You are on page 1of 4

MAMBUGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Antipolo, City
Pasi-Unang Pagsusulit sa EsP Baitang 8
2019-2020

I. Piliin ang pinakatamang sagot.

1. Dito unang nararanasan ang pagmamahal.


A. Paaralan C. Pamahalaan
B. Pamilya D. Barangay
2. Ang sumusunod ay 3 Misyon ng Pamilya maliban sa:
A. Paggabay sa mabuting pasya
B. Pag-aalaga ng hayop
C. Paghubog ng pananampalataya
D. Pagbibigay ng edukasyon
3. Itinuturing din itong pagbibigay ng walang hinihintay na kapalit.
A. libre C. law of free giving
B. kagustuhan D. malaya
4. Ang pamilya ang unang guro sa edukasyon sa pagpapakatao. Alin sa mga sumusunod ang
pagpapahalaga (values) na itinuturo ng pamilya?
A. kagandahan ng kasuotan C. kagandahang-asal
B. pisikal na kagandahan D. pagkakaroon ng material na bagay
5. Si Ben ay galing sa mahirap na pamilya ngunit ginagawa ng magulang niya ang kanilang
makakaya upang maibigay ang edukasyon na para sa kanya. Ano ang mensahe nito para sa iyo?
A. Pahalagahan ang edukasyon C. Maging responsableng anak
B. tulungan ang mga magulang D. Magbigay sa kapwa
6. Ang iyong pamilya ay dumaraan sa maraming pagsubok ngayon. Ano ang marapat mong gawin?
A. mawalan ng pag-asa C. magbisyo
B. lumayas sa bahay D. ipanalangin ito
7. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
B. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya
C. Dahil sa pagmamahal, kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang
kalagayan ng buong pamilya
D. Sapagkat natural lang ang magtulungan sa pamilya upang maipakita ang
suporta sa isat-isa.
8. Anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang magpahayag ng saloobin.
A. monologo C. komunikasyon
B. diyalogo D. pagmamahal
9. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon.
A. pagsasalita C. pakikinig
B. pagmamahal D. pagbibigay ng atensyon
10. Sila ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak
A. lolo at lola C. magulang
B. kapit-bahay D. guro
11. Nasa ibang bansa ang ama ni Melissa, tuwing katapusan ng buwan ay nagpapadala ito ng pera
ngunit hindi ito tumatawag. Ano ang dapat gawin ni Melissa lalo pa at matagal na nilang hindi
nakakausap ang ama?
A. maging masaya na lamang dahil nagpapadala naman ito ng pera
B. isipin na nasa mabuti ito ng kalagayan para hindi ka mag-alala
C. gumawa ng paraan upang makausap at makamusta ang ama
D. balewalain na lamang ang sitwasyon
12. Ito ay pagsasabuhay ng diwa ng bayanihan.
A. papel na pampolitikal C. papel na panlipunan
B. indibidwal na karapatan D. pampaaralang aspeto
13. May pamilyang labis na naapektuhan dahil sa kalamidad, paano mo sila matutulungan?
A. Ipakita ang kalungkutan dahil sa nangyari
B. Hayaan na lamang dahil malalampasan din nila ito
C. Ituro ang mayamang kapitbahay
D. Kusang pagbibigay ng pagkain at iba pang kanilang kakailanganin na kaya mong ibigay

