutihan B. kagandahang-loob
C. katapatan D. paggalang

20. Anong birtud ang nabubuo ng isang tao na kaaya-aya, may maayos at mabait na personalidad?
A. entitlement B. kabutihan
C. kagandahang-loob D. paggalang

21. Ang isang halimbawa nito ay mga taong labis na makasarili.


A. antisocial lying B. prosocial lying
C. self-enhancement lying D. selfish lying

22. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay St. Tomas Aquinas?
A. Pagsisinungaling
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
C. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya.
D. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik sa kabutihang ginawa sa iyo.

23. Ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe tungkol sa apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan, ang
pamamaraan na ito ay nangangahulugan ng paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng
impormasyon.
A. Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan (Equivocation)
B. Pag-iwas (Evasion)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pananahimik (Silence)

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagsasabuhay ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal?
A. Hindi pagsaalang-alang sa damdamin ng kapwa, sa pamamagitan ng pambabalewala at marahas na
pananalita.
B. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at magwasto ng
kaniyang pagkakamali.
C. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamgitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod.
D. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng
lipunang kinabibilangan.

25. Piliin ang pagkakaparehas ng kagandahang-loob at birtud ng pasasalamat?


A. Ang kagandahang-loob ay naipapamalas sa pamamagitan ng pagpapakita ng taos-pusong
pasasalamat sa taong gumawa ng kabutihan ng walang hinihinging kapalit.
B. Ang kagandahang-loob at pasasalamat ay nakikita sa entitlement mentality.
C. Ang pagiging mapanghusga at pangmamaliit sa kapwa na hindi umaayon sa iyong
kagustuhan ay nakikita sa birtud ng pasasalamat at kabutihan.
D. Ang paggawa ng ritwal ng pasasalamat upang maibsan ang masamang gawain ay nagpapakita ng
kagandahang-loob.

26. Alin sa apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan ang nangangailangan ng


bilis at talas ng pag-iisip?
A. Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan (Equivocation)
B. Pag-iwas (Evasion)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pananahimik (Silence)

27. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang
kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.
A. Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan (Equivocation)
B. Pag-iwas (Evasion)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pananahimik (Silence)

28. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan
ngunit hindi niya sinabi na malayo ang tirahan ng kanyang kaibigan dahil alam
niyang hindi siya papayagan ng ina. Anong paraan sa pagtatago ng katotohanan ang
ipinakita ng sitwasyon ?
A. Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan (Equivocation)
B. Pag-iwas (Evasion)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pananahimik (Silence)

29. Tinanong ni Rene si Ramil kung may gusto siya kay Charmaine. Ang sagot ni Ramil ay nagdadala kay
Rene na mag-isip ng malalim at nagdudulot ng pagkaligaw sa katotohanan.
A. Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan (Equivocation)
B. Pag-iwas (Evasion)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pananahimik (Silence)

30. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga
magulang na matagal na nawala . Mas ipinaramdam na lamang niya na siya ay nasasaktan sa halip na
sabihin niya ang tunay niyang nararamdaman.
A. Pagbibigay ng salitang may dalawang kahulugan (Equivocation)
B. Pag-iwas (Evasion)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pananahimik (Silence)

31. Ito ay pagsisinungaling upang isalba ang sarili sa kahihiyan, paninisi o parusa.
A. antisocial lying B. prosocial lying
C. self-enhancement lying D. selfish lying

32. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.


A. antisocial lying B. prosocial lying
C. self-enhancement lying D. selfish lying

33. Ito naman ang pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.


A. antisocial lying B. prosocial lying
C. self-enhancement lying D. selfish lying

34. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa
isa.
A. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
B. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
C. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
D. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.

35. Pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula ng mahubog ang kilos-loob ng isang bata. Ang
bata ay ___________________________.
A. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang
B. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang
C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda
D. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
36. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maramdaman ng isang taong sumusunod sa utos nang may
paggalang?
A. Magaan ang pakiramdam lalo na at nakatutulong.
B. Malungkot, sapagkat sa tuwina ay kailangang sundin ang inuutos.
C. Nababahala kapag hindi nagagawa nang maayos ang inuutos.
D. Nakakaramdam ng entitlement at umaasa ng pabor.

37. Ano ang maaaring maging bunga ng pagiging pasaway o di-pagsunod ng anak na nagdadalaga o
nagbibinata sa mga tagubilin ng mga magulang?
A. Maaari siyang mapariwara o malihis sa tamang landas.
B. Mabubuhay siya nang masaya.
C. Magdudulot nang kaayusan sa buhay ng kaniyang pamilya ang pagiging
pasaway niyang anak.
D. Makakamit niya ang inaasam sa buhay.

38. Paano mo maipakikita ang tamang paraan ng paggalang sa kapwa?


A. Hindi pagtupad sa itinakdang oras ng usapan.
B. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon na itinakda ng iyong mga magulang.
C. Paglabag sa mga rules and regulations sa paaralang pinapasukan.
D. Pagsira at hindi pagsauli sa hiniram na gamit.