14. Ito ay may kinalaman sa karapatan ng pamilya.


A. papel na pampolitikal C. papel na panlipunan
B. indibidwal na karapatan D. pampaaralang aspeto
15. Ayon kay Agapay (1991), ang _____ ay taong labas sa iyong sarili, maaaring iyong
magulang, kamag-anak, kaibigan, kaklase at pati na rin kaaway.
A. kapwa C. karelasyon
B. kabalikat D. kasundo
16. “No man is an island” ibig sabihin,
A. kayang mabuhay ng tao kahit walang kapwa
B. ang tao ay panlipunang nilalang
C. walang itinuturing na kapwa
D. ayaw sa kapwa
17. Ang mga sumusunod ay aspekto ng pagkatao maliban sa:
A. Panlipunan C. Politikal
B. Intelektwal D. Presensya
18. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga
na tayo ay magrelax. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
A. paglalakad-lakad sa parke C. pagbabakasyon
B. paninigarilyo D. panonood ng sine
19. Ayon kay Aristotle, ang pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan ay:
A. panandalian C. pangmatagalan
B. may kailangan D. may kailangan
20. “Kaibigan kita dahil kailangan kita.” Ibig sabihin,
A. pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
B. pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. pagkakaibigang walang hanggan
21. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang ispiritwal na damdamin(spiritual feelings) ay
nakatuon sa:
A. paghubog ng pagpapahalaga ng kabanalan
B. nagpapahirap sa damdamin
C. sobrang kaligayahan
D. katamlayan
22. Ang _______ ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa
pagmamahal o pagpapahalaga.
A. pakikipagtalo C. pagkakasama
B. pagkakaibigan D. paglalaro
23. Ito ang tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kanyang nakita, naramdaman, naamoy,
nalasahan at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag-iisip.
A. kilos C. emosyon
B. mood D. desisyon
24. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng
paghahanap-buhay?
A. panlipunan C. pangkabuhayan
B. politikal D. presensya
25. Ang mga sumusunod ay mga uri ng pamumuno ayon kay Dr. Eduardo Morato (2007) maliban sa:
A. Adaptibo C. Inspirasyunal
B. Politikal D. Transpormasyunal
26. “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo” ito ay kasabihan na mas kilala
sa tawag na _______.
A. Parabula C. Golden Rule
B. Salawikain D. Pabula
27. Ang mga sumusunod ay negatibong emosyon maliban sa:
A. pag-asa C. pagkagalit
B. pagkatakot D. pighati
28. Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensya sa isat-isa. Ang ibig sabihin ng presensya ay:
A. bagay C. kasiyahan
B. panahon D. pera
29. Paano ka makaiiwas sa pananakit sa taong dahilan ng iyong galit?
A. suntukin na lamang ang pader
B. huwag na lamang siyang kausaping muli
C. kumain ng paboritong pagkain
D. isipin na lamang na sadyang may mga taong nakakasakit ng damdamin ng iba
30. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na wala paalam. Ano ang
idinulot ng iyong kilos?
A. nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
C. Hindi na niya inulit ang kanyang ginawa
D. Nagkaroon ng suliranin sa ugnayan ninyong magkapatid
31. Ang pasasalamat ay isang _____.
A. pagtatangi C. pagpapahalaga
B. katapatan D. pagmamalaki
32. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagbibigay ng regalo sa taong gumawa ng kabutihan
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng salamat
C. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
D. Pagsasabi ng salamat ngunit salat sa gawa
33. Ang sumusunod ay pagpapakita ng pasasalamat maliban sa:
A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw
sa buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
34. Ang ________ ay sumasalamin sa kawalan ng pasasalamat.
A. unconditional love C. pagpapahalaga
B. entitlement mentality D. sakripisyo
35. Ito ay kultura ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng
kagipitan.
A. bayanihan C. ningas-kugon
B. hospitality D. mañana habit
36. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
A. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
C. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
37. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng paggalang sa magulang maliban sa isa:
A. Pagkilala sa mga hangganan at limitasyon.
B. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.
C. Paggalang sa kanilang kagamitan.
D. Pagbibigay ng mamahaling regalo.
38. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda maliban sa isa:
A. Hingin ang kanilang payo at pananaw
B. Ibigay ang lahat ng hinihiling
C. Iparamdam na sila ay naging mabuting halimbawa
D. Kausapin ng maayos
39. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng paggalang sa may awtoridad maliban sa isa:
A. Maging magandang halimbawa
B. Laging ipanalangin na ikaw ay pamahalaan
C. Sundin ang iniuutos kahit labag sa kalooban mo
D. Pakikipag-usap ng maayos
40. Sa panahon na ikaw ay nalilito sa pagsunod, ano ang marapat mong gawin?
A. Gumawa ng survey para malaman ang gagawin
B. I-post sa facebook at hintayin ang mga komento
C. Magtanong sa mga taong may karunungan at tunay na mapagkakatiwalaan
D. Sundin na lamang ang utos kahit hindi mo gusto
41. Ano ang huling layunin ng tao ayon kay Aristotle?
A. Kasarapan C. Kaligayahan
B. Kayamanan D. Katanyagan
42. Si Manuel ay kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siya na
may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kanyang mga kaklase. Ano ang maaaring ibunga nito?
A. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit
B. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
C. Hindi na siya paniniwalaan at pagtitiwalaan
D. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
43. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasabi ng totoo maliban sa:
A. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
B. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at
kapayapaan ng kalooban.
C. Ang pagsasbi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao upang hindi masisi,
maparusahan at masaktan.
D.Hindi mo na kailangan pang lumikha ng maraming kasinungalingan para lamang
mapaninidigan ang iyong nilikhang kwento.
44. May nalaman kang hindi magandang ginawa ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtakpan upang hindi mapagalitan ng guro
B. Takutin ang kaklase
C. Sabihin sa guro ang nalaman
D. Ipaalam sa karamihan
45. Ang seksuwalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao –lalaki o babae –na
Ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
A. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
B. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
C. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
D. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso balang araw
46. Sa panahon ngayon, ikaw ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda para sa susunod na yugto
ng buhay kaya kinakailangang:
A. hanapin mo na ang makakasama mo habangbuhay
B. mag-aral ng mabuti upang may magandang kinabukasan
C. panatilihin ang ugnayan sa iyong hinahangaan
D. alamin ang mga gawain ng buhay may-asawa
47. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
A. Pambubulas C. Fraternity
B. Pandaraya D. Gang
48. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
A. Pagkaranas ng karahasan sa tahanan
B. Paghahanap ng mapagkatuwaan
C. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
D. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
49. Nakaranas ka ng pasalitang pambubulas mula sa iyong kaklase. Hindi mo na matiis ang
pambubulas na kanyang ginagawa. Ano ang marapat mong gawin?
A. Humanap ng magandang pagkakataon para siya ay magantihan
B. Isumbong sa mga kaibigan
C. Ipagbigay-alam sa mga guro o guidance counselor
D. Puntahan sa kanilang tahanan at sabihin sa kanyang magulang
50. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng:
A. Pagsunod sa payo ng magulang
B. Pagpapakita na ikaw ay malakas at may kakayahang gumanti
C. Paggalang sa sarili, sa kapwa at sa buhay
D. Pagbibigay ng gantimpala sa mabait na kaklase

Inihanda ni:

VIRGINIA O. TRANGIA II

ALMA V. ROCREO

LIEZL C. BARILE

CHERIE SANDOVAL

DOMINADOR PADANG
Guro sa EsP 8

Iwinasto ni: Binigyang pansin ni:

FEBIE O. CAADAN ANNA LYN P. RAYMUNDO


Tagapanguna sa EsP Punongguro III

You might also like