39. Ang matalik mong kaibigan ay nagsabi ng kaniyang sekreto. Isang araw kayo ay nag-away dahil sa hindi
pagkaunawaan. Sasabihin mo ba ang kaniyang sekreto sa iba?
A. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksiyon para sa isang tao hindi upang
masisi, maparusahan at masaktan.
B. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng
seguridad at kapayapaan ng kalooban.
C. Hindi mo kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan
D. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.

40. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan, nahuli siyang
may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay
Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
A. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan.
B. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
C. Hindi na siya kakaibiganin ng kaniyang mga kamag-aral.
D. Mas malakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral.

41. Alin sa mga sumusunod ang mas higit na nagpapakita ng pagglang sa kapwa?
A. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.
B. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
C. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
D. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.

42. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
A. Ang marapat na pagsunod ay naipakikita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatuwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong hindi kailangang
magpasakop at sumunod.

43. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katuwiran.
B. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
C. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
D. Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para sa iyo.

44. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider
ng kanilang grupo, lahat ng sasabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol,
kahit pa minsan ay napababayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ano ang ipinapakita ng
kilos ni Jay?
A. kasipagan B. katarungan C. pagpapasakop D. pagsunod

45. Sa pagkilala sa halaga ng tao, sinasabing ang pamilya bilang hiwaga ay malapit sa iyo dahil sa tatlong
kadahilanan, maliban sa isa.
A. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong nagmamahalan.
B. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sayo.
C. Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula pa sa ugnayang nauna sa iyong pag-iral.
D. Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatuwa o ikinaiinis mo.
46. Maliban sa isa, maisasabuhay natin ang paggalang at pagmamahal sa pamamagitan ng mga sumusunod
na mungkahi.
A. Dagliang paghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita sa kapwa.
B. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at magwasto ng kaniyang pagkakamali.
C. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at
pagpapatawad.
D. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at
lipunang kinabibilangan.

47. Batay sa iyong karanasan sa buhay at sa leksiyon na natalakay sa klase, paano mo ipinapakita ang
kabutihan o kagandahang-loob sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ipinapakita ko ang aking kabutihan sa kapwa sa pamamagitan ng pagpili ng taong tutulungan.
B. Ipinapakita ko ito sa pamamagitan ng pagtulong sa abot ng aking kakayahan ng walang hinihinging
kapalit.
C. Naipamamalas ko ito sa pamamagitan ng palagiang pagpapasalamat sa Poong Maykapal at paghiling
sa ikabubuti ng lahat.
D. Sa pamamagitan ng palagiang pagsunod sa mga tagubilin ng aking mga magulang o mga nakatatanda.

48. Araw ng pasukan, ikaw ay nagmamadali sa pagpunta sa paaralan dahil inatasan ka ng iyong guro na
buksan ang inyong silid-aralan. May nadaanan ka na nakatatanda sa iyo na nahihirapan sa dami ng
kaniyang dala. Ano ang iyong gagawin?
A. Maghahanap ako ng maaaring tutulong sa kaniya.
B. Magmamadali ako na lagpasan siya dahil baka ako ay mapagalitan kapag nauna ang aking guro sa
aming silid-aralan at abutan ito na nakasara pa.
C. Sa kabila ng aking pangamba na ako ay maaaring mapagalitan, tutulong pa rin ako at aking ipagdarasal
na aabot ako sa tamang oras sa aming paaralan.
D. Tutulong ako dahil likas sa akin ang pagiging matulungin na laging ibinibilin ng aking mga magulang.

49. Ang pananahimik ba kahit alam mo ang katotohanan ay magbibigay ng pangkalahatang kabutihan?
A. Hindi, dahil sa panahon ngayon, mas makabubuti kung mas marami ang nakakaalam sa totoong
pangyayari.
B. Hindi, sapagkat mas maraming tao ang gagawa ng kuwento na magiging mali sa kabila ng
katotohanang nalaman nila.
C. Oo, dahil hindi lahat ng katotohanan ay kailangang isiwalat sapagkat naniniwala ako na ang pagsasabi
ng katotohanan ay nakadepende sa sitwasyon na kinakaharap.
D. Oo, dahil pare-parehas ang kakayahan ng tao na tumanggap ng katotohanan.

50. Ang pagiging matapat ba sa lahat ng oras ay masasabi mong isang kakayahan na kakayanin ng isang
mag-aaral na gaya mo?
A. Hindi, sapagkat hindi ko kayang gawan ng kabutihan ang mga taong nakagawa ng masama sa akin.
B. Maaaring oo at hindi, nakadepende ang aking katapatan sa mga taong nakagawa sa akin ng kabutihan.
C. Oo, dahil ang paggawa ng kabutihan ay maaaring idikta ng isip at ating damdamin upang mas manaig
ang pagiging matapat sa anumang oras.
D. Oo, lalo na kung naituro ito sa atin mula pagkabata.

You might also